Share

Chapter 3 - Note

Nakita ko sa ibabaw ng lamesa ang isang pares ng damit. Nandoon din aking mga gamit. May sulat din na iniwan doon marahil ay galing ito sa lalaki. Kinuha ko iyon at binasa.

'I'm sorry for what happened last night, baby. Let's talk about it later. May urgent meeting lang ako ngayon. Please! wag ka munang umalis diyan.'

-L.M.

Madali kong isinuot ang damit, tamang tama lang sa akin ito na para bang sa akin ito isinukat. Kahit masakit ang aking balakang ay pilit parin akong naglakad papalabas sa kwarto na iyon.

Pagkalabas ko ng pinto ay may isang staff na tila ba hinihintay talaga nito ang aking paglabas.

"Good morning ma'am! pinahanda na po ni sir ang inyong umagahan!" magalang na bati nito sa akin.

Napaisip naman ako kung sinong sir ba ang tinutukoy nito? 'Ah siguro 'yong lalaking kasama ko kagabi.' sa isip-isip ko. Agad ko naman tinanggihan ang alok nito.

"Nagmamadali na kase ako, pakisabi na lang kay sir mo, thanks!" at nagmamadali na akong naglakad ngunit sinundan pa rin ako nito.

"Pero bilin po ni sir Logan na kumain muna kayo at hintayin mo siya, ma'am!" sabi nitong napakamot pa sa ulo.

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ng sir nito.

"Malilintikan ho kami nito kay boss, ma'am!" pahabol pa nitong sabi.

Nilingon ko ito at nginitian.

"Hindi ko kilala 'yang boss na sinasabi mo, at kung sino man siya ay huwag na niya akong hanapin!" Tinalikuran ko na ito at sumakay na ako sa aking sasakyan at saka ko naman ito pinaharurot.

Wala akong balak pang magpakita pa sa lalaking iyon. Wala naman kaming ugnayan maliban sa nangyari sa amin kagabi. May nobyo na ako at ayokong masira ang relasyon namin.

Dumeretso ako sa mansyon upang mabisita ito. Noong isang araw pa ako sa Pilipinas pero ngayon lang ako nakapunta dito. Nagstay muna kasi ako sa hotel.

Nakita ko si Aling Mila na itinigil ang pagdidilig nito sa mga halaman ng makitang may sasakyang pumasok sa bakuran. Asawa ito ni Mang Abi at may isa silang anak. Ngunit nasa Manila ngayon dahil pumapasok pa ito. Ako ang nagpapaaral dito, ganti ko iyon sa mga kabutihang ibinibigay nila sa akin. Simula ng mamatay ang aking mga magulang ay sila na ang naging pamilya ko. Itinuring ko silang tunay kong mga magulang.

"Rhian, ikaw na ba 'yan?" Tanong sa'kin ni Aling Mila ng makitang bumaba ako ng sasakyan. Malabo na nga ang mga mata nito kaya pilit inaaninaw kung sino ako.

Naluluha akong lumapit sa kanya at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Kumusta na ho kayo 'Nay?" tanong ko dito.

"Naku po! ikaw talagang bata ka! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka pala, para naman nagpahuli ako ng masarap ng ulam kay Abi!" Kitang kita ko ang kasiyahan nito sa kanyang mga mata ng makita niya ako.

"Naku Nay! Huwag na ho kayong mag-abala pa! Asan ho pala si 'tay Abi? tanong ko dito ng mapansin kong wala ito.

"Alam mo naman ang tatay mo na 'yon. Hindi mapakali ng walang ginagawa. Andun sa bukid!"

Napangiti ako. Hindi parin nagbabago ang mga ito.

"Hindi ho ba ay kumuha tayo ng tauhan para makatulong niya doon Nay?" Nag-aalala ako dito dahil matanda na ito at baka kung mapaano pa ito kaya kumuha na ako ng ibang tauhan upang sila na ang gumawa doon.

"Ewan ko ba sa matandang 'yon! Matigas ang ulo!" Reklamo naman ni Aling Mila. "Ay halika na iha sa loob at maghahanda ako ng makakain mo!"

"Huwag na ho 'Nay, busog pa ho ako. Matutulog na lang po muna ako, gisingin nyo na lang ho ako mamayang hapunan" wika ko dito.

"Oh sige sige iha! Ikaw ang bahala!"

Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Pagkarating ko sa aking kwarto ay kinuha ko ang phone ko sa loob ng aking bag. Tiningnan ko kung may text o tawag ba ang aking nobyo pero ni isa ay wala akong natanggap mula dito.

'Busy na naman siguro sa trabaho iyon' sa isip isip ko. Nag-iisang anak lang ito kaya sa kanya lahat nakaatang ang mabibigat na trabaho. Tumutulong naman ako dito. Sa kanilang kumpanya kasi ako nagtatrabaho.

Tinext ko ito at sinabing miss na miss ko na siya at pagkatapos ay nahiga na ako sa aking kama. Namiss ko ang mansyon.

Gustuhin ko mang makatulog ngunit hindi ako dalawin ng antok.

Tanghali na kaya napagpasyahan ko muna magshower bago bumaba sa kusina. Tutulong na lang ako kay Aling Mila sa paghahanda ng pananghalian.

Pinili kong isuot ang puting bistada.

Bumaba na ako at nagderetso sa kusina siguradong nandoon si aling Mila. At Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko itong nagluluto.

"Nay, tulungan na kita jan!" usal ko ng tuluyan na akong nakalapit dito.

"Naku iha nanjan ka pala! Akala ko ba'y matutulog ka ha?" tanong nito sa akin habang inilalagay nito ang mga gulay sa niluluto nito.

"Hindi ho ako makatulog nay eh!" Naamoy ko ang niluluto nito.

"Sinigang sa hipon ba 'yan? Mukhang masarap 'Nay ah!" usal ko at inamoy amoy ang usok na nanggagaling sa niluluto nito.

"Oo iha! alam kong paborito mo ito kaya dali-dali akong bumili dyan sa malapit na talipala. Sariwang sariwa pa nga ang nabili ko dahil kahuhuli lang ng mga ito."

Si aling Mila talaga hanggang nagyon hindi pa rin nakakalimutan ang mga paborito ko.

"Hindi pa ho ba umuuwi si 'Tay Abi?" tanong ko dito. Kumuha ako ng juice sa ref at umupo ako sa upuan malapit sa counter.

"Pauwe na siguro iyon iha dahil magtatanghalian na!" Natapos na ito sa pagluluto at naghain na ito sa lamesa. Apat na pinggan ang inilagay nito.

Nagtaka naman ako kung bakit apat ang pinggan na nilagay nito gayong tatlo lang naman kaming kakain.

"Nay! may bisita ho ba tayo ngayon?" takang tanong ko dito. Inubos ko na ang juice na kinuha ko at lumapit na sa lamesa.

Bago pa man ito nakasagot ay nakita nitong dumating na si Mang Abi.

"Oh! Ayan na pala ang tatay mo.. Tiyak na matutuwa iyon kapag nakita ka niya! Saglit lang iha at tatawagin ko na sila." Umalis na ito at pinuntahan ang asawa.

Sila? Sinong kasama ni Mang Abi?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status