Share

CHAPTER 7

ELLIE

NAGMAMADALI ako sa pagpasok sa unang klase ko ngayong araw, hindi na ako sumabay pumasok kay Daniel dahil tanghali na ako nagising, napuyat kase ako kakaisip tungkol sa larawan.

"Hi Babe!" sigaw na Alex habang tumatakbo palapit sa akin.

"Ay butete! Ano ka ba 'Lex wag ka nga nanggugulat, at tsaka wag mo nga akong matawag tawag na babe, kelan pa ako naging biik?" gulat na gulat na wika ko. Hindi maiwasang mapatawa ni Alex.

"Ikaw ang pinakamagandang biik na nakita ko" anito na tumatawa. "Bakit ba ang sungit mo ngayon? masyado mo ba akong namiss?" nang aasar na turan ni Alex.

"Asa ka pa!" ingos ko sabay binilisan ang aking lakad dahil baka mahuli ako sa klase.

"Bakit ka ba nagmamadali hindi ka pa naman late sa first subject mo?" hinihingal na turan ni Alex "Ang bilis mong lumakad, may lahi ka bang amasona?" dagdag pa nito. Hindi ko maiwasang bumunghalit ng tawa sa sinabi nito. Kahit napakakulit nito hindi ko magawang mainis ng tuluyan dahil napakapalabiro nito. Isa si Alex sa masugid kong manliligaw, nagtapat na eto ng damdamin sa akin dati pero sarado na ang puso ko para sa ibang pag-ibig. Mula ng ligawan ako ni Alex wala ng nagkalakas loob na lumapit pa, which is pabor na pabor sa akin dahil ayaw ko ng distraksyon, gusto kong patunayan sa mga Del Mundo na hindi nasayang ang lahat ng kabutihan nila.

"Nakita kase kita, akala ko multo!" ganting biro ko kay Alex.

"Sabi ko na miss mo rin ako eh!" wika ni Alex sabay akbay sa akin. "Akin na nga yang mga dala mo baka hindi ka pa lumaki, mas malaki pa ang mga libro sayo" sabay kuha sa hawak nyang libro.

Inirapan ko lang si Alex at tinaliman ng tingin.

"Wag kang tumingin ng ganyan sakin Ellie, baka mahalikan kita" seryosong wika ni Alex.

"Puro ka kalokohan, akin na nga yan!" ganting biro ko sabay agaw sa mga libro

Nagkukulitan kami habang papunta sa unang klase ko.

PAGPASOK ni Ellie sa Canteen nagtataka sya dahil busing busy ang lahat habang meron pinapanood sa kanilang mga Cellphone. Ang iba ay halos kinikilig at tumitili pa.

"Ehh nakakakilig! Bagay na bagay sila!" tili ng mga babaeng studyante.

"Hi Ellie, dito ka na sa table namin, hinihintay ko rin si Daniel" tawag pansin sa kanya ni Ruth, kasintahan eto ni Daniel na parehong Medisina rin ang kinukuha kaya laging magkabuntot ang dalawa. Mabait ang dalaga kaya nakapalagayang loob na rin nya.

"Ano ba yun pinagkakaguluhan nila?" curious na tanong ni Ellie.

"Hindi mo ba Alam? Akala ko alam mo, si Kuya Nathan ikakasal na sa nobya nyang Modelo!" wika nito

Gulat na napatingin si Ellie kay Ruth.

"H-Ha?"

"Eto oh panoorin mo, nakakakilig!" sabay abot sa kanya ng Cellphone

Nakita nya si Nathan katabi ang napakagandang at seksing babae, nakasuot eto ng red gown na bumagay sa maganda nitong kutis. Lalong nadagdagan ang gandang lalaki ni Nathan sa pagdaan ng mga taon. Nakatingin ang babae kay Nathan, may ibinulong eto sa babae na parang nagpakilig dito sabay hilig sa dibdib ng lalaki.

"Ms. Trixie, pwede po ba kami magtanong ng ilang katanungan?, okay lang din po kung hindi nyo sasagutin" magalang na tanong ng reporter.

"Oh Sure darling, no problem" mahinhin nitong sagot.

"Matagal na po umuugong ang balita sa lihim na relasyon nyo ni Mr. Del Mundo, meron na po ba kaming aasahang magaganap na kasalan? by the way po, bagay na bagay po kayo" tanong ng reporter. Mahinhing ngumiti si Trixie at sumulyap muna kay Nathan bago sumagot.

"oh Thank you!Actually, Hindi naman sekreto talaga ang aming relasyon, masyado lang pribado etong fiance ko, di ba Hon?" tugon ni Trixie sabay yakap kay Nathan. Meron ibibulong si Nathan kay Trixie na nagpangiti sa babae.

"And Yes!" baling ni Trixie sa reporter " We will be announcing our upcoming wedding soon!" nakangiti nitong sagot.

Palakpakan at sigawan ang lahat ng tao. Ang iba ay kilig na kilig.

