Share

Nathan (Only Love)
Nathan (Only Love)
Author: Ellie Gim

CHAPTER 1

“Ellie! Saan ka na naman ba pupuntang bata ka?” pagalit na turan ni Aling Nimfa sa anak anakan nya, Si Ellie ay ang naiwang anak ng yumaong kapatid na si Elizabeth, umibig eto sa lalaking taga syudad. Tanging sa mga lumang larawan lang nakilala ni Ellie ang Ina. Itinuring at minahal ni Nimfa na parang tunay na anak si Ellie, Lumaki etong masayahin, napakabait at napakalambing, matalinong bata din si Ellie bukod sa natatangi nitong ganda na nakuha sa ina, mula sa makinis na kutis at katamtamang tangos ng ilong , bilugan ang mga mata na binagayan ng mahahaba at malalantik na pilik na maaring sa ama nya nakuha. Sa edad na kinse namumukod-tangi ang kanyang taas, marami ang nag-aakala na dise-otso na sya at ganap na dalaga.

“Pupunta lang akong batis Nana!” Sagot ni Ellie sa kanyang nakagisnang Ina.

“Ako ay pupunta sa malaking bahay, kailangan ko tumulong sa gawain sa mansyon dahil parating sina Senyor kasama ang pamilya nya, dito daw magbabakasyon”

“Talaga Nana? Pwede ba akong sumama?” excited na turan ni Ellie, sa murang edad nya na kinse ay tila dalaga na sya.

“Akala ko ba pupunta kang batis? Sino ang kasama mo dun?”

“Si Lorna, pero susunod kami sayo sa mansyon tutulong din ako” alam ni Ellie na ang mag-asawang Del Mundo ang gumagastos sa kanyang pag-aaral kapalit ng paninilbihan ng kanyang Nana sa Mansyon. Napakabait ng mag-asawa sa mga tauhan sa Hacienda lalo na sa kanilang mag-tiya, ayon sa kwento ng kanyang Tiya kinuha daw eto ni Senyor Alfred sa kanilang probinsya sa Visaya sa pakiusap daw noon ng kanyang ina.

“O sya akoy tutuloy na, basta sumunod ka sa mansyon, wag ka magtatagal sa batis”

“Opo!” tumatakbo palayong sagot nya

KANINA pa inip na inip si Ellie paghihintay sa kaibigan sa batis, eto ang paborito nilang tambayan na magkaibigan, anak si Lorna ng isa sa trabahador din sa Hacienda, magkaklase sila mula Elementarya. Dala ang kanyan drawing pad nagsimula si Ellie gumuhit habang hinihintay ang kaibigan. Hindi nya namalayan ang oras dahil nalibang sya sa pagguhit, Bagot na binitawan nya ang panulat at lumusong sa tubig, napakalinaw ng batis, ang bahaging eto ng hacienda ay hindi napupuntahan ng ibang trabahador dahil mas malayo na eto sa parte kung saan nakatayo ang tahanan ng mga trabahador sa hacienda. Tila naging pribado eto para sa kanya.

“WHO ARE YOU!?

“Ay palaka!” gulat na napasigaw si Ellie, hindi nya masyado makita ang mukha dahil nasisilaw sya sa araw kung saan nakatayo ang lalaki sa ibabaw ng malaking bato.

“WHAT!!” Galit na turan ng lalaki

“SINO KA!? halos magkasabay nilang turan.

“WHAT are you doing here?” “Who are you?”ulit pa ng lalaki

Hindi makagalaw si Ellie, dahil naisip nya na kapag umahon sya sa tubig pagpipyestahan ng antipatikong tipaklong na eto ang kanyang katawan, nakasuot lang sya ng manipis na t-shirt tulad ng nakasanayan nila ni Lorna.

“Pwede ba, wag mo nga ako ini-english dyan! At isa pa ikaw ang bigla bigla na lang sumusulpot kung saan!”

