Share

CHAPTER 3

TUWING umaga dumadaan sya sa mansyon nagbabakasakaling bumalik si Nathan, Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili na tila gusto nyo etong laging makita.

“Ang lupet mo kupido, kapag nakita kita aalisan ko ng balahibo ang pakpak mo!, sa lahat talaga ng papanain mo dun pa sa mahirap abutin” bubulong bulong na wika ni Ellie habang naglalakad.

“Hi Ellie!”

“Ay Tipaklong!”

“Grabe ka naman sakin Elliana Marie Cuevas, ganun ba ako kapanget sa paningin mo” wika ni Boyet habang kumakamot ng ulo.

Hindi maiwasang mapangiti ni Ellie, mabait na kaibigan si Boyet, malapit silang tatlo ni Lorna, iniwasan lang nya eto nung magtapat eto ng feelings sa kanya. Kase ayaw nya bigyan ng maling pag-asa.

“Wag ka kaseng nanggugulat dahil nakakapagsabi ako ng totoo!” tatawa tawang turan ni Ellie

“Awwwwtss, ang sakit!” sabay hawak sa dibdib na animoy nasasaktan “Sobra ka na sakin Elliana ah”

Tawa sila ng Tawa.

Isang malakas na busina ang narinig nila bago humarurot sa harapan nila ang isang magarang sasakyan.

“Ano yun? Parang hari ng kalsada ah!”

Parang nakaramdam ng kakaibang kaba si Ellie, ewan ba nya, parang biglang sumikdo ang puso nya.

“Halika na Elliana !” aya ni Boyet

PANSAMANTALANG nalimutan ni Ellie ang pag-iisip sa binata, naging busy na sila sa nalalapit na JS prom. Excited ang lahat mamili at magpatahi ng susuotin.

"Ellie anak, lumabas ka nga dine, magmadali ka!" humahangos na tawag ni Nana Nimfa

"Bakit po ba Nana? para kang hinahabol ng sampung tikbalang!"

"Aba akoy excited laang sa iyo anak, parine ka at meron pinabibigay sayo si Greg, sabi ni Greg eh galing daw sa Maynila eto!"

"Ano po ba iyan?"

"Ay aba ay buksan mo, kuuuu magugustuhan mo anak"

"Naku Nana, hula ko eh naunahan mo na ako!"

Nagulat sya sa laman ng paper bag na sa tingin nya ay sa mamahaling boutique pa galing, isang black na gown, Excited na isinuot nya eto, parang sinukat sa kanya ang size, na umabot hanngang tuhod ang haba, kitang kita ang makinis nyang binti. Meron din mga accessories na kasama.

"Ang Ganda!! Kanino daw po galing?"

"Pihong galing kay Senyora, alam mo naman yun sabik sa anak na babae"

SA gabi ng Prom, lumabas ang natatagong ganda ng mga kadalagahan ng mga Santa Fe National Highschool, pero natatangi sa lahat ang ganda ni Ellie dahil sa maamo nyang mukha hindi sya mukhang highschool lamang , madalas napapagkamalan na syang ganap na dalaga.

"Ellie, pwede ba kitang isayaw" aya sa kanya ni Boyet

"Mamaya na ako, tingnan mo si Rita ang sama ng tingin sakin pero kapag sayo nakatingin parang meron lumalabas na puso sa mga mata" sabay bungisngis ni Ellie. Nakapakisig din ni Boyet sa gabing iyon, isa sya sa may makisig at gwapong mukha ng Santa Fe

"Ikaw talaga, basta mamaya isasayaw kita ha"

"Oo na, isayaw mo muna sya" taboy nya kay Boyet

Iwan ba nya pero pakiramdam nya meron nagmamasid sa kanya, parang tumatayo ang balihibo nya sa batok.

"Ellie!! ano ka ba wag mo buruhin ang ganda mo dito sa upuan, mamaya laang i-a-announce na ang magiging King & Queen of the night! Kuuu parang alam ko na naman ang kung sino mapipili!" excited na wika ni Lorna

Mayamaya pa, tinawag na ang mga kandidata na napili, at mula sa mga piling piling kandidata doon pipiliin kung sino ang hihirangin na King & Queen of the Night.

