Share

Chapter 2 Is This Yours? (Yuri’s POV)

WALA SA sariling pinagmasdan ko ang kabuuan ng babaeng lumabas sa gate. Gulo-gulo ang mahabang buhok niyo na tila galing lang sa pagkakahiga. I even saw a glimpse of her bored face, uninterested of what is happening around her. My eyes lowered and saw how her big breasts bouncing with every step. Nang makapunta siya sa harap ng tindahan, nakita ko ang kulay itim na pang-ilalim niya.

I swallowed the water in my mouth that I didn’t even realize is flooding. Kung tutuusin, hindi ito ang unang beses na makakita ako ng ganoon kalaking size. I guess it is C or D.

What is this girl doing, walking around in that thin white clothing? Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pinagmamasdan ko siya. Ni wala siyang matatawag na delikadesa sa katawan para makuha ang atensyon ko.

“Bampira ka talaga, AJ. gabi ka lang talaga lumalabas.” Rinig kong sabi ng tindera.

So her name is AJ—a guy’s name.

“Hala si Ate! Kaaway ko kasi iyong kapatid ko, hindi mautusan. Huwag mo nang dagdagan ang inis ko, please lang.”

My brows cringed when I heard her speak. Malumanay magsalita at tila hindi naiinis, taliwas sa pananamit at pangalan nito. I was expecting that she is somewhat cold and bored when talking.

“Hoy, may mga gwapong naghahanap ng matutulugan. Baka gusto mong tingnan. Malay mo, maging boyfriend mo iyong isa. Maganda ang lahi, be!”

“Pass, hindi ako interesado. Bibili ako, huwag kang mag-chismis diyan!”

Hindi nagtagal ay tinawag na ako ni Paul.

“We’re good.”

Maayos naman ang matutulugan namin. Isang maliit na barong-barong. Presko ang buong lugar, tamang-tama sa mainit na panahon.

Nauna na akong pumwesto sa nag-iisang higaan na may kutson. Fred is still in the owners’ house, and Paul is glaring at me.

I ignored him. Gusto ko nang ipahinga ang isip ko, baka sakaling makalimutan ko ang babae.

What is it about her anyway?

KINABUKASAN, naisip kong maglakad-lakad sa lugar kasama si Fred, habang ginagawan ng paraan ni Paul ang dahilan kung bakit kami na-stuck sa lugar.

Kung sa gabi ay nababalot ng alitaptap ang mga puno, ngayon ay kita ko ang mayayabong na puno ng santol, mangga at pili sa bakuran ng haunted house. Maganda rin ang bahay, may malalaking bintana at malawak ang terasa. Mukhang masarap tumira sa ganoong bahay.

Binaling ko ang mata sa daan. Maganda ang buong lugar. Maraming nakatanim na halaman sa gilid ng bawat kalsada. Ang mga hindi sementadong parte ay may bermuda grass.

Sa kalalakad, hindi ko namalayan na nakaakyat na ako sa isang burol na malapit sa bungad ng barangay. Sa likod ay kinukubli nito ang barangay, at sa harap naman ay ang matingkad na asul na dagat. I took a deep breath when a strong wind came.

This is calming.

It is a blessing in disguise that Paul made a mistake about the car.

Dumako ang mata ko sa lupa. Magkahalong carabao at bermuda grass ang tumambad sa akin. Parang gusto ko tuloy magyapak.

Suddenly, I had the feeling that I’ve been here before. But it is the first time I came here.

“Master,” tawag sa akin ni Fred. Inabot niya rin sa akin ang isang bote ng mineral water. “Do you like the place?”

“I feel like I’m familiar with this place.”

Tumingin-tingin pa ako sa lugar. At doon sa pinakamataas na parte ng burol, may nag-iisang puno na matayog na nakatayo. Malago rin ang dahon nito.

I smiled bitterly. This place is painfully attractive in some point.

I sighed.

“Let’s go back.”

Nauna na akong bumaba. Masyado yata akong nalibang at hindi ko namalayan ang oras. Maaga pa nang maglakad-lakad kami, ngayon ay tanghaling tapat na at mainit na ang kalsada.

Wala ring masyadong tao na ipinagpapasalamat ko.

Malapit na kami sa tinutuluyan nang mahagip ng mata ko ang isang kumikinang na bagay mula sa bermuda grass sa gilid ng krus na daan. I’m not a curious person, but I don’t know what has gotten into me and I picked the small thing.

“Nang, pa-load po!”

My eyes widened when I heard the voice. I looked around and saw the girl from last night, still wearing the same clothes. She is a couple of meters away from me.

This close…

“AJ…”

“Do you know her?”

Napatingin ako kay Fred na nasa tabi ko na pala.

“What? No!”                                                                      

“You’ve been staring at her for a while now. Why not try and talk to her? Yuri, for the last time, let’s see if we can still find a way to treat your condition.”

Nailing na lang ako sa sinabi ni Fred. I don’t need to treat my health condition. I was doing fine until now.

“Nonsense,” sagot ko.

“As you wish, Master,” he said, feeling helpless.

Akma akong lalakad palayo nang tumingin si AJ sa gawi ko, dahilan upang mabato ako sa kinatatayuan. Behind the pair of thick glasses is her eyes looking back at mine. Napansin ko rin ang bahagyang pag-awang ng labi niya na tila may gusto siyang sabihin.

Snap out of it, Yuri!

I need to break from her eyes. I am having this weird feeling that if I stare any longer, I will be in big trouble. I can already feel the tightness on my chest.

“Master?”

I swallowed a lump on my throat. Nang lumapit sa akin si AJ, wala sa sariling inilahad ko ang kamay ko.

“I-Is this yours?” uutal-utal na tanong ko.

Dαmn it!

When she remained quiet and is just staring at me, Fred pulled me out of the place.

Nang makabalik kami sa tinutuluyan, agad na tinanong ni Fred si Paul kung maayos na ang lahat.

“We’re ready to go. Bakit parang hinihingal kayo? Nakipag-sȇx kayo, ano?!”

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang kalokohan ni Paul. Puno ng grasa ang mukha niya na tila siya ang nag-ayos ng sasakyan.

“No, you idiot! Kapag naayos mo na ang sarili mo, umalis na tayo.”

Pinabayaan ko na lang sila na mag-usap at naupo sa gilid ng kama. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko.

On my right hand is the bottled water, and on the other hand is the keychain.

Nakagat ko ang ibabang labi nang maalala ang tagpo kanina. It’s embarrassing.

Sana hindi na kami magkita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status