Share

Chapter 5

ALENA

Nagising ako kinaumagahan na sobrang sama ng pakiramdam. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang aking lalamunan.

Hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko din halos maigalaw ang aking balakang

Pakiramdam ko may sugat ako sa aking pagkakabae. Pati ulo ko ay parang binibiyak.

Nang tingnan ko ang orasan ay nagulat ako dahil alas-otso na pala ng umaga. Nang lingunin ko ang higaan ni Nanay ay bakante na ito

Babangon na sana ako sa aking higaan ng bigla akong napangiwi sa sakit at dagdagan pa ang pakiradam ko na umiikot ang buong paligid. Nahihilo ako.

Agad akong napabalik sa aking higaan at nagtalukbong ng kumot dahil nilalamig talaga ako.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng aking kwarto at nakita kong pumasok si Nanay Clara.

Nagulat pa ito ng makita akong nagtalukbong ng kumot. "Anak, anong nangyari masama ba pakiramdam mo" tanong nito habang lumapit sa akin at dinama ang aking noo.

"Diyos ko Alena, ang taas ng lagnat mo."Natataranta na wika ni Nanay.

" Na-nay ang lamig po".wika ko dito habang nanginginig ang boses.

"Ano ba kasi ang ginawa mong bata ka. Maayos ka pa naman kahapon ah? Sandali at kukuha ako ng pagkain para makainom ka ng gamot". Natatarantang wika ni Nanay.

Tumango lang ako dito at mabilis ng umalis si Nanay.

Nang mapag-isa sa kwarto ay agad akong nag-alala sa nangyari kagabi. Bahagyang tumulo ang luha sa aking mga mata. Kahit na magsisi ako alam kong wala na rin kwenta dahil nangyari na lahat.

Marupok ako. Ibinigay ko ang sarili ko sa lalaking walang kasiguraduhan kung may pagtingin ba sa akin. Paano kung katawan ko lang ang habol niya.

"Diyos ko, ano na ang mangyayari sa akin ngayon. Paano kung mabuntis ako". Hindi ko namam boyfriend si Senyorito pero bakit ginawa namin yun." Usal ko sa sarili ko.

Ilang sandali pa ay bumalik si Nanay Clara. May dala itong pagkain para sa akin

Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko ang aking sarili kong kumain para makainom ng gamot at gumaling na. Ayaw ko rin na mag-alala ng ganito si Nanay Clara

Hindi ako dapat magkasakit ng matagal. Ayaw ko din malaman nila Nanay ang nangyari sa amin ni Senyorito kagabi.

Ayaw kong madis-appoint sa akin si Nanay. At alam kong magiging usap-usapan ako ng mga marites dito sa mansion at sa buong hasyenda.

Kailangan hindi na maulit ang nangyari. Kung kinakailangan iwasan ko si Senyorito gagawin ko. Wala kaming relasyon para magtalik. Hindi dapat nangyari ang lahat. Ang tanga-tanga ko.

"Oh anak, magpahinga ka na muna ha? Sabihin ko na lang sa mayordoma na may sakit ka kaya hindi ka muna makapagtrabaho." wika ni Nanay.

"Salamat po Nay". Pilit ang ngiti na wika ko dito. Agad naman na tumango si Nanay at lumabas na ng kwarto.

Nang makaalis si Nanay at pinilit kong matulog. Kailangan kong magpagaling agad. Walang sino man dapat ang makaalam sa nangyari sa amin ni Senyorito. Tiyak na malaking iskandalo kapag mabulagar ang katangahan na ginawa namin.

*

**

***

JUSTINE POV

Nandito kami ng mga kaibigan ko na sina Marco at Casper sa aming niyogan. Galing kami sa pangangabayo at dito kami napadpad.

Bigla kasi kaming nauhaw kaya naman inutusan ko ang mga tauhan dito na kuhaan kami ng buko. Agad naman tumalima ang mga ito

Season ng pagko-copra kaya naman medyo maraming tauhan dito sa niyogan. Maliban kasi sa kape, cacao, saging at kung mga anu-ano pang mga pananim na prutas, isa ang copra sa mga nangungunang produkto ng hasyenda.

Kaya naman hindi maikakaila na sobrang yaman ng aming pamilya. Liban sa hasyenda, may mga negosyo din kami sa Manila at Amerika. Nag-iisang anak ako kaya hindi nakakapagtaka na lahat ng luho ay nakukuha ko

Lahat ng gusto ko ay kaya kung makamit.

