Share

My Innocent Alena
My Innocent Alena
Author: Cathy

Chapter 1

ALENA

May ngiti sa labi habang inaamoy-amoy ko ang mga bulaklak dito sa harden ng Mansion. Napakabango talaga ng samyo ng mga bulaklak lalo na yung mga nag-uumpisang mamumukadkad pa lang. Mabuti na lang at dito ako nakaasign para maglinis araw-araw. Kapag nandito kasi ako sa lugar na ito feeling ko ay nasa Paraiso ako. Sobrang ganda naman talaga kasi at halatang alagang-alaga ang nasabing lugar.

"Alena!!!!! Best, sabi ko na nga ba dito lang kita makikita eh!!!!" bahagya pa akong napaigtad dahil sa lakas ng pagkakatawag sa akin ng ksamahan kong si Joan. Nakangiti akong lumingon dito.

"Oh Best, pambihira ka naman, masyado mo naman akong ginulat." reklamo ko dito pero hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi.

"Hqyss naku.. Kanina pa kita hinahanap noh??? Wika nito sabay hawak sa akin.

"Bilisan mo Best, baka nandoon na si Aling Sonya sa bakuran. Malalagot tayo nito kapag maunahan pa tayo doon. Kanina pa raw pinapatawag lahat ng kasambahay." tukoy sa mayordoma ng mansion na saksakan ng sungit. Hinila na ako ng kaibigan kong si Joan. Halos patakbo kaming pumasok sa malawak na bakuran ng mansion.

Pagdating namin sa malawak ng bakuran ng mansion agad kaming nakihalubilo sa umpukan ng mga katulong...hindi pa nag-uumpisa ang masungit namin na mayordoma.. Marahil hinihintay pa nito ang iba.

Limang taon na kaming nagtatrabaho ni Nanay Clara dito sa mansion. Mayroon itong dating pwesto sa palengke pero nalugi kaya napagpasyahan na lang ni Nanay na mamasukan bilang kusinera sa hasyenda ng mga Falcon.

Buti na lang magaling magluto si Nanay. Matandang dalaga si Nanay Clara.. Opo tama po kayo, ampon niya ako. Hindi nilihim ng nanay ang tunay kong pagkatao.

Walong taon pa lang ako ay inamin niya na sa akin na napulot niya lang daw ako sa malapit sa tambakan ng basura sa palengke. As in baby pa lang daw ako noon. Wala eh... Kailangan niyang umamin kasi halata naman na hindi kami magkamukha.

Maitim kasi si Nanay, pandak at pango ang ilong. Kabaliktaran naman ang aking apperance sa kanya. Sa edad na daisy-sais nasa 5"7 na ang aking height. Balingkinitan ang katawan at kahit laging nakabilad sa araw namumula lang ang aking kutis. Hindi ako umiitim at maraming nagsasabi na maaring may dugo akong banyaga.

Nag-umpisa kaming tumira sa Hasyenda Falcon ng mag-11 years old na ako. Si Joan agad na isa sa mga anak ng katiwala dito sa hasyenda ang aking napalagayan ng loob. Madaldal kasi ito at magkasing-edad lang din kami.

Tumutulong din ako sa mga gawain dito sa mansion kapag wala akong pasok sa School. Nasa senyor high school na kami ni Joan kaya dapat pag-igihan namin. Pinapasahod din naman kami ni Joan. Stay in ako kasama si Nanay Clara at stay out naman si Joan dahil may bahay sila dito sa loob ng hasyenda. Isa kasi ang mga magulang nito sa matagal ng trabahador ng hasyenda.

Mabait naman ang aming mga amo na sina Senyora Amelia at Senyor Alfredo. Buti na lang at pumayag itong isama ako ni Nanay dito sa mansion. May sarili kaming kwarto sa likod ng mansion. May mga kasama kaming ibang stay-in na katulong pero may privacy naman kasi may kanya-kanya kaming kwarto. Magkasama kami ni Nanay sa iisang silid.

