Share

Chapter 3

Ang akala ni Samantha ay ito na ang huling beses na gagawin iyon ng babae pero nagkamali siya. Nagtagal sila na magkasamang tatlo sa iisang bubong. Pinilit ni Samantha na umiwas sa dalawa para iwas na rin ng gulo. Pero kamalasan talaga ang lumapit sa kanya. Ilang beses siya nitkng ipinahamak lalo na ng malaman niya na buntis din ito.

" Babe, I want ice cream please. " paglalambing ni Danica kay David. Natakam siya bigla ng marinig ang sinabi ng babae na ice cream. Ito kasi ang ilang araw na niyang hinahanap ngunit hindi siya makabili dahil sa morning sickness niya. Ngayon lang siya nakabangon ng maayos dahil gawa ng panlalambot.

" Okay, I will buy you an ice cream, Babe. Anything you want. " dinig niyang sagot ni David kay Danica.

Tumayo ito at pumasok sa silid nila. Sinamantala iyon iyon ni Samantha upang hintayin si David sa may pintuan.

" Ahhmmm... David " nahihiyang tawag niya kay David ng makalapit ito sa kanya. Huminto naman ito sa harapan niya at blanko ang tingin na ipinukol nito sa kanya.

" Pwede mo din ba akong bilhan ng ice cream? Babayaran ko naman. Sandali kukuha ako ng Pera. " naglakad siya ng mabilis papasok sa kwarto niya upang kumuha ng Pera. Ngunit ng muli siyang tumabas ay wala na si David. Umalis na ito at hindi na siya hinintay. Napangiti siya ng mapait bago siya maglakad pabalik sa kwarto niya.

" Baby, hindi muna tayo makakakain sa gusto mo. Hindi man lang ako hinintay ng Daddy mo. Pasenysa na anak kung ganoon ang Daddy mo. Hayaan mo bukas kapag medyo okay na pakiramdam ni Mommy lalabas tayo at kakainin natin lahat ng gusto mo. Okay ba yun, Anak! " maluhaluhang kausap ni Samantha sa kanyang anak habang ninahaplos niya ang kanyang tiyan na wala pang umbok.

Lumipas ang dalawang buwan at mag aapat na buwan ng ipinag bubuntis ni Samantha ang Bata. Umbok na talaga Ang tiyan niya at kitang kita na ang baby bump niya. At ang ipinagtataka niya ay malaki siyang magbuntis hindi din siya makapagpa check up dahil busy siya sa trabaho. Nag work from home siya upang hindi maapektuhan ang ipinagbubuntis niya. Isa siyang freelance VA ( Virtual Assistant ) sa ngayon.

" Samantha! Dinner is ready. " malamig na tawag ni David kay Samantha. Isa sa ipinagtataka ay ang pagbabago ng Asawa niya sa nakalipas na buwan. Hindi na ito masyadong nagagalit sa kanya at hindi na nito binabaliwa ang presensya niya. Masaya si Samantha dahil simula na ito ng pagbabago sa pagsasama nila.

" Maupo ka na diyan at kumain. Hindi makakauwi si Danica ngayong gabi dahil may out of the country trip siya. " sabi ni David. Ito kasi ang unang beses na nag open ang Asawa tungkol sa ex fiance nito. Hindi na din niya nakikitang umuwi ang babaeng iyon dito sa Bahay nila. At wala na din siyang paki alam sa bagay na yun. Hindi din niya gusto ang presensya ng babae dahil para itong may itinatago. Nagsimula ng kumain si Samantha dahil takam na takam na siya sa pagkain na naka handa sa harapan niya. Buttered Shrimp, Adobong manok, Chopseuy, Bola Bola at may fresh buko juice pa.

" Pwede ba tayong mag usap tungkol sa Bata? " pag uumpisa ni David na nag pa hinto kay Samantha sa pagsubo. Ibinaba mo na niya Ang hawak na kubyertos at matamang tumingin sa Asawa na naka tingin din sa kanya.

" Ano ang pag uusapan natin? " tanong niya Kay David kahit na may laman pa ng pagkain ang bibig niya. " Custody ng Bata kapag naka panganak kana. " napatigil sa pagkain si Samantha dahil sa narinig na sagot ni David. Dismayado na tumingin siya kay David dahil sa narinig upang kumpirmahin kung nagbibiro ba ito.

" Gusto ko na mapunta sa akin ang Bata, Samantha. Mas maaalagaan siya namin ni Danica. Nag usap na din kami si Danica at...." hindi na natapos ni David ang sasabihin niya ng ibato ni Samantha sa sahig ang babasaging baso. Lumikha ito ng ingay na nagpagulat at nagpahinto Kay David sa pagsasalita. Bigla na lang nagpuyos ang damdamin ni Samantha. Hindi niya inaasahan na sasabihin ito ng Asawa. Hindi siya makapaniwala na kukunin nito sa kanya ang Bata. Oo at may kasalanan siya sa lalaki ngunit bakit hindi yata makatarungan Ang gusto nitong gawin sa babae.

" Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko sa sinabi mo? Gusto mong kunin ang custody ng Bata dahil ano? Asawa mo Ako. At Ina ako ng Batang nasa sinapupunan ko. Naiintindihan naman kita na galit ka sakin. Pero bakit sobra ka naman? " puno ng sama ng loob na sabi ni Samantha kay David.

