Share

Chapter 6

ALENA

EARLIER

Nagising ako ng may pumasok sa aking kwarto. Nakaidlip pala ako sa sobrang sakit ng katawan at sama ng pakiramdam. Nang idilat ko ang aking mga mata ay napansin ko na si Joan pala ang dumating.

May pag-aalala ang hitsura nito habang nakatingin sa akin. Agad itong lumapit sa higaan at marahan akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Ilang sandali pa ay bumuntung-hininga ito.

"Best, totoo ba ang kumakalat na tsismis"!? . Direchong Tanong nito sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.

Agad naman akong nag iwas ng tingin dito.

"A-anong ibig mong sabihin Best?" nagtataka kong tanong dito. Marahan akong bumangon at umopo sa gilid ng aking kinahihigaan.

"Best, kalat na kalat sa buong hasyenda ang nangyari sa inyo ni Senyorito kagabi." deritsahang wika ni Joan.

"Dumaan sila Senyorito sa koprahan... Kasama ang kanyang mga barkada. Narinig halos lahat ng nandoon ang kwentuhan nila..... Ang tungkol sa nangyari sa inyo..." pagpapatuloy ni Joan.

Natahimik ako sa sinabi nito. Naguguluhan ako. Bakit kailangan ipagkalat ni Senyorito ang nangyari sa amin. Bahagya kong naikuyom ang aking mga kamay.

" Best, alam mo bang narinig namin na pinagpupustahan ka lang nila? " mahinang wika ni Joan.

Parang bomba na sumabog ito sa aking pandinig. Hindi ako makapaniwala. Gulat akong napatingin kay Joan.

"A-anong sabi mo Best? Pinagpustahan? Anong ibig mong sabihin?" naiiyak kong tanong.

"Best nandon ako nung nagkwentuhan sila. Dinig na dinig ko ang lahat". Malungkot na sagot ni Joan.

"Hi-hindi! Hindi totoo yan Joan. Nagsisinungaling ka.. Hindi magagawa sa aking ni Senyorito iyun. ". Umiiyak ko na wika dito.

"Totoo ang sinabi ko Best. Pustahan lang ang lahat. Nanalo si Senyorito sa time frame na ibinigay ng mga barkada niya sa kanya." naiiyak na wika ni Joan. Naawa kasi ito sa kanyang kaibigan.

Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang frustration na nararamdaman. Parang biglang nawala ang pananakit ng buo kong katawan dahil sa narinig.

Paanong ginawa sa akin ito ni Senyorito. Kung ganoon pinaglaruan niya lang ako? Akala ko pa naman may gusto siya sa akin kaya siya nakipagsex. Kaya niya ako ikinama. Yun pala laro lang lahat. Ganoon na lang ba yun? Pagkatapos niyang yurakan ang pagkababae ko.. Ganoon na lang? Ganoon na lang ba kababa ang tingin niya sa akin. Porket mahirap lang kami.

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko mapigilan ang umiyak ng umiyak.

Ilang sandali pa ay niyakap ako ni Joan. Umiiyak na din ito dahil sa awa sa akin.

Sana hindi na lang ako pumayag. Sana pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko sana ito dadanansin ngayon.

Malakas akong napaghaguhol habang yakap ni Joan. Walang pagsidlan ang sobrang sama ng loob na aking naramdaman ngayon. Ang sakit-sakit. Paano na ako ngayon, kami ni Nanay.

Wala na akong mukha na ihaharap pa sa mga tao dito sa hasyenda. Tiyak na ako ang pinag-uusapan ng mga ito ngayon.

" Joan, sabihin mo sa akin na hindi totoo yan. Na nagbibiro ka lang." wika ko dito sa kabila ng pag iyak. Umaasa pa rin ako na nagbibiro lang si Joan.

Umiling lang sa akin si Joan habang bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Joan, nagbibiro ka lang diba? Hindi magagawa sa akin ni Senyorito ito." Joan Please sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang." umiiyak na pakiusap ko dito. Umaasa ako na hindi totoo ang kanyang mga sinabi.

" Magkekwento naman ako sa iyo eh.. Wag mo lang akong biruin ng ganito.. Please, Joan please.. Maawa ka.. Sabihin mo nagbibiro ka lang". Pagmamakaawa ko dito.

