Share

Chapter 7

KINABUKASAN maagang naggayak ang mag pinsan para pumunta sa hospital ng kaibigan ni Samantha. Kakausapin ito ni Sandro para humingi ng tulong para makausap ang kapatid.

Pagkadating nila sa hospital ay agad nilang tinungo ang office ni ng kaibigan ni Samantha.

" Sir, may appointment po ba kayo or scheduled ngayon? " saad ng sekretarya ni Marie. " Ahhhmmm... Ms. Beautiful wala kaming scheduled appointment pero this is urgent. Please let us in. Importante lang talaga na maka-usap naman ang boss mo. " saad ni Leon sa sekretarya sa malumanay na tinig. Naghingning naman ang mga mata nito dahil sa pagpapacute ni Leon. " O..okay, Sir! Wait for a second. I will just inform Doc. Marie. " kinikilig na saad ng sekretarya at tinungo ang loob ng office ni Marie. " Hapin talaga yang charms mo sa mga babae, Insan. " naiiling na saad ni Sandro. " Ako pa ba! Sa pogi kong ito. Kaya pasalamat ka at may pogi kang pinsan. " proud na saad ni Leon.

After five minutes bumukas ang pinto ng office ni Marie at iniluwa doon ang sekretarya. " Sir, you may go inside. Ma'am is waiting. You have only 30 minutes to talk to her dahil maglilibot pa siya sa patients niya after niyong mag-usap.

Nang makapasok sila sa office ni Marie ay agad silang sinalubong ni Marie nag pagbati. " Hi Gentleman, what can I do for the both you. ? Sabi ng sekretarya ko ay urgent bat personal ang sadya ninyo. Have a sit. " saan ni Marie. Umupo naman na sila at nagkaharap sa office table nng Doctora. At animoy nakakita ng dyosa si Leon sa kagandahan ng dalaga. Titig natitig siya dito. Sinultapan naman ni Sandro ang pinsan at napansin niya ang tingin nito sa Doctora kaya sinipa niya ito sa paa. " Awww! " saad ni Leon habang nakatingin kay Sandro. Si Sandro naman ay sinamaan si Leon ni tingin at tila sinasabi na " Umayos ka ". Na gets na naman ni Leon ang tingin ni Sandro. " So, ano ang kailangan ni sakin Mr. Smith? " saad ni Marie. Sasagot na sana si Sandro ngunit naunahan siya ni Leon. " Ms. Beautiful! Nandito kami ng pinsan ko dahil gusto kang makausap ng pinsan ko tungkol kay Samantha. " saad ni Leon at kinindatan pa si Marie. Sa isip-isip ni Marie ay hindi siya komportable sa isang ito. Mukhang maloko ito at hindi mapagkakatiwalaan. " Ano naman po kailangan niyo sa kaibigan ko? At sino po ba kayo? Kamag-anak po ba kayo si Sam? Pero wala na po kaming alam na may kamag-anak pa siya. " saad ni Marie. " hmmm.. Definitely, it's a yes. Half sister ko si Samantha, Doctora. Hindi ko alam kong nabanggit ba Ako ni nanay sa kanya noon. " sad ni Sandro. " Teka, nagsasabi ba kayo ng totoo kasi mukhang hindi ayoko magtiwala sa inyo lalo na sa kasama mo Mr. Smith. " saad ni Marie habang nagkasalubong ang kilay at nakatingin kay Leon na panay pa cute sa kanya. " Ohh, that's hurt Ms. Beautiful. Ako yata ang most trusted person in the world. Tanungin mo pa pinsan ko. Diba bro? " naka ngisi na saad ni Leon kay Marie." Tsssk, magtigil ka nga Leon. Tumahimik ka nga muna. Pwede? " saad ni Sandro at pinandilatan si Leon. Tumahimik naman ang huli. " Okay, Doctora! I get you. Hindi kami masamang tao Doc. Marie. Nagsasabi Ako ng totoo. We have proof para magsabi na hindi kami nagsisinungaling. " saad ni Sandro at binalingan si Leon na ibigay sa Doctora ay envelope. Inabot naman iyon ni Marie at nagsalita. " Sigiraduhin niyo lang dahil ayoko na masaktan ang kaibigan ko. Ang dami na niyang pinagdadaan sa buhay na problema. " saad ni Marie habang binubuksan ang envelope.

