Share

Chapter 2

ALENA

Kinagabihan, abala kaming lahat sa pag-aasikaso sa mga bisita sa mansion. Maraming dumating na bisita kaya hindi kami magkaka-undagaga sa pag aasikaso.

Meron namang catering na kinuha ang senyora para sa mga pagkain.. May mga dumating din na mga waiter at waitress pero hindi pa rin sapat kaya kailangan namin tumulong.

Nakasimangot na nga si Joan dahil halatang pagod na din ito. Sabayan pa ng ibang mga maaarte na bisita. Kahit naman ako, ngalay na ang binti ko sa kakalakad.

"Anak, magpahinga na kayo ni Joan doon sa kwarto. Diba may pasok pa kayo bukas sa school

Kami na bahala dito, kakausapin ko na lang si Sonya mamaya. Maiintindihan kayo noon." nakangiti na suhistyon ni Nanay Clara.

"Joan, nabanggit nga pala ng Nanay mo na dito ka na matulog. Wala daw tao sa bahay niyo kasi nandito din sila. Abala din na tumutulong sa pag aasikaso ng bisita.". Dinalhan ka na din nila ng school uniform na gagamitin mo bukas para hindi mo na kailangan umuwi upang magbihis kinaumagahan." Baling ni Nanay kay Joan.

Agad naman na tumango si Joan. " Sige po Nay Clara, salamat po... Pagod na talaga kami eh. Alas-onse na pala, maaga pa pasok namin ni Best bukas. Baka makatulog kami sa kalase nito bukas kung hindi pa kami matutulog ni Best ngayun.

" Kaya nga mga anak, magpahinga na kayo. Maiintindihan naman kayo nila Senyor at Senyora. Marami naman din mga staff dito para mag-asikaso sa mga bisita. Kaya sige na.. Pumunta na kayo sa quarter, magpahinga na kayo." sagot ni Nanay.

"Sige Nay mauna na kami.. Pero Sumunod na din kayo mamaya ng kunti sa amin.. Alam ko po na pagod na din kayo. ." sagot ko kay Nanay. Nakikita ko din kasi sa hitsura nito na pagod na. Kung wala nga lang kaming pasok kinabukasan hindi ko ito iiwan.

"Huwag mo akong alalahanin anak. Nagsipag-uwian na rin naman ang ilang bisita.. Baka mamaya ng kunti matatapos na din ang pagtitipon. Sige na magsipagtulog na kayo. ." wika ni Nanay.

Agad naman kaming tumalima ni Joan. Pagod na pagod kami kaya derecho tulog na kami paghiga namin sa aking higaan. Magkatabi na kaming natulog. Sabagay sanay naman na si Joan matulog dito sa kwarto ko. Lagi kasi itong nakikitulog lalo na kapag may mga projects kami na dapat tapusin.

Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na kami ni Joan. Wala na din si Nanay Clara sa kanyang higaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking ina-inahan. Alam ko kasing puyat at pagod ito pero kailangan pa rin gumising ng mas maaga para magluto. Kapag makapagtapos lang talaga ako, hindi ko na papayagan na magtrabaho si Nanay. Agad kaming nag-ayos dahil ayaw namin ma late sa school. Alas-syete kasi ang pasok namin pareho.

Kailangan pa namin maglakad hanggang bungad ng hasyenda para mag-abang ng tricycle na masasakyan. Halos bente minutos din kaming maglakad kaya kailangan namin bilisan ang kilos.

Nakahanda na ang baon namin ni Joan ng lumabas kami ng kwarto. Alam kong si Nanay Clara ang gumawa ng baon namin. . Mabilisan din kaming kumain ng aming agahan at agad na umalis na.

Nakasabay pa namin sa paglalakad ang ilan sa mga istudyante na papasok din sa School. Lahat ng mga ito ay anak ng magsasaka at mga tauhan dito sa hasyenda. Kasama na dito sina Alex at Felix

"Hello beautiful ladies sabay na tayo para naman masaya." bati sa amin ni Felix. May pagkapresko ito at matagal ng nagpapalipad-hangin kay Joan.

Napansin ko ang biglang pagsimangot ni Joan ng marinig ang sinabi ni Felix.

" Oo nman, mas marami tayong maglalakad, mas masaya." nakangiti na sagot ko.

" Yan ang gusto ko sa iyo Alena, napakabait mo talaga, hindi katulad ng iba dyan na ki-aga-aga nakabusangot ang mukha Hindi naman kagandahan". Sagot ni Felix sabay sulyap kay Joan.

