Share

Not Your Ordinary Cinderella Story
Not Your Ordinary Cinderella Story
Author: Miss Elle

Chapter 1 Haunted House (Yuri’s POV)

FOR THE FIRST time in a long time, I finally decided to take some time off work from A&M Corporation. I am the head of the Accounting Department. Gusto kong mabisita ang ibang business ko na nasa ilalim ng pamamahala ni Fred.

Ang assistant ko na si Paul ay pinayagan din na magbakasyon. And this guy is making me look like a gay for sticking around me in a weird way.

“Master, we can enjoy the one-week vacation together, again!” he said out loud.

Kita ko sa bukas na pinto ang ilan sa mga empleyado na nasa labas ng opisina ko. Napatingin sila sa gawi namin nang sabihin iyon ni Paul. Ang iba ay tila kinikilig. Ang ilan ay tila nandidiri.

Who wouldn’t?! This guy was so clingy, though it is a must.

I can’t let any woman come near around me at least a couple of meters. Hindi ko rin kayang makipag-usap sa kanila kaya hindi pwedeng hindi ko kasama si Paul.

Kagat ang ibabang labi, tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

“Shut it!” puno ng pagtitimpi na bulong ko sa kanya.

Tawa lang ang naging sagot niya sa akin saka sinara ang pinto. And we heard gasping from the outside.

“So? Saan ang unang destination ng bakasyon?” tanong niya at kinuha ang table name plate kung saan nakasulat ang pangalan ko. “Palitan ko kaya ang nakasulat dito?”

“We will visit Catanduanes. Opening ng restaurant sa susunod na linggo. I want to be there.”

I turned my swivel chair to the glass window. I can see the busy street from this twenty-storey building of A&M Corporation. The top floor of the building is for offices, the lower are for rents—like gyms, studios, restaurants, and malls. There’s even a resort on the eighth floor and hotel on ninth and tenth.

This is just one of the businesses my adopted father was willing to give to me. Sa ngayon, hindi ko pa hawak ito dahil na rin sa kondisyon niyang makaluma masyado.

Marry a girl before I get the inheritance—he’s ridiculous even when he’s cold dead underground.

I gave up on the idea and build my own business all around the country instead. Kung mayroon man akong gustong makuha sa mga yaman niya, iyon ay ang malaking bahay niya na nakatayo sa harap ng malawak na kapatagan.

I can use it as my main source for my restaurants, aside from the suppliers in the local and national. Makatutulong din iyon na mabawasan ang expense sa import. Kung mapalago, pwede ko pang ma-export ang ani.

I sighed. Ngayon na may isang linggo ako para magbakasyon, parang hindi rin bakasyon ang mangyayari.

I remembered how I end up discovering the Catanduanes as my next prospect. There was this employee that keeps on saying that she wanted to go to the fertility island. Nagbabakasakali na magkaroon na sila ng anak ng asawa niya. And Paul, who is a living joke, said that he wanted to get pregnant, too. Ang tatay-tatayan niya naman na puno rin ng kalokohan na si Fred, gusto ring pumunta sa nasabing lugar.

I have no choice but to go with them. Hindi pwedeng wala akong kasama. Takot akong madumog ng babae.

I sighed.

This day ended peacefully again.

Nang makauwi kami sa bahay, agad na inasikaso ni Paul ang pagpunta namin sa Catanduanes. Naroon na rin naman si Fred kaya kaming dalawa lang ang babyahe.

AFTER THE opening ceremony of the Yully’s Restaurant, Paul suggested that we enjoy the province and visit the tourist spots. Noong una naming punta rito ay hindi kami naglibot gaya ng gusto niyang mangyari noon.

Business keeps on calling for me anywhere, so he is tongue-tied and go with the flow, as I and Fred made deals with business-minded people.

“Linawin ko lang, Master, Pa, bakasyon ito ha? Walang makikipagkamayan sa kung sino-sino. Loosen up, guys!”

Napailing na lang ako. Pagbigyan na lang.

“Ok. Wala rin naman akong baon na business card. Bakasyon lang talaga,” paniniguro ko sa kanya.

Para siyang bata na biglang lumiwanag ang mukha matapos mapagbigyan ang gusto. But as they say, all good things have bad things attached on its tail. Halos dalawang oras na ang lumipas mula nang mapadaan kami sa isang gasoline station. Mukhang sa sobrang excitement niya, nakalimutan niyang magpagasolina. Nasiraan din kami ng gulong. Madilim na ang buong paligid dahil pasado alas nuebe na rin ng gabi.

“What’s wrong with you?!” sigaw ko nang makababa ako sa sasakyan at makitingin sa sirang gulong.

“Sorry na!”

Dumako ang tingin ko kay Fred. He remained calm and composed as he looked around.

“Let’s leave the car first. Gabi na. Maghanap muna tayo ng matutuluyan.”

Paul, who is at fault here, rolled his eyes at me, and followed Fred.

Sumunod na lang din ako at hindi na nakipagtalo pa.

Hindi namin kabisado ang lugar. Mabuti at nasiraan kami malapit lang sa isang barangay. Malamlam ang liwanag mula sa solar bulb ng mga poste. Ang ilan sa mga kabahayan ay may nagtataasan na bakod at ang iba ay sarado na ang ilaw. Unti-unti na ring umaalingawngaw ang mga tahol ng aso sa gitna ng naglalakasang tunog ng mga insekto.

Sa kalalakad namin, nakarating kami sa isang talipapa na bukas pa hanggang ngayon. May dalawang lalaki na nagbabantay doon at isang babae na bumibili.

“Mawalang galang na po. May inn po ba rito? Naubusan po kasi kami ng gasolina, matutuluyan lang po sana ngayong gabi,” paliwanang ni Fred.

“Ay mga Sir, wala pong inn dito pero may nagpaparenta po ng bahay nila. Baka gusto niyo pong tingnan?” tanong ng babae.

Tumango lang si Fred saka sumunod na kami sa babae. Dinala niya kami sa dulo ng kalsada na wala man lang kailaw-ilaw kahit may poste. Tanging nagbibigay liwanag sa kalsada ay ang ilaw mula sa loob ng tindahan. Katabi nito ay isang gate na yari sa kawayan. Tanaw mula rito ang malaking bahay na halos sampung metro ang layo mula sa gate. Sarado rin ang ilaw dito.

“Siguro haunted house iyan kaya pinaparentahan?” bulong ni Paul.

I didn’t answer him and focused my eyes on the house. May mga kalapit itong puno na nagmimistulang Christmas tree sa dami ng alitaptap.

“Mare! May naghahanap ng matutulugan, available pa ba ang bahay niyo?”

Napukaw ang atensyon ko nang sumigaw ang babaeng kasama namin habang kinakatok ang may-ari ng tindahan.

“Good, we are not staying in that haunted house.” Rinig kong bulong ulit ni Paul.

Is he afraid of ghost? If I had known, I would have filled the house with horror paintings.

Hinayaan ko na lang na silang dalawa ang makipag-usap sa may-ari. Sumandal din ako sa bakod na malapit lang sa gate at doon matyagang naghintay. Hindi nagtagal ay narinig kong binubuksan ito mula sa loob. I can’t move an inch when a woman in an oversized white T-shirt walked out of the gate.

A ghost?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status