Share

Chapter 46

YUMANIG sa kabuuan ng mansyon ang malakas na boses ng mga taong nagra-rally sa labas. "Bakit ang ingay naman?" Bulalas ni Margaret na saktong nagdidilig ng mga halaman nang sandaling iyon. Sa katunayan ay nagpresinta siya kay Simon na siya na ang magdidilig ng mga halaman sa hardin at para na rin makapaglakad-lakad siya ngayong kabuwanan niya na.

"Anong nangyayari?" tanong ni Aleng Francia na narinig ang malakas na sigawan." Hindi nakasagot si Margaret dahil wala rin naman siyang ideya kung saan nagmumula ang galit ng mga tao.

Hanggang sa nalinawan sila pareho ni Aleng Francia sa mga narinig. "Ibigay ang huling sahod! Ibigay ang huling sahod!" Paulit-ulit na sigaw ng mga tao. Nang pagmasdang mabuti ni Margaret ang mukha ng mga ito ay napagtanto niya na ito ang mga dating empleyado sa pabrika, at nagra-rally ang mga ito dahil hindi naibigay ang kanilang huling sweldo simula nang ipasara ito.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Tamara na halatang napilitang harapin ang mga ito. "Hoy!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status