Rhian's Point of View"Ibaba mo na ako, Logan." Nakalabas na kami ngayon sa Mansyon. Habang sapo ako ni Logan ay mahigpit akong nakahawak sa kanyang batok dahil natatakot akong mahulog. Kung titingnan, para kaming bagong kasal sa paraan nang pagbuhat niya sa akin.Ngunit hindi ako ibinaba ng lalaki. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Hindi ba niya ako naririnig?"I said, put me down. I can walk. Binuhusan lang ako ng alak hindi naman ako naging balbado." Nakasimangot kong saad.Hindi pa rin ako nito pinapansin. Seryoso lang ito habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan. Hindi na ako nagsalita pa dahil kahit anong sabihin ko dito ay hindi naman niya ako pinapansin. Isiniksik ko ang aking ulo sa malapad nitong dibdib. In fairness, ang bango niya. Ano kayang pabango ang ginagamit ng lalaking 'toh?Pagkaraan ng ilang sandali ay naramdaman kong ibinaba na ako ni Logan. Marahan niya akong pinagbuksan ng pinto. "Get in the car." Maawtoridad na utos ni Logan.Hindi naman ako nagdalawa
Rhian's Point of ViewNagising ako dahil sa may narinig akong kumakaluskos na kung anong bagay. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Pinagmasdan kong mabuti ang loob ng silid ngunit hindi ito pamilyar sa akin. Paano ako napunta dito?Nasaan ako?Oo nga pala! Kagabi ay magkasama kami ni Logan. Marahil ay nasa resthouse na kami. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakarating dito dahil nakatulog ako sa sobrang antok at pagod ko kahapon. Hinanap ng aking mga mata si Logan ngunit wala doon ang lalaki. Marahil ay maaga itong nagising o sa ibang kwarto siya natulog. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may masakit ba dito ngunit wala naman akong naramdaman na kahit ano. Napansin ko lang na nagbago ang suot kong damit. Napalitan iyon ng manipis na t-shirt at pajama.Sino kaya ang nagpalit sa akin ng damit? Hindi kaya? OMG! Hindi naman siguro si Logan. Maya-maya pa ay may kumaluskos na naman, bumukas ang isang pinto doon at iniluwa ang lalaki. Pumikit ulit ako at nagkunwaring natutulog
Rhian's Point of View"I love you too." Mga salitang kusang lumabas sa aking bibig matapos ang aming pagniniig.Masaya akong niyakap ni Logan nang marinig niya iyon. Pagkaraa'y muli na naman naglapat ang aming mga labi. Alam kong hindi magiging madali na mahalin ang lalaki ngunit handa akong sumugal para sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay na relasyon niya kay Vera. At kung ano man iyon ay saka ko na lamang aalamin, ang mahalaga ay masaya ako ngayon.Bago pa man humantong sa kung saan ang halik na iyon ay may narinig kaming kumakatok. Agad naman akong kumawala sa lalaki dahil baka makita kami na naghahalikan ng kung sino man ang papasok doon."Istorbo!" Mahinang bulong ni Logan.Hindi ko naman maiwasan mapangiti sa naging reaksyon ni Logan. Parang bata kasi itong naubusan ng pagkain habang naglakad papuntang pintuan upang pagbuksan ang kumakatok."Sir Logan, nakahanda na ang pagkain. Halina at nang makakain na kayo. Aba'y tanghali na." Saad ng isan
Rhian's Point of ViewNakauwi na kami ng Manila at naririto ako ngayon sa Elite Model Company para sa gagawin naming photoshoot. Dalawang oras pa bago ito magsimula kaya naman nasa opisina kami ngayon ni Mikaela upang magpalipas ng oras.Nakahanda na rin ang mga susuotin ko sa tulong ni Jane. Nakaupo kami ngayon sa mahabang couch ni Mikaela. Si Jane naman ay abala sa kanyang cellphone. Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa ulit kami nagkikita ni Logan simula noong nagpunta kami sa kanyang resthouse. Nangako ito na bibisitahin niya ako sa condo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Mikaela."Alam mo bang gumawa nang eksena si Vera sa party?!" Nakataas ang kilay na saad ni Mikaela. "That bitch, hindi na nahiya!" Malalim akong napabuntong hininga nang maalala ang mga pangyayari. Nasabi sa akin ni Alisha, pagkaalis namin ni Logan ay nagwala doon si Vera dahilan para ipahuli nila ang dalaga sa mga guard."Teka nga pala