Dahan dahan umupo ang lalaki sa bato habang nakatingin sa kanya, napakunot noo sya kase hindi pa nya nakita ang lalaki sa Hacienda, nakakasiguro sya na hindi eto trabahador sa ganda ng tindig at tikas nito, lalo na ng mapagmasdan nya ang nakapagwapo nitong mukha, biglang bumilis ng tibok ng kanyang puso.

Nakakunot ang noo at mukhang inis na inis sa kanya ang lalaki.

“P-Pwede ba tumalikod ka muna!” kinakabahan na turan ni Ellie, hindi nya alam kung dahil sa lamig ng tubig or sa mainit na titig ng kaharap.

“Inuutusan mo ba ako? Paano kung sabihin kong ayoko?” nang iinis pang turan ng lalaki.

“Pwede kita panoorin dito kahit gaano katagal” dagdag pa nito na nakataas ang sulok ng labi

“Abat! Bastos ka ah!” inis na turan ni Ellie sabay hagis ng tubig sa lalaki, dahil nabasa ang bato na inaapakan ng lalaki, dumulas eto at deretsong nahulog sa tubig sa mismong tapat nya.

“F*CK!”

“AYYY” halos magkapanabay nilang sigaw

“Why did you do that!? Inis na turan ng lalaki

Ubo ng ubo si Ellie dahil sa dami ng tubig na nainum nya sa biglang pagbagsak ng lalaki.

“Hey, Hey are you okay?” nababakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Nanigas ang katawan ni Ellie ng hawakan sya sa bewang at buhatin paalis ng tubig.

“Ibaba mo na ako!”

“Not yet, pwede ba wag ka malikot!”

“Ang bigat mo!” turan nito habang ibinababa sya sa isang malaking bato.

“Sinabi ko bang buhatin mo ako!”

“You’re Welcome!” nang aasar na turan ng lalaki.

Ellieeee!!!

Kuya!!!

Halos panabay na sigaw ni Lorna at ng kasama nyang lalaki.

“Ellie, Sorry natagalan ako kase inutusan pa ako ni tatay maghatid ng pagkain sa manggahan, Anong nangyari sayo?” turan ni Lorna sabay sulyap sa kasama nyang lalaki.

“Ano pa, e di naligo tagal mo kase” sagot nya sabay kusot ng ilong.

“Sya nga pala Ellie kasama ko si Daniel, natatandaan mo ba, sya yung kalaro natin noon?” kinikilig na turan ni Lorna

Lihim nyang kinurot ang kaibigan “Para kang uod na binudburan ng asin” bulong nya dito

“Tskk, ehh” sagot lang ni Lorna

“Hi Ellie! Nice to see you again” masiglang bati ni Daniel

"Kapatid mo sya?" paanas na tanong ni Ellie Kay Daniel

"Oo, matagal syang hindi nakauwi dito kase sa Manila nag-i stay" sagot ni Daniel na nangingiti.

"Pagminamalas ka nga naman! Tskkk!" pabulong na wika ni Ellie

“Let’s go Daniel!” “and you..” sabay sulyap sa kanya “umuwi ka na baka mapulmonya ka, tsk!” Inis na turan nito sabay talikod.

“Anong nangyari dun, ang sungit!” turan ni Lorna “Pero ang gwapooo!” dagdag pa nito

“Halika na, umuwi na tayo ang tagal mo dumating!”

“ Teka lang bakit kayo magkasama ng kuya ni Daniel?”

“Ewan! nalaglag mula sa langit at bumagsak sa tubig!”

“Ayyy ang KJ naman!”

“Umayos ka nga!”

“Pero aminin mo, ang gwapo!”

“Tsunggo kamo!” ingos nya dito pero lihim syang kinikilig.

Sabay na nila binaybay ang daan pauwi.

"Senyorito!" Humahangos na tawag ng isa nilang trabahador "Tama nga pala ang sabi nila, dumating na kayo” masayang wika nito

"Mukhang nakaligo na po agad kayo sa batis ah" pansin nito sa basa nyang damit.

"Yeah, at mukhang mapapadalas ako dito" sabay lingos ni Nathan sa daan tinatahak ng magkaibigan sabay taas ng sulok ng labi nya.

***** Itutuloy******

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status