Share

Chapter 43

NAGULANTANG ang lahat sa malakas na boses ni Renato bago pa man sumapit ang gabi. "Pambihira! Nasaan na ang mga 'yon?" Walang nais na sumagot sa mga tinugon nito at sa halip ay nagpatay malisya lamang ang grupo nila Renzo. Sa katunayan ay tagumpay ang naging plano nilang pagpapaalis sa mga bagong tauhan ni Renato, at inaasahan na nilang ganito ang magiging reaksyon ng amo kapag napagtanto nitong ipinagkanulo naman ito ng mga pinagkatiwalaan nitong mga tao.

"Wala bang nakakarinig sa akin?" Doon lang nagsimulang sumagot si Renzo.

"B-boss, wala na po sila."

"Ano? Paanong wala?"

"Umalis na po sila at iniwan ang kanilang mga trabaho. Siguro ay napagtanto nilang wala silang mapapala sa ganitong uri ng trabaho."

Nakita nila ang pagkuyom ng kamao ni Renato at walang alinlangang isinuntok iyon sa isang kwadradong lamesa. " Kung ganoon ay pinatunayan lang nilang mga taksil sila!" Kapagkuwa'y nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kanilang apat. "Umamin nga kayo sa akin, tulad n'yo rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status