AFTER ALMOST two weeks of laying on my bed, I finally get my strength back. Paunti-unti ay bumabalik sa dating sigla ang katawan ko. Nasabi na rin ni Fred na alam na ni Miss Erlinda Villanueva, o mas kilala sa tawag na Milady, ang tungkol sa plano ko na tanggapin ang kondisyon ni Alfonso at magpakasal.
At sa loob din ng dalawang linggo na iyon, napansin ko ang pagbabago kay Paul. He’s been saying and encouraging me to stop this nonsense. His reason is that I already established my name in the business world and I don’t need a single penny from my adopted father.
Pero iba ang rason ko.
Gaya niya, lalaki rin ako.
But if I say it out loud, he will only laugh at me. So in the past few days, I’ve been thinking of a reason to counter Paul’s. And finally, a reasonable one came to mind.
Sa harap ng mahabang dining table na kaming tatlo lang ang gumagamit, tanging mga pagtama ng kubyertos lang ang maririnig. Hanggang sa basagin ni Paul ang katahimikan.
“Please, Master. Let’s stop this. Madala ka na sa nangyari. Baka ikamatay mo ito kapag nagpatuloy ka pa!”
This is it!
“There is something I want to know, Paul. Answers I will find if I sit there, the place he left for me.”
The CEO of the A&M Corporation—whatever really is in there, I no longer care.
I just want to live like a normal person. I hope, I can find someone who can cure these allergies. I hope I can have someone to hold in the cold nights and days. It’s a good decision to do it even before the will expired. Kailangan ko ng tulong nilang dalawa, dahil hindi ko ito kaya nang mag-isa.
Nahagip ng mata ko ang paglukot ng mukha ni Paul. I knew it, he’s not convinced.
“Mas importante pa ba iyan kaysa sa buhay mo?”
I bit my lower lip and heave out a sigh.
This is important because it is about my life. “Yes.”
Fred clapped once, indicating that the discussion should be done. “Alright, enough chit-chat. Let’s go with plan B.”
Umagaw ng atensyon namin ang pagtunog ng phone ko. Binasa ko ang message.
“Still no luck, huh?”
“May nag-text na naman?” Tango lang ang sagot ko sa tanong ni Paul. “O ano? Itutuloy mo pa ba? Baka nga magulo pa ang buhay—“
“Ignore it.” Putol ni Fred sa sinasabi ni Paul.
He’s right. I will ignore it.
We have been ignoring these messages from unknown numbers and social media accounts. Nagsimula ito noong mailabas ang tungkol sa huling habilin na iniwan para sa akin. Tumigil lang kung sino ang taong ito noong nakaraang taon kaya nagtataka ako kung bakit nag-message na naman.
Is this person related to Milady?
But I have no intention of getting their wealth. It’s just an excuse I needed to convince Paul.
“Master, palagi ka na lang natutulala. In love ka na, ano?”
Wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi. Nang makahuma ay tiningnan ko siya nang masama.
Confusion and bullshȋts are written all over his face. Hindi na lang ako sumagot at tinuon ang atensyon sa pagkain.
“Balik sa topic! We will start with my plan,” sabi ni Paul pagkaraan nang ilang sandali na pananahimik ko.
Ang tinutukoy niyang plano ay kung hindi madala sa maayos na usapan ang babae, idadaan na lang sa paraan na parehong manginginabang ang dalawang partido—look for a woman in need of money, in exchange of her service, simply posing as my wife.
“But—“ he paused.
I looked at him, he is grinning as if he is waiting for me to do so before he continue.
“We will start in Catanduanes.”
I gulped a few times, and try to calm my excitement. “What a bright idea, but it’s far,” I said in a monotone.
“Master na reklamador, hindi mo ba naiisip? Mas malayo sa lugar na ito, mas ligtas kung sino man ang mapapangasawa mo.”
He’s not getting my point. He is focused about me getting the inheritance. But I just want a wife!
CRAMBELL’S COLLEGES, a prestigious school for middle class to high class families. This is a small private school. Iilan lang ang natatanggap na estudyante dahil sa mataas na standard nito na nakikisabay sa tuition. At kahit ganoon pa man, may mangilan-ngilan din na nasa mababang estado ang sumubok dito. At sila ang target namin.
“Mr. Katakori, good to have you here. And what’s with the sudden scholarship program? My students don’t need such things,” ani George Crambell, ang may-ari ng paaralan.
“Crambell, you don’t need to know. You will benefit from this after all, so why bother with reasons?”
“Alright, you win, Fred. I already have the student assistant prepared what you asked for. Please proceed with your interview.”
“Bear in mind that this is confidential,” Fred said before George left.
“Mysterious as ever? I got it.”
And afternoon came, exactly one, we started the interview. Almost fifty students were on the list, according to Paul. I let them do the interview while I sit comfortably on George’s seat. May isang professor sa loob na tagatawag.
Hindi pa umaabot ng isang oras ay isa na lang ang natitirang estudyante.
“Well, this will be the last student. I really appreciate this, gentlemen. Allow me to thank you. May klase pa ako, kaya maiwan ko na kayo,” paalam ni Mr. Garcia.
