ALENAAgad kong inasikaso si Baby Rhian pagkagising ko. Kailangan kong makabalik ng hospital bago gumabi. Papalitan ko sa pagbabantay kay Justine sila Donya Amelia dahil uuwi daw muna sila ng bahay. Isa pa muling nagising si Justine kanina at hinanap daw ako."Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng makakasama sa hospital? Pwede kang magsama ng kahit isa sa mga kasambahay dito para naman may mautos-utusan ka doon." suhestiyon ni Nanay Clara pagkatapos kong sabihin dito na ako ang magbabantay kay Justine ngayung gabi. Bukas din daw gagawin ang surgery nito kaya kailangan ng support ng pamilya para hindi panghinaan ng loob ng pasyente."Kaya ko na ang sarili ko Nay. Pasensya na po kung kayo ulit ang magbabantay kay Rhian ngayung gabi. Babawi po ako sa inyo sa mga susunod na araw kapag maayos na ang lahat." sagot ko kay Nanay Clara."Nakuwww, huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Masaya akong alagaan ang anak mo Alena." sagot naman ni Nanay Clara. Nakangiti naman akong nagpasala
ALENA POVTahimik akong nakamasid sa dalawang batang naglalaro sa buhanginan. Matamis akong napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang binubuo ang isang kastilyong buhangin. Nandito kami ngayun sa isang tagong Isla sa Visayas. Pinili namin magbakasyon dito para makaiwas sa ingay at polusyon ng Manila. Isa pa gusto namin magkaroon ng quality time para sa isat isa. Nagiging masaya ang buhay namin simula ng muli kong patawarin si Justine. Tama nga sila, hindi ka magkakaroon ng kapanatagan ng kalooban kapag hindi mo papakawalan ang galit na nasa puso mo.Halos limang taon na kaming nagpapabalik-balik dito. Masaya, tahimik at sariwa ang hangin. Solong-solo ng pamilya namin ang buong lugar na ito. Matamis akong napangiti ng kumaway sa akin ang anak kong si Rhian. Yes....eight years old na siya ngayun. Kay bilis lumipas ng panahon. Ang bilis lumaki ng mga bata. Ilang taon pa ang bibilangin at may mga dalaga at binata na kami.Sinulyapan ko ang batang lalaki na masayang tumatawa
ALENAMay ngiti sa labi habang inaamoy-amoy ko ang mga bulaklak dito sa harden ng Mansion. Napakabango talaga ng samyo ng mga bulaklak lalo na yung mga nag-uumpisang mamumukadkad pa lang. Mabuti na lang at dito ako nakaasign para maglinis araw-araw. Kapag nandito kasi ako sa lugar na ito feeling ko ay nasa Paraiso ako. Sobrang ganda naman talaga kasi at halatang alagang-alaga ang nasabing lugar. "Alena!!!!! Best, sabi ko na nga ba dito lang kita makikita eh!!!!" bahagya pa akong napaigtad dahil sa lakas ng pagkakatawag sa akin ng ksamahan kong si Joan. Nakangiti akong lumingon dito. "Oh Best, pambihira ka naman, masyado mo naman akong ginulat." reklamo ko dito pero hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. "Hqyss naku.. Kanina pa kita hinahanap noh??? Wika nito sabay hawak sa akin. "Bilisan mo Best, baka nandoon na si Aling Sonya sa bakuran. Malalagot tayo nito kapag maunahan pa tayo doon. Kanina pa raw pinapatawag lahat ng kasambahay." tukoy sa mayordoma ng mansion na saksakan ng
ALENAKinagabihan, abala kaming lahat sa pag-aasikaso sa mga bisita sa mansion. Maraming dumating na bisita kaya hindi kami magkaka-undagaga sa pag aasikaso. Meron namang catering na kinuha ang senyora para sa mga pagkain.. May mga dumating din na mga waiter at waitress pero hindi pa rin sapat kaya kailangan namin tumulong. Nakasimangot na nga si Joan dahil halatang pagod na din ito. Sabayan pa ng ibang mga maaarte na bisita. Kahit naman ako, ngalay na ang binti ko sa kakalakad."Anak, magpahinga na kayo ni Joan doon sa kwarto. Diba may pasok pa kayo bukas sa schoolKami na bahala dito, kakausapin ko na lang si Sonya mamaya. Maiintindihan kayo noon." nakangiti na suhistyon ni Nanay Clara. "Joan, nabanggit nga pala ng Nanay mo na dito ka na matulog. Wala daw tao sa bahay niyo kasi nandito din sila. Abala din na tumutulong sa pag aasikaso ng bisita.". Dinalhan ka na din nila ng school uniform na gagamitin mo bukas para hindi mo na kailangan umuwi upang magbihis kinaumagahan." Baling
