PIYESTA NGAYON sa amin. Dalawang buwan na lang, August na—pasukan na naman. At dalawang linggo na nang mawala ang keychain ko, este, kinuha ng Kris na iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit niya sinabi na magkikita ulit kami?
He could have just asked me nicely, hindi iyong kukunin niya ang keychain ko!
Hindi na rin ako madalas lumabas ng kwarto. Nagtataka na nga si Papa kasi dati, kapag oras ng alas dose, nasa sala na ako at nanonood ng anime. Ngayon, nasa kwarto lang ako at nagmumukmok.
“AJ, labas!”
Napapikit ako nang mariin nang marinig ang sigaw ni Elsa. Ilipat ko sa may gate si Mochi para hindi na siya nakakarating sa terrace eh.
“AJ, labas na muna. Kalimutan mo muna iyang minumukmok mo riyan,” ani Mama.
Pinuntahan niya ako rito sa kwarto ko nang hindi ako lumabas para salubungin si Elsa. Alam ko na kasama niya ngayon ang anak niya pero wala talaga ako sa mood.
“Ma…” naiiyak na
I AM STAYING in my boarding house with a few bottles of wine and vodka. Sakit ng katawan at ulo dahil sa alak ang hanap ko ngayon, hindi dahil sa mga taong makitid ang utak. At kapag ganito na umiinom ako, gusto ko ay mag-isa lang ako. Pero hindi ko maalala kung bakit at paanong narito si Neil at mataman akong pinagmamasdan.Masikip dito kaya hangga’t maari ay ayaw ko ng kasama.Sa maliit na kwarto ay pinagkasyang maliit na higaan, isang maliit na mesa, at aparador na pawang mga yari sa plywood ang makikita. Nakaupo ako sa sahig. Sa harapan ko ay may Bluetooth speaker, mga bukas na plastic ng junk foods, ang iba ay wala nang laman, at tatlong bote ng alak.Dumako ang tingin ko kay Neil na prenteng nakaupo sa upuan malapit sa pinto. He’s wearing his casual clothes—polo shirt, and shorts. Sa mahabang panahon na bakasyon ngayong taon, wala siyang ginawa kung hindi mag-gym, at kitang-kita naman ang resulta.The last time I saw him was
THE CLASS started and all I did was to be wary about my environment. Simula nang sabihin iyon ni Ninong, hindi na maalis sa isip ko na baka minamanmanan ako ng malaking tao na ito. Huli na nang ma-realize ko na hindi ako kilalang tao pero may nag-request ng presence ko.Mga bugaw ba sila? Hindi naman ako kagandahan!Simula rin ng araw na iyon, araw-araw na rin akong sinasabihan ni Ninong na magdamit pambabae ako, hindi iyong oversized o fitted plain colored T-shirts at jeans ang pinapampasok ko. Palagi ko ring sinasabi sa kanya na bawiin niya na lang ang desisyon at maghanap sila ng ibang babae.Bakit ba kasi ako pumayag sa trip around the world?! May key word pa akong nalalaman, katangahan!Wala pa namang eksaktong araw kung kailan nila ako kakausapin o kukunin.Hindi ko na rin ito sinabi sa mga magulang ko kasi pumayag na ako sa isang bagay na walang kasiguruhan.And what’s worse? This decision was haunting me every night, hindi na a
PRESENT…The whole school turned upside down because of the interview incident. All death glares, cursed words, and backstabbing—ito ang naging kinalabasan ng pagpapahiya sa akin ni Mr. Garcia.Maging sa mga group chat, hot topic ang pangalan ko, and they shamelessly put their own surnames on it.“AJ Nerd.”“Allyah Jane The Shameless Bȋtch.”“AJ Moron.”“Kapag kami, hindi natanggap sa scholarship, mag-empake ka na.”“Petition to cancel Allyah Jane Fernandez.”Hindi ko naman dapat patulan ang schoolmates ko dahil wala silang kasalanan sa akin. Hindi naman sila mag-iisip nang ganito kung walang promotor, pero isang linggo na at wala man lang public apology si Mr. Garcia! Kaya ngayon, magdusa sila!Narito ako sa opisina ni Ninong at marahas na inilapag ang listahan ng mga taong ayaw kong makita sa school. Pa
I took my time walking to Ninong’s office kahit pa sinabihan ako na magmadali. I had this feeling that something wrong will happen again, and I needed to prepare myself. That office is becoming more like a nightmare to me.Napasimangot ako nang makita si Mr. Garcia na nakahalukipkip habang nakasandal sa pinto ng faculty office. Matalim ang tingin niya sa akin.Umiwas na lang ako ng tingin saka patuloy sa paglalakad na tila namamasyal lang. Nang makalapit ako sa pinto ng opisina ni Ninong, nagsalita si Mr. Garcia.“Hindi ka VIP para hintayin. Pasok na.”I hissed. Can’t he just leave me alone? Siya na nga itong may ginawang mali sa akin, siya pa may lakas ng loob na magbunganga.Kakatok na sana ako sa pinto ni Ninong nang lumitaw sa likod ni Mr. Garcia ang mukha ni Mr. Playboy.“It’s ok. She just had a little concert a while ago. Please, Miss Fernandez. Don’t let us wait any longer,” tuloy-tuloy