Binigyan din ako ng scholarship ng mga ito. Kaya naman laking tuwa ko kasi makakaminus ito sa aming mga gastusin. Lagi pa itong namimigay ng Christmas bonus kapag pasko. Bongga ang regalo kapag new Year lalo na kapag maganda ang income ng hasyenda buong taon.

May malaking announment daw na gusto iparating ang Senyora ng mansion kaya nandito kami sa labas. Ang masungit na mayordoma na si aling Sonya ang magsasabi sa amin..Kapag may gustong iparating si Senyora Amelia kay aling Sonya nito pinapadaan.

Maya-maya pa ay nakita kong nag-umpisa ng magsalita ang mayordoma. Hindi kasali si Nanay Clara sa meeting na ito dahil abala ito sa kusina. Hindi kasi pwedeng ma delay ang pagluluto.

"Bweno, nandito na ba ang lahat. May importanteng ibabalita ang Senyora, pinapasabi niya na uuwi si Senyorito Justine sa susunod na araw galing America... Kailangan natin maghanda dahil magkakaroon ng engrandeng salu-salo dito sa mansion sa araw na iyon."

Narinig ko na napasinghap ang ilan sa mga kasamahan ko. Lalo na ang mga kadalagahan. Si Joan naman ay parang kiti-kiti sa tagiliran ko. Panay sundot sa bewang ko. Parang may gusto na naman sabihin.

" Pa welcome na din nila Senyora Amelia at Senyor Alfredo Falcon sa kanilang nag-iisang unico-ijo at tagapagmana."

"Kaya dapat bilisan natin ang ating mga kilos. Bawal ang pabagal-bagal. Alam kong gahol na tayo sa oras, pero kailangan natin magmadali." patuloy na wika ng mayordoma.

"Bawat sa inyo, may mga nakatuka na dapat gagawin. Bilisan ang kilos at dapat pulido ang lahat.. Naiintindihan niyo ba?". Panghuling talumpati ng masungit na Mayordoma.

"Opo, "sabay sabay namin na sagot.

Nilahad na nga sa amin kung ano ang aming gagawin. Naatasan kami ni Joan na maglinis sa Garden. Tulungan daw namin ang hardenero dahil matanda na. Dapat daw walang makita na kahit isang tuyong dahon.

"eyyyyyu Best, excited na ako. Ang gwapo kaya ni Senyorito... Alam mo ba last kong kita sa kanya 8 years ago.. Bago kayo dumating dito sa mansion". Halos patili na wika ni Joan. Nandito na kami sa Garden at abala sa pagwawalis ng mga natuyong dahon at bulaklak

"Talaga? Mabuti naman kung ganun para makita na natin ang isa pa nating amo.. Mabait ba siya? ." sagot ko kay Joan

"Hmmmmm, oo naman mabait naman si Senyorito noon. Pero hindi ko lang alam ngayun, syempre matagal siyang tumira sa amerika.. Sana hindi nagbago ang ugali niya."

" Ganoon ba?. Haysst hayaan mo na Best, mabait man siya o hindi ayos lang... Amo natin siya kaya dapat pagsilbihan natin ng maayos.." tanging sagot ko kay Joan

"Pero Best alam mo napakapogi niya... As in kapag makita mo sa personal tiyak na magkakagusto ka doon."sagot ni Joan

" Hindi din siguro, wala pa sa isip ko ang mga bagay na iyan Best. Gusto kong makapagtapos sa pag-aaral bago ang crush-crush na iyan. " nakangiti kong sagot kay Joan

" Ewan ko sa iyo Best... Basta ako.... crush ko yun.. Kaya lang kailangan niyang pumunta ng America para ituloy ang pag-aaral. Naku friend kapag makita mo yun tutulo laway mo". Wika pa nito na kinikilig.

