Share

Chapter 7

ALENA

Hinihingal ako habang nakaupo sa isang bahagi ng bangketa dito sa Metro Manila. Napakagulo ng paligid. Abala lahat ng tao na akala mo ay laging may hinahabol. Mausok ang paligid. Tagaktak na din ang pawis sa buo kong katawan. Sobrang init ng panahon. Nakatanaw ako kay Nanay Marta na noon ay mabilis na naglakad papunta sa isang tindahan para bumili ng tubig.

Bahagya kong nilingon ang dala namin na kariton na noon ay puno ng mga kalakal. Papunta na sana kami sa suki naming junk shop ng makaramdam ako ng pananakit ng aking balakang. Pakiramdam ko naninigas ang aking tiyan. Kaya nakiusap ako kay Nanay na kung pwede ay magpahinga muna kami. Akala ni Nanay nauuhaw lang ako kaya nagpaalam ito na bibilhan ako ng malamig na tubig.

Dito kami napadpad sa Manila ng pinalayas kami sa hasyenda Falcon. Nakarating naman kami ng maayos dito at nakakuha ng mauupahan na maliit na kwarto. Akala ko magiging maayos ang buhay namin. Pero nagkamali ako. Lalo kaming naging misereble. Lalo kaming naging kaawa-awa.

Natanggap na din sana ako sa trabaho bilang isang tindera sa isang palengke. Kaya lang pinaalis agad ako ng may-ari ng malaman nito na nagdadalang-tao ako. Ayaw daw nito magkaroon ng trabahador ba buntis. Hassle daw kasi pagdating sa trabaho.

Natanggal ako sa trabaho at hindi na makahanap pang muli. Mahirap kasi dahil minor de edad pa ako tapos buntis pa. Wala talagang tatangap sa akin.

Tama naman ang may-ari ng tindahan na pinapasukan ko. Nagiging maselan ang mga unang tatlong buwan ng pagbubuntis ko. Halos hindi ako makabangon sa higaan dahil pakiramdam ko umiikot ang buo kung paligid. Lagi din akong nagsusuka. Hangang sa nangayayat ako dahil nagiging mapili ako sa pagkain. Nahihiya na nga ako kay Nanay dahil halos wala na nga kaming makain, nagiging pihikan pa ako. Kaya naman kahit may gusto akong kainin or kahit may pinaglilihian akong pagkain sinasarili ko na lang. Ayaw ko ng lalo pang mahirapan pa si Nanay dahil sa mga cravings ko. Lilipas din ang lahat. Dinadaan ko na lang sa pagtulog minsan ang lahat. Iniiwasan ko din na makita ni Nanay na umiiyak ako. Awang-awa ako sa sitwasyon namin.

Oo, nabuntis ako ni Senyorito. Hindi ko akalain na sa isang beses na may nangyari sa amin, mabubuntis niya ako ng ganoon kabilis. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Hindi sana maging ganito ang kapalaran namin ni Nanay. Masyado akong nagpadala sa kapusukan. Ngayung nagdadalang-tao ako hindi ko hahayaan na maranasan ng anak ko ang kamalasan na nangyari sa akin ngayun. Babangon ulit ako pagkatapos kong manganak. Kung kinakailangan na pasukin ko lahat ng trabaho na pwede kong mapasukan gagawin ko. Bibigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking anak. Isinusumpa ko, hinding hindi na ulit ako magtitiwala pa sa mga lalaki.. Tama na ang isang pagkakamali. Nagiging malaking lesson na sa akin ang lahat.

Si Nanay naman ay pa extra-extra lang din ang trabaho noon. Kapag may nagpapalabada na kapit-bahay tsaka pa lang din ito nakakapagtrabaho. Pero hindi pa rin sapat ang kita sa paglalabada. Ang dami kasing bayarin. Upa sa bahay, kuryente, tubig, pagkain at kung anu-ano pa..

Hanggang sa maubusan kami ng pera ni Nanay at dumating pa sa punto na wala na kaming pambayad sa inuupahan naming kwarto. Kung baga ubos talaga lahat ng ipon namin. Lalong gumuho ang aming mundo ng malaman namin na buntis ako.

Agad kaming pinalayas ng may-ari ng hindi ng kami makabayad sa upa ng bahay. . Kaya naman heto kami ngayon, walang sariling tahanan, kung saan abutan mg gabi sa pangangalakal doon kami matutulog kasama ang aming kariton. Nasanay na din ako sa ganitong sitwasyon. Wala eh, wala akong karapatan magreklamo. Mabuti na din siguro ang ganito, at least wala kaming inaalalang bills. Makakaraos din siguro kami. Hihintayin ko na lang na makapanganak ako tsaka ulit maghahanap ng trabaho.