" Para sa kapakanan ng Bata ang inisip ko, Samantha. Wala akong balak na patagalin ang set up natin bilang mag Asawa. Magkapanganak mo gusto maghiwalay na tayo. Mahal ko si Danica, Samantha. " sabi pa ni David na lalong nagpadurog at nagpalungkot kay Samantha.

" Bakit hindi mo subukan na mahalin Ako? Malay mo diba na magawa mo akong mahalin. " sabi ni Samantha. " Hindi kita mahal. " malamig na sabi ni David na hindi man pinag isipan ng mabuti.

" Don't make this hard for us. Gusto ko na lumaki ang anak ko na may buo na pamilya. " matigas pa rin nitong sabi na hindi inisip ang mararamdaman ni Samantha.

" Anak ko namin din ito, Kuya. "puno ng hinanakit niyang bulong. " Napa hinto si David dahil sa sinabi ng kapatid. Pinanood niya kung paano umagos ang masaganang luha mula sa mga mata nito. Parang bumibigat din ang dibdib niya sa nakikitang ekspresyon nito. Ngunit pinatigas pa din niya ang puso kahit may agam agam siyang nararamdaman.

Natapos ang hapunan nila ng hindi na nag usap. Hindi na din tinangka na pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Iniwasan na din ni Samantha ang lalaki kahit lapit ito ng lapit sa kanya.

Lunes ng araw na iyon ng mag aya si Samantha sa kabigan na si Marie na samahan siyang mag pa check up. Hindi na din siya nag abala na magpaalam kay David dahil wala na man itong paki alam sa kanila ng anak.

" May kilala akong Obgyne, Samantha. Sa kanya ka na lang magpatingin at isa pa mabait iyon. " sabi ng kaibigan niyang si Marie. Naka sakay sila ngayon sa sasakyan ni Marie at patungo sila sa hospital. Simula kaninang umaga ay hindi na maganda ang pakiramdam ni Samantha. Napadalas kasi ang pagsakit at pagsikip ng puso niya. Palagi din siyang kinakapos sa paghinga.

" Samantha, okay ka lang ba? Bakit namumutla ka? " pag aalalang tanong ni Marie sa kaibigan dahil napansin nito ang pamumutla ng kaibigan.

" Ayos lang ako. Medyo nahihirapan lang akong huminga. " sabi ni Samantha. " Nakapagpa check up ka na ba? Ilang araw mo na ba na nararamdaman iyan? Bakit hindi ko agad sinabi sa akin. Diretso tayo sa hospital ko. Ako na ang titingin sa iyo. " sabi ni Marie. " Ilang buwan na rin. Pero nagiging maayos din naman Ako. Maaring pagot at stress lang ako sa buhay. " pinaramdam niya sa kaibigan na ayos lang siya. Kahit hindi naman talaga dahil nahihirapan pa din siyang huminga. Kinakapos siya sa paghinga na para bang tinatakpan ang bibig at ilong niya. Hindi niya pinahalata sa kaibigan na hindi pa rin maayos ang paghinga niya. Sapat na mag alala ito ng isang beses.

" Sinungaling, doctor ako Samantha at huwag mo namang kalimutan. Doctor ako sa puso. Alam kung nahihirapan ka pa din huminga. " sabi ni Marie. " Okay lang talaga Ako. " pagpapagaan niya sa loob ng kaibigan. Ngunit hindi talaga maawat si Marie. Iniliko nito ang sasakyan patungo sa hospital na pagmamay ari ng kaibigan. Mabilis pa ang lakad nila papasok ng hospital. Kahit may iba pang pasyente ay ipina una siya nito.

" Make a way please. May uunahin lang ako urgent. " sabi ni Marie sa mga nurse. Si Marie ay isang sikat na doctor sa puso. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng kaibigan. Pinahiga na siya hospital bed at sinimulan na nito ang mga test sa kanya. Naghintay lamang siya ng dalawang oras at hindi na maipinta Ang mukha ng kaibigan na humarap sa kanya.

" Samantha, we need to talk. Kailangan mo na ipalaglag ang Bata na ipinagbubuntis mo. " diretso na sabi ni Marie sa kaibigan. Para siyang nabingi sa sinabi nito. Para ring huminto Ang mundo niya at dahan-dahan na nangatog Ang mga tuhod.

" Ano ba ang sinasabi mo? Alam mo na na hindi magandang biro yang sinasabi mo sakin. " aniya at tumawa pa siya ng pilit sa kaibigan.

" May butas ang puso mo, Samantha. Bakit hindi mo sinabi sa akin. Malala na ang kondisyon ng puso mo. Hindi ka pwede na manganak dahil pwede mo ito ikamatay. Samantha naman! Dapat ang ganitong bagay ay sinasabi mo sa akin. " humahagulgol si Marie ng iyak sa harapan ni Samantha habang siya naman ay nakatulala. Napangiti siya ng mapait na maalala Ang sakit na ipinagdasal niya na huwag siyang mabigyan. Na mana pa din pala niya ang sakit ng yumaong Ina.

" Gaano ba kalaki ang tyansa na makaka survive Ako at hayaan na mabuhay ang anak ko? " tanong ni Samantha sa kaibigan. " Fifty fifty yung chances mo na maaari na huminto ang tibok ng puso mo sa panganganak. Pati sa CS hindi talaga pwede. " sagot nito. " Pero gusto ko na isilang ang anak ko." malungkot na sakit niya sa kaibigan.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
ganda tlaga
goodnovel comment avatar
Alma Parcon
Nice story I love it ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status