MALAKING KWESTYON pa rin kay Margaret ang nangyari kagabi. Hindi niya maintindihan kung paano sila hindi nagawang saktan na magkapatid ng mga naka-bonet na lalaking iyon. Subalit naging aral din sa kanila ni Tamara na hindi dapat sumasama kung kani-kanino. Bagama't naging lingid pa rin sa kaniyang inang si Maria at amang si Renato ang pakikipagtalik kay Philip ay naging palaisipan pa rin sa kaniya ang agarang pagkasangkot nito sa barilan.
Kinabukasan ay naging usap-usapan sa bayan ang nangyaring barilan sa karatig bayan ng Eldefonso na San Miguel, kung saan nagtungo sina Margaret at Tamara kasama ang kanilang mga kaibigan at ang dalawang binata na sina Philip at Andrew. Kaya naman sandaling binisita ng kanilang amang si Renato ang lugar na kinasangkutan ng krimen kasabay nang pag-iimbestiga ng mga pulis. Bagama't nalaman na nito kay Margaret kung ano ba ang nangyari at sa palagay ni Renato ay sinuway ng kaniyang mga tauhan ang kaisa-isa niyang bilin.Pasakay na sana si Renato ng Gazelle Next Van nang sundan ito ng dalawang anak na sina Margaret at Tamara. "Sasama po ako, papa!" pagpipresinta ni Margaret sa ama. Habang sinusubukan naman siyang pigilan ni Tamara. "Sige na, ate, hayaan mo na akong sumama. Hindi ako mapapanatag kung hindi ko babalikan ang lugar na 'yon. Kung saan namatay si Philip," mahinahong sabi niya kay Tamara. Namamayani pa rin kasi sa kaniya ang bakas ng kanilang p********k ni Philip bagama't malaki ang kaniyang panghihinayang sa buhay na maagang siningil kay Philip."At bakit ka naman sasama, Margaret?" Bahagya silang natahimik ni Tamara at kapagkuwa'y nagkataasan ng kilay. Batid niya na si Ate Tamara niya lamang ang tanging maaasahan sa kaniyang mga kapatid dahil ito lang ang nakakaalam sa nagawa niyang kalokohan."Pa, hindi ba't doon nangyari ang krimen sa bayan ng San Miguel, kung saan kami dumayo ni Ate Tamara? At sigurado akong, kakailanganin ng mga pulis ang statement namin ni ate," sagot ni Margaret. Na naabutan naman nina Karadine at Isabel."At bakit ba kasi kayo sumama pa roon, Ate Margaret? Hindi n'yo ba alam na labis n'yo kaming pinag-alala?" singit ni Karadine na sandaling ikinataas ng kilay nina Tamara at Margaret."So, uso pala ang pag-aalala, Karadine? E, kung ipagtulakan mo nga ang mga bisita namin kahapon dito sa mansyon ay parang mga hayop lang, e," katwiran ni Margaret. At saka ito nagkatinginan ni Tamara."Sandali, totoo ba 'yon, Karadine?" mata sa matang tanong ni Renato kay Karadine."Pa, wala pong nangyaring pagpapalayas. Kusa po silang umalis at saka, nag-stay pa nga sila pagkatapos kong paalalahanan sina Ate Margaret at Ate Tamara na baka magalit ka kapag nalaman mong nag-iimbita sila ng kung sinu-sino. Lalo na ang dalawang lalaking dayo na 'yon.""'Wag mong huhusgahan si Philip!" pasigaw na giit ni Margaret. Na halatang mas pinapaburan ang naging katalik kaysa sa kaniyang kapatid.Doon nandilat ang mga mata ni Karadine kasabay nang naging katanungan ng kanilang ama para kay Margaret. "Sandali, Margaret, anong relasyon mo sa dayong iyon at tila alalang-alala ka?"Doon namayani ang sandaling katahimikan. At kasabay din niyon ang pagtatagpo ng kanilang mga mata ni Tamara. "Pa, aaminin kong naging malapit na kaibigan din sa akin si Philip kahit kahapon ko lang siya nakasama. Hindi ba, Ate Tamara? Gano'n din naman kayo ni Andrew?"At dahil ayaw din naman ni Tamara na mapasamâ ang kaniyang nag-iisang kakampi sa mga magkakapatid ay nagawa nitong pagtakpan ang katotohanan kahit pakiramdam nito'y may inililihim pa ang kapatid. "Ah, siyempre, pa, naging parte rin kasi sila ng tropa, e. At saka sila rin ang nag-imbita sa amin sa lugar na iyon.""O, kita n'yo na? Lumabas din ang