I AM RIDING a plane with Mr. Playboy na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang totoong pangalan.Mahigpit ang pagkakahawak ko sa armrest. Nang papataas pa lang ang eroplano, ramdam ng buong katawan ko na parang hinihila ako pababa. Parang katulad lang sa tuwing bumabyahe ako sa dagat at malakas at mataas ang mga alon, ang pakiramdam na naiwan ang kaluluwa ko. Kaya kahit ngayon na stable na, hindi pa rin ako maka-get over.“First time?”I didn’t answer. Baka katakot-takot na insulto at pang-aasar ang abutin ko dito kaya matutulog na lang ako.Humugot ako nang isang malalim na buntong hininga saka pumikit. Hindi namin kasama sina Mr. Old Geezer at Mr. CEO.Tulad ng sabi niya, ipinaalam niya ako kay Ninong.Hapon din nang pumunta siya sa opisina. Sakto naman na nag-uusap kami noon ni Ninong. Sa takot ko, mabilis akong tumakbo at nagtago sa likod niya. Hindi pa ako handa. Naalala ko pa ang sinabi ni Ninong bago niya
IT WAS past seven in the evening when I woke up. I felt so empty. My stomach, my energy, my brain—are all drained. I started to walk absentmindedly, following the scent of the food. I don’t even remember how I got to the kitchen. The moment I saw the chicken curry, I sat and dug in.“You’re impossible.”I heard a whisper but a warning voice at my side.I don’t care. I am hungry.I enjoyed the food until I was full. My life is back! I was about to stand and carry my plate to the sink when I looked around and saw people staring at me.They were all men!“What the—hmp!”Just great! I forgot I am in the dȇmons’ lair. Paul glared at me while slowly removing his hand from my bad mouth.I looked at the man sitting at the end of the table. He was wearing a black T-shirt. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang mabuti. Nakasuklay nang maayos papunta sa liko
IT’S ALREADY dark outside the glass window. And the only thing that could be hear in the CEO’s office were papers and keyboards. Nakikiramdam ako sa paligid, umaasa na may pumuna.Working passed the working hours was a torture for me. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil si Fred ang may gusto. At isa pa, sinusunod ko ang mga gusto niya dahil na rin siya ang humaharap sa mga pasaring at iskema na pakulo ni Milady laban sa akin.Hangga’t maari, ayaw kong makaharap ang madrasta. I’ve had enough of my childhood days. And working in the same company was tiring enough. Pasalamat na lang ako at hindi kami madalas magkita. At kung kailangan ay si Paul ang pinapaharap ko sa kanya.And the recent scheme she failed was the personal cheques she issued under my name without my knowledge. Isang malaking pagkakamali para sa isang papaalis na CEO.If this is what it takes to sit in this office, I’d rather give it up.It’s Ly
LUMIPAS ANG tatlong buwan, paminsan-minsan ay may nakakasagutan akong walang sense ang mga sinasabi. They keep on saying na nagpagalaw ako kaya napili ako bilang scholar. May iba pang nagsabi na sugar daddy ko ang isa sa tatlong interviewer.“Bigyan niyo na lang ng educational assistance ang mga bungangera na iyan. Dami pang satsat, inggit lang naman!” inis na sabi ko kay Ninong.“That wasn’t the issue, AJ. Ang issue dito ay ang pagpapagamit mo raw. Pangalan mo ang nililinis ko, hindi ang scholarship na iyan.”“Then tell Mr. Garcia to apologize! Kasalanan niya rin naman ito kasi umalis siya imbis na naroon siya at nakaalalay sa mga ini-interview.”Sa mga kababaryo ko na nag-aaral din sa CC, tinatawanan lang nila ang mga kumakalat na tsismis. Sinisisi pa nga nila si Mariel dahil alam nila na ito ang nag-asikaso ng files. And just like that, the hate was diverted to Mariel.Not until one pointed out the scene