"Pwede ba Felix, huwag mo nga akong bwesitin. Ka aga-aga ha???" inis na sagot ni Joan

Si Alex naman ay tahimik lang habang naglalakad kami. Mahiyain kasi ito at bihira lang magsalita. Hindi ko nga alam kung paano naging magkaibigan si Felix at Alex, magkaiba naman ang kanilang ugali, madaldal kasi itong si Felix.

"Joan, my love, bakit ba ang sungit mo. Ikaw talaga... Isang ngiti naman oh???" malambing pa na muling wika nito. Hindi pinansin ang pagsusungit ni Joan.

Napahagikhik naman ako sa reaksiyon ni Joan. Napaismid kasi ito at biglang tiningnan ng masama si Felix. Kulang na lang na sapakin nito si Felix.

Nang makarating kami sa labas ng Hasyenda ay agad kaming nakasakay ng tricycle. Kilala na din namin ang driver kasi iilan lang naman ang bumabyahe na tricycle dito sa amin. Halos lahat naman din ng tao ay magkakakilala.

Agad kaming nakarating ng School. Dahil taga kabilang section sila Felix at Alex agad itong humiwalay sa amin

Derecho naman kami ni Joan sa aming classroom.

Mabilis na lumipas ang maghapon, uwian na at dating gawi, naabutan namin ang magkaibigan na Felix at Alex sa gate ng school. Halatang hinihintay kami ng mga ito.

Agad naman na ngumiti ang mga ito ng makita kami.

"Hi Alena, Hi Joana my love!" bati ulit ni Felix sa amin. Hindi naman maidrawing ang mukha ni Joan.

"Pwede ba Felix, tumigil ka na, nakakahiya ka baka mamaya kung ano ang isipin ng makakarinig sa iyo.".asar na wika ni Joan

"Makakarinig ng ano my Love?" nang-aasar na wika ni Felix.

"Hayst baliw!!!!" nakakinis! " Grrrrrr!" Asar na wika ni Joan at nagpatiuna na sa paglalakad.

Lihim naman akong napangiti sa kanila. Sumakay na kaming apat ng tricycle pauwi ng mansion. Hanggang alas-kwatro ng hapon ang aming pasok sa School.

Pagdating namin sa bungad ng mansion ay agad kaming bumaba sa tricycle. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng makasalubong namin ang isang mamahaling sasakyan.

Agad kaming tumabi sa gilid ng daan at tumingin dito. Napansin ko na si Senyorito ang nagdadrive at kasama nito ang mga kaibigan nito.

Nagulat pa kami ng bigla itong huminto sa harap namin.

"Magandang hapon po Senyorito". Agad na bati namin dito sabay yuko.

Naramdaman ko na naman na parang may daga na naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit sa tuwing nakikita ko si Senyorito para akong balisa.

"You and You!!!?" sabay turo nito sa amin ni Joan. Hindi ba isa kayo sa mga trabahador ng mansion? Bakit nandito pa kayo sa labas? "kunot noo na tanong nito sa amin.

Agad kaming nagkatinginan ni Joan.. Pareho kaming kinabahan.

" Hmmm Senyorito, galing po kami ng School, kakalabas lang po namin." paliwanag ni Joan.

Napansin ko na bahagyang natawa ang mga kaibigan ni Senyorito sa sagot ni Joan.

"Justine, hindi ba obvious naka school uniform sila oh may nakasabit pa na id sa leeg, malamang galing sila ng school." natatawa na wika ng isa sa mga kaibigan nito."

"Shut up Marco."hindi ko hinihingi ang opinion mo. Asar na wika ni Senyorito. Lalo naman napahagalpak ng tawa si Marco.

Agad naman kaming nagpaalam sa mga ito. Tumango lang si Senyorito sa amin bago kami tumalikod at naglakad pauwi ng mansion.

*

**

***

JUSTINE FALCON POV

Tinatahak namin ang daan kasama ng dalawa kong kaibigan na sila Marco at Casper ang palabas ng mansion ng makasalubong namin ang pamilyar na mukha. Ang babaeng angat ang ganda sa lahat ng nakahilira na katulong kahapon kasama pa nito ang isa pang babae na alam kong trabahador din ng mansion.

Agad uminit ang ulo ko ng mapansin ko na may kasabay itong dalawang lalake. Sa isip ko maaring nagliligawan ang mga ito. Partner kasi sila, dalawang babae at dalawang lalake. Mga teenager nga naman.