katotohanan na bigla-bigla kayong nagtitiwala sa kung sinu-sino," giit pa ni Karadine na lalong ikinainis ni Margaret."Pakialam mo ba? May naitulong ka ba para hanapin kami kagabi? Wala kang alam, Karadine. Minsan pa nga, kung sino pa 'yung mga taong inakala mong sasaktan ka ay sila pang magliligtas sa. buhay mo," makahulugang sabi ni Margaret dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano sila hindi nagawang saktan ng mga lalaking naka-bonet kagabi."Anong ibig mong sabihin, Ate Margaret?" tanong ni Isabel sa kapatid."'Yung mga naka-bonet na nakapatay kay Philip ang silang nagligtas sa amin ni Ate Tamara.""Ano? Sino naman kayang mga naka-bonet iyon?" takang katanungan ni Karadine.At dahil ayaw na rin naman ng kanilang ama na usisain pa ang tungkol doon ay nagpasya na ito."Hayaan n'yo na, ang mahalaga ay ligtas ang mga kapatid n'yo," wika ni Renato kay Karadine. Saka ito nagbalik ng tingin kay Margaret. "O, sige na, papayag na akong sumama ka, at ikaw Tamara, sumama ka na rin para may makakausap doon ang kapatid mo." Napatango naman si Tamara at saka pasimpleng pinisil ang kaniyang braso nang dahil sa paglusot ni Margaret sa nagawang kalokohan.Nang makarating sila roon ay may bahid pa rin ng dugo mula sa pinagbagsakan ng katawan ni Philip. Naroon na rin ang mga pulis na nag-iimbestiga sa pinangyarihan ng krimen at doon nila nalaman na kagabi pa nakuha ang katawan ni Philip Baltazar upang dalhin sa morgue. Kasama raw nito ang malapit na kaibigang si Jomel at ang ama't ina ni Philip. Pasimple pang napalingon si Margaret sa palikuran na pinangyarihan ng pakikipagtalik niya kagabi kay Philip matapos punasan ang kaniyang namuong munting luha. At habang abala ang mga pulis sa pag-iimbestiga ay siya rin namang pakikipag-ugnayan ni Renato Monteza sa pagbibigay ng statement sa mga ito.Kaya naman nang sandali rin iyon ay hindi naiwasang usisain ni Tamara ang nangyari sa kanila ni Philip. "Margaret, umamin ka nga sa akin, bukod sa pakikipaghalikan mo kay Philip kagabi ay may nangyari sa inyo, 'no?" pabulong na wika nito at siniguradong walang ibang p'wedeng makarinig sa kanila."Ate--""Magsinungaling ka na sa lahat, 'wag lang sa akin. Kitang-kita ko ang luha sa mga mata mo kanina habang pinagmamasdan ang mga bahid ng dugo ni Philip.""Oo na, aaminin ko. Pero hindi namin 'yon natapos-- dahil may dumating na mga naka-bonet na mga lalaki.""Nakilala mo ba ang mata ng mga naka-bonet, Ms. Margaret Monteza?" Napalingon sila pareho ni Tamara sa bumungad na katanungang iyon. Iyon pala ay mula sa mga pulis na nakatakdang mag-interview rin sa kanilang magkapatid.Sandali niyang inisip ang pangyayari. Habang namamayani naman ang kaba ni Renato sa magiging statement ng anak. At kung sakaling magkaroon man ng aberya ay wala itong ibang sisisihin kundi ang mga tauhan na sumuway sa kaniyang bilin. "Hindi ko po sila namukhaan kahit sa mata lang, dahil masyadong madilim ang lugar na 'to," sagot ni Margaret."E, kung madilim pala ay anong ginagawa n'yo sa lugar na ito ni Philip Baltazar?"Doon na lumapit si Renato upang mas marinig ang pahayag ng anak. "Nagpasama sana ako kay Philip para gumamit ng palikuran dahil nga madilim ang lugar. Hanggang sa makarinig na lang ako ng putok ng baril at ang putok na 'yon ay nasundan pa ng napakaraming putok, at sa paglabas ko ay doon ko lang napagtanto na duguan at wala nang malay si Philip," maluha-luha niyang sabi.Matapos kunin ang pahayag niya ay pahayag naman ni Tamara ang kinuha ng mga pulis. At ayon sa kanilang k'wento ay malinaw na naunang nagpaputok ng baril si Philip kung kaya't hindi na nakapagtimpi ang grupo ng Mochizet at nakipagpalitan ito ng baril. At sa kasamaang palad ay tinadtad ng bala ang katawan ni Philip."Chief, heto ang baril na posibleng gamit ni Philip sa pakikipagbarilan," sabi ng isang pulis at pagkaabot lamang ng baril na iyon kay chief officer Luiz Calderon ay nakilala na agad iyon ni Renato. Hindi siya maaaring magkamali-- kahawig iyon ng karaniwang baril na ibinebenta nila.Umalis na rin sila roon pagkatapos lamang na hingin ang kanilang statement ng mga pulis. At sa pagkamatay ni Philip ay hindi naman napigilang magluksa ni Jomel at ng mga magulang ni Philip.