Share

Chapter 5 I Don’t Like Her (Yuri’s POV)

I HAVE A BAD feeling about Allyah Jane Fernandez. I can already feel by her stare that she is not an ordinary person. Ayaw ko namang isipin na siya ang nagpapadala ng mensahe sa nakalipas na mga taon dahil ngayong taon lang nagkrus ang landas namin.

At isa pa, kung isa lang din siyang kasangkapan, sino naman ang nasa likod niya?

O kaya, ano ang pakay niya?

Alam ko, wala akong binabanggang tao. I am living my life in full silence as I make a living with my businesses. Wala rin akong naagrabyado, kaya bakit pakiramdam ko, problema ang dala ng babaeng ito sa akin?

Malaki lang ang boobs niya, kahit sino gugustuhin iyon sa kanya. I maybe attracted to her because of it, but that is all there is to her. Hindi ko gugustuhin na makasama siya sa iisang bubong.

Magre-request ako kay Fred at Paul mamaya na sa ibang lugar na kami maghanap.

Sana pakinggan ako ni Fred. Kapag siya pa naman ang nagdesisyon, hindi ko kayang hindian. Bukod sa lumaki ako sa pangangalaga niya, he has this domineering aura and his authority is way beyond my level. Kahit sino ay mapapayuko kapag nagsalita na siya.

Sana matapos na itong interview at nang maunahan ko si Fred sa pagdedesisyon.

Muling bumalik ang atensyon ko kay Allyah Jane na kasalukuyang tinatanong ang tungkol sa interview na ito. Bakas sa boses niya ang pagdududa.

Why did Paul let her question it?!

But as suspected, she is not an ordinary person. She wasn’t even intimidated by Fred’s presence. Agad akong nag-text kay Paul para sabihin na tapusin na agad ang interview.

Nararamdaman ko na rin ang pananakit sa mga pilat ko. At anumang oras, susunod na ang matinding sinat.

“You’re the boss.”

Napalunok ako ng ilang beses nang sabihin iyon ni Allyah. Ramdam ko rin ang titig niya sa akin. Hindi ko pinahalata ang gulat ko at nanatili lang akong tahimik habang nakaupo patagilid sa kanila. I will let Fred handle her.

Hindi nga nagtagal ay lumabas na si Lyah ng opisina.

Nakahinga ako nang maluwag. Unti-unti na ring nawawala ang pangangati ng likod ko.

“Let’s go back,” ani Fred.

Agad kaming tumalima ni Paul. Nang buksan ni Paul ang pinto, narinig namin ang pag-uusap ni Lyah at ng isang estudyante. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya tapos sa paghihinala tungkol sa interview na ito.

Bakit pa siya nagpa-interview? Hindi ba kailangan niya ng pera? Manahimik na lang siya. Hindi rin naman siya mapipili kahit anong pagdududa ang gawin niya.

At hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Paul. Ginatungan niya ang pag-uusap nila. And looking at Lyah’s embarrassed face before she bowed her head in front of us is somewhat satisfying to look at.

And somehow, I want to make her kneel.

Gusto ko sanang sumabat sa usapan nang dumating si Mr. Garcia at pinahiya si Lyah sa harap namin—not a professional way of scolding a grown-up young lady.

I sighed.

Mukhang napansin naman iyon ni Paul at Fred, kaya nagpaalam na sila. At upang hindi na humaba ang panenermon ni Mr. Garcia.

Bago kami tuluyang umalis, muli kong tinapunan ng tingin si Lyah.

She is glaring at us.

She got the nerve.

Napansin ko rin ang iba pang estudyante na matatalim ang tingin sa kanya na tila hindi niya alintana. She is busy cursing us with her deadly eyes.

Nang makapasok na kami sa sasakyan, at paandarin na ni Paul, isang malaking dilubyo para sa akin ang hatid ng sinabi ni Fred.

“I want her to be your wife, Yuri.”

Naibagsak ko ang sarili sa backrest. Kita ko rin ang pag-aalala sa mata ni Paul mula sa rearview mirror. At si Fred, tila hindi alintana ang magiging epekto ng desisyon niya sa buhay ko.

“Pa, bakit naman?” Si Paul na ang nagtanong para sa akin. He knows I can’t fight back when it comes to Fred.

“It’s because she has what it takes to be Master’s wife. Don’t try to talk it out with me. You know that’s final.”

Ito na nga bang sinasabi ko. But I’ll still try my luck.

“F-Fred, we can talk this out. I don’t like that woman!”

“Give me reasons, Yuri—three reasons to change my mind.”

Ano nga ba?

Sariling opinion ko? Tiyak na hindi niya rin iyon tatanggapin.

“She’s not a refined lady—“

“She is.”

“She is young for me.”

“She is.”

“I can’t handle her.”

“You won’t, and you don’t have to.”

I bit my lip. He maybe right about it but still, I don’t want her.

Anong panlalait pa ang pwede kong sabihin? Hindi siya eleganteng tingnan? Baka sabihin lang ni Fred na wala namang mali sa bagay na iyon.

Nerd? Wala ring kaso roon.

Tomboy? Tama ba na husgahan ko ang sexual orientation niya?

I have no choice!

“She’s not attractive at all!” Naitikom ko ang bibig. That is not what I wanted to say.

Maging si Paul ay nagulat din. Alam ko na nagagandahan din siya kay Lyah. Kung wala lang siyang girlfriend, malamang ay kinukulit niya na ng messages si Lyah ngayon.

“Master, you’re way too obvious. Nagkita na ba kayo ni Miss Fernandez dati at parang may ginawang mali sa iyo iyong tao para sabihin mong hindi siya maganda?” tanong niya.

Dαmn it! Wala na akong kakampi ngayon para pigilan si Fred sa gusto niyang mangyari.

Mula sa frontseats, humarap sila sa akin at hinihintay ang sagot ko.

“Forget it. Do what you want.”

“Master, you only have to sign on the marriage contract next to her name. Why the fuss?”

I gritted my teeth. So even Fred see this whole thing as using Lyah to get the inheritance.

Do I need to say that I just wanted to have a wife?

Naalala ko ang eksena kanina. Nakikini-kinita ko na na magiging kumpulan si Lyah ng pambu-bully.

I smirked.

It’s not fair that I am the only one who will suffer. This will be an early revenge for my future wife. If it wasn’t for her, I will never want to marry any women anyway. Hindi ko mararanasan ang malalang allergies na iyon noong nakaraang ilang buwan.

All of these is her fault. Serves her right. I will make her regret everything for crossing path with me.

I don’t like her and I will find all the reasons to hate all of her, except for the bόobs.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status