Share

Marrying my Step Brother
Marrying my Step Brother
Author: Ms. M

Chapter 1

WARNING: MATURE CONTENT! R-18+

" Alam mo ba ang ginawa mo Samantha? Naiintindihan mo ba ang problema na ginawa mo? " malakas na sigaw ng lalaki na nakatayo sa harapan ni Samantha ngayon. Nagngingitnggit ang ngipin at boses nito dahil sa pagpipigil ng galit. Nasabunutan pa ang sariling buhok dahil sa pinaghalong iritasyon at panghihinayang.

Ngayon lang nasaksihan ni Samantha kung paano ang pinaka sweet niyang Kapatid. Alam niya na malaki ang nagawa niyang kasalanan. Ngunit hindi siya nito masisi dahil sa kasalanan niya.

" Hindi ko naman kagustuhan ng nangyari noon Kuya. Paulit-ulit kung sinasabi na nagising na lang ako na magkatabi kami ni Kuya David sa kama. Hindi ko naman gusto na ituloy ito pero gusto ko kasi na buo ang pamilya na kalakihan ng anak ko. Please Kuya, suportahan mo naman ako, kami. " pakiusap ni Samantha sa kapatid niya.

"Sinusuportahan kita pero hindi sa ganitong paraan. Sinira mo ang relasyon ni David sa Fiance niya, Samantha. Kung may konsenya ka pang natitira sa katawan mo umatras ka sa kasalang ito. " aniya ng Kuya niya.

Umiling si Samantha sa sinabi ng kapatid niya. Alam niya ang pinasok na gulo at lalo alam niya ang magiging buhay niya matapos ang kasalang ito. Binalaan siya ng mga taong nasa paligid niya na kinasusuklaman siya ng Kuya niya na si David dahil sa ginawa niya.

" Lahat naman ng gusto mo binigay namin. Bakit ganitong ang e susukli mo? Kapatid mo kami Samantha, kapatid mo si David. Hindi man sa dugo. Alam mo mali pa rin ito dahil nakilala nila kayo bilang magkapatid kahit hindi mo dala ang apelyido namin. Kahit hindi ka legal na na ampon nila Daddy ay magkatapid tayo. " muling tumaas ang boses nito. Para itong isang Leon na nagwawala sa harapan ni Samantha ngayon.

" Hindi mo kasi maintindihan Kuya " aniya sa kapatid. " Dahil hindi mo ipinapaintindi sa amin kung bakit mo nagawang akitin ang sarili mong kapatid. Nakakahiya ang ginawa mo. Nakakahiya ka. Kung alam lang namin na ganitong ang mangyayari sana noon pa lang ay pinadala ka na namin sa ibang Bansa. Sinira mo ang buhay ng Kuya David mo. Sinira mo pati buhay mo, Samantha. Hindi mo ni respeto sila Daddy at Mommy dahil sa pagkupkop nila sayo. " sabi ng kapatid niya.

Natahimik si Samantha dahil sa sinabi ng kapatid niya. Tagos hanggang buto ang lahat ng sinabi nito sa kaniya. Simula noong araw na nahuli sila na magkatabi sa iisang kama ng sariling kapatid, hubot hubad at magkayakap. Halos mapatay siya ng magulang na nagpalaki sa kaniya lalo na ng malaman nila na nagdadalang tao siya. Nagbuanga ang pagkakamali nila ng Kuya niya na si David.

" Putan** ngina! Tingin mo ba tatratuhin ka ng maayos at maganda ni David? Sa tingin mo ba mamahalin ka niya? Inaalala lang kita, Samantha . Na baka hindi maging maganda ang buhay mo sa kaniya. " aniya ng Kuya niya.

" Alam ko naman yon, Kuya. Pero gusto ko naman subukan baka pwede naman. " humina ang boses sa huling sinambit.

Si Samantha ang ampong anak ng pamilya Buenavista. May dalawa itong kuya kuyahan, si Drew ang panganay at si David ang pangalawa. Bata pa lang si Samantha ng napunta siya sa pamilyang kumupkop sa kaniya ay tumibok na ang puso niya para sa kapatid na si David. May matagal na itong nobya at malapit ng ikasal. Ngunit isang pagkakamali ang nangyari. Sinamantala niya ang kalasingan ng Kuya niya sa si David at mayroong nangyari sa pagitan nila. Iyon ang pinaniwala nila sa kaniya kahit gumising lang siya na nasa sitwasyon na iyon. Noong una ay nagawa pa siyang patawarin ng lahat. Ngunit makalipas ang dalawang buwan nalaman ng lahat na nagdadalang tao siya. Dinadala niya ang pagkakamali ng gabing nakasiping siya ang kanyang Kuya David.

" Hindi ko na alam Samantha ang gagawin ko sa iyo. Ikaw na ang bahalang mag desisyon sa buhay mo ngayon. Mag iingat ka at Congratulations sa kasal mo. " sabi ng Kuya Drew niya.