-Lihim pa rin na nagmatyag si Karadine kinalaunan sa nasabing negosyo ng kaniyang ama. Kaya naman nang mismong araw din na iyon ay pasimple niya itong sinundan matapos nitong umuwi sandali sa mansyon. Mabuti na lamang at kasalukuyang wala si Isabel para sandali niyang matakasan ang buhay sa mansyon.Nagawa niyang mag-commute kahit p'wede naman siyang magpahatid sa kalesa na kanila ring pagmamay-ari. Nagkukumahog na siya sa pagsunod suot ang itim na rayban at bandana na pangharang sa kaniyang itim at mahabang buhok. Bukod pa ro'n ay nakasuot pa siya ng kulay itim na muscle sando at naka-tack in dito ang kaniyang high waist ripped jeans.Kapansin-pansin ang pagtataka niya sa nasabing lugar na pinagtirikan ng negosyo ng kaniyang ama. Dahil malayo ito sa bayan at tila liblib pa. Ang tanging mga sumasadya lang doon ay ang mga siguradong mga parokyano. Nagtago siya sa maliit na tunnel nang inaakala niyang pabrika. Bagama't wala pa siyang ideya kung ano ang estado ng kalakalan doon ay namumuhay naman ang kaniyang matinding kaba na baka matunugan siya ng ama sa kaniyang pagsunod. Sinubukan pa niyang pasukin ang secret tunnel na iyon habang sinusundan ang pagpasok ng ama at doo'y nakita niya ang mga kalalakihan. At katulad nang madalas niyang makita sa pelikula ay nakita niya rin kung paano ng mga ito igalang ang kaniyang ama sa pagdating nito. Nagtaka siya nang makitang wala namang ibang kaaya-ayang produkto na posibleng makita sa pabrika na iyon. Maliban sa mga baril na nakasabit sa dingding. Subalit mas namilog pa ang kaniyang mga mata dahil hindi lang iyon iilan subalit napakaraming baril ang tumambad sa kaniya.Animo'y nanigas ang kaniyang katawan kasabay ang pamamawis na dulot ng matinding kaba. Doon nga'y napatunayan niya na isa iyong pabrika-- ngunit pabrika ng mga baril!Hanggang sa siya'y natigilan sa malakas na sigaw ng kaniyang ama. "Bakit n'yo sinuway ang bilin ko? Hindi ba't kabilin-bilinan ko na 'wag ninyong dudungisan ang inyong kamay gamit ang dahas na pinagkakakitaan natin?""Ano? Sandali, hindi ko maintindihan.." takang bulong niya sa isipan.At doo'y hindi pa niya sinasadyang marinig ang sumunod na sinabi ng kaniyang ama habang isa-isa nitong binibigyan ng matalim na titig ang mga tauhan, "Sino ang bumaril sa dayong iyon? Aminin n'yo!" Doon siya nagtaka. Doon namuo ang kaniyang panghihinala. At parang nanghihina siyang marinig na may nalalaman ang kaniyang ama sa pagkamatay ng nasabing dayo na si Philip Baltazar.NAKAKABINGING katahimikan ang namayani sa paligid kasabay ng matinding kabang nararamdaman ng mga tauhan ng kaniyang ama na siya ring nararamdaman niya ngayon. Hanggang sa isang boses ang bumasag sa katahimikang iyon. "A-ako po, boss. Ako po ang pumatay sa dayong iyon!" giit ni Florencio.Kaya naman nakita ni Karadine ang mabilis na pagsinghal ng kaniyang ama. "Wala kang k'wenta! Sa ganoong paraan pa talaga?" Hindi pa nakuntento ang kaniyang ama at binalot pa ng palad nito ang panga ng tauhang si Florencio. "Hindi mo ba naisip na bukod sa krimeng ginawa mo ay maaaring maapektuhan ang aking negosyo? Paano kung makarating sa pamilya ng mga Baltazar na ang grupo natin ang may kinalaman sa pagkamatay ng dayong iyon?" At tila mas tumindi pa ang galit ni Renato sa tauhan sa mga sumunod na sinabi nito, "Florencio, isang malakas na parokyano natin ang pinatay mo!" Napahalukipkip lamang si Karadine sa mga nasasaksihan.Samantala'y halatang-halata naman ang panginginig ng katawan ni Florencio