Iningusan ko lang si Joan dahil sa sinabi nito. Sa loob-loob ko wala akong pakialam kung gaano ito kagwapo. Wala akong time tungkol sa mga bagay na iyan

Gusto ko makapagtapos muna sa pag-aaral para mahanap ko ang tunay kong mga magulang. Gusto ko kasing isumbat sa mga ito kung bakit nila ako itinapon sa basurahan. Buti na lang si Nanay Clara ang nakapulot sa akin at itinuring ako nitong tunay na anak. Hindi nito ipinagkait sa akin ang pagmamahal na kagaya ng isang tunay na magulang.

" Kaya lang nung nandito pa yun kung sinu-sinong babae ang sinasama dito sa mansion. Hindi daw nawawalan ng babae yun Best." malungkot na wika ni Joan

"Ayy ganoon?" lalong ayaw ko sa ganoong lalaki Best. Turn off na ako sa kanya, lalong hindi ako magkakacrush sa mga ganoong lalaki. " wika ko dito.

" ayyyy.. No.... Nooo!!!! Wag kang magsalita ng ganyan friend, baka kapag makita mo si Senyorito kusa kang maghubad sa harap niya" natatawa na wika ni Joan..

"Hala ang bastos ng bibig mo Joan.. Hindi ko gagawin yun noh.. Para lang sa maging asawa ko ang virginity ko. Regalo ko kapag tapos na kami ikasal." nangangarap kong wika.

"Hehehhehhhe" weeehhh hindi nga. Sabi mo yan ha? Baka mamaya malaman ko nalang naisuko mo na ang bataan... " pang-aasar ni Joan.

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating si aling Sonya.

" Hoy kayong dalawa Joan, Alena, tama na nga ang daldal. Bilisan niyo ang kilos. Paano kayo niyan matatapos kung puro kwentuhan ang ginagawa niyo?" Masungit na wika ni Aling Sonya. Tiningnan pa kami ng masama sabay alis.

"Hayhssst yan talaga si Aling Sonya talo pa ang may-ari ng mansion. Kung umasta akala mo kung sino.. Pareho lang naman natin na tsimay" pabulong na wika ni Joan.

"Ssshhhh tama na yan baka marinig ka. Para pa naman yang may antenna sa talas ng pandinig". Humahagikhik kong wika.

"Oo nga. Palibhasa kasi matandang dalaga.Siguro hindi pa nakatikim ng b****a yan kaya masungit." ngisi na wika ni Joan

"Ha"? Anong b****a?" loading na tanong ko kay Joan.

" B****a, yung pinapagitnaan ng dalawang itlog sa hita ng lalaki.

Ano ka ba ang slow mo Best". Bungisngis na wika ni Joan.

"Yuck ang bunganga mo Joan..

Grabe ka...kanino mo naman nakuha yung ganyang pananalita." sagot ko dito habang tumatawa.

"Eh syempre, sa mga telenobela kong nabasa Best. Alam mo na, mahilig ako sa mga pocketbooks kaya naman may idea na ako sa mga ganyang bagay." nakabungisngis na wika ni Joan. Natawa naman ako sa mga sinabi nito. Mahilig nga pala itong magbasa ng mga nobela. Ang allowance nga nito halos doon lang napupunta dahil panay bili ng pocketbooks sa bookstore. Ewan ko ba kung bakit libang na libang ito sa pagbabasa sa mga ganung bagay. Wala kasi akong kahilig-hilig sa mga ganoon. Mas gusto ko magbasa ng mga tunay na libro dahil mas marami akong natututunan.

Tawang-tawa kami ni Joan habang nagtatrabaho. Pero nang mapansin namin na tinitingnan kami ng masama ni Aling Sonya bigla kaming nagkanya-kanya ng trabaho ni Joan. Mahirap na baka masigawan na naman kami. Mamaya nalng namin ituloy ang tsismisan.

Mabilis na lumipas ang araw. Nandito kami ulit sa bakuran, nakahilira lahat ng katulong. Lahat kami naka uniform...Parating na daw si Senyorito Justine at kailangan namin i welcome.

