Share

Chapter 2

Tatlong araw simula ng kasalang naganap hindi pa umuwi ng Bahay ang Asawa. Sa tatlong araw na iyon ay araw araw niyang tinatawagan ang asawa ngunit hindi nito sinagagot. Sobra ang pag aalala niya ngunit wala siyang magawa dahil hindi niya alam kung saan nagpunta ang lalaki. Nakakatawa mang isipin para kay Nicole na ang lalaking nakasama niya simula sa pagkabata ay Kapatid niya ngunit Asawa na niya ngayon dahil lamang sa isang pagkakamali na hindi niya ginusto ay nasira ang relasyon nila magkapatid. Dahil lamang sa kasalanang hindi binalak at biktima din siya ngayon ay heto siya pinagbabarayan ito.

" Sinong nagpapasok sayo sa pamamahay ko? " sambit ng boses na nagmula sa likuran ni Samantha. Mabilis siya napabalikwas ng tingin at nasilayan niya ang Asawa kasama ang dati nitong Fiance na si Danica.

" Kuy*** David " nauutal na sabi niya. " Umalis ka sa pamamahay ko. Hindi ko sinabi na dumito ka. Ganyan na ba kakapal ang pagmumukha mo? Para sa gabitong bagay ay Ikaw pa din nagdedesisyon? " galit na sabi ni David.

" Hindi naman sa ganon. Sabi kasi ni Mommy Dito na daw ako tumira " halos mautal-utal niyang sagot kay David.

Nahihiyang nagbaba ng tingin si Samantha dahil mataman din nakatitig sa kaniya ang dating Fiance ni David. Nalungkot siya bigla ng na sulyapan niya ang mga kamay nito na magkahawak.

" I don't care. LEAVE! Hindi kita gustong makita sa pamamahay ko. " madiin na sabi ni David.

" Pero wala akong mapuntahan. " sabi niya kay David.

" Hindi ko na problema iyon. " malamig na sabi ni David kay Samantha.

Napakagat labi si Samantha dahil sa pagpipigil sa namumuo niyang luha. Hindi niya inaasan na pati pala sa pagtira sa Bahay nito ay ikakagalit pa rin nito. Ano ba ang inaasan ni Samantha. Siya ang may gustong magdusa.

" Hayaan mo na siya, Babe. Mag asawa pa din kayo sa papel. Isa pa Kapatid mo pa rin naman siya di ba? Hayaan moa siyang dumito hanggang sa pwede mo na siyang hiwalayan. " singit na sabi ng dating Fiance ni David na si Danica. " Hiwalayan? Hihiwalayan ba niya Ako? Ano ngaba ang inaasan ko? Mamahalin kaya niya Ako? Isang kalokohan. " aniya sa isipan. At pa simpling humawak sa dibdib dahil bigla itong nanikip. " FINE " sabi ni David.

Pinanood niyang umalis ang dalawa at tumungo sa silid ng lalaki. Hindi na rin naman lumabas Ang dalawa hanngang matapos ang oras. Napagpasyahan na din ni Samantha na pumunta sa kusina para maghanap ng pwedeng makain. Magluluto siya dahil gusto niyang kumain ng fried chicken pero walang stock na manok sa refrigerator. Walang magagawa at ayaw istorbohin sila David kaya nagpasya siyang lumabas. Nagsimula na siyang maglakad papalabas ng makasalubong niya si Danica na ang sexy ng suot na lingerie at ipinakita pa na may kiss mark sa leeg nito.

" Saan ka pupunta? " mabait nitong pagtatanong kahit na may panunuya sa mga mata nito na naka tingin sa kaniya. " May bibilhin lang ako sa labas. " magalang at mahinahon na sabi niya dito. " Anong pakiramdam ng mabuntis ng sariling kapatid Samantha? Kahit hindi kayo magkapatid by blood ni David ay lumaki kayong magkasama. " sabi ni Danica. " Hindi ko naman ginusto ang nangyari. " malamig na sagot ni Samantha kay Danica.

Dahil nakaramdam siya ng irritasyon at inis sa babae. Tumawa babaeng si Danica ng pagak sapat lamang upang marinig ni Samantha. Galit na nakatitig ni Samantha sa babae dahil masama ang kutob niya dito. Para kasing may binabalak ito upang mapahamak siya.