Pinasok na din namin ang real estate. Isa kami sa mga shareholder ng kilalang real estate dito sa Pilipinas.

"Grabe Pare, bilib na talaga ako sa kamandag mo, imagine naikama mo agad si Miss Beautiful.". Nakangisi na wika ni Marco.

"Oo nga eh, talo na naman tayo sa pustahan.. Akala namin ayaw mo eh. Mantakin mo nalaman na lang namin mission accomplished na pala. Swerte mo talaga!! . Nakatikim na nga ng Virgin, nanalo pa ng condo at motorcycle." sabat naman ni Casper.

"Mga ulol, kayo ang naghamon sa akin tapos ngayon naghihimutok kayo diyan." Asar ko sa mga ito.

"Pero Pre, grabe sobrang ganda ni Alena. Swerte mo Pare. Sariwang-sariwa at ikaw ang una." sabat ulit ni Casper.

"Pogi lang talaga ako pare kaya madaling mahumaling sa akin ang mga kababaihan." nagmamayabang na sagot ko sa mga ito.

"Paano na yan kapag kinasal kayo ni Valerie? Eh di titino ka na nyan. Paano si Miss Beautiful Alena? Hindi mo ba siya titikman ulit?" tudyo ni Casper.

"Alam mo Pare si Alena, siya yung babaeng sobrang ganda. Napaka inosente ng mukha, inosente sa kama, pero hindi mo pwedeng seryosohin kasi ang puso ko pag-aari ni Valerie." humahalakhak na sagot ko.

" First and last yung nangyari kagabi mga Pare.. Baka mabuntis ko eh, minor pa yun at isa pa panalo na ako sa pustuhan." ngisi ko sa mga ito.

"Aba, may ganoon Pare. Ang sabihin mo kapag ikasal na kayo ni Valerie, wala kang choice kundi tumino dahil under de saya ka noon." kantiyaw ni Marco. Napahalakhak naman si Casper. Alam kasi ng mga ito na kahinaan ko si Valerie.

" Mahal ko lang talaga Pre at ayaw kong masaktan. Ang tagal ko kayang hinintay ang matamis nyang oo tapos masisira lang dahil sa isang babae. Tsaka pinagbigyan ko lang kayo.. Ipinapakita ko lang sa inyo kung gaano ako katinik sa babae. Ako yata si Justine Falcon!!! .". Tatawa-tawa kong sagot sa mga ito.

"At alam namin na super nag-enjoy ka Pare." ngisi ni Marco.

"Of course Pare tsaka ang dali lang ng challenge na pinagawa niyo. Sisiw na sisiw mga Pare" . humahalakhak kong sagot.

Agad naman na nagtawanan ang dalawa kong kaibigan. Wala kaming kamalay-malay na nakikinig pala ang mga tauhan namin kasama na doon si Joan na kaibigan ni Alena na noon ay masama ang pagkakatingin sa amin. Kasama nito ang tatay nito na isa sa mga matagal na naming tauhan sa hasyenda.

Patuloy pa kami sa pag-uusap ng aking mga kaibigan at hindi pansin ang reaksyon at pagbubulungan ng mga nakakarinig. Napapailing-iling na lang ang iba habang nakikinig.

Nagpalipas pa kami ng ilang oras bago nagpasya na mag ikot pa sa buong hasyenda sakay ang kabayo.

Hapon na ng maisipan nmin na umuwi. Pagdating sa masion ay nagtaka ako dahil sinalubong ako ng among Mayordoma na si Aling Sonya

"Senyorito, buti dito na po kayo. Pinapatawag kayo ni Senyor at Senyora. Puntahan mo daw sila sa library.". Wika nito.

Kahit nagtataka ay bahagya na lang akong tumango. Suminyas ako sa mga kaibigan na iiwan ko muna sila.

Agad naman tumango ang mga ito at nagwika na pupunta na lang daw sila sa guest room na inuukopa nila para magpahinga.

Nadatnan ko si Mommy at Daddy sa library na seryoso na nag-uusap.

"Justine, ano na nman itong kalokohang ginawa mo?" pagalit na usisa ni Mommy ng makapasok ako sa loob ng library.