Bahagya kong kinapa ang may kalakihang umbok ng aking tiyan. Kung titingnan ang laki nito hindi mo aakalain na nasa anim na buwan pa lang ito ngayon. Sobrang bigat na din. Para akong nakalunok ng pakwan. Hindi bagay sa katawan ko ang laki ng tiyan ko. Alam kong malnourished na ako dahil kulang sa sustansiya lahat ng kinakain namin. Hindi din ako nakakainom ng vitamins at gatas para sa buntis. Dalangin ko lang na sana ay lumabas na malusog ang aking anak. Sana ligtas ito sa loob ng aking sinapupunan.

Nag-aalala ako kasi never ko pang napatingnan ang aking pagbubuntis sa isang doctor.. Mabigat na din ito lalo na at sobrang payat ko.

Magkano lang naman kasi ang aming kinikita ni Nanay sa pangangalakal. Isa pa nag iipon kami para sa aking panganganak. Buti na lang nandyan si Nanay Clara, hindi ako iniiwan nito. Alam kong hirap na hirap na din ito. Matanda na si Nanay pero pinipilit pa rin nitong maging malakas para sa akin. Dinadamayan ako nito sa lahat oras. Lagi nitong pinapaalala sa akin na hindi pa katapusan ng mundo. Na may pag-asa pa para makaahon sa hirap.

Kung tutuusin, pwede ako nitong iiwan. Hindi naman niya ako anak. Hindi kami magkadugo. Ako pa nga ang dahilan kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon. Maayos sana ang buhay nito kung hindi ako lumandi. Alam kong nabigo ito. Hindi ito ang pinapangarap niya para sa akin. Alam ko kung gaano ito ka proud lalo na kung may pumupuri sa akin noon. Napalaki daw kasi ako ni Nanay na isang magandang dalaga, isang magandang ehemplo sa kabataan dahil hindi ako nagpapaligaw... . Nakikita din nila na mas priority ko ang pag-aaral ko noon at lagi akong nangunguna sa klase. . Kaya alam kong maraming nagtataas ng kilay ng malaman ng mga ito ang iskadalo na kinasadlakan ko kasama ni Senyorito Justine.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko ng naramdaman ko na sumipa ang aking anak sa loob ng aking sinapupunan. Masakit kasi ito. Napangiwi pa ako habang tinitiis ang sakit.

"Oh anak heto uminom ka muna ng tubig at kainin mo itong biscuit." wika ni Nanay sa akin

Hindi ko namalayan na nakabalik na pala ito dala ang isang maliit na bote ng tubig at dalawang piraso ng biscuit. Tagaktak ng pawis ang noo nito. Kita sa mga mata ang matinding pagod.

"Salamat po Nanay. Sa inyo na lang po yang isa. Ok na po ako dito sa isang biscuit." wika ko dito.

Naawa ako kay Nanay. Katulad ko napakadungis din nitong tingnan. Lalong umitim dahil sa maghapong pagbababad sa araw sa paghahanap ng kalakal.

"Sa iyo na yan anak. Busog pa naman ako." nakangiti na wika ni nanay.

"Sige po. Pero kapag magutom kayo mamaya kainin nyo na lang. Isa lang naman po ang kaya kung kainin eh." pagdadahilan ko dito. Sa totoo lang gutom na din ako. Pero kailangan ko din kasi bigyan si Nanay. Pareho kaming gutom kaya dapat lang magshare kami sa lahat ng grasya na dumating sa amin.

"Ngumiti na lang si Nanay. Kung may magagawa lang sana ako para makaahon kami. Kung may magagawa lang sana ako para maibsan ang paghihirap nito.

Kung tinanggap ko na lang sana ang Pera na binigay ni Senyorito, hindi sana kami maghihirap ng ganito. Hindi sana namin danasin ang ganitong buhay. Hayst minsan ang sobrang pride hindi din maganda. Sabagay, hindi ko kasi akalain naabubuntis ako. Kaya ang lakas ng loob kung tanggihan ang binigay nitong pera.

"Hoy mga pulubi!!! Lumayas nga kayo dito sa harap ng restaurant ko. Panira kayo ng view. Imbes na maraming customer ang kakain sa amin umaayaw na lang dahil abot hanggang loob ng resto ang mabaho niyong amoy!!! Nagulat ako sa Sigaw ng may-ari ng restaurant. Kami ang tinutukoy nito

"Pasensya na po kayo Madam. Nagpapahinga lang po kami saglit. Sumakit kasi ang balakang ng anak ko." hinging paumanhin ni Nanay dito.

"Wala akong pakialam, basta lumayas kayo ngayon din dito." galit na sigaw nito

"Mam sandali lang naman po.. Huwag naman po kayong magalit sa amin". Nagpapakumbaba na wika ni Nanay.

"Anak, kaya mo na bang maglakad? Halika na alis na tayo dito." wika ni Nanay at inalalayan akong tumayo.

"Opo Nay kaya ko na po." wika ko dito kahit na alam ko sa aking sarili na sumasakit pa ang aking balakang.