Nang may huminto na magarang sasakyan ay agad kaming tumayo ng tuwid sabay yuko. Hinanda na namin ang aming mga sarili para sa mainit na pagbati dito.

"Maligayang pagdating Senyorito" Sabay-sabay na bati namin dito sabay yukod na ilang metro na lang ang layo nito sa amin. Halos lahat ng katulong ay napatanga dito.

Tama si Joan ang gwapo nga nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ang aking mga kamay.

Maikokompara mo ang kagwapohan at katikasan ni Senyorito Justine sa isang Greek God. Hindi ito ganun kaputi, matikas ang katawan at matangkad. Sa tindig pa lang nito ay mahahalata mo na galing sa hindi basta-bastang pamilya. Istikto itong naglakad at diretso lang ang tingin. Bahagyang tango lang ang naging tugon nito sa aming pagbati.

May kasama itong dalawang lalaki na hindi din pahuhuli kung papogian ang labanan.

Nang dumaan sa harap ko ay napansin ko na sumulyap ito sa akin pati na din ang mga kasama nito

Sabagay sa lahat kasi ng katulong dito sa mansion ako ang pinakamatangkad.

Direcho itong umakyat sa hagdan papunta s second floor ng mansion. Nakasunod naman dito ang dalawa nitong kasama. Lahat kami ay nakasunod ang tingin dito. Pambihira hindi man lang namin narinig ang bosea nito. Mukhang suplado at dapat kong iwasan dahil baka kami ay laging mapagalitan.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na kinalabit ako ni Joan.

"Best, laway mo tumutulo". Pabulong na wika nito.

Namumula naman akong tumingin sa kaibigan ko. Parang wala pa ako sa sarili ko. Aaminin ko na grabe ang epekto sa akin ni Senyorito pagkakita ko pa lang dito sa kauna-unahang pagkakataon.

"Oh, tapos na ang pagbati at pagsalubong kay Senyorito, bumalik na kayo sa mga trabaho niyo, bilisan niyo dahil mamaya-maya lang magdadatingan na ang mga bisita para sa party." malakas na boses na wika ni Aling Sonya.

"Halika na Best, baka mabulyawan na naman tayo ni Aling Sonya, hayst kaliit na babae napakatapang, parang laging galit." aya sa akin ni Joan.

Agad naman kaming bumalik ni Joan sa aming ginagawa. Daldal pa rin ng daldal ito habang nagtratrabaho.

"Napansin mo ba kanina ang mukha ni Rosa at Alice?" Tukoy nito sa mga kasamahan namin na katulong. Matanda ng dalawa o tatlong taon lang sa amin ang mga ito. Hindi namin kaclose ang mga ito kasi may pagkatsismosa at inggitera.

"Parang pusa na hindi matae. Nakanganga pa at muntik ng tumulo ang mga laway. Grabe ang pagpapacute. Akala mo naman papansinin sila ni Senyorito." pagpapatuloy ni Joan

"Ikaw talaga kung anu-ano ang napapansin mo. Baka marinig tayo ng mga iyan bigla tayong sabunutan." saway ko kay Joan.

"Hayyy naku Best, iyan ang huwag nilang gagawin.. Lalabanan ko talaga sila.!" wika ni Joan

Napangiti lang ako sa sinabi nito. Hindi na ako nagkumento pa. Abala kasi ang isip ko sa kaka-imagine sa hitsura ni Senyorito. Parang nakatatak na sa isip ko ang nakakaakit nitong hitsura. Pero kahit ganoon pa man hindi ko dapat siniseryoso ang bagay na yun. Pangarap muna bago landi. Normal lang siguro itong nararamdaman ko sa amo ko kasi talaga namang napaka-pogi nito. Hindi lang naman ako ang napahanga dito, kundi kaming lahat yata. Kaya walang dapat ikabahala. No big deal ika nga.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status