Share

Chapter 2

Pumunta si Abby sa department store sa isang mall para bumili ng regalo para sa boyfriend niya na si Paul dahil sa bago nitong trabaho sa isang architectural na kompanya.

"Ano kayang magandang regalo para sa kanya? hmm..." tanong ni Abby sarili habang naglalakad.

Napunta siya sa isang tindahan na may mga binibentang relo. Pumasok ito at lumapit ang isang saleslady sa kanya.

"Ano po ang hinahanap nila?"

"Uhmm.. Kasi.." Naguguluhang sagot ni Abby na abala ang mga mata sa paghahanap ng isang bagay.

"Ireregalo ko sana.."

"Para kanino po? Sa boyfriend ninyo?"

Napatingin si Abby sa saleslady at napangiti, " Ganoon na nga!"

"Ah, ganoon po ba. May imumungkahi po ako.."

May kinuha ang saleslady na mga kahon ng relo. Medyo na-curious si Abby at napantingin lang ito habang naghihintay sa kanya.

" Heto po miss.. Bagay ito sa inyo, isang couple watch."

"Huh?" Namangha si Abby sa pinakitang mga relo. "Ang ganda!"

"Tamang tama po iyan."

" Sige, bibilhin ko."

Hindi na mapinta ang mukha ni Abby sa kasiyahan. Nasasabik na itong maibigay ang sorpresang regalo sa boyfriend niya.

"Talagang matutuwa siya nito."

Binili na ni Abby ang couple watch. Hawak na niya ang paperbag na naglalaman ng kahon. Ang saya nitong dala ang biniling regalo.

Sa paglalakad niya ay nakasalubong niya ang isang kaibigan.

"Abby!" tawag sa kanya.

Napalingon si Abby at nakita ang tumawag sa kanya. " Meimei?"

"Abby!" sigaw nito sa kagalakan na makita ang isang kaibigan.

Niyakap nila ang isa't isa.

" Kumusta ka na Meimei?"

" Okay lang ako, ikaw Abby?"

"Okay lang rin naman."

" Saan ka na ngayon nagtratrabaho? Same pa rin ba?" dagdag pa nito.

" Hindi na. Sa ngayon ,naghahanap pa ako. Pero may mga interviews na at kailangan ko nalang maghintay ng kanilang mga sagot at tawag."salaysay ni Abby.

"Ganoon ba. Sayang, baka gusto mong mag-apply sa kompanya na tinatrabahuan ko. Hiring ng secretary."

" Huh?"

" Pwede kitang irekomenda. Asap kasi ito. Baka gusto mo?"

Natahimik si Abby at mukhang nag-iisip.

" Try mo lang habang naghihintay sa mga kompanyang inapplyan mo."

" Secretary ka mo?"

" Oo, di ba naging secretary ka na rin sa isang kompanya bago ka lumipat rito. So kayang kaya mo na iyon!"

"Pag-iisipan ko."

"Sige, kung nakapadesisyon ka na na susubukan, tawagan mo ako agad. Kung maaari, as soon as possible.. Baka kasi maunahan ka pa. Mahirap na."

Napangiti si Abby sa kaibigan. "Sige, salamat!"

--------

Nasa isang massage spa si Maggie kasama ang isang kaibigan na si Betty. Nakahiga sila sa isang kama habang minamasahe ang likod.

"Sasamahan ako ng bf ko. Ikaw, sasamahan ka ba ni Mr. Right sa pagshoshopping ngayon?" tanong ni Betty kay Maggie.

"Syempre naman. Wait at tatawagan ko siya," sagot ni Maggie.

Tinawagan ni Maggie si Kristoff sa kanyang phone. Nag-ring ito sa kalagitnaan sa isang meeting.

Napatingin lahat kay Kristoff na syang nakaupo sa unahan.

" Excuse, I will just answer my phone."

Sabay tayo si Kristoff at umalis sa silid.

" Hello babe?" nakangiting bati ni Maggie sa kasintahan.

" Babe, I'm on a meeting. Bakit ka ba napatawag?"

" Samahan mo naman ako magshopping ngayon. It will be a double date with Betty and her bf."

"Babe, may inaasikaso kami sa kompanya ngayon. May meeting rin ako. Sorry babe di kita masasamahan."

"Haist!" nakasimangot na reaction ni Maggie.

Natatawa naman si Betty habang pinagmamasdan ang expression ng mukha ni Maggie.

"Babawi nalang ako sa iyo. I need to hang up the phone. I need to go back now."

" Okay."

"Bye."

He cancelled the call.

" Love you!" wika ni Maggie.

Di mapigilan ni Betty na di tumawa at pagtawanan ang kasama. " So, ano na?"

"Nakakainis!"

" Kristoff ay napaka workaholic talaga. Di mo talaga siya mapapahinto sa ginagawa niya." ani pa ni Betty.