"Excuse us!" magalang na paalam ni Nathan sa mga reporter habang nakahawak sa bewang ng babae.

Halos madurog ang puso ni Ellie sa napanood nya. Gusto nyang umiyak ng malakas kaso pinipigilan nya dahil nakakahiya.

Humahangos na dumating si Daniel habang hawak hawak ang cellphone na parang merong kausap. Dahan dahan nya etong ibinaba at mabilis lumapit kay Ellie.

"Ellie, ayos ka lang?" marahang tanong ni Daniel. Tiningnan sya nito na parang nakikisimpatiya.

"A-Ayos lang! Ano ka ba, paano mo naman naisip na hindi ako okay" kunway tumatawa nyang sabi. "Hindi ako dapat masaktan, dahil wala naman akong karapatan na masaktan" sabi nya sa isip nya.

"Why love?, is there any problem? nagtatakang tanong ni Ruth na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Ewan ba dyan sa Boyfriend mo, parang praning!" kunway bale walang sagot ni Ellie.

"Wala love, natanong ko lang kase hindi sya sumabay sakin pagpasok kanina" sagot ni Daniel na nakatingin pa rin kay Ellie na tila ba binabasa ang damdamin nya.

"Oh okay, kumain na tayo, gutom na ako!" wika ni Ruth sa kasintahan.

ELLIE

Hanggang sa pagtatapos ng klase sa araw na iyon parang nakalutang pa rin ang isip ko. Hindi ko matanggap na ang lalaking pinapangarap ko ay ikakasal na sa iba. Nagpasya akong magpunta sa pinakamalapit na mall upang maglibang at magpalipas ng oras. Napakunot ang noo ko habang naglalakad, nakakita ako ng pigura ng babae na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Lorna!" bulong ko sa sarili ko, bigla syang na-excite na makita ang kaibigan.

"LORNA!!" malakas kong tawag sa kaibigan na biglang nagpalingos sa dito. Katulad nya gulat na gulat din eto.

"Ellie!!" tumatakbong lumapit sa kanya at nagyakap sila ng mahigpit.

"Ang ganda ganda mo lalo, Ellie!" tuwang tuwang turan nito

"Ikaw kumusta ka na? Saan ka ngayon nakatira? Saan ka nagwo-work? " sunod-sunod kong tanong.

"Talaga lang, kailangan talaga madaming tanong? hindi ba pwedeng isa-isa lang?" nangaasar na wika nito. Hindi ko maiwasang mapatawa, namiss nya talaga ang kaibigan nya.

Ang dami nilang napagkwentuhan, nagta trabaho daw eto sa isang restaurant bilang Extra, nakakuha ng libreng paaral sa TESDA, Culinary ang kinuha nito para daw madaling matapos at makatrabaho. Hindi nya maiwasang humanga sa kaibigan, nakapamakadiskarte nito sa buhay, nagpa-part-time din daw etong tagalinis ng mga condo unit para mag maipadala sa Tatay at mga kapatid.

Hanggang sa mapadako ang usapan namin sa kwentong pag-ibig.

"Kuuu sinasabi ko na nga na yang inis mo noon kay senyorito may pupuntahan eh, may pa tsungo-tsungo ka pang nalalaman ah, iibig ka rin pala!" sabay kurot sa tagiliran ko. Napatawa ako pero bigla rin nalungkot.

"Eh wala ng pag-asa na mapansin ako nun kase, may nobya na at ikakasal na!" malungkot kong kwento.

"Ano ka ba, hanggat di pa natatali yan, may pag-asa pa ang pag-ibig mong purorot!" sulsol pa nito

"Paano?" napapantastikuhan kong tanong.

"Alam mo Friend matalino ka, pero kulang ka sa diskarte, kapag ayaw sa dasalan, daanin sa santong paspasan!" sabay tawa ng malakas ni Lorna.

"Alam mo puro ka talaga kalokohan!" nakangusong kong wika.

"Maganda ka Ellie, kaunting lilis lang ng palda mo madami na maglalaway sayo, kaunting talop lang ng damit mo walang santo na di maaakit sayo!" kumukindat kindat pa nitong sabi sabay bungisngis.

"Ewan sayo, ang halay mo talaga!" natatawang hinampas ko eto ng mahina sabay irap. Sabay silang nagkatawanan,

MADILIM na ng makauwi ako ng bahay. Gumaan-gaan ang pakiramdam ko ng makausap ang kaibigan. Sobrang namiss ko eto kaya bago sila naghiwalay nagbigayan sila ng contact number, pati na rin sa social media account. Dere-deresto sya sa kanyang kwarto.

"Saan ka galing?" natigilan ako ng marinig ang boses ni Nathan hindi pa man nya nabubukssan ang pinto ng kanyang kwarto.

Napapikit sya ng mariin dahil sobrang namiss nya ang boses nito.

**********

Itutuloy...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emelie Sejuela
magandang storya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status