Nagulat pa ang mga kaibigan ko ng bigla kong hinintuan ang mga ito ng pagkatapat ko sa kanila. Hindi ko kasi mapigilan ang aking sarili para sitahin ang mga ito. Napansin ko na nagulat ang mga ito. Lalo na si Alena. Umiwas pa ito ng tingin pagkatapos kami nitong batiin.

Alam kong nonsense ang tanong ko sa mga ito, kasi tama si Marco, halata naman kung saan galing ang mga ito.

Nang magpaalam na ang mga ito ay agad kong narinig na pumalatak si Casper.

"Awts shit Pare, ang ganda ng mga yun ah? Lalo na yung mas matangkad..Sobrang ganda!!! Akalain mo may nakatago pa lang diwata dito sa hasyenda niyo. ." pumapalatak na wika ni Casper.

"Uyyy Pare ha, umandar na naman yang kabaliwan mo pagdating sa babae ha? Baka mamaya ma DSWD ka nyan, halata din naman na minor pa ang mga iyon. Baka mamaya makasuhan ka ng Child Abuse." Wika naman ni Marco.

"Hahahha" Ulol, hindi uso ang Child Abuse sa akin Pare.. Ako pa ba naman." sagot ni Casper.

Bahagya naman na natawa si Marco sabay tingin kay Justine

" Paano ba ito Pre, mukhang type ni Casper yung dilag kanina, yung mas matangkad daw". Wika ni Marco.

"Ano ba kayo, pinagpapantasyahan niyo ang minor de edad. Magsitigil nga kayo". Asar na wika ko sa mga ito.

"Aba Pre bago yan ah? Kailan ka pa naging concern sa minor de edad?" Nakakalokong wika ni Casper.

"Ganito na lang, bakit hindi na lang tayo magpustahan?" suhistiyon ni Marco. May nakakaloko itong ngiti sa labi. "Susubukan natin kung gaano ka katinik sa babae Justine, itataya ko ang bago kong condo sa makati kapag manalo ka.

Nalabuntung-hininga ako ng marinig ko ka Marco.. Tiyak na may kalokohan na naman na naglalaro sa isip nito.

Tatawa-tawa naman ang pinaka-playboy sa amin na si Casper.

"At ano naman ang kapalit kapag natalo ako?" buntung-hininga ko na tanong dito.

"Ang bago mong Lamborghini Pare, type ko talaga yun eh. " wika ni Marco.

"Aba parang cool yan ah.. Sige ipupusta ko din ang limited edition ko na harley davidson motorcycle kapalit ng iyong limited editon Ferrari kapag matalo ka." singit naman ni Casper, hindi patatalo kapag kalokohan ang pag-usapan.

"At anong challenge naman ang gagawin ko". Tanong ko sa mga ito.

"Kailangan maikama mo yung magandang babae. Pare, sa loob ng dalawang linggo, dapat tapos mo na ang challenge namin kung hindi ikaw ang talo sa pustahan." wika ni Marco na nakangisi pa.

"What" kidding pAre? Alam mo naman na ikakasal na kami ni Valerie, tukoy ko sa anim na taon ko ng kasintahan. After a month susunod sa akin si Valerie dito sa Pilipinas para ayusin ang kasal namin. Anak ito ng Mayor dito sa aming lugar at matagal ng nakatakda ang aming pag-iisang dibdib

"Kaya nga Pare for the last time na pagiging binata mo, binibigyan ka namin ng chance na tumikim ng bata at sariwa at may kasama pang premyo." ngisi na wika ni Casper.

"Ano Pare Deal??? Kung ayaw mo naman liligawan ko na lang yung dilag.. Malay mo mapa-oo ko eh swerte ko diba?" Wika naman na Marco

Napabuntung-hininga ako sa sinabi ni Marco. Alam ko kung gaano katinik sa mga babae ang mga kaibigan ko. Sabagay, wala rin naman akong pinagkaiba sa kanila. Pero hindi ako papatol sa minor. Kahit paano may natitira pang awa sa mga minor de edad ang pagkatao ko.

Babaero ako pero tinitiyak ko na nasa wastong gulang ang lahat ng naikama ko.

" Mga ulol!!! Hindi ako katulad niyong sugapa!!! Hindi ako pumapatol sa minor de edad kaya pwede ba? Tigilan niyo ako!!!" halata sa boses ko ang inis sa mga ito.

"At ikaw naman Casper, huwag dito sa hasyenda... Huwag kang magkalat. Mayayari ka kina Mommy at Daddy kapag may ginawa kang kalokohan kaya tumigil ka diyan sa pagtitrip sa mga bata." pagbanta ko dito.

Nagtawanan naman sila Marco at Casper.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status