" Haist!"

" Kulang nalang na-iengage siya sa kanyang trabaho at magpakasal. Ayaw na niya yatang tumigil sa katratrabaho." naiinis na sabi ni Maggie.

" Mags, para naman yan sa future ninyong dalawa. Ang kompanya niya ay magiging kompanya mo na rin kapag ikinasal na kayo." paliwanag ni Betty.

Bumangon sa kakahiga si Maggie at napatingin sa nakahigang kaibigan.

" Sana nga."

" Nagpropose na ba siya? May balak na ba kayo?" dagdag na tanong ni Betty.

" He might just surprise me soon."

Napangiti nalang si Betty.

------------

" Congratulations!!" bati nila kina Paul at Yong na magiging kasapi na ng kompanya.

" Salamat po." wika ni Paul na nagagalak sa pagtanggap sa kanya.

Hinawakan ng manager ang balikat ni Paul at sinabing, " Welcome to the team!"

Napangiti naman si Paul kay Manager Kim.

Dahil may bago sa kompanya, magkakaroon sila ng welcome celebration sa dalawa.

" Let's party!"

---------

Pumasok na sa trabaho si Lala. Nakasuot pa ito ng jacket nang pumasok sa back door ng isang bar.

" Lala, ang aga mo yata." sabi ni Gigi.

" Tapos na ako sa isa kong trabaho kaya pumunta na ako rito." sagot ni Lala.

Hinubad na ni Lala ag suot na jacket at pumunta sa may locker kung saan naroon ang mga damit na pwedeng gagamitin. Pumili siya roon kung ano ang susuotin.

" Lala!Lala!" tawag ng isang bakla na si Mario na tawag sa kanya ay Marie.

Napalingon si Lala, " Yes, Marie!"

"Gurl, may dala akong bagong wig para sa iyo. Bagay na bagay ito sa iyo. Gusto mong subukan?"

Napangiti si Lala at inabot ni Marie ang wig sa kanya.

" Mukha ngang maganda. Short haired wig!"

Samantala, dumating sina Mr. Kim at iba pa kasama si Paul sa bar. Siyam sila lahat kasama ang dalawang baguhan sa grupo. Napakaliwanag at maraming ilaw ang paikot ikot sa lugar. Ang mga waiter na mga babae ay napakaikli ng damit at napakasexy. May bartender rin sila na nasa may sulok.

" Oh la la! Ang ganda rito!" sabi ng kasamahan ni Mr. Kim.

Sa loob ay may nagdidisco at kumakanta. Sa mga mesa naman ay may umiinom at nagseserve ng mga inumin.

Umupo ang grupo sa isang couch na mya pabilog na mesa. Nakaharap sila sa stage kung saan may magpeperform mamaya.

Dumating na ang mga inumin nila at sinimulan na nilang uminom.

" Welcome to the team Paul at Yong! Cheers!"

-------

Naghahanda naman si Abby sa unit ni Paul ng isang sorpresa. Bumili siya ng cake at makakain. Binigyan rin si Abby ng duplicate ng susi ni Paul kaya nakakapasok ito.

Hawak hawak niya ang regalong ibibigay niya kay Paul. Nakangiti itong pinagmamasdan ang kahon.

"Congratulations!" wika ni Abby sa sarili.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Paul. Di pa rin maalis ang ngiti at kasabikan sa labi ng dalaga. 

It's ringing pero walang sumasagot.

Hindi na napansin ni Paul na may tumatawag sa cellphone niya. Hiyaw at ingay ang bumabalot sa buong lugar.  Paulit - ulit naman ang pag - ring ng cellphone pero hindi niya ito narinig. Nagkakatuwaan na ang lahat sabay inom hanggang unti - unti na silang nalalasing.

Umakyat na rin ang isang sexy na babae na nakasuot na short-haired wig sa stage.

Napasigaw na ang lahat," Yoo!! Yeah!!"

Sinimulan niyang kumanta sa stage at habang kumakanta ay sumasayaw ito paikot sa isang pole.

" Ang galing!!" sigaw ng isa.

Napatingin si Paul at ang mga kasamahan nito sa babaeng nasa stage. Pumapalakpak sila habang nagpeperform ang dalaga. 

Mas lalong napatitig si Paul sa mukha ng babae ng dumaan ang makukulay na ilaw sa kanya. Napatingin na rin ang babae sa lugar nila Paul. Panay sigaw ang mga kasamahan ni Paul kaya nakuha nito ang pansin ng dalaga.

Sa backstage, nanonood sila Gigi at Marie sa babaeng nagpeperform, "Ang galing talaga ni Lala. She is really a performer!"

---------

Napapatingin nalang si Abby sa orasan na nasa dingding nito habang hinihintay ang kasintahan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora miano
dancer diay ni lala
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status