Naglakad na papalayo ang Kuya niya at lumabas ng dressing room kung nasaan si Samantha. Muling napa upo sa malambot na sofa ang nanginginig na katawan ni Samantha. Kung susumain ay tama ang sinambit ng nakakatandang kapatid niya. Ito na Ang simula nang paghihirap niya. Ngunit ilalaban niya ito, ilalaban niya alang alang sa batang nabubuhay at nabubuo sa sinapupunan niya. Lumipas Ang ilang minuto pa at kinatuk na nag organizer si Samantha sa dressing room. Pina alam nito Ang oras ng kasal. Huminga mo na si Samantha ng malalim ng ilang beses bago maglakad papalabas ng silid.

Pagdating niya sa venue ng kasal niya ay nanlumo siya nakita at nadatnan. Walang mga bisita ang narito tanging ang nag iisang kaibigan na si Marie, ang Kuya niyang si Drew at ang Pari.

Sa tabi ng Pari si David, ang lalaking papakasalan niya.

" I'm sorry Ma'am pero pinauwi kasi ng groom ang mga bisita kanina. "bulong ng organizer kay Samantha. Nadismaya siya at nasaktan dahil bakit umabot sa puntong iyon. Napahigpit ang hawak niya sa bulaklak dahil napunta sa wala ang pinagpaguran niya. Sino nga ba siya, sinira niya ang buhay ng lalaki at dapat lang ito sa kaniya.

" Pwede bang umpisahan na ang walang keentang kasalang ito? Marami pa akong dapat puntahan na mas mahalaga rito. " sabi ni David.

" DAVID " babala nng Kuya niyang si Drew.

Nasak tan lalo si Samantha sa sinabi nito. Wala na siyang nagawa kundi maglakad sa ginta ng walang tugtug. Mabuti na lamang at nakasuot siya ng belo dahil hindi nila kita ang page agos ng masagana niyang mga luha. Inaasan na niya ang kahihinatnan ng kasal. Ngunit masakit pala para sa kaniya kapag narito na. Nanikip bigla ang kanyang dibdib ngunit kinalma niya ang kanyang sarili at ipinagpatuloy ang paglalakad. Pinagpatuloy niya ang paglalakad sa aisle. Nang makarating siya sa harapan ni David ay hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Diretso ang tingin niya sa Pari hindi din nito itinago ang galit sa mukha.

" Pwede bang magpirmahan na lang tayo ng marriage contract? May importantr kasi akong meeting na dapat habulin. " sabi ni David.

" Pero diba may seremonya bago yun? " sabi ni Samantha. " You don't deserve that, Bitch. Come on give the marriage contact at may dapat pa akong tapusin. " galit na sabi ni David kay Samantha at sinamaan ng nakakamatay na tingin.

Walang nagawa pa si Samantha kundi ay ibigay sa lalaki ang marriage contract nila. Pinanood niya kung paano ito pirmahan ng lalaki. Pagkatapos ay walang pag iingat na ibinato sa pagmumukha ni Samantha ang marriage contract.

" Apelyido ko lang ang nakuha mo sa akin Samantha. Hinding hindi mo makukuha sa akin ang puso ko at sisiguraduhin ko na magmamakaawa ka sakin na pakawalan ka. " sabi nito bago siya tinalikuran. Saka ito paalis na naglakad sa altar at iniwan sa harap ng altar ang babae. Hindi din niya ito tinapunan ng tingin. Mabilis naman siyang dinaluhan ng kaibigan niyang si Marie. Inaalo siya nito na magiging maayos din ang lahat ngunit alam niya na hindi mangyayari iyon. Malungkot niyang tinignan ang paligid. Ang kasal na pinapangarap niya. Ilang Araw niya itong inasikaso na mauuwi lang pala sa wala.

" Sinabi ko naman sayo hindi ba? Hindi magiging maganda ang buhay mo sa kaniya. Umpisa pa lang ito Samantha at sana handa ka sa mga susunod na mangyayari. " sabi ni Kuya Drew niya.

Nagpaalam na ang kanyang Kuya Drew at ganoon din ang kaibigan niyang si Marie. Masama ang loob ni Samantha na bumalik sa dressing room at hinubad ang wedding gown na siya pa ang pumili. Ang gown na naisuot lamang niya sa loob ng kalahating oras. Nagbihis SI Samantha ng simply jeans at white shirt saka siya lumabas at umalis sa venue. At saka siya sumakay ng Taxi. Ngunit bago siya umalis ay sinabihan niya ang organizer na tumulong sa kaniya sa kasal na ligpitin nalang ang lahat at ipamigay nalang ang mga handa.

Uuwi siya ngayon sa Bahay ng kanyang Asawa at alam ni Samantha na ito ang simula ng impyerno niyang buhay. Isang sulyap pa ang ginawa ni Samantha sa venue na pinagpuyatan at pinagpaguran pa pala niya. Siya kasi ang lahat na pumili ng lahat dapat gamitin. Saving din niya ang ginamit upang mabigyan ng kasal ang sarili. Napangiti siya ng malungkot ang mapait bago tinalikuran ito. Mukhang hindi niya talaga mararanasan ang kasal.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
gusto ang story
goodnovel comment avatar
Marivic Amoroto
nice story
goodnovel comment avatar
MoradaAnna
wala muna.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status