Share

My Favorite Mistake
My Favorite Mistake
Author: Maryahuwana

Chapter 1 - Island

Rhian Monleon's Points of View

Malamig na hangin ang dumadampi sa aking manipis at makinis na balat sa mga oras na ito. Nililipad ng hangin ang malambot at mahahaba kong buhok, damang dama ko din ang bawat hampas ng hangin sa aking katawan dahil manipis ang suot kong mini-dress

Nandito nga pala ako sa Villa Rocca. Ang pinaka sikat na beach resort sa buong isla ng Marinduque. Balita ko ay mayamang binata ang nakabili ng resort na ito.

Limang taon na akong hindi nakauwi ng Pilipinas lalo na dito sa probinsya dahil masyado akong busy sa trabaho sa Spain. Tinutulungan ko ang aking nobyo upang makabawi ang kumpanya nito mula sa pagkakalugi. Wala na rin naman akong pamilya dito maliban kila Aling Mila at Mang Abi.

Maagang nawala ang aking mga magulang dahil naaksidente ang sinasakyan nito. Tanging naiwan na lang ng mga ito sa akin ay isang malawak na lupain at ang mansyon.

Napatingin ako sa hawak kong baso na may laman pang alak. Marami-rami na din ang akong nainom mula pa kanina.

Tila isang kuryenteng dumaloy sa aking lalamunan ang alak na ininom ko. Nawala ang lamig na aking nararamdaman at napalitan iyon ng kakaibang init na pakiramdam.

'Hmmmm.. sana palaging ganito kapayapa ang paligid' sa isip isip ko.

Muli akong bumalik sa lugar na ito dahil hindi ko matanggihan ang matalik kong kaibigan na si Alisha. Kasal ng kaibigan ko ngayon, at kung hindi pa ako uuwi ay siguradong magtatampo na talaga ito sa akin.

Mabuti na lang at pinayagan ako ng aking nobyo na si Blake. Hindi ito nakasama pauwi ng Pilipinas dahil busy ito sa kanyang kumpanya.

Marami ng nagbago sa isla na ito. May mga matataas na building na dati ay mga puno lang ang makikita. May malalaking private resort na din na dati ay libre lang nakakalangoy at pasyal ang mga taga-roon.

Lumingon ako kung nasaan ang iba pang mga bisita ng kaibigan ko. Kahit umalis na ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon ay may iilan pa rin mga bisitang naroroon na masayang nag-iinoman at nagkukwentuhan.

Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang kabuoan ng resort. Hindi makakailang pinag-isipan mabuti ang disensyo nito dahil talagang maganda ang pagkakagawa nito.

Nakakarelax sa lugar na iyon dahil bukod sa mga magandang tanawin dito ay sariwa pa ang hanging na malalanghap mo.

Malalim na ang gabi at madilim sa may gawi ko dahil natatabunan ng mga puno ang liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan.

'Safe naman siguro dito' sa isip-isip ko at muli kong ininom ang natitirang alak sa basong hawak ko.

"Hhmmmmmmm!" pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Namiss ko ang ganitong pakiramdam. Malayo sa aking trabaho na puro problema na lang.

"Miss, hindi mo ba alam na delikado na mag-isa dito." Isang malamig na boses ang bigla kong narinig mula sa aking likuran.

Hindi ko minlang napansin na may nakalapit na pala sa akin. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang basong hawak-hawak ko kanina.

"Sino ka ba at bigla bigla ka na lang su-" naputol ang sasabihin ko nang humarap ako dito.

Tumambad sa aking harapan ang isang lalaking may matitipunong pangangatawan. Nakasuot lang ito ng sando at pants kaya naman bakat na bakat ang mga naglalakihang abs nito. Napatitig ako sa mukha ng lalaki. Hindi makakailang gwapo ito. Makapal ang mga kilay nito. Kulay asul ang mga mata, matangos ang ilong at may mapupulang labi.

