Share

Chapter 5

Natapos ang check up ni Samantha ng walang naging problema. At pansin niya na malawak ang ngiti ni David kanina pa. Lalo pa itong naging clingy sa kanya na ipinagtataka na talaga ni Samantha. " Possible ba na magbago ang isang tao sa loob ng isang linggo? Okay lang ba na magtiwala? " tanong niya sa sarili sa isip.

" Anong gusto mong kainin mamaya sa dinner? " bigla sabi ni David. Naagaw muli ang atensyon ni Samantha sa biglang pagsasalita ng lalaki.

" Kahit ano na lang. " tipid niyang sagot. Sumandal siya sa sandalan ng sasakyan at pumikit ng biglang mag vibrate ang cellphone ng Asawa. Pinanood niya kung paano nag bago ang itsura nito. Nagtagis ang mga bagang nito tila nagpipigil ng galit. " What do you want? " bungad nito sa caller. " Wala na akong pakialam sayo at keep your fucking son. " galit na sabi nito sa kausap at pinatay ang cellphone at ibinato na likod ng sasakyan.

Nagtataka siya sa inasal ng Asawa dahil bakas ang galit at irritasyon sa mukha nito. Matatalim din ang mukha nitong nakatingon sa unahan ng sasakyan at natatakot siya na magtanong.

" You can ask me. Go ahead. " anito at mukhang nabasa nito ang iniisip niya. " Si Danica sana..." saad niya. " We broke up. " tipid nitong sagot sa kanya. Napasinghap pa si Samantha sa narinig dahil hindi niya inaakala ang balitang malaman.

" Kailan pa sila naghiwalay? Bakit wala akong alam? Iyon ba ang dahilan kung bakit wala na sa silid nito ang mga gamit ni Danica? " tanong niya sa sarili sa isipan niya. " Pero magkakanak na kayo. Hindi ba? " mahinang bulong niya sapat lang upang marinig ni David. " I think it's not mine. I'm not sure. I will conduct a DNA test kapag naka panganak na siya. " saad nito. " Ha? Paano? " saad niya. " Niloko niya Ako para pagtakpan ang ginawa niya five months ago. Hindi ko inaasahan na magagawa niya sakin ang bagay na iyon. I'm sorry, Samantha. I'm really sorry. " saad nito. Hindi na sumagot si Samantha sa sinabi ng Asawa. Nanahimik siya dahil hindi alam ang magiging reaksyon. Inaamin niya na sumaya ang puso niya sa nalaman at sana tuloy tuloy na ang pagbabago ng relasyon nila.

Sa kabilang banda - Dumating sa bansa ang mag pinsan na si Sandro Ezekiel Sanchez Smith at si Leon Mark Madrid Smith. Magkapatid ang ama nila na parihong billionaryo. Isa sila sa mga angkan ng pinakamayaman na pamilya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Tutulongan ni Leon ang pinsan na si Sandro upang hanapin ang half sister nito. Ang kapatid ng pinsan sa Ina nito. Kama kailan lang napag- alaman nila na matagal ng namatay ang Ina ng pinsan niya at nagkaroon ito ng anak na babae. Iyon ang sabi ng Ama ni Sandro. Huli na din noong nabalitaan ito ng Ama. Ngunit hindi nila alam kung saan at sino ang umampon dito. At ngayon ay bumalik sila ng bansa upang makita at mahanap ito dahil ipinangako ng pinsan niya na sa ama nito na hahanapin niya ang half sister niya at babawi siya rito. Hindi man na lang niya nakita ang Ina bago ito namatay. Kinuha kasi siya ng ama niya noong walong taong gulang siya at pumayag ang Ina niya na sumama siya sa ama para maging maganda ang buhay niya. Kagustuhan din naman niya na sumama sa ama niya. Wala na mang samaan ng loob ang mga ito sa isa't isa. Hindi na sumama ang Ina niya noong kunin siya ng kanyang ama dahil ikakasal na ito sa Tito Fred niya. Mabait sa kaniya ang lalaki at itunuring na din niya itong pangalawang ama. Hindi din siya nagtanim ng sama ng loob sa Ina sa kabila ng lahat ng nangyari dahil alam niya at naiintindihan niya ang Ina. Mahal na mahal siya nito. Isang beses lang siya nakabalik ng Pilipinas upang makita ang Ina. Mga nasa labintatlo lang siya noong dumalaw siya at napag alaman niya na buntis na noon Ina. Subalit hindi na siya naka pag contact sa Ina noong bumalik siya sa States dahil ipinasok siya ng ama sa isang training upang sanayin at hubugin siya upang makayanan niya ang paghahandle ng mga negosyo nito. Nag iisa lang siyang anak ng kanyang banyagang ama. Hindi na kasi nag Asawa pang muli ang ama matapos mamatay ang Asawa nito. Wala rin itong anak sa naging Asawa. Kaya siya ang tagapagmana ng ama. May business din sila dito sa Pilipinas at mga properties na siya na nabili kamakailan lang. At ngayon na nakabalik na siya ay gagawin niya ang lahat upang mahanap ang kapatid. Pagkalabas nila ng Airport ay sinundo na sila ng mga tauhan niya.

" Saan tayo dederitso? Sa Mansyon mo ba o sa Company? " sabi ng pinsan niya. Nakasakay na sila ng sasakyan. " Sa Company tayo dahil naghihintay na dun ang taong