Share

Chapter 20 - I Love You (SPG)

Rhian's Point of View

Nagising ako dahil sa may narinig akong kumakaluskos na kung anong bagay. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Pinagmasdan kong mabuti ang loob ng silid ngunit hindi ito pamilyar sa akin. Paano ako napunta dito?

Nasaan ako?

Oo nga pala! Kagabi ay magkasama kami ni Logan. Marahil ay nasa resthouse na kami. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakarating dito dahil nakatulog ako sa sobrang antok at pagod ko kahapon.

Hinanap ng aking mga mata si Logan ngunit wala doon ang lalaki. Marahil ay maaga itong nagising o sa ibang kwarto siya natulog.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may masakit ba dito ngunit wala naman akong naramdaman na kahit ano. Napansin ko lang na nagbago ang suot kong damit. Napalitan iyon ng manipis na t-shirt at pajama.

Sino kaya ang nagpalit sa akin ng damit? Hindi kaya? OMG! Hindi naman siguro si Logan.

Maya-maya pa ay may kumaluskos na naman, bumukas ang isang pinto doon at iniluwa ang lalaki. Pumikit ulit ako at nagkunwaring natutulog
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Florence Lumas-i
update plsssss
goodnovel comment avatar
Arnia Akan Abpi
update po pls ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status