Share

CHAPTER 4

LUMIPAS ANG MGA ARAW at BUWAN, sabay ng pagtatapos ni Ellie sa Highschool.

Excited ang lahat sa nalalapit na pagpasok sa College.

"Ellie, anak kinausap ako ng senyora, pag-aaralin ka daw nila sa Maynila" turan ni Nana Nimfa habang naghahapunan

Mabilis na napatingin si Ellie sa kanyang ina-inahan.

"Pumayag po kayo Nana?"

"Ayaw ko hadlangan ang pangarap mo anak, ayoko na makatulad ka sakin na dito na tumanda, pero mamimiss kita 'Nak" sabay singhot ni Nana Nimfa,

"Nana, mag-aaral akong mabuti, at kapag meron na akong trabaho kukuhanin kita at titira tayo sa Maynila"

"Kuu ayaw ko doon, gusto ko pa rin ang buhay probinsya, sapat na sakin na matupad mo ang iyong pangarap, masaya na ako"

"Salamat Nana sa pagmamahal mo sakin, at pag-aalaga, love din kita " masuyong turan ni Ellie.

"Basta mag-iingat ka dun"

Malungkot ang mansyon sa araw ng pag-alis ni Ellie, lalong lalo na si Boyet na sa Santa Fe napiling mag-aral ng Agrikultura dahil yun ang hilig nya. Napamahal na si Ellie sa mga tao sa mansyon. Pansin nila ang espesyal na pagtrato sa kanya ng mga Del Mundo sa dalagita.

Hindi alam ni Ellie kung anong buhay ang naghihintay sa kanya sa Manila, ang mahalaga matutupad nya ang kanyang pangarap.Excited din sya dahil may posibilidad na makita nya muli ang lalaking gumising sa kanyang murang puso.

"Nathan" bulong nya sa hangin habang sakay ng bus byaheng Maynila. Hindi nya nakita ang binata mula ng huli silang nagkita sa prom, wala mang malinaw na sinabi ang binata ngunit tila may lihim na unawaan na ang kanilang mga puso. Nabalitaan nya lumipad eto pa-America upang tutukan ang Negosyo nila doon.

TUWANG-TUWA syang sinalubong ni Senyora Catalina. Napakabait nito lalo na sa mga taong naninilbihan sa kanila. Bakas pa rin ang pagiging glamorosa at ganda nito sa kabila ng edad.

"Naku Ikaw na ba si Ellie? pasensya ka na at hindi ka na nasundo, kumusta ang byahe mo? kuuu pagkaganda-ganda mo na lalo!" magiliw na salubong sa kanya ng ginang.

"Ayos naman po ang byahe ko medyo nanibago lang po sa paligid" Pabungisngis na wika ni Ellie sabay tingin sa paligid.

"Napakaganda po na bahay nyo, mas malaki sa bahay nyo sa probinsya" humahangang wika pa ni Ellie.

Napangiti ang Ginang

"Halika na at alam ko pagod ka sa byahe" "Manang Flor, pakisamahan si Ellie sa magiging kwarto nya" Tawag nito sa isang kasambahay nila. "bahala ka na sa kanya at pupuntahan ko lang ang Senyor nyo sa Library." magiliw na paalam nito

"Opo Senyora, kuu ikaw na ba ang anak ni Nana Nimfa? Kuu kagandang bata!" Masayahing wika ni Manang Flor

Kiming napangiti si Ellie, natutuwa sya sa magiliw na pagtanggap sa kanya sa tahanan ng mga Del Mundo.

"Opo" kimi nyang sagot

"O sya halika na at samahan kita sa kwarto mo, alam mo ba na pinalinis yun ni Senyora para sayo, kuuu palibhasa ay sabik sa anak na babae!" natutuwang wika nito

Isang katamtamang laki ng kwarto ang bumungad sa kanya, puti ang lahat ng dingding, halos kaseng laki lang eto ng tirahan nila ni Nana Nimfa sa probinsya, meron din verandang maliit. Ang kama ay puti rin, may sariling banyo ang kanyang silid.

"Wow! dito po ako matutulog? Napakaganda!" humahangang wika ni Ellie

"Eto ang pinakamaliit na silid sa second floor, dati etong nursery room, ang katabi mo naman na room ay dating master's bedroom na kwarto na ngayon ni Senyorito Nathan, kase mula nung magkasakit ang Senyor ginagawa ng Master's Bedroom ang isang malaking kwarto sa ibaba para di na mapagod sa pag-akyat, ang bandang dulo naman ay Library ni Senyorito Nathan, Si Senyorito Daniel naman ay sa 3rd floor mamaya pa uuwi ang batang at nahihilig sa barkada" mahabang paliwag ni Manang Flor.

Maagang Gumising si Ellie kinabukasan excited sya kase eto ang araw na pupunta silang University, maaga nyang inihanda ang kanyang sarili.

