Share

Chapter 13 - Pictorial

Rhian's Point of View

"Miss Rhian, pinapatawag na kayo sa dressing room. Kailangan nyo na daw pong ayusan at nang maisuot na ang swimsuit dahil malapit na magsimula ang pictorial." Saad ni Jane. Siya ang bago kong assistant. Si Mikaela ang may kagustohan na magkaroon ako ng assistant upang hindi ako mahirapan. Sumang-ayon na lamang ako lalo na at baguhan pa lamang ako sa pagmomodelo, kailangan ko ng maasahan.

Nandito kami ngayon sa Poctoy White beach, isa sa pinakasikat at magandang beach resort na matatagpuan sa probinsya ng Marinduque. Maihahalintulad din ito sa boracay dahil sa mga mapuputi at pinong mga buhangin. Dinarayo din ito ng mga turista na galing pa sa iba't ibang bayan.

Maganda ang view dito at akma sa gagawin naming swimsuit pictorial.

"Susunod na ako." Nakangiti kong sagot dito. Malapit lang naman ang dressing room sa kinatatayuan ng aking tent.

Pagpasok ko ng dressing room ay nandoon na lahat ng mga modelo at sinisimulan nang ayusan ng kani-kanilang make-up artist.

S
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status