Share

Chapter 42

NAPAGTANTO NINA Karadine at Yvo na wala na ang sasakyang ginamit nila nang mismong tumakas sila sa mansyon. May nakapagsabi rin sa kanila na nagawa iyong dalhin ni Renato dahil may duplicate key pala ito ng sasakyan. Kaya naman labis ang pangambang nararamdaman ngayon ni Karadine dahil na rin sa mas may maisisisi ang kaniyang ama kay Yvo kapag dumating ang araw na nagharap sila nito.

Makalipas nga ang ilang araw ay nagdesisyon si Yvo na mamasyal silang dalawa. Subalit ang takot na nararamdaman ni Kara noong nakaraang araw ay sadyang hindi pa rin mawala.

"Yvo, sa sitwasyon natin ngayon, hindi ba't mali na mamasyal tayo dahil baka may makakita sa atin na isa sa mga tauhan ni papa?" katwiran niya sa kasintahan na ngayon ay pinipilit maging matapang sa kabila ng kanilang kinakaharap na problema.

Hinarap siya nito at sinabi, "Kara, kung paulit-ulit tayong magtatago, parang habang buhay lang din nating tatakasan 'yung problema. Kara, ayokong habang buhay na ganito ang sitwasyon natin. Gus
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status