ALENAAbala ako sa pagpupunas ng mga furniture ng lapitan ako ni Aling Sonya. Walabg pasok sa School kaya naman tumutulong ako sa paglilinis ng mansion. "Alena, pumunta ka muna sa kwarto ng Senyorito, ikaw na muna ang maglinis doon. Wala ang katulong na nakatoka doon, umuwi ng probensya niya.. May emergency daw." wika nito"Po?,. A.. Ako po?" gulat na tanong ko dito."Bakit may iba pa bang Alena dito?" inis na sagot ni Aling Sonya..."Hehehhe! Pasensya na po.. Sige po pupunta na ako." Ayusin mo ang trabaho ha? Maselan si Senyorito, ayaw noon ng barubal na trabaho." pahabol pa na wika nito ng umpisahan ko ng umakyat ng hagdan." Opo". Sagot ko na lang.Pagdating sa tapat ng kawrto ni Senyorito, bahagya kong kinalma ang aking sarili. Heto na naman kasi ang lintik kong puso, iba na naman ang tibok.Parang Kinakabahan na hindi ko maintindihan.Maya-maya pa ay mahina akong kumatok sa pinto. Walang sumsagot kaya sinubukan kong pihitin ang siradura.. Sakto naman at bukas pala ito kaya puma
ALENALumipas pa ang ilang araw, pilit kung kinakalimutan ang nangyari sa amin ni Senyorito. Iniisip ko na lang na panaginip lang ang lahat ng iyon. Sino ba naman ako para patulan nito. Sabi nga ni Joan maraming babae si Senyorito. Baka naman napagdiskitahan lang ako nito. Iniiwasan ko na makita pa si Senyorito. Nahihiya kasi ako at isa pa baka ano naman ang katangahan ang gagawin ko. Isang titig lang kasi nito nanginginig na ang tuhod ko. Buti na lang din at hindi na ako nautusan pa na maglinis sa kwarto ni Senyorito, kasi kung mangyari yun naku yari na. Ayaw ko ng mangyari ulit ang mga nangyari na. Pero hindi eh, patuloy pa rin gumugulo sa isip ko ang lahat. Laging lumilitaw sa panaginip ko ang mga ginawa ni Senyorito sa akin. Aaminin ko na talagang nasarapan ako, grabe walang katulad na sarap ang pinaranas nito sa akin at pakiramdam ko ay hinahanap-hanap ito ng aking katawan. Hindi ako makapag focus sa aking mga gawain sa mansion at pag - aaral. Bigla na lang akong napapatulal
ALENANagising ako kinaumagahan na sobrang sama ng pakiramdam. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko din halos maigalaw ang aking balakangPakiramdam ko may sugat ako sa aking pagkakabae. Pati ulo ko ay parang binibiyak.Nang tingnan ko ang orasan ay nagulat ako dahil alas-otso na pala ng umaga. Nang lingunin ko ang higaan ni Nanay ay bakante na itoBabangon na sana ako sa aking higaan ng bigla akong napangiwi sa sakit at dagdagan pa ang pakiradam ko na umiikot ang buong paligid. Nahihilo ako. Agad akong napabalik sa aking higaan at nagtalukbong ng kumot dahil nilalamig talaga ako.Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng aking kwarto at nakita kong pumasok si Nanay Clara.Nagulat pa ito ng makita akong nagtalukbong ng kumot. "Anak, anong nangyari masama ba pakiramdam mo" tanong nito habang lumapit sa akin at dinama ang aking noo."Diyos ko Alena, ang taas ng lagnat mo."Natataranta na wika ni Nanay." Na-nay an
ALENAEARLIERNagising ako ng may pumasok sa aking kwarto. Nakaidlip pala ako sa sobrang sakit ng katawan at sama ng pakiramdam. Nang idilat ko ang aking mga mata ay napansin ko na si Joan pala ang dumating.May pag-aalala ang hitsura nito habang nakatingin sa akin. Agad itong lumapit sa higaan at marahan akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Ilang sandali pa ay bumuntung-hininga ito."Best, totoo ba ang kumakalat na tsismis"!? . Direchong Tanong nito sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.Agad naman akong nag iwas ng tingin dito."A-anong ibig mong sabihin Best?" nagtataka kong tanong dito. Marahan akong bumangon at umopo sa gilid ng aking kinahihigaan."Best, kalat na kalat sa buong hasyenda ang nangyari sa inyo ni Senyorito kagabi." deritsahang wika ni Joan."Dumaan sila Senyorito sa koprahan... Kasama ang kanyang mga barkada. Narinig halos lahat ng nandoon ang kwentuhan nila..... Ang tungkol sa nangyari sa inyo..." pagpapatuloy ni Joan.Natahimik ako sa sinabi nito. Nagugulu