"Hmmmppp, kay bata-bata pa buntis kaagad. Kay agang lumandi." pasaring sa amin ng babaeng nagpapaalis sa amin.

"Madam, huwag naman po kayong magsalita ng ganyan. Huwag niyo naman husgahan ang anak ko dahil wala kayong alam." naiinis na wika ni Nanay Marta.

Naluha naman ako sa pagtatanggol ni Nanay sa akin. Ilang beses na ako nakakarinig ng masakit na salita mula sa ibang tao pero nandyan siya palagi para ipagtanggol ako. Hindi ito nagsasawang ipadaramdam sa akin na ayos lang ang lahat. Na wala akong dapat ipag-alala dahil ipagtatanggol ako nito sa lahat ng oras.

" Hay naku ewan ko sa inyo. Lumayas na nga kayo. Wala akong panahon makipagchikahan sa inyo! Layas! Tsupi!! Sigaw ulit nito.

Agad naman kaming pinagtitinginan ng mga dumaan na tao. Yung iba ay parang natatawa pa sa nakitang eksena at ang iba naman ay mukhang naaawa sa amin. May lumapit pa sa amin upang bigyan kami ng barya. Agad naman na tinangap ni Nanay at buong pusong nagpasalamat. Bawat barya kasi na binibigay ng may mabubuting loob ay malaking tulong sa amin.

Inakay na lang ako ni Nanay papunta sa Kariton. Tiningnan nito ang laman ng aming kariton at bumaling sa akin.

"Alena, anak sumakay ka na lang muna dito sa kariton, ako na lang ang magtutulak. Didirecho na tayo sa junk shop ni Mang Karyo upang maibinta ang mga ito para makapagpahinga ka na ng maayos.

" Naku Nay ayos lang po ako. Maglalakad na lang ako Nanay. " nahihiya kong sagot dito. Masyado ng mabigat ang kariton kung sasakay pa ako.

"Sigurado ka ba anak? Sige magdahan-dahan na lang tayo. Huwag kang mahiya na magsabi kapag may kakaiba kang nararamdaman ha?" nag-aalalang wika ni Nanay.

Tumango na lang ako at dahan-dahan ng naglakad. Gayon din naman si Nanay. Agad nitong itinulak ang aming kariton na puno ng kalakal.

" Nanay hindi muna kita matulungan sa pagtutulak ngayon ha? Pasensya na po. " maya-maya pa ay wika ko kay Nanay. Sapo ko ang aking tiyan habang marahan na naglalakad.

"Walang problema anak, kaya ko naman ito. Sisiw lang kay Nanay ito". Nakangiting biro sa akin ni Nanay kahit kitang kita naman na nahihirapan na din ito. Lord kung may magagawa lang sana ako. Hanggang kailan kami magtitiis sa ganitong sitwasyon.

Sobra na akong nahihirapan sa ganitong klase ng buhay. Dumagdag pa itong pinagbubuntis ko. Hanggang kailan kami maninirahan sa gilid ng kalsada ni Nanay.

Hanggang kailan kami mabubuhay sa basura. Bahagyang tumulo ang aking luha sa isiping iyon. Tiyak na magiging kawawa ang sitwasyon ng aking anak kapag lumaki ito na walang masasabing tahanan. Natatakot ako sa mga possibleng mangyari.

Sana maghimala ang langit. Sana makaahon kami ni Nanay sa kinasadlakan namin na kahirapan.

Napahinto ulit ako sa paglalakad ng maramdaman na biglang sumakit ang aking tiyan. Napangiwi ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking tiyan. Titiisin ko sana para hindi mag-alala si Nanay pero hindi ko na kaya. Parang mauubusan ako ng hininga.

"Na-Nanay ang sakit!" umiiyak na wika ko kay nanay. Nakangiwi ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit.

"Diyos ko Anak, bakit? Hindi ka pa naman manganganak ah! Anim na buwan pa lang yang nasa tiyan mo." natatarantang wika ni Nanay.

"hi-hindi ko alam Nay, basta ang sakit po, hindi ko na kaya!!!!" pagmamakaawa ko kay Nanay

"Te-teka lang anak, saglit lang tatawag ako ng masasakyan.. Dadalhin kita sa hospital." tarantang wika ni Nanay.

"Nay, hindi ko na kaya!" hilam sa luha ang aking mga mata na sabi ko kay Nanay

Ilang sandali pa ay may huminto na tricycle sa aming harapan. Agad naman bumaba ng driver na halos kaedaran lang ni Nanay upang tingnan ang aking sitwasyon. Napansin siguro nito na umiiyak ako habang namimilipit sa sakit.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Azelin Lugod Valencia
Ganda ng story
goodnovel comment avatar
Mary Joy Galiza
full story pls,,, ito lang po ang kinagigiliwan ko ang magbasa ng story , pls po,,,
goodnovel comment avatar
Allen Ablarrot
kawawa ka nman Alena..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status