"Best totoo ang sinabi ko sa iyo. Dinig na dinig namin lahat ng nasa koprahan.". Umiiyak na wika ni Joan.

Umiling ako at lalong napaiyak. Hindi ako makapaniwala. Ang hirap tanggapin. Nag uumpisa pa lang akong magkagusto sa isang lalaki winasak agad nito ang puso ko.

Ilang sandali pa ay nag-aalalang mukha ni Aling Clara ang pumasok sa kwarto. Agad itong lumapit kay Alena.

"Nay..... Sorryyy...." agad na wika ni Alena sa kanyang ina-inahan. Alam niyang ito ang labis na masasaktan kapag malaman nito ang totoo. Yumakap ako dito at umiyak ng umiyak.

"Anak.. Bakit mo ginawa ito? Bakit ka nagpadalos-dalos. Bakit ka nagtiwala agad? " malumanay na tanong ni Nanay Clara.

Sa tono ng boses at tanong nito alam niyang nakarating na kay Nanay Clara ang balita. Mabilis talaga kumalat ang tsismis dito sa hasyenda.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Nanay. Alam kong isa akong malaking kahihiyan. Tanging pag-iyak na lang ang aking nagawa. Hindi ko alam kung paano malulusutan ang mga nangyari na. Napakasakit tangapin na niluko ka ng isang tao. Isang tao na akala ko ay may nararadaman din. Isang tao na akala ko ay kaya akong ipagtanggol. Masyadong bata pa nga ako para magtiwal. Ang tanga ko!!!

"Anak, tahan na. Wala na tayong magagawa pa. Hayaan mo kakausapin ko sila. Kakausapin ko si Senyorito." wika ni Nanay. Bakas sa boses nito ang lungkot at pag aalala. Nakita ko din ang bahagyang pagtulo ng luha nito na agad naman nitong pinunasan.

*

**

***

Buong araw akong nagmukmok sa kwarto pagkaalis ni Joan. Wala akong lakas ng loob na lumabas. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Hindi ko na ininda oa ang sakit ng aking katawan. Tanging sakit ng kalooban ang nangingibabaw ng mga sandaling ito.

Hindi din ako kumakain. Ilang beses akong dinalhan ng pagkain ni Nanay pero wala akong gana. Parang hindi ko malunok ang pagkain sa sobrang sama ng loob ko.

Mag aalas-singko ng hapon ay muling pumasok si Nanay sa kwarto. Nag aalala itong tumingin sa akin. Alam kong mugto ang aking mga mata sa walang tigil na pag iyak. Sa maghapong pag-iyak.

"Anak, pinapatawag tayo nila Senyora at Senyor." wika ni Nanay Marta.

Agad akong nakaramdam ng takot sa sinabi ni Nanay. Bahagyang nanginig ang buo kong katawan. Alam kong alam na din ng mga amo namin ang nangyari.

"Nay, natatakot po ako". Pabulong na wika ko kay Nanay. Pakiramdam ko mawalan ako ng lakas dahil sa maghapon na pag-iyak.

"Huwag kang mag-alala Anak. Nandito lang ako.. Hindi kita pababayaan". Wika ni Nanay.

Bahagya akong tumango. Dahan-dahan akong tumayo sa aking higaan at inayos ang aking sarili para maghanda upang makausap ang mga amo.

Ilang sandali pa ay dahan dahan na kaming naglakad palabas ng aming quarters. Nakasalubong pa namin ang ibang katulong na masama ang tingin sa amin. Hindi din nakaligtas sa aking pandinig ang panlilibak ng mga ito.

"Hayst akala mo kung sino, malandi naman pala". Parinig pa na sambit na wika ng isang kasama namin na katulong dito sa mansion. Si Rosa ito. Kahit noon pa man ay mainit na ang dugo nito sa akin. Kaya hindi na ako nagtaka pa kung sasabihin niya ito ngayon. Bahagya pang nagtawanan ang mga ito.

Tiningnan naman ito ng masama ni Nanay. Pero tumitig din ito sa amin ng nakakainsulto. Ngumisi pa si Rosa ng nakakainsulto.

Marahan kong hinawakan ang kamay ni Nanay bilang hudyat na huwag ng pumatol. Marahang tumango si Nanay at patuloy na kaming naglakad papuntang library. Doon daw kasi kami kakausapin ng aming mga amo.