Third Person's Point of View"Mr. Montereal, hindi ko inaasahan na darating ka." Nakangiting saad ni Mr. Robert. Lumapit ito sa bagong dating na lalaki upang makipagkamay. Maging ang acting CEO ng EMC ay nagulat din nang siya ay makita. Tila pinagpawisan ito ng bahagya nang bigyan siya ng matalim na tingin ni Logan."Hindi naman siguro masama na bisitahin ko paminsan minsan ang EMC, lalo na kung ang kalhating porsyento ng share ng kumpanya ay sa akin nakapangalan. Tama ba ako Mr. Bardot?" Sinadya niyang bigkasin nang mariin ang huling sinabi."O-Oo naman Mr. Montereal, mahalagang malaman mo rin ang mga kaganapan sa kumpanya." Kinakabahang saad ni Mr. Bardot. Sa totoo lang, hindi siya masayang nandoon ang lalaki. Tiyak niyang pakikialam siya nito sa gusto niyang mangyari."May ibang dapat pa ba akong malaman, Mr. Bardot?" Muling tanong ni Logan. Nalaman niya buhat sa kanyang assistant na may mga ilegal na ginagawa si Mr. Bardot sa kumpanya. Kumukuha ito ng mga proyekto sa iba't ibang
Rhian's Point of ViewHindi ako makapaniwala sa ginawa ng binata. Basta na lang itong lumapit sa akin at marahas akong hinalikan. 'Hindi ba siya nag-iisip? Seryoso akong nagtatrabaho dito tapos bigla na lang siyang magpapakita at guguluhin ang trabaho ko!'"Bitawan mo ako!" Mariin kong saad sa lalaki. Pinagtitinginan na kami ng mga taong naroroon. Nakakahiya kay Mr. Robert at sa mga kasama nito. "Sinabi ko na sayo, hindi ako sasama sayo. Hindi mo ba nakikita na may ginagawa kami?"Si Drew na nagulat sa ginawa ni Logan ay agad naman nakabawi. Agad itong lumapit sa akin ng hindi ako binitawan ni Logan."Bro! Hindi mo ba narinig ang sinabi nya? Bitawan mo na siya." Kalmadong usal ni Drew. Alam niyang si Logan ang isa sa may-ari ng EMC kaya hindi sana siya makikialam. Ngunit ang pilitin nito ang dalaga na sumama sa kanya ay hindi niya mapapalagpas. Nagkaroon naman ako ng takot nang mapansin ko ang masamang awra sa mukha ni Logan. "Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay." Mari
Rhian's Point of ViewKinabukasan, nagising ako na masama ang aking pakiramdam. Para bang ang bigat bigat ng katawan ko. Hindi naman nadagdagan ang timbang ko sa halip nabawasan pa nga iyon. Tinatamad akong bumangon, gusto ko na lang mahiga buong maghapon.Kinuha ko ang aking cellphone at pinadalhan ko ng mensahe si Mikaela na hindi ako makakapagtrabaho ngayon. Hindi ko sinabi na masama ang pakiramdam ko upang hindi na ito mag-alala sa akin.Napilitan akong tumayo kahit nahihilo ako dahil pakiramdam ko ay tila masusuka ako. Nagmadali akong pumunta ng banyo. "Ano bang nakain ko kabagi?" Naitanong ko na lang sa aking sarili. Pakiramdam ko ay nanghihina ang aking katawan. "Imposible naman na buntis ako.." Saglit akong natigilan."Oh my God! Hindi maari!" Naibulalas ko sa aking sarili. Napatingin ako sa aking tiyan at wala sa sariling kinapa-kapa iyon.Noong isang buwan pa ako huling nagkaroon, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadatnan. Paano ko ngayon ito sasabihin kay Logan? Man
Rhian's Point of ViewPinagmasdan kong mabuti ang ticket na ibinigay ni Blake. Marahil ay umaasa siya na maisasama niya ako pabalik ng Spain. May pait sa ngiting sumilay sa aking mga labi.Nararamdaman ko sa kanya ang pagsisisi at kagustuhan na maayos muli ang aming relasyon. Pero ayaw kong bigyan pa ito ng rason para umasa. "Huwag mo na akong hintayin, Blake. Hindi na ako maaring sumama sa 'yo pabalik ng Spain." Ibinalik ko dito ang ticket na ibinigay niya sa akin. "Darating din 'yong araw na may makikilala kang babae na mas mamahalin ka higit pa sa pagmamahal na binigay ko sayo"Laylay ang balikat ni Blake sa mga sinabi ng dalaga. Handa naman siyang maging ama ng batang dinadala nito kahit hindi siya ang tunay na ama. Ngunit alam niyang hindi na niya mababago pa ang isip nito. Nanghihinayang na tumingin sa akin si Blake. "Kung sakaling kakailangan mo ako, hihintayin kita sa Spain. Alam mo naman kung saan mo ako matatagpuan." Malungkot na ngumiti ito. "Ahmm.. Can I hug you one last