Share

Chapter 4

Nag sterical ang kaibigan sa harap niya at pa ulit-ulit na nagmakaawa sa kanya na huwag ituloy ang pagbubuntis. Ngunit buo na ang desisyon niya. Gusto niya na isilang ang anak. Pinakiusapan din niya ang kaibigan na walang makakaalam ng kondisyon niya.

" Samantha, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? Pwede ka naman magbuntis ulit pagkatapos mo na mag heart transplant. " pang tatlo na yata nito itong sabi sa kanya.

Ngumiti ng totoo si Samantha sa kaibigan at umiling. Walang nagawa si Marie kundi lumuha ng tahimik dahil hindi niya matulungan ang kaibigan.

Hinatid siya ni Marie hanggang sa tapat ng kanilang Bahay. Bago siya pumasok sa entrance ng Mansyon ay itinago niya ng mabuti ang test results niya sa bag para hindi makita. Kailangan niya ito itago ng maayos para walang makaalam. Pagbukag niya sa pintuan ay ang madilim na mukha ni David ang bumungad sa kanya.

" Saan ka galing? Alam mo ba na anong oras na? " tanong ni David. Napa silip siya sa suits na relo at napanganga siya ng makita ang oras alas syete na pala ng gabi. Kumain kasi muna sila ni Marie bago umuwi.

" Galing lang ako kay Marie. Na iinip kasi ako dito. " sagot niya. " Nang ganitong oras? Alam mo ba na gaano ka delikado na umuwi ng gabi at buntis ka pa? Paano kung mapaano ang anak ko? " pagalit nitong saad sa kanya. " Anak ko rin " sabi niya.

Hindi na naman maintindihan ni Samantha ang sarili dahil nakaramdam na naman siya ng irritasyon. Nag init bigla ang ulo niya kay David.

" Huwag muna tayo mag usap ngayon David. Gusto ko magpahinga at saka na tayo mag usap kung hindi na mainitnang ulo mo. " sabi niya. Sa unang pagkakataon ay naging malamig ang pakikipag usap niya kay David. Nagulat din ang lalaki sa inasal niya ngunit lalo lamang itong naging dahilan upang sumiklab ang mainit na diskosyon.

" Ganyan ka ba talaga? Hindi mo ba naiisip na may naghihintay sayo dito sa Bahay? Napaka selfish mo. " galit sa saad ni David. " Ano ba ang pinagsasabi mo? Wala ka naman pakialam sa akin ha. Mabuti pa nga si Marie ay napapasaya Ako. " saad ni Samantha. " Tang***ina " mahinang mura ng Asawa niya at basta na lang lumapit sa kanya at siniil siya ng mapagparusang halik na ikinagulat ni Samantha. Hindi din siya nakapag react dahil sa kaba na nararamdaman niya ngayon. " You're making me crazy. " nahihirapan bulong nito habang magkadikit pa rin ang labi nila. Pinamulahan si Samantha ng mukha at bumilis ang tibok ng puso niya. anapahawak siya sa damit ng Asawa upang maalalayan na huwag siyang mabuwal sa pagkakatayo. " Galit Ako sayo dahil binabaliw mo ako. FUCK!!!! Naiirita ako dahil nagkakaganito dahil sayo. " may diin na sabi ni David. " Ano ang ibig mong sabihin? " tanong niya. " I don't know. Hindi ko din alam ang inisip ko sa oras na ito. Basta gusto ko lang na hawakan ka. " halos nahihirapan na sabi ni David.

Itinulak niya papalayo sa kanya si David at nag simula ng maglakad papalayo. Naiintindihan na niya ang nangyayari. Gusto nitong maging parausan siya. Wala nga pala ang pinakamamahal niyang si Danica. Ilang linggo na itong nasa ibang bansa at hindi pa umuuwi. Naramdaman niya ang kamay ng Asawa sa braso at sapilatan siya nitong ipinaharap sa kanya.