Tinignan naman iyon ni Marie at sinuring mabuti ang laman. Nabasa niya ang patunay na half sister pala talaga nito si Sam at may kalakip pa na mga larawan ng nanay ni Sam kasama si Mr. Smith. " Hindi ko akalain na may totong pamilya pa pala si Sam. Suguradong matutuwa iyon kapag nalaman niya. " naluluhang saad ni Marie. " Gusto ko siyang makausap at makita. Pwede mo ba kaming tulungan, Doctora? " saad ni Sandro. " Ahhhmm.. Opo, Mr. Smith. Marie nalang po itawag ninyo sakin. Magkaibigan naman po kami ni Sam. " saad ni Marie. " Okay, Marie. " saad ni Sandro. " Kailan niyo po balak na makipagkita Kay Sam? Sasamahan ko po kayo. " nagagalak na saad ni Marie. " As soon as possible. Gusto ko siyang kunin sa umampon sa kanya at sa Asawa niya. Alam ko ang ginawa nila sa kapatid ko at hindi ko iyon papalampasin. " gigil na saad ni Sandro. " Mas mabuti nga po para hindi na masaktan ng husto si Sam at hindi na lumalala ang sakit niya. " saad ni Marie.

Bigla namang natutop ni Marie ang bibig dahil sa na sabi. Napatingin naman si Sandro kay Marie na may pagtataka. " Aaanong sakit ni Sam? Anong sinasabi mo? " saad ni Sandro. " Ahhh! Ehhhh! Mr. Smith, to tell you may heart problem po si Sam at ngayong buntis siya ay hindi pwede na mag undergo siya ng treatment. " saan ni Marie. " What? How? " naghihinang saad ni Sandro. " Na mana po niya yung sakin ng mama ninyo. Sinabi ko po kay Sam na huwag na niyang ituloy ang pagbubuntis para ma operahan na siya. Pero ayaw na po pumayag. Mahal na mahal niya anak niya kahit kapalit ang buhay niya ang gagawin niya. " naluluhang saad ni Marie. Nanlulumo sa nalaman ni Sandro. Hindi niya akalain na ganito pala kabigat Ang pinagdadaan ng kapatid niya.

Tinapiktapik naman ni Leon ang likod ni Sandro para pakalmahin. " May magagawa pa ba tayo sa kondisyon niya? We can go back to the US para ma treat ang sakit niya. " saad ni Sandro. " Yes, we can but ayaw ni Sam na umalis at iwan si David. Mahal na mahal ni Sam ang Asawa niya. Kinausap ko na siya tungkol dito pero matigas talaga ulo ni Sam. Ayaw na makinig. " saad ni Marie. " Damn, that man. Huwag ko lang makita yang lalaking yan baka mapatay ko yan. " gigil na saad ni Sandro. " Bro, relax lang. Huwag mong daanin sa init ng ulo mo. Hindi pa natin nakakausap ang kapatid mo. Kausapin mo na muna baka makinig sayo. " payo ni Leon sa pinsan. Bumuntong hiniga naman si Sandro at tumango. Pinakalma ang sarili at hinarap uli si Marie. " Please help us. Talk to Samantha as soon as possible bago pa mahuli ang lahat. And Kuya Sandro nalang itawag mo sakin. Salamat pala dahil nandyan ka for my sister. " paki-usap ni Sandro. " Opo, Kuya Sandro. Kokontakin ko kaagad si Sam para kausapin. Ako muna kakausap sa kanya at tatawagan ko nalang kayo kung ano pumayag si Sam. " saad ni Marie. Sumang ayon naman si Sandro sa sinabi ani Marie. " Alright! Thank you Marie for your time. Here's my calling card. Please contact me immediately. " saad ni Sandro at nagpaalam na ang dalawa kay Marie. " We'll go ahead. " saad ni Sandro at tumayo na. " Goodbye Ms Beautiful! See you soon. " saad naman ni Leon sabay kindat. Inirapan naman nito ni Marie. Hinatid na palabas ni Marie ang dalawa.

Masaya si Marie sa mga nalaman ngayong araw na ito. May kapatid pa pala si Samantha. Ito yung hinihiling ni Sam noon na magkaroon ng kapamilya. Alam niya na matutuwa ang kaibigan sa nalaman. Tatawagan niya ang kaibigan mamaya para makipagkita dito. Sasabihin niya na may surprise siya para rito. Sa naiisip ay masayang-masaya siya para sa kaibigan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alma Parcon
I can't wait to read beautiful story talaga ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status