"What you mean Mommy?" gulat na usisa ko dito.

"Pinakialaman mo ba ang isa sa mga maids dito sa mansion?" Usisa ni Mommy?

Gulat akong napatingin kay Mommy, wala akong idea kung kanino nila nalaman.

"Sino po nagsabi sa inyo?", nagtatakang tanong ko.

"So totoo nga...alam mo bang ikaw, kayo ang topic maghapon dito sa loob ng hasyenda. ?" Justine pati ba naman dito sa hasyenda, dala-dala mo pa rin yang pagiging babaero mo and worse mismong maid pa ang pinatulan mo.. Ang ating minor de edad na katulong???? ". Galit na sabat ni Daddy.

Gulat akong napatingin sa mga ito. Alam kong galit ang mga ito dahil sa ginawa ko. Ang bilis pala kumalat ng tsismis dito sa hasyenda. Talo pa ang mga reporter sa radyo at television sa bilis ng balita. Napabuntung-hininga ako at umupo sa isa sa mga sofa na nasa loob ng library.

" Dad, its just a game. Laro lang ang lahat at hindi ko naman na uulitin eh. Look, hindi ko naman pinilit ang maid, kusa siyang bumigay." Pag-amin ko sa mga ito. Ayaw ko ng marami pang tanong kaya kusa ko ng inamin ang lahat. Kahit na magsisi pa ako at sisihin nila ako tapos na. Nagawa ko na. Hindi ko lang alam kong ano ang maging reaksyon ni Alena kapag malaman ito. Sana lang ay madali itong makamove-on dahil wala akong balak seryosohin ang mga nangyari sa amin.

Mahal ko si Valerie, at siya ang dream girl ko noon pa. Matagal akong naghintay dito at ayaw kong masira ang lahat dahil sa katarantaduhan na ginawa namin ng mga kaibigan ko. Hihingi na lang siguro ako ng sorry kay Alena at bigyan ito ng pera para manahimik.

" A game???? Justine hindi ka na bata para makipaglaro. Ano na lang ang sasabihin ni Valerie kapag malaman ito, ng mga inlaws mo. Nakakahiya!!!! At ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa atin.. Na ang nag-iisang taga-pagmana ng mga Falcon ay pumapatol sa minor de edad. Sa hampas-lupang katulong! Diyos Mio Justine" inis na wika ni Mommy. Galit na galit ito.

Agad akong napaisip sa sinabi ni Mommy. Although alam kong magagalit talaga si Valerie kapag malaman ito pero hindi ko hahayaan na masira ang relasyon namin. Kailangan matuloy ang kasal at ayaw kong maging hadlang ang nangyari sa amin ni Alena.

" In 3 weeks dadating na si Valerie at iseset na ang kasal niyo. Ayaw ko ng aberya Justine kaya sana last na ito. Huwag mo na sanang dungisan ang pangalan mo dahil lang sa mga walang kwentang bagay. Alam naman natin na hindi na iba sa pamilyang ito si Valerie. Anak siya ng matalik na kaibigan namin ng Mommy mo. " wika ni Daddy.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto ng library. Agad naman itong pinapasok ni Daddy. Nang magbukas ang pinto ay nagulat ako ng makita si Alena at Aling Clara.

Matalim na tiningnan ang mga ito ni Mommy. Nakayuko lang naman si Alena at tahimik na naghihintay kung ano ang sasabihin nila Mommy at Daddy. Kapansin-pansin ang pamumugto ng mga mata nito. Medyo maputla din ito.

"Bweno, pinatawag ko kayo dahil may gusto akong linawin. Alam niyo naman siguro ang kumakalat na tsismis dito sa hasyenda.." panimulang wika ni Daddy.

"Senyor, alam na po namin. Minor pa lang po si Alena, pasensya na po kung masabi ko ito pero dapat lang po siguro panagutan ni Senyorito Justine si Alena, siya po kasi ang naging sentro ng panlalait dito sa hasyenda simula ng kumalat ang tsismis." mahabang wika ni Aling Marta.

" Hahahahaha!?? halakhak ni Mommy. "Anong sabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo Marta? Hahahha hahhaha!! Hahahha!!! " nakakinsultong tawa ni Mommy.

"Se-senyora, dapat lang naman po talaga panagutan ito ni Senyorito Justine---" hindi na natuloy na wika ni Aling Clara ng putulin ito ni Mommy.

