Share

Chapter 75 - Pagpapatawad

Rhian's Point of View

Isang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.

Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.

Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.

Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan.

Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito.

"Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.

Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.

Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan.

"Sa prisinto muna tayo, Brooks."

Naghihintay na sa akin ang mag-ama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status