Pagpasok namin sa library ay nadatnan namin si Senyora Amelia, Senyor Alfredo at Senyorito Justine. Agad akong napayuko ng titigan ako ng masama ni Donya Amelia.

Nang sulyapan ko si Justine ay nakatitig lang ito sa akin. Blanko ang expression nito.

Nakinig ako sa pag uusap ni Nanay at Donya Amelia. Bigla akong nakaramdam ng panliliit dahil sa insulto na binitiwan ng Donya sa amin.

Hindi na lang ako umimik. Wala eh kailangan kong tanggapin ang lahat ng pang - iinsuulto nila huwag na lang lumaki pa ang issue.

Pero nagulat ako ng marinig ko na ikakasal na pala si Senyorito Justine sa kanyang kasintahan. Gusto kong sumbatan si Senyorito pero pinigilan ko ang aking sarili. Wala akong karapatan na masaktan dahil sa umpisa pa lang hindi malinaw kong anong meron sa amin. Kung baga wala kaming label

Sex lang ang namamagitan sa amin. Katawan lang ang habol ni Senyorito sa akin.

Pero hindi na ako makapagpigil pa ng biglang ibato sa amin ng Donya ang sobre na may lamang pera sabay sabi na lumayas na kami. Pakiramdam ko bigla akong nanliit. Yun lang ba ang kapalit ng aking dangal. Isang pang-iinsulto at pagbato ng pera sa aming mukha.

"Pasensya ka na Senyora, pero hindi namin kailangan ang pera mo...kung iinsultuhin niyo lang din naman kami ng ganito, mas mabuti pa nga na aalis na kami dito." wika ni Nanay na bakas sa boses ang pait na nararamdaman.

"Huhhhh!!! Sige lumaaayas kayo dito ngayon din...kung ayaw niyo ng Pera eh di huwag...o baka naman nakukulangan ka. Magkano ba Clara????? ." ganting wika ng Donya na halos lumabas na ang litid nito sa sobrang galit.

"Hindi namin kailangan ang pera mo Senyora. Kaya namin magtrabaho para mabuhay". Ganting wika ni Nanay.

Tumawa lang nang nakakainsulto ang Donya.

Hinawakan ako ni nanay at hinila upang umalis na ng library. Pero bago pa kami nakalabas narinig pa namin ang sinabi ng Senyora.

"Mga ambisyosa. Mga hampas-lupa, mga bastos!!! Ayaw na ayaw ko ng makita pa ang mga pagmumukha niyo!!!!Bulyaw nito sa amin. Agad kong naikuyom ang aking mga kamay sa sobrang panggigil. Gusto ko itong sagutin pero alam kong hindi kami mananalo sa mga ito.

Natatakot ako na baka saktan nila kami. Wala kaming kalaban-laban ni Nanay kung mangyari yun. Balwarti nila ito. Lahat ng gusto nila ay magagawa nila sa amin.

Naglalakad kami ni Nanay pabalik ng aming quarters para magligpit ng aming mga gamit ng biglang may humawak sa aking balikat

Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Senyorito. Sumunod pala ito sa amin.

"Pwede ba tayong mag-usap!?". Tanong nito sa akin sabay tingin kay Nanay para humingi ng permiso.

"Para ano pa Senyorito. Sinira mo na ang buhay ni Alena." bakas ang galit sa boses ni Nanay.

"Please, kahit sandali lang. May gusto lang akong sabihin. Alena, please pwede ba. Sandali lang ito." Pakiusaap nito sa akin.

Bahagya naman akong tumango. Nilingon ko si Nanay para magpaalam dito na kakausapin ko si Senyorito. Kahit ngayon lang. Sa huling pagkakataon.

" Susunod agad ako sa quarters Nay. Sandali lang ito". Paalam ko kay Nanay.

Tiningnan ako ni Nanay at tumango. Agad itong tumalikod para pumunta na ng aming kwarto at nang makapag-umpisa ng magligpit.

Hinila ako ni Senyorito at dinala sa tagong lugar ng mansion.

"Im Sorry Alena, hindi ko akalain na mangyayari ito." Sorry sa lahat. Hayaan mo babawi ako". Wika nito sa akin.

"Sorry??? Yun lang ba ang masasabi niyo pagkatapos ng lahat ng ito. Alam niyo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin? Pinagpustahan niyo lang pala ako...." umiiyak kong wika dito.