Ngayon ko lang ito nakita dahil wala naman ito kanina sa reception.

"Logan Montereal!" Nakangiting pagpapakilala nito sa akin at pagkatapos ay inilahad nito ang kanyang kamay. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin na lalong nagpagwapo sa lalaki.

Tiningnan ko lang ang kamay nitong nakalahad. Hindi pamilyar sa akin ang lalaking ito. Taga-rito ba siya? O baka naman isa lang ito sa mga bisita ng ikinasal.

"Ehemm! Pwede bang malaman ang pangalan mo, magandang binibini." usal nito nang mapansin nakatitig lamang ako sa kamay niya. Mabilis ko namang inabot ang kamay nito.

"Rhian!" tipid kong usal dito.

"Mukhang bago ka lang dito, miss! Hindi mo ba alam na delikado na dito sa ganitong oras?"

"Taga-rito ako, diyan sa kabilang lupain at sa pagkakaalam ko safe naman ang lugar na ito!" Usal ko dito kahit hindi ako siguradong safe pa nga ba sa lugar na ito. Medyo malayo na rin kase ito sa mismong resort.

Maliit lang ang isla ngunit sa kabila ng resort ay marami ng mga kabayahan.

"Sa Mansyon ng mga Monleon?" Kunot noong tanong nito sa akin.

"Yap!" maikli kong tugon dito dahil wala akong balak na palakihin pa ang aming usapan.

"Ah! Ikaw pala ang may ari ng mansyon na iyon na sinasabi ni Mang Abi!" Tanong nito na parang hindi makapaniwala.

"Yep! Sila Mang Abi at Aling Mila ang nangangalaga doon!" Saad ko.

"Tama nga ang sinabi ni Mang Abi na napakaganda at ang sexy mo!" Nakangiting tugon nito sa akin.

Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang dalawa kong pisngi sa sinabi ng lalaki.

Teka! Bakit kilala nito si Mang Abi. At ano naman kaya ang ikinuwento ni Mang Abi dito tungkol sa akin? 'Kay Mang Abi na lang siguro ako magtatanong bukas.'

"Pwede bang umalis kana, gusto kong mapag-isa!" pagsusungit ko dito. Mukhang mahangin ang isang 'to.

"Hindi ka dapat nag-iisa rito dahil marami ng lasing sa paligid!" may diin ang pagkakasabi nito.

Galit ba ito?

"Don't worry, kaya ko sarili ko. Gusto ko lang magpahangin saglit." tugon ko dito at nginitian ko ito.

"Samahan na kita. Hindi safe ang lugar para sa mga babaeng katulad mo!" maawtoridad na usal nito.

"Hmmm.. Ikaw ang bahala. Hindi ba magagalit ang girlfriend mo?" Gwapo ito kaya impossibleng wala itong babae.

"Wala akong girlfriend." Sagot naman ng binata at isang makahulugang ngiti at tingin ang ibinigay nito sa akin.

"Tsss... May mali ba sa tanong ko?" Inis na inirapan ko ito. Lalaki nga naman. Basta ibang babae kaharap nagiging single kahit taken na naman.

"Wala naman! Pero gusto ko lang malaman mo wala akong girlfriend! Free na free ako." Nakangising saad ulit nito.

Biglang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa dahil hindi na ulit ako nagtanong pa. Tanging mga hampas ng alon lang ang aming naririnig.

"Hindi ka ba nilalamig?" kunot noong tanong niya sa akin. Gwapo na sana kaso laging naka kunot ang noo. Parang pinaglihi sa sama ng loob. tsss..

"A-ahmm, hindi naman masyado!" sagot ko dito.

Unti-unting lumapit ito sa akin hanggang sa makaramdam ako na tila isang bolhtaheng kuryente nang magdikit na ang aming katawan.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maryahuwana
Thank you po. Pa rate naman po ng 5 star ... Thank you.
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status