Share

Chapter 6 - Lust

"Fleb-" Hindi natapos ang sasabihin ng lalaki at napalunok ito ng makitang tinanggal ko ang damit na suot ko.

Kitang kita ko sa mga mata nito ang pagkagitla sa ginawa kong iyon. Sunod-sunod ang paglunok ng laway ang ginawa nito.

"T-titigan mo na lang ba ako?" tanong ko sa kanya ng hindi ito makagalaw mula sa pagkakaupo nito.

"U-uhm! --" Hindi ito nakapagsalita sa halip napahilamos na lang ang mga kamay nito sa kanyang mukha.

"Please! isa lang paraan para mawala na itong init nararamdaman ko!" Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magmakaawa sa lalaking ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"No! Wala ka sa sariling katinuan. Hindi ko pwedeng samantalahin ang kalagayan mo!" Mariing tutol nito ngunit kitang kita ko sa mapupula nyang mga mata na pinipigilan nya lang ang kanyang sarili.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at akmang hahalikan ko na sya ngunit pinigilan niya ako. Tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang mukha at pagkatapos ay pinulot nito ang damit ko.

"Isuot mo na ito! Malamig, baka magkasakit ka!" Inabot nito sa akin ang damit ng hindi tumitingin. Hindi ako gumalaw kaya napilitan itong tumingin sa akin.

"Don't worry baby, marami pa naman pagkakataon.. but now? It's a NO!" Seryoso nitong saad.

Marahan ako nitong hinalikan sa noo pagkatapos ay isinuot nito sa akin ang hinubad kong damit.

"Huwag kang mag-alala, maya-maya lang ay mawawala na ang epekto ng gamot sayo. Basta behave ka lang, at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko!"

Inirapan ko lamang ito. Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko. Nag-iwas ako ng tingin dito at ibinaling ko ang atensyon ko sa labas ng sasakyan. Nakita ko mula sa bintana na may mga police na sa labas ng bar at hawak-hawak na ng mga ito ang lalaking bartender.

Napamaang akong tumingin sa kasama kong lalaki.

"Kailangan pa bang ipahuli siya sa mga pulis?" tanong ko dito.

"Yeah! Sa kulungan nararapat ang bastardong 'yon! Bakit naaawa ka ba sa kanya?" matalim siya nitong tiningnan.

"A-ahmm.. di naman sa ganun-" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagbago ang timpla ng mukha nito.

Nanahimik na lang ako at pinanuod ang nangyari sa labas.

Naramdaman kong muli nitong isinuot ang jacket sa akin pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Ilang minuto din kaming nasa ganun posisyon hanggang sa makaramdam ako ng antok. Isang matamis na halik ang binigay sa akin ng binata bago ako tuluyang makatulog.

Nagising ako ng maramdaman kong may tumapik ng marahan sa akin.

"Iha! gising na, bumangon ka na diyan ng makakain kana." Boses iyon ni Aling Mila.

Naalala ko ang nangyari kagabi. Shit! Nakakahiya pero buti na lang walang masamang nangyari sa akin!

Anong oras na nga ba ako nakauwi kagabi?

Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga dahil medyo nanghihina aking katawan.

"Anong oras na ho, Nay?" tanong ko dito na abala sa pag-aayos ng mga gamit ko. Huminto ito sa kanyang ginagawa at humarap sa akin.

Ngayon ko lang nakita ito na ganoon kaseryosong tumingin sa akin.

"B-bakit h-ho Nay, may problema ho ba?" Kinakabahan kong tanong dito.

Napabuntong hininga ito at umupo sa may tabi ko.

"Iha! Nakausap namin si Sir Logan kagabi. At sinabi niya ang nangyari sayo kagabi sa bar." Halata sa mga mata nito ang pag-aalala.

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang itong magasalita muli.

"Mabuti na lang at nandun si Sir Logan ng mga oras na iyon, kung wala e.. baka napahamak ka na!" Kinuha nito ang mga kamay ko at hinaplos halpos ito. "Iha! Hindi ka na iba sa amin ng 'tay Abi mo. Para ka na naming tunay na anak.. kaya ganun na lamang kami kung mag-alala sayo! baka hindi namin mapatawad ang sarili naman kung may nangyaring masama sayo." Naiiyak nitong sabi.

Naiintindihan ko naman ang sinasabi nito. Muntik na akong mapagsamantalahan kagabi. Niyakap ko naman ito upang pagaanin ang nararamdaman ng matanda. Ayoko din naman na nag-aalala ito sa akin.

"Huwag na ho kayong mag-alala, Nay Mila. Sa susunod ho mag-iingat na ako!" Nakangiti kong wika dito. "Ay nga ho pala! Ano na nga hong oras ngayon?" tanong ko dito ng makaramdam ako ng gutom. Kumukulo na ang aking tiyan.

"Naku iha.. magtatanghalian na kaya nga ako umakyat dito para gisingin ka!" Nauna na itong tumayo sa akin kaya tumayo na rin ako.

"Maliligo lang ho ako 'Nay, tas baba na rin ho ako." nakangiti kong usal dito. Amoy alak pa pala ako kaya kailangan ko munang maligo bago bumaba.

"Ah nga pala iha! Nandiyan pala si Sir Logan, kanina kapa nya hinahanap." Binigyan naman ako ng makahulugang tingin at ngiti ni Aling Mila.

"H-Ho! bakit daw ho niya ako hinahanap?" Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin.

"Aba eh.. gusto ka lang daw niya makausap.. sige na iha! bilisan mo na jan at kanina pa 'yon naghihintay. Ako'y bababa na at maghahain ng tanghalian natin." paalam nito.

Ilang minuto ng nakaalis si Aling Mila ngunit nakatulala pa din siya. Paano ko ba haharapin ang lalaking iyon ngayon, gayong harap- harapan niya akong tinanggihan kagabi. Haysss.. bahala na nga.

Mabilis na akong naligo dahil siguradong kanina pa sila naghihintay sa akin.

Nagsuot lang ako ng simpleng damit pambahay. Naglagay lang ako pulbo sa mukha at nagwisik ng kunting pabango. At nang makita sa salamin na maayos na ang aking sarili ay napagpasyahan ko ng bumaba.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang makita kong naghihintay pala ang lalaki sa labas ng aking kwarto.

"K-kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Pinagmasdan ko ang mukha. Mukha itong puyat at problemado.

Mabilis niya akong hinila at isinandal sa pader.

"A-anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong dito dahil baka makita kami nila Nay Mila at Tay Abi sa ganung posisyon.

"Kanina pa kita hinihintay, nainip na ako kaya pinuntahan na kita dito!" Seryosong sabi nito habang pinag-aralan nito ang reaksyon ko.

"Bakit ka na lang ba biglang sumusulpot sa harapan ko ha? Noong nakaraang gabi sa resort, kagabi sa bar tapos ngayon sa pamamahay ko? Stalker ba kita?" mariin kong tanong dito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hana Leeyabe
kasuod pa pls full story po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status