"Shut up Clara, wala kang karapan magdikta kong anong pwede namin gawin sa nangyari. Isa ka lang hampas-lupa na katulong sa mansion na ito." Galit na sigaw ni boses na wika ni Mommy.

Napayuko naman si Aling Clara sa sinabi ni Mommy. Nakita ko din ang pagtulo ng luha ni Alena. Tahimik itong umiiyak habang nakayuko.

" Ito!!! tanggapin niyo ang perang ito!! Ito ang habol niyo diba??? Sapat na siguro yan para magapakalayu-layo. Huwag na huwag kayong magpakita sa lugar na ito kahit kailan." galit na Wika ni Mommy sabay abot ng sobre. Hindi naman ito tinanggap ni Aling Clara at ngumisi lang si Mommy sabay lapag ng sobre sa mesa.

Gulat na nalatingin ang mga ito kay Mommy. Marahil ay hindi nito inasahan ang ginawang pagpapalayas sa mga ito. Sabagay, ito na din ang pinakamagandang gawin para hindi na lumaki ang problema. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko na sana pinakialaman pa si Alena.

" Senyora, alam namin na mahirap lang kami pero sana bigyan niyo naman kami ng kahit kunting respito. Minor de edad si Alena, tapos po ganito pa ang gagawin niyo sa amin. Gusto niyo po kaming lumayas dito?" lumuluhang wika ni Aling Clara

"Ito mas mabuting gawin sa ngayon Clara. Ikakasal na si Justine. At ayaw namin na ito ang maging dahilan upang hindi matuloy." mahinahon na wika ni Daddy

Gulat na napaangat ng tingin si Alena, hilam ang luha ang mga mata na tumitig sa akin. Makikita sa mga mata nito ang sakit dahil sa kinasadlakang sitwasyon.

" A-ano pong ibig niyong sabihin? Ikakasal na si Senyorito? " pabulong na tanong ni Alena.

"Sa susunod, huwag ka kasing tatanga-tanga. Napakabata mo pa para lumandi.. Ewan ko ba sa mga kabataan ngayun..ke aga-aga kung lumandi!!." galit na bulyaw ni Mommy.

"Mom, tama na yan. Im sorry Alena, pero sa ngayon ito ang makakabuti para sa atin. Lumayo muna kayo dito. Hindi kita mahal at------

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Aling Clara.

" Pe-pero bakit mo siya pinakialaman Senyorito? Ginawa mo lang bang laruan si Alena? Hindi ka ba naawa sa kanya?" umiiyak na tanong ni Aling Clara.

"Kung ganoon, totoo ang mga naririnig ko na pinagalalaruan niyo lang ako... Totoo pala ang lahat!!!?" umiiyak na tanong ni Alena. Bakas sa boses nito ang sakit.

"Im sorry Alena!! Kalimutan mo na ang nangyari. Ituring mo na lang na isang masamang panaginip ang lahat.". Sagot ko dito

"Anong kasalanan ko sa iyo Senyorito??? Bakit nagawa mo sa akin ito." umiiyak na sagot ni Alena. Walang tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata nito.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko ng makita ko kung gaano nasaktan si Alena.

Nag-aalalang tumingin ako dito. Kung ganoon alam na din nito ang tungkol sa pustahan namin. Wala akong maapuhap na salita kung ano ang gagawin ko upang maibsan ang sakit na nararamdamn nito. Nakaramdam ako ng awa kay Alena. Ganoon na ba ako kasama? Nasira ko ba ang buhay nito dahil lang sa isang gabi naming pagniniig?

"Tama na at kunin mo na ang sobre at lumayas na kayo dito. Hindi na kayo welcome sa hasyendang ito. Gusto ko bukas na bukas din hindi ko na kayo makikita pa

Nagkakaintindihan ba tayo Clara, Alena?" galit na wika ni Mommy sabay dampot ng sobre at hagis patungo sa mga ito. Nagkalat ang laman ng sobre dahil sa lakas ng pagkakahagis ni Mommy.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Janet Toledo
napaka sama naman ng magulang mo justine pati ikaw!!laban ka lang alena..
goodnovel comment avatar
Michelle Ando
bakit Wala Ng kasunod update po
goodnovel comment avatar
Allen Ablarrot
Update po Author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status