"Magandang umaga po!" bati nya kay Nana Flor pagpasok nya ng kusina.

"Oh Ellie ang aga mo gumising, mamaya ng hapon ang Eskwela mo ah" ani Manang Flor

"Hindi pa naman daw po simula ng klase, pupunta kami ngayon umaaga para mapamilyar daw po ako at meron din po ako kailangan gawin dun, picture-picture po yata yun"

"ah baka ko-kodakan ka hihihi" nakangiting wika ni Manang Flor

Napatawa si Ellie kay Manang Flor talagang brand pa ng camera ang naisip wikain

"oh sya, ako nga ineng ay tulungan mo na laang dine, ay areng si Marie ay tulog pa" tukoy nya sa isang kasambahay "Mabuti at andito ka, pakihiwa na laang nitong mga gulay, alam mo ang ating mga amo ay mahilig sa mga gulay lalo na si Senior, maya- maya laang eh dudulog na ang mga yun" mahabang paliwanag ni Manang Flor.

"GOOD MORNING!

Sabay na napalingon ang dalawang babae sa bagong dating.

"Ano ka ba namang bata ka, bakit ba ikaw ay nanggugulat, susmee akoy aatakihin sa iyo eh" gulat na gulat na wika ni Manang Flor habang hawak ang dibdib.

Tumatawang naupo si Daniel habang nakatingin kay Ellie.

"Ikaw talaga Manang di ka na nasanay sa akin" tumatawang wika ni Daniel "Good Morning Ellie, mukhang ang aga mong gumising ah, excited ka na ba para mamaya, wag ka mag-alala itu-tour kita sa buong school" dagdag pa nito.

"H-ha, a eh, ikaw ba ang sasama sa kin?" wika ni Ellie

"Bakit, ayaw mo ba? Kinausap ako ni Mama na ako na lang ang sasama sayo kase kailangan ni Papa bumisita sa Doctor nya today"

"..Kaya.. walang kang magagawa kundi tiisin ang ka gwapuhan ko" nakangiting wika ni Daniel

"Kuuu dyaske kang bata ka, wag mo nga inaasar iyang si Ellie" ani Manang Flor

"Gusto mo ng kape?" alok ni Ellie kay Daniel

"Now we're talking! kanina ko pa hinihintay na alukin mo ako!" nakangiting wika ni Daniel

Napangiti si Ellie, noong mga bata pa sila alam nya na makulit eto, ang gaan ng loob nya dito. Malaki ang paghanga ng kaibigan nyang si Lorna dito, Nalungkot nga sya noong magpaalam ang kaibigan na magta trabaho sa Maynila kase hindi sya kayang tustusan ng mga magulang sa pagkokoliheyo, humahanga sya sa kaibigan dahil napakadiskarte nito sa buhay.

Mayamaya pa dumating na ang mag-asawang Del Mundo at nagsimula ang magana nilang agahan.

"Mahal, kilala mo na ba si Ellie? anak ni Nana Nimfa" wika ng Senyora Catalina sa Asawa.

Napatingin si Senyor Alfred kay Ellie at napakunot noo. Kahit madalas sya umuuwi sa Hacienda hindi pa nya muli nakikita ng malapitan ang batang si Ellie, marahil dahil nag i eskwela eto at sya naman ay madalas din sa Opisina at sa Manggahan.

"Ikaw na ba ang batang dala ni Beth noon?" wika ng Senyor, lihim na sinipa ng Senyora ang Senyor, nagkatinginan ang mag-asawa.

"Opo" nahihiyang wika ni Ellie "kumusta po kayo?"

Napangiti ang Senyor.

"Kamukhang kamukha mo ang iyong Ina" anas ng Senyor

Elizabeth ang tunay na pangalan ng Ina ni Ellie na kapatid ni Nana Nimfa na nagpalaki at nag-alaga sa kanya mula ng mamatay ang kanyang ina, Ang kwento ni Nana Nimfa, lumuwas ng Maynila ang kanyang ina upang magtrabaho, pangarap nito na magkaron ng magandang buhay, matalino ang kanyang ina bukod sa napakaganda talaga nito. Noong unang buwan daw na umalis ang kanyang ina, madalas etong sumulat hanggang sa dumalang ng dumalang. Makalipas ang ilang taon pinasundo daw ni Senyor Alfred si Nana Nimfa sa Visaya at dinala sa Hacienda dahil dun daw nagta-trabaho si Elizabeth na pansamantalang nasa Manila lang. Makalipas ang ilang linggo nya sa Hacienda  dumating ang kanyang Ina bitbit ang isang batang babae na halos kakapanganak lang, meron malubhang sakit ang kanyang ina at di nagtagal binawian din eto ng buhay. Hindi nalaman ni Nana Nimfa ang buong kwento kung ano nangyari sa kanyang ina kaya hindi rin nya alam kung sino ang kanyang ama.

***Itutuloy****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status