"Anong kasalanan ko? Bakit ako pa Senyorito?" tanong ko dito.

Agad itong nag iwas ng tingin sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagkalito.

Maya-maya pa ay may kinuha ito sa bulsa. Inabot nito ang isa kong kamay at ipinatong ang puting sobre.

Naguguluhan akong binuksan ito. Tseke ang laman nito at nakasulat ang halaga na nakapaloob dito.

"Isang Milyon? Bayad ba ito sa nangyari sa atin? Ito ba yong kabayaran sa pakikipagtalik ko sa iyo?" galit na wika ko dito.

"N-no.. No Alena.. Gusto ko lang makatulong

Kailangan niyo yan sa inyong pag-alis. Para makapag-umpisa ulit." kumbinsi nito sa akin.

Bahagya akong umiling. Matalim ko itong tinitigan. Maya-maya pa ay buong gigil kong pinunit ang tseke habang nakatitig ng matalim sa mga mata ni Senyorito.

Pagkatapos kung punitin ang tseke ay buong lakas ko itong ibinato sa kanya. Nakita ko na nagulat si Senyorito sa aking ginawa. Napatiim bagang pa ito.

"Hindi ko kailangan ang pera niyo. Kaya naming matrabaho para mabuhay." galit na wika ko dito sabay talikod.

"Sana masaya ka sa ginawa mo sa akin. Sinira mo ang buhay ko Senyorito. Sana maging masaya ka!!!" wika ko ulit sabay alis. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at mabilis akong bumalik sa kwarto namin ni Nanay.

Naabutan ko si Nanay na naghihintay na sa akin. Tapos na itong mag-impake. Sabagay tanging damit lang naman ang meron kami. Wala ng iba. Kakarampot at lumang damit.

Isang maliit na bagback at isang maliit na traveling bag lang ang aming dinala. Tanging ilang pares lang na damit. Dali-dali kaming lumabas ng mansion at naglakad papuntang gate.

"Clara, Alena.. Sandali lang". Narinig ko na may tumawag sa amin. Lumingon kami ni Nanay at nakita ko na si Aling Sonya, ang mayordoma ang tumawag sa amin.

Nang makalapit sa amin ay agad nitong inabot ang kamay ni Nanay.

"Heto, tanggapin mo ito. Maliit lang na halaga pero sana makatulong." Wika ni Aling Sonya.

"Naku Sonya, huwag na at nakakahiya sa iyo, meron pa naman kami ditong Pera. Sasapat na siguro ito sa aming pupuntahan. " nakangiti na tanggi ni Nanay.

"Huwag ka ng mahiya Clara. Galing ito sa sweldo ko. Magtatampo ako sa inyo kapag hindi mo ito tanggapin." pamimilit ni Aling Sonya.

"Ah... Ehh.. Sige.. Salamat Sonya, malaking tulong ito sa amin." nakangiti na sagot ni Nanay.

Binalingan naman ako ni Aling Sonya at ngumiti sa akin

Nagulat ako sa ugali nito ngayon dahil kilala ito sa pagiging masungit.

"Pasensiya ka na Alena ha? Mag iingat na lang kayo sa inyong pupuntahan. Magpakatatag ka. Sana magkita pa tayo ulit." nakangiti na wika nito sa akin. Agad naman akong yumakap dito.

"Salamat po". Wika ko kay Aling Sonya ng kumalas ako sa pagyakap dito. "Pakisabi nalang po kina Joan na umalis na kami. Susulat nalang po ako sa kanila."Dagdag ko dito.

Marahan naman itong tumango. Humakbang na kami ni Nanay palabas ng Gate.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag ng lumingon pa. Lilisanin ko ang lugar na ito at hindi na babalik pa kahit kailan. Ang lugar kung saan ang akala ko ay isang Paraiso. Akala ko ay ganoon lang kadali magmahal. Ganoon lang kadali magtiwala. Nagkamali ako. Sa murang isip at puso ko ay nakaramdam ako ng matinding poot. Ng himagsik ng kalooban. Hinding hindi na ako tatapak sa lugar na ito kahit kailan. Pipilitin kong kalimutan ang lahat. Ang lahat-lahat.

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Michelle Ando
update po salamat ...
goodnovel comment avatar
Allen Ablarrot
thank you po sa update Author...️...️...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status