"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kami alalang-alala sa'yo." Hindi maiwasang magpakita nang pag-aalala ng inang si Florida para sa kaniyang anak na si Karadine. Pasado alas nuwebe na kasi ng gabi nang makauwi sila ng mansyon kasama ang kaniyang ama. Subalit ang kaniyang mga nalaman ay pinili na muna niyang ikubli sa kaniyang isipan. Magsasalita na sana siya nang unahan siyang magsalita ng kaniyang ama, "Magkasama kami ng anak mo, Florida, buong maghapon kaya wala kang dapat na ipag-alala."Napanatag naman na si Florida sa isinagot ng asawa habang nagpapahinga ito sa may sofa. Samantalang siya naman ay dumiretso na sa kaniyang silid habang laman pa rin ng kaniyang isip ang mga nangyari. Tila hindi pa rin mag-sink in sa utak niya kung gaano kabilis ang mga pangyayari, at kung paano niya tinanggap nang walang pag-aalinlangan ang trabahong inalok ng kaniyang ama.Subalit dahil sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayang nakatayo sa tapat ng kaniyang silid sina Tamara, Margaret
"Hay! Nakakapagod din pala ang mag-training ng ganito!" bulalas ni Karadine sa kawalan bago pa man tunggain ang tubig na nasa kaniyang tumbler. Subalit hindi pa man siya tuluyang nakakainom ay isang pamilyar na boses naman ang bumungad sa kaniya. "Ang galing mo kanina."Pagkalingon niya rito ay imbes na magandang ngiti ang mabungaran niya rito ay pagiging seryoso ng mukha pa ang nakita niya. Kaya naman matapos niyang tunggain ang tubig na nasa tumbler ay bahagya siyang napailing at sinabi, "Hindi ko alam kung pinupuri mo ba ako o iniinsulto, Yvo." Tipid naman itong napangisi. "Seryoso ako." Bahagya namang napataas ang kilay niya. "Halata nga, kasi never ka pa namang ngumiti sa harapan ko, e." "Anong ibig mong sabihin? Na hindi ako marunong ngumiti?" "Hm, wala akong sinasabi. Pero kung ikukumpara kita kay Renzo, mas madalas ko siyang nakikitang nakangiti kaysa sa'yo. Para bang pasan mo ang buong mundo?" may tonong pang-aasar pa niya. Inaasahan niyang mapapangiti na ito sa sinabi ni
Hindi nagtagal ay agad din siyang isinabak sa shooting range ng kaniyang ama kasabay nang pagti-training niya ng martial arts. Sa tulong din naman ni Ken ay mas lumawak pa ang kaalaman niya sa martial arts, na kung dati ay napapanuod niya lamang. Sadyang hindi madali ang kaniyang bawat training araw-araw ngunit kailangan niyang kayanin upang mas ipagmalaki pa siya ng ama at nang sa gano'n ay mas pagtiwalaan na maging kanang kamay nito. Anuman ang pinaplano niyang malaking pagbabago sa grupong binuo nito ay minabuti niyang sarilihin na muna. Dahil sa tingin niya ay hindi naman matatapos ang kaniyang pag-eensayo sa trabahong pinasok niya. "Mas gumagaling ka, Karadine. Hindi nga nagkamali ng desisyon ang iyong ama. Dahil ikaw lang ang kinakitaan niya ng tapang at angas sa inyong magkakapatid pagdating sa pakikipaglaban." Bahagyang napaawang ang labi niya sa sinabi ni Ken. Saka naman sumagi sa isip niya kung paano siya nagawang isama noon ng ama sa bawat training nito sa martial arts."Ku
