Buwis buhay ang naging pagsabak nina Yvo, Renzo at ng ibang miyembro ng Mochizet upang makamit lang ang inaasam na pwesto, gayundin ang malaking halaga na katumbas nito.At para kay Karadine ay parang ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang mga tauhan ng kaniyang ama, lalung-lalo na si Yvo. Pero kahit gano'n ay hindi niya man lang nakita sa mukha ni Yvo ang pagsuko kahit na halatang hirap na hirap na ito. Hanggang sa itinanghal sina Yvo at Renzo bilang pinakamatatag sa lahat. At dahil may kailangan pang hirangin sa dalawa para sa isang nakatakdang pwesto ay kinakailangan pa muling magtuos ng dalawa. Kung saan ay kinakailangan ng mga itong timbangin sa mga braso ang isang sako na naglalaman ng mga bakal habang nakatayo sa loob ng trenta minuto. Tibay at lakas ng katawan ang magiging labanan at kung paano naman ang kagustuhan ng dalawang makamit ang kaisa-isang pwesto ay sila rin namang pagtitiis nila sa hamon ng buwis buhay challenge na iyon."Ten minutes left," wika ni Ken na nagsilbing
Ngayong alam na nina Tamara at Margaret ang kalakalan na nangyayari sa pabrika ng mga baril na pinatatakbong negosyo ng kanilang ama ay hindi maiwasan ni Karadine ang mag-alala lalo pa't hindi na siya nakahindi sa kondisyon ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Tamara. Malalim ang iniisip niya ng mga sandaling iyon, malapit na ring magdilim kung kaya't damang-dama na niya ang malamig na klima sa paligid. Animo'y sumasabay liparin ng malakas na hangin ang kaniyang itim at mahabang buhok na ngayo'y nakalugay lamang at mas lalong nagbibigay ng atraksyon sa iba bukod pa sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Nakita niyang may tumayo malapit sa kaniyang kinatatayuan at sigurado siyang kahit hindi niya ito lingunin ay malakas ang kaniyang paniniwala na ito si Yvo. "Mabuti naman at nilapitan mo rin ako, akala ko ay umiiwas ka, e." Nasambit niya sa kawalan, bagay na ikinabuntong hininga naman nito.Maya-maya pa'y bigla siya nitong hinawakan sa mga braso at mabilis na hinila palayo sa mism
SA GITNA ng katahimikang namamayani sa pagitan nila ay umisip si Karadine ng dahilan upang magawang lusutan ang isyung narinig ng kaniyang dalawang nakatatandang kapatid. "A-ah, mga ate, hindi naman totoo ang narinig n'yo. Masyado lang ma-issue itong si Rosanna." Matapos niyang sabihin iyon ay pinandilatan niya ng tingin ang matalik na kaibigan upang matuto itong sumakay sa rason niya. "Ah-- o-oo, ano kasi, e, alam n'yo naman na ako itong excited na magka-boyfriend na ang best friend ko!" katwiran pa ni Rosanna. Doo'y bahagya namang napataas ang kilay ng dalawang sina Tamara at Margaret. "At sino naman itong lalaking tinutukoy ni Rosanna, Karadine?" "Si--" Bago pa makapagsalita si Rosanna ay inunahan niya na ito."Si Renzo," pagsisinungaling niya, para wala nang marami pang tanong. Isabay pa ang pangako niya kay Tamara na tutulungan niya itong mapalapit kay Yvo. "Whatever, let's go, Margaret," taas kilay na wika ni Tamara.Mukhang naging effective naman ang kaniyang naging palusot
PIGIL HININGA sila ni Yvo bago magdesisyong harapin ang dalawang tauhan na iyon ni Mr. Benitez. At sa kanilang pagharap ay naging handa ang sarili nilang lumaban nang patas at walang hawak na kahit na anong armas. Mabilis pa sa alas kwatrong nasipa ni Karadine ang hawak na baril nito habang nanatiling nakatutok ang baril kay Yvo ng isang tauhan."Lumaban kayo nang patas!" matapang na aniya. Wala na siyang choice kundi ang magsalita at posibleng makilala ang boses niya bilang isang anak at tagapagmana ng pamilya Monteza at kahit na natatakluban ng bonnet ang kaniyang mukha, hindi naging hadlang iyon para makita ang ganda ng kislap ng kaniyang mga mata. "Sino ba talaga kayo?" tanong ng isang tauhan na nakatutok pa rin ang baril kay Yvo. Saka rin nito nagawang itutok ang hawak na baril sa kaniya. "Kahit natatakluban ng bonnet ang inyong mukha, malinaw na babae ang isa sa inyo at hindi lang basta babae, maganda, hah?" Sa isip ni Karadine ay hindi maituturing na compliment ang narinig ni