Lumabas na ito ng pinto at tinawag ang huling estudyante sa listahan.
“Allyah Jane Fernandez?”
I bit my lower lip when I heard the name.
Allyah Jane Fernandez, the owner of the keychain I picked on the road. She could have the initials AJ as her nickname, too. Is she the same AJ with the big boobs?
There is no such things as coincidence, this is the fact I always believed in. Pero nang sumilip ang mukha niya sa pinto, kumpirmado ang unang hinala ko.
The longer I stare at her will only bring me big trouble.
Gaya nang mga nakaraang buwan na siya lang ang laman ng isip ko.
Nagulo ang mapayapa kong buhay sa villa.
Maging ang pananahimik ni Milady ay naapektuhan at nagsisimula nang umalboroto.
Allyah Jane—kung pwede ko lang ibalik ang oras, sana hindi kita tinitigan.
Tumagilid ako ng upo, nagbabakasakaling hindi niya ako mamukhaan. Sa gilid ng mata ko, kita ko ang tuluyan niyang pagpasok sa opisina. Malayong-malayo ang histura niya maging ang tindig niya.
She’s wearing a pair of thick glasses, thicker than the last time. Her hair was braided into a messy one, red lips, a plain violet fitted T-shirt that emphasizes her curves and big chest; ripped jeans, and white sneakers.
She is simply stunning.
I diverted my eyes before she could feel me staring.
After a long silence when she stepped in the room, I felt chills. Is she staring at me?
All the other students before her never did it. Namumukhaan niya ba ako?
Dαmn it!
I HAVE A BAD feeling about Allyah Jane Fernandez. I can already feel by her stare that she is not an ordinary person. Ayaw ko namang isipin na siya ang nagpapadala ng mensahe sa nakalipas na mga taon dahil ngayong taon lang nagkrus ang landas namin.At isa pa, kung isa lang din siyang kasangkapan, sino naman ang nasa likod niya?O kaya, ano ang pakay niya?Alam ko, wala akong binabanggang tao. I am living my life in full silence as I make a living with my businesses. Wala rin akong naagrabyado, kaya bakit pakiramdam ko, problema ang dala ng babaeng ito sa akin?Malaki lang ang boobs niya, kahit sino gugustuhin iyon sa kanya. I maybe attracted to her because of it, but that is all there is to her. Hindi ko gugustuhin na makasama siya sa iisang bubong.Magre-request ako kay Fred at Paul mamaya na sa ibang lugar na kami maghanap.Sana pakinggan ako ni Fred. Kapag siya pa naman ang nagdesisyon, hindi ko kayang hindian. Bukod sa lumaki ako sa pangangalaga niya, he has this domineering aura
THREE MONTHS AGO…“Bring it on, keychain! I’ll take you on.”Ilang weeks kong inabala ang sarili ko sa keychain na ito. I wrote my full name on a small piece of paper at lagyan ng design sa gilid. And the result did not fail my efforts. It fit perfectly sa keychain! Ang ganda niya tingnan dahil ang mga kulay, tila lalong nabigyan ng buhay nang ilagay ko na sa loob ng keychain ang papel.“This is my masterpiece!”Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Nagbabasa ako ng manga dito sa kwarto ko, pampalipas ng oras habang naghihintay ng alas dose. May inaabangan akong anime sa TV, nang hindi sinasadyang lumipad ang isip ko sa nakaraan. Remembering the past in this unexpected situation is kind of a bad omen. Mamamatay na ba ako?Wala sa sariling kinuha ko ang wallet kung saan nakakabit ang keychain. Naroon pa naman.Naalala ko pa ang sinabi noon ni Mama. Nagandahan siya sa ginawa ko pero pinagalitan pa rin ako. “Bakit full name ang nilagay mo? Baka may mangulam sa iyo niyan, o kaya
IN ONE month, ikakasal na ang ex ko at wala pa akong pangregalo. Tumingin-tingin ako sa online. Marami naman akong nakita, pero parang gusto kong sa bahay na lang ang mga iyon. Ang gaganda kasi. And since I’m not that good with this kind of thing dahil puro lang pera ang binibigay ko as a gift, I will call for help.“Mama!”Hinanap ko sa buong kabahayan si Mama. Nakita ko siya sa likod-bahay na nagdidilig. Sa tabi niya ay ang bantay namin na si Mochi, taga-hila kapag sumasabit ang hose.“Alas kwatro pa lang, Mother!”Sinara ko ang gripo na sinuklian niya ng matalim na tingin. Niyakap ko na lang siya.“Ma, pasama ako sa bayan. Bili ng pangregalo sa kasal ng ka-batch ko.”Marahan na pinalo ni Mama ang braso ko kaya bumitaw ako. Umupo kami sa bench.“Ilang beses na kita sinamahan sa pamimili ng pangregalo mo sa parehong okasyon, magsawa ka naman! We always end up buying for our own, t