" I'm sorry kung nasigawan kita. I'm sorry! Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito. " paliwanag ni David. " Naiintindihan ko " saad niya.

Hindi na niya napigilan ang pag agos ng luha mula sa kanyang mga mata ng makapasok sa silid niya. Muli na naman nanikip ang dibdib niya at nag simula siya na nahihirapan na huminga at napahawak siya sa kanyang dibdib. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Hindi siya maarinna uminom ng gamot dahil makakasama ito sa Bata na ipinagbubuntis niya. Kaya kahit na nahihirapan siya ay kailangan niyang palakasin ang loob. Ilang minuto ang lumipas ay naging maayos na ulit ang paghinga niya. Kinuha niya ang test results niya sa kanyang bag at itinago sa kanyang drawer at umaasa na wala ni isa man ang makakakita nito.

Kinabukasan ay napansin ni Samantha ang pagbabago kay David. Naging maalaga ito sa kanya at palagi na rin itong ngumingiti sa tuwing nakikita siya nito. Ipinaghahanda din siya nito sa mga paborito niyang mga pagkain. Binibilhan din siya nito ng mga pagkain na pinaglilihian niya.

" Breakfast is ready. Samantha, kumain ka na dito bago pa lumamig ang pagkain. Manang, yung gatas para kay Samantha paki dala dito. " sabi ni David. " Bakit mo ito ginagawa? " saad niya. " Ang alin? " pagtataka ni David. " Ito, itong pagiging mabait mo sa akin. Di ba galit ka sa akin dahil napilitan kang pakasalan mo Ako? Hindi ba sinamantala ko yung gabing yun na may nangyari sa atin? " sabi niya. " I don't care. Tapos na ang bagay na iyon at ayaw ko ng maalala pa. Darating sina Mommy at Daddy rito mamayang gabi. Ilipat mo sa kwarto ko ang mga gamit mo mamaya. Ipapa check up din kita ngayon kaya bilisan mo na kumain. " sabi ni David. " Pwede ka namang bumalik sa dati na lang. " mahinang sabi niya. Dahil nakakatulong ang trato ng lalaki sa kanya. Nahuhulog lalo siya sa Asawa at natatakot siya na baka masaktan din siya sa huli. Natatakot siya na baka ito ang maging dahilan para bumigay ang puso niya.

" What do you mean? Hindi ko na gagawin iyon. Na realize ko na sobrang mali ang ginawa ko. Wala kang kasalanan sa nangyari sa gabing iyon. I know the truth already. I'm sorry! Hayaan mo Ako na makabawi sa iyo. " madamdamin na sabi ni David sa kanya. Na ipinagtataka ni Samantha dahil wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. " Nababaliw ka na ba? Ginagantihan mo na Ako? Kasi kung Oo, nasasaktan na Ako. " saad niya sa Asawa. Kusang lumapit sa kanya si David at mahigpit siyang niyakap. Yakap na kay tagal niyang hinintay. " I'm not, okay! Hindi kita ginagantihan. I'm really sorry. Magbihis kana pagkatapos mong kumain at pupunta tayo ng hospital. I'll wait for you. " saad ni David.

Titig na titig si David sa asawa ng lumabas ito ng silid at suot nito ang maternity dress. Mas lalo lang lumabas Ang natural na ganda ng Asawa niya. Tinotoo nga nito ang sabi na ipapa check up siya sa Obgyne.

" Congratulations, Misis! Five months na Ang baby mo at sobrang healty niya. Wala namang problema. Okay naman ang kondisyon ng katawan niya at ng baby. " sabi ng doctor. " Okay ba ang kalagayan niya sa panganganak? Gusto ko lang na maging okay sila, doc. " sabi ni David. " Relax Mister, maayos ang Asawa mo. Naniniwala Ako na makakayanan niya ang panganganak. For now, re resitahan ko kayo ng mga Vitamins for the mother and child. Less stress please at kumain ng mga healthy foods" mahabang litanya ng doctor.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status