"PAPA, bakit naman bigla kang nagdedesisyon nang hindi ko alam? Sigurado ka po bang mapagkakatiwalaan si Ate Tamara?""Anuman ang napagkasunduan naming dalawa ay labas ka na ro'n, Karadine. Kung maaari nga ay pansamantala ka na munang mag-stay sa mansyon." Napailing siya. "Papa--" "Sinabi na sa akin nila Yvo ang matagumpay ninyong operasyon kagabi at doon pa lang ay masasabi kong hindi ako nagkamali nang pagpili sa'yo na maging isa sa kanang kamay ko." Tipid siyang napangiti ngunit nangingibabaw sa kaniya ang pag-aalala. "Kung ganoon ay bakit mo po ako pinapag-stay sa mansyon, papa?" Nakita niya kung paano napakunot ang noo nito. "Dahil balita ko'y masyado na kayong nalalapit sa isa't isa ng isa sa mga tauhan ko. Si Yvo, gusto mo ba siya?" Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba. At kung paano nalaman ng kaniyang ama ang tungkol sa bagay na ito ay hindi siya sigurado kung tama ba ang hinala niyang si Tamara ang trumaydor sa kaniya. "Silence means yes, Karadine." Sinentro siya ng ti
"Ito ang mga nakuhang armas nila Yvo at ni Madam Kara, boss," sinserong wika ni Florencio kay Renato. Doon pa lang ay hindi na nito maiwasang hangaan ang anak sa angking katapangan nito. "E, ano pa lang balita kay Mr. Benitez? Siguradong hindi niya magugustuhan ang panloloob natin sa mismong property niya." "Wala pa rin kaming balita, boss. Pero sigurado akong magse-set ng meeting si Mr. Benitez kasama ka, boss," ideya ni Yvo na ikinalalim ng tingin ni Renato. Anuman ang kaunting inis na nararamdaman niya rito nang dahil sa balitang pagkagusto nito sa kaniyang anak na si Karadine ay isinantabi niya na muna dahil batid niyang tunay na magaling at karapat-dapat si Yvo sa posisyon nito.Nang sandaling iyon ay sila-sila lamang ng kaniyang mga tauhan ang nagtipon para sa mahalagang usapin. Habang hinayaan naman niyang makapag-usap sina Tamara at Karadine kahit na halatang namumuo ang tensyon sa dalawa. "Naisip ko na 'yan, Yvo. Kaya kailangan kong magkunwari na wala akong kinalaman sa na
NAGKARERAHAN sa bilis nang pagtibok ang kaniyang puso at walang alinlangang napayakap sila sa isa't isa ng binata. Gayunma'y kahit bago lamang kay Isabel ang nakita ay hindi pa rin nito maiwasang maging masaya para sa kaniya. "Masaya akong makita kang muli," naluluhang wika ni Yvo sa kaniya habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng mukha niya. Kapagkuwa'y bahagya siyang natigilan sa sunod na sinabi nito, "Pero hindi ka na dapat nagpunta rito, masyadong delikado, Kara." Ilang minuto pa ay mas dumistansya pa si Yvo sa kaniya kasabay nang katanungan sa mga mata nito nang lingunin nito si Isabel. "Ah, siya si Isabel, half sister ko rin, mas matanda lang siya ng buwan sa akin kaya.. halos magkaedaran lang kami." Nakita niyang napangiti sina Yvo at Isabel sa isa't isa. At bago pa man magsalita si Yvo ay inunahan na ito ni Isabel. "Mukhang tama si Yvo, Karadine, hindi na dapat tayo nagpunta pa rito. Ngayon pa na mahigpit kang pinagbabawalang lumabas ngayon." Bago pa man siya sumang-ayon s
NAKAPAG-ISIP-ISIP na si Karadine bago man sumapit ang kinabukasan. Kailangan niyang pigilan ang ama na makipag-meeting sa mga Benitez, dahil kung hindi, siguradong mapapahamak ang buhay nito. Marahan siyang kumatok sa silid ng kaniyang magulang. Sa isip niya'y 'di bale nang masermunan siya nito ngayon ang mahalaga naman ay masabi niya rito ang dapat nitong malaman. "Sino 'yan? Pasok." Narinig niya ang boses ng ama na lalong nagpalakas ng kaniyang kaba. Sa sarili ay hindi niya maintindihan kung dapat bang manaig ang kaniyang takot sa ama o ang pagseselos kay Tamara. Oo, hindi niya maitatangging nakararamdam siya ng selos gayong nakuha na nga ni Tamara ang tiwala ng kanilang ama. Ngunit hindi dahilan 'yon para mas gumawa siya ng bagay na lalong ikasisira niya sa harap nito. Sa ugali ba naman ni Tamara, posibleng gumawa ito ng eksena na magmumukha pa siyang masamâ.Bumungad sa kaniya ang seryosong tingin ng ama at bago pa man siya bumigkas ng mga salita ay naunahan na siya nito. "O, Ka