Share

CHAPTER 5

NAKARAAN..

Pawis na pawis si Beth sa pagtakbo dahil hinahabol nya ang oras baka ma-late sya sa a-applyan nya na trabaho.

"Kuya! kuya, saglit lang abot pa ba ako? Kase mag-aaply sana ako" tawag ni kuya sa security guard ng building na pag a-appyan nya.

"Naku ganda hindi ko alam eh, mabuti pa pumunta ka dun sa receptionist tanong mo sa kanya, eto ang visitor's pass" wika ng guwardya.

"Salamat kuya, ang gwapo gwapo mo talaga!" tuwang tuwang wika ni Beth. Napakamot ng ulo ang gwardya.

Dali dali pumunta si Beth sa Reception area habang kinabit ang clip ng visitor's ID habang nakayuko pag-angat ng ulo nabundol sya sa isang matigas na bagay. Isang pares ng maganda mata ang kanyang nakita, nakahawak eto sa bewang nya, ramdam na ramdam nya ang init ng katawan nito, sandaling tumigil ang mundo habang titig na titig sila sa isat-isa.

Napakunot ang noo ni Alfred.

"Sa susunod, tumingin ka sa nilalakaran mo" wika ni Alfred sa Dalaga. Parang dun natauhan si Beth at bigla nya naitulak ang lalaki.

"S-Sorry po" nakayuko nyang wika.

"Sir, Naghihintay na po si Mr. Paete" wika ng secretary nya.

"Okay Let's go" wika ni Alfred habang nakatitig pa rin kay Beth.

Habang sakay ng kotse muli nya sinulyapan ang dalaga na ngayon ay kausap na ng receptionist, napakaganda nito....

KASALUKUYAN...

"Naiisip mo na naman ba sya?" wika ni Catalina sa asawa habang yakap yakap sya mula sa likod. Nakasalukuyan syang nasa veranda at nagpapahangin

"Hindi ko maiwasang maisip ang lahat ng nangyari" butunghininga ni Alfred sabay hawak sa kamay ng asawa na nakayakap sa kanya.

"Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari" wika ni Catalina "Wag mo parusahan at sisihin ang sarili mo, You had enough" Malambing na wika niya sa asawa.

Humarap sya sa asawa ay niyakap eto, hinalikan nya sa noo nito.

"Maraming salamat sa pang-unawa at pagmamahal mo" anas ni Alfred.

"Syempre, gwapo mo eh!" nagbibirong turan ni Catalina. Hindi maiwasang mapatawa ni Alfred.

"Halika ka na sa loob, masama sayo ang mag-isip , kailangan nating bumisita kay Doctor Martin today" yaya ni Catalina sa asawa.

“WOW! Ang laki naman ng school na eto, hindi ba ako maligaw dito!?” humahangang wikani Ellie

“Kaya nga kita isinama dito bago ang formal na start ng Class mo” wika ni Daniel habang inaalalayan sya pagbaba sa sasakyan. “Sige po Mang Greg, sunduin nyo na lang po kami mamaya” paalam nito sa driver.

Architecture ang kinukuhang kurso ni Ellie, dahil eto ang pangarap nya simula ng mallit pa sya, sabi nya kapag nagkapera sya igagawa nya ng magandang bahay ang kanyang Nana Nimfa. Medisina naman ang kinukuhang kurso ni Daniel, Matanda sya dito ng isang taon, Matyaga syang inilibot ni Daniel sa buong Universidad. Natapos na rin nila ang kanilang dapat tapusin na kailangan ni Ellie sa pagsisimula ng klase. Ang gym ang huli nilang pinuntahan.

“Daniel, Ang ganda ng kasama mo ah, alam ba yan ni Ruth?” tumatawang bati ni Jiro.

“Loko!” Pabirong sinuntok ni Daniel ang braso ni Jiro. “Loyal to!” sabay tawa.

“Hi! Jiro at your service!” sabay kuha sa kamay ni Ellie, sabay halik sa likod ng kamay nya.

Medyo nagulat at nailang si Ellie, pero ngumiti lang sya.

“E-Ellie ” nahihiyang pakilala nya sabay bawi sa kamay nya.

“Ouch!! Sino yun?!” Sigaw ni Jiro sabay lingos kung sino ang bumato ng bola sa kanya.

“Masyado kang mabilis! Nakahalik ka na kaagad!” nakakunot nuong wika ng lalaking naghagis ng bola kay Jiro.

“Grabe ka naman Alex! Sakit nun ah” sabay himas sa ulo na tinamaan ng bola, hindi naman masyado malakas ang pagkahagis sapat lang paraa umagaw ng atensyon ni Jiro.

Matikas na lumapit si Alex sa grupo, sya ang captain ng basketball team, matikas, gwapo at matalino din.

Dahan dahan syang lumapit sa tapat ni Ellie habang matiim na nakatitig sa mukha nya. At umikot pa sa likod nya bago bumalik ulit sa harapan na para sinisipat ang buong katawan nya.

“Uy loko, wag mong takutin!” wika ni Daniel, sabay siko kay Alex. Napatawa si Alex at lumabas ang biloy nya. Nakahinga ng maluwag si Ellie akala nya minamanyak na sya ng poging tipaklong na eto.

“PERFECT!” wika ni Alex habang nakatitig pa rin sa kanya. “Naghahanap kami ng muse!”

“H-Ha, M-muse?!” kinakabang wika ni Ellie. Napatingin sya kay Daniel na tila nagpapasaklolo. Nagkibit balikat lang si Daniel na tila sinasabi “It’s up to you”.

“Eh- hindi kase ako marunong sa mga ganyan, humanap ka na lang ng iba” nahihiyang wika ni Ellie

“Don’t Worry Babe, Ako bahala sayo” sabi ni Alex sabay Akbay sa kanya.

“HEY GUYS!!” agaw atensyon ni Alex sa team mates nya. “We have new QUEEN, ELLIE!” anunsyo nito sa buong team nila.

Umuugong ang bulungan, ang iba naman ay pumalakpak lalo na ang kalalakihan.

Nahihiyang nagyuko na lang ng ulo si Ellie, pakiramdam nya ang init init ng mukha nya.

"Hay mukhang mapapasubo ang byuti ko dito, kainis ka Daniel, mamaya ka saking lalaki ka!" bubulong bulong sya habang nakatingin kay Daniel sabay sign ng kamao. Tatawa-tawa naman si Daniel na parang aliw na aliw sa kanya.

“SIRA ka talaga!, kainis ka!” sabay hampas ni Ellie kay Daniel habang nasa loob ng sasakyan. Ilag naman ng ilag ang isa habang tumatawa.

“Relax! Okay!” habang tawa ng tawa si Daniel

“Relax!? paano ako magre-relax? Anong gagawin ko dun? Wala naman akong alam sa mga ganyan ganyan, Ikaw Daniel pinaglalaruan mo na ako ha!”

Unti-unting sumeryoso si Daniel.

“Ellie, Maganda ka kaya natural sa mga lalaki na hangaan ka” seryosong wika ni Daniel.

“At isa pa hindi kita ipapahamak, dahil baka mabatukan ako” sabay ingos sa kanya na ngumingiti.

“Sino naman babatok sayo?” tanong ni Ellie

“Basta! Tsk! Dami mo tanong, wag ka na masyadong magtanong, okay” nakabungisngis na turan nito.

***Itutuloy***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status