"Ang ating Queen of the Night ay walang iba kundi si Elliana Marie Cuevas!"

"At ang ating King of The Night ay walang iba kundi si Robert Perez!"

Sigawan ang mga tao dahil sila ang itunuturing na perfect na pares. Palakpakan ang lahat

Play music >>> "King and Queen of Hearts"

"Ang ganda ganda mo ngayon Ellie, Sana hindi eto ang una at huli nating sayaw" madamdaming wika ni Boyet (Robert Perez) habang titig na titig sa maamong mukha ni Ellie

"Ano ka ba, bakit araw-araw ba magkakaroon ng prom at gusto mo laging akong isasayaw" bungisngis ni Ellie

"Ikaw talaga, di ka na makausap ng matino" kumakamot ng ulo na wika ni Boyet

Napabungisngis si Ellie, pero maya maya sumeryoso si Ellie.

"Mga bata pa tayo marami ka pang makikita dyan"

napabuntunghinga lang si Boyet, alam nya mahihirapan sya mapaamo ang mailap na puso ni Ellie.

MULA sa malayo meron pusong kinakain ng panibugho.

Maghahating gabi na ng magpasyang umuwi ni Ellie, nagpaalam sya kay Lorna na mauuna na, hindi na nya inabala si Boyet dahil busy eto sa pakikipagsayaw. Sandali muna syang huminto sa gate ng school, nangangawit na ang kanyang binti kaya minasahe nya ng bahagya, halos mapatalon sya sa gulat ng biglang may humintong sasakyan.

"Sakay!" maawtoridad na utos ni Nathan habang binubuksan ang pinto ng sasakyan, hindi nya inaasahan ang pagdating nito na naghatid ng kinilig sa kanyang puso. Agad syang sumakay sa unahan, nakikita nya ang kaseryosohan sa mukha ng binata. Nailang sya sa titig nito kaya nagyuko na lang sya ng ulo. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya, bahagya syang napapikit, napamulat sya ng makarining ng "click" mula sa pagkakabit ng seatbelt. Napalingos sya sa amo na bahagyang nakataas ang sulok ng labi.

"S-Senyorito, s-saan po tayo pupunta?" tanong nya dito ng mapansin nya na hindi ang daan papunta sa bahay nila ang tinutungo nila.

Lumingos lang eto sa kanya, bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Maya-maya pa naramdaman nya na huminto ang kanilang sasakyan sa isang bahagi ng hacienda. Inalis nito ang seatbealt at humarap sa kanya, bahagya syang nakaramdam ng kaba.

"Next time hindi ka na magsusuot ng damit na ganyan, tsk!" sabay hagod sa katawan nya. Matiim etong tumitig sa kanya.

Napatitig din sya dito, unti-unting naglapit kanilang mukha nila, hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Mabilis na pinutol ng binata ang kanilang halik.

"Ellie..." sabi nito na tila merong gustong sabihin.

"Senyorito" anas nya

"Ayokong lalapit ka sa Boyet na yun o sa kahit na sinong lalaki" wika nito nagpakunot sa noo nya.

"B-bakit po"

"Bata ka pa, tsk!" tila naiinis na wika nito, na nagpangiti sa kanya.

Bata pa daw pero may pahalik-halik na wika nya sa isip

"Ellie, I'm serious!"

"Opo" nakakagat labi nyang sagot

"Good!"

MANILA

"SIR, nakaready na po ang lahat" wika ni Jeffrey ang secretary ni Nathan

"Thank you Jeff, Naayos mo na ba lahat ang pinapagawa ko?"

"Yes Sir, plantsado na po lahat ng bilin nyo"

"Mabuti kung ganun, Siguraduhin mo na walang magigin problema, kung meron man ipaalam mo agad sakin"

"Yes Sir"

Sumasakit ang ulo nya sa problema sa Negosyo nila sa America, ayaw nyang umalis pero kailangan sya doon, matanda na ang Papa nya, ayaw na rin nya masyado mapagod dahil sa kondisyon nito sa kalusugan. Hindi nya alam kung kailan maaayos ang problema dun.

***Itutuloy****

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rebelde Reb
manyak yung nathan. bastos . kala mo king sino
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status