"Uy, Ate Tamara, ano bang ginagawa mo? Bakit para kang stalker diyan kay Karadine?" Hindi naiwasang pandilatan ng mata ni Tamara ang nakababatang kapatid na si Margaret nang madatnan siya nitong nagtatago sa likod ng mga halaman sa garden. "Ano ba? 'Wag ka ngang maingay. Hindi mo ba napapansin? Inaalam ko ang bawat galaw ni Karadine para malaman ko kung paano siya s********p kay papa." May pag-irap sa kawalang sabi ni Tamara. Dahilan para bahagyang kumunot ang noo ni Margaret. "Seriously? Pero baka nakakalimutan mo, siya pa rin ang legal na anak ni papa." Sandaling napangisi si Tamara habang hindi nito inaalis ang tingin sa bunsong kapatid na si Karadine. "You're right, Margaret, kaya nga gumagawa ako ng paraan para magkaroon siya ng butas kay papa, e. Nang sa gano'n ay mapansin niya naman ako bilang anak. Nakakainis lang isipin na palagi na lang si Karadine ang magaling, matalino at responsable. Hay!" bulalas pa niya at sa puntong iyon ay hindi inaasahang matutumba niya ang isang p
Buwis buhay ang naging pagsabak nina Yvo, Renzo at ng ibang miyembro ng Mochizet upang makamit lang ang inaasam na pwesto, gayundin ang malaking halaga na katumbas nito.At para kay Karadine ay parang ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang mga tauhan ng kaniyang ama, lalung-lalo na si Yvo. Pero kahit gano'n ay hindi niya man lang nakita sa mukha ni Yvo ang pagsuko kahit na halatang hirap na hirap na ito. Hanggang sa itinanghal sina Yvo at Renzo bilang pinakamatatag sa lahat. At dahil may kailangan pang hirangin sa dalawa para sa isang nakatakdang pwesto ay kinakailangan pa muling magtuos ng dalawa. Kung saan ay kinakailangan ng mga itong timbangin sa mga braso ang isang sako na naglalaman ng mga bakal habang nakatayo sa loob ng trenta minuto. Tibay at lakas ng katawan ang magiging labanan at kung paano naman ang kagustuhan ng dalawang makamit ang kaisa-isang pwesto ay sila rin namang pagtitiis nila sa hamon ng buwis buhay challenge na iyon."Ten minutes left," wika ni Ken na nagsilbing
Ngayong alam na nina Tamara at Margaret ang kalakalan na nangyayari sa pabrika ng mga baril na pinatatakbong negosyo ng kanilang ama ay hindi maiwasan ni Karadine ang mag-alala lalo pa't hindi na siya nakahindi sa kondisyon ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Tamara. Malalim ang iniisip niya ng mga sandaling iyon, malapit na ring magdilim kung kaya't damang-dama na niya ang malamig na klima sa paligid. Animo'y sumasabay liparin ng malakas na hangin ang kaniyang itim at mahabang buhok na ngayo'y nakalugay lamang at mas lalong nagbibigay ng atraksyon sa iba bukod pa sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Nakita niyang may tumayo malapit sa kaniyang kinatatayuan at sigurado siyang kahit hindi niya ito lingunin ay malakas ang kaniyang paniniwala na ito si Yvo. "Mabuti naman at nilapitan mo rin ako, akala ko ay umiiwas ka, e." Nasambit niya sa kawalan, bagay na ikinabuntong hininga naman nito.Maya-maya pa'y bigla siya nitong hinawakan sa mga braso at mabilis na hinila palayo sa mism
SA GITNA ng katahimikang namamayani sa pagitan nila ay umisip si Karadine ng dahilan upang magawang lusutan ang isyung narinig ng kaniyang dalawang nakatatandang kapatid. "A-ah, mga ate, hindi naman totoo ang narinig n'yo. Masyado lang ma-issue itong si Rosanna." Matapos niyang sabihin iyon ay pinandilatan niya ng tingin ang matalik na kaibigan upang matuto itong sumakay sa rason niya. "Ah-- o-oo, ano kasi, e, alam n'yo naman na ako itong excited na magka-boyfriend na ang best friend ko!" katwiran pa ni Rosanna. Doo'y bahagya namang napataas ang kilay ng dalawang sina Tamara at Margaret. "At sino naman itong lalaking tinutukoy ni Rosanna, Karadine?" "Si--" Bago pa makapagsalita si Rosanna ay inunahan niya na ito."Si Renzo," pagsisinungaling niya, para wala nang marami pang tanong. Isabay pa ang pangako niya kay Tamara na tutulungan niya itong mapalapit kay Yvo. "Whatever, let's go, Margaret," taas kilay na wika ni Tamara.Mukhang naging effective naman ang kaniyang naging palusot