" Pero bakit mo pa din pinilit na pakasalan siya? Hindi mo ginusto na may nangyari sa inyo pero bakit ginusto mo na ikasal kayo? Hindi ka ba nahihiya na inagaw mo siya sa akin? Hindi ka mamahalin ni David, Samantha. Hinding hindi kailan man, tandaan mo yan. " sabi ni Danica.

Sa narinig ay lalong sumikip ang dibdib ni Samantha. Pa simply niyang hinawakan ang dibdib at tinapik tapik ito. Nasasaktan puso ang puso niya. Naninikip ang puso niya na para bang may nakadagan dito.

" I can't wait na hiwalayan ka ni David. " dagdag na sabi ng babae. " Kung inaakala mo mo na nagiging totoo ang mga nakasulat sa librong binabasa mo, na matututunan kang mahalin ng tao ay nagkakamali ka ron. " walang prenong sabi ng bunganga ng babae. Mas nilapitan pa nito si Samantha at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng konting ilang dahil para siya nitong hinuhusgahan.

" Bata ka pa lang maiirita na Ako sa pagmumukha mo. Inampon ka na't lahat-lahat pero nagawa mo pang gapangin ang anak nila. Binastos mo ang pamilya na nagpalaki at kumupkop sayo. Nagbihis at nagpakain sayo. Napahawak ng mahigpit si Samantha sa laylayan ng kaniyang damit. Kahit anong minuto ay mauubos na ang pasensya niya dito sa babae. Pilit niyang ibinaling sa ibaang isip at huwag pakinggan ang sinasabi nito sa kaniya.

" Hindi ka mamahalin ni David, N E V E R! Mamamatay mo na ako bago mangyari iyon. " dagdag pa na sabi ni Danica. Bago maglakad patungo sa kusina pero napatigil din ito dahil sa sinabi ni Samantha.

" Tama hindi niya Ako mamahalin dahil sa ginawa ko. Pero lalabas din ang totoo ang wala akong kinalaman sa mangyari sa amin dalawa. Kahit hindi niya Ako mahalin ay okay lang. Ang mahalaga Asawa ko na siya ngayon. " matapang na sagot niya sa babae. Ubos na ang pasensya niya at hindi na siya makakapayag na maliit-maliitin siya ng babae. Ang babaeng hinding hindi magiging parte ng pamilyag Buenavista. " Isa pa pala, mamahalin niya Ako balang araw. " saad niya dito bago maglakad papalabas ng Bahay. Hindi na niya intindi ang sinasabi ng babae dahil inuubos nito ang pasensya niya. Ayaw niya din ng gulo kahit sobrang sama ng loob niya at nasasaktan na siya.

Naglakad lamang siya papuntang fast food chain dahil malapit lang ito sa kanilang tinitirhang Village. Pagkapasok niya Ang nag order agad siya dahil natatakam na talaga siya sa fried chicken. Pag uwi niya sa Mansyon ay nabungaran niya si David na nag aapoy sa galit. Nagtaka siya dahil bigla itong lumapit sa kaniya.

" What the fuck did you do to my Fiance, Samantha? Hindi ka pa ba kontento sa ginawa mo sa relasyon namin? At ngayon na may sasaktan mo siya? " gigil na sabi nito sa kaniya. Dumaan ang pagtataka sa mga mata ni Samantha sa narinig mula Kay David sa binibintang nito sa kaniya. Sumilip siya sa likuran nito at nakita niya si Danica. Uniiyak ito habang hawak ang namumulang pisngi.

" Anong nangyari sa kaniya? " pagtatakang tanong ko. " Ang kapal talaga ng mukha mo. Sinampal mo siya dahil lamang sa kinausap ka niya. Pasalamat ka ay nagtitimpi pa Ako sayo. " sigaw muli ni David sa kaniya.

" Ano ba ang sinasabi mo? Walang akong ginawa sa kaniya. Saka isa pa, nagpaalam Ako ng maayos na aalis Ako. Heto nga ohh at bumili Ako dahil naglilihi Ako. " paliwanag niya kay David.

" Sinungaling! Ito ang tatandaan mo. Huwag na huwag mong sasaktan ang babaeng mahal ko dahil malilintikan ka sa akin. " pagbabanta ni David sa kaniya bago ito umalis sa harapan niya.

Nabasag ang puso niya sa nakita sa dalawa. Saka pa lamang luminaw sa isip ni Samantha na ipinahamak siya ng babae at ginawan ng kasalanan. Kumuyom ang palad niya ngunit pinilit niyang tumahimik. Pinilit niyang intindihin ang mga ito at huwag ng patulan pa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
nako samantha paano yan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status