PIYESTA NGAYON sa amin. Dalawang buwan na lang, August na—pasukan na naman. At dalawang linggo na nang mawala ang keychain ko, este, kinuha ng Kris na iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit niya sinabi na magkikita ulit kami?He could have just asked me nicely, hindi iyong kukunin niya ang keychain ko!Hindi na rin ako madalas lumabas ng kwarto. Nagtataka na nga si Papa kasi dati, kapag oras ng alas dose, nasa sala na ako at nanonood ng anime. Ngayon, nasa kwarto lang ako at nagmumukmok.“AJ, labas!”Napapikit ako nang mariin nang marinig ang sigaw ni Elsa. Ilipat ko sa may gate si Mochi para hindi na siya nakakarating sa terrace eh.“AJ, labas na muna. Kalimutan mo muna iyang minumukmok mo riyan,” ani Mama.Pinuntahan niya ako rito sa kwarto ko nang hindi ako lumabas para salubungin si Elsa. Alam ko na kasama niya ngayon ang anak niya pero wala talaga ako sa mood.“Ma…” naiiyak na
I AM STAYING in my boarding house with a few bottles of wine and vodka. Sakit ng katawan at ulo dahil sa alak ang hanap ko ngayon, hindi dahil sa mga taong makitid ang utak. At kapag ganito na umiinom ako, gusto ko ay mag-isa lang ako. Pero hindi ko maalala kung bakit at paanong narito si Neil at mataman akong pinagmamasdan.Masikip dito kaya hangga’t maari ay ayaw ko ng kasama.Sa maliit na kwarto ay pinagkasyang maliit na higaan, isang maliit na mesa, at aparador na pawang mga yari sa plywood ang makikita. Nakaupo ako sa sahig. Sa harapan ko ay may Bluetooth speaker, mga bukas na plastic ng junk foods, ang iba ay wala nang laman, at tatlong bote ng alak.Dumako ang tingin ko kay Neil na prenteng nakaupo sa upuan malapit sa pinto. He’s wearing his casual clothes—polo shirt, and shorts. Sa mahabang panahon na bakasyon ngayong taon, wala siyang ginawa kung hindi mag-gym, at kitang-kita naman ang resulta.The last time I saw him was
THE CLASS started and all I did was to be wary about my environment. Simula nang sabihin iyon ni Ninong, hindi na maalis sa isip ko na baka minamanmanan ako ng malaking tao na ito. Huli na nang ma-realize ko na hindi ako kilalang tao pero may nag-request ng presence ko.Mga bugaw ba sila? Hindi naman ako kagandahan!Simula rin ng araw na iyon, araw-araw na rin akong sinasabihan ni Ninong na magdamit pambabae ako, hindi iyong oversized o fitted plain colored T-shirts at jeans ang pinapampasok ko. Palagi ko ring sinasabi sa kanya na bawiin niya na lang ang desisyon at maghanap sila ng ibang babae.Bakit ba kasi ako pumayag sa trip around the world?! May key word pa akong nalalaman, katangahan!Wala pa namang eksaktong araw kung kailan nila ako kakausapin o kukunin.Hindi ko na rin ito sinabi sa mga magulang ko kasi pumayag na ako sa isang bagay na walang kasiguruhan.And what’s worse? This decision was haunting me every night, hindi na a
PRESENT…The whole school turned upside down because of the interview incident. All death glares, cursed words, and backstabbing—ito ang naging kinalabasan ng pagpapahiya sa akin ni Mr. Garcia.Maging sa mga group chat, hot topic ang pangalan ko, and they shamelessly put their own surnames on it.“AJ Nerd.”“Allyah Jane The Shameless Bȋtch.”“AJ Moron.”“Kapag kami, hindi natanggap sa scholarship, mag-empake ka na.”“Petition to cancel Allyah Jane Fernandez.”Hindi ko naman dapat patulan ang schoolmates ko dahil wala silang kasalanan sa akin. Hindi naman sila mag-iisip nang ganito kung walang promotor, pero isang linggo na at wala man lang public apology si Mr. Garcia! Kaya ngayon, magdusa sila!Narito ako sa opisina ni Ninong at marahas na inilapag ang listahan ng mga taong ayaw kong makita sa school. Pa
I took my time walking to Ninong’s office kahit pa sinabihan ako na magmadali. I had this feeling that something wrong will happen again, and I needed to prepare myself. That office is becoming more like a nightmare to me.Napasimangot ako nang makita si Mr. Garcia na nakahalukipkip habang nakasandal sa pinto ng faculty office. Matalim ang tingin niya sa akin.Umiwas na lang ako ng tingin saka patuloy sa paglalakad na tila namamasyal lang. Nang makalapit ako sa pinto ng opisina ni Ninong, nagsalita si Mr. Garcia.“Hindi ka VIP para hintayin. Pasok na.”I hissed. Can’t he just leave me alone? Siya na nga itong may ginawang mali sa akin, siya pa may lakas ng loob na magbunganga.Kakatok na sana ako sa pinto ni Ninong nang lumitaw sa likod ni Mr. Garcia ang mukha ni Mr. Playboy.“It’s ok. She just had a little concert a while ago. Please, Miss Fernandez. Don’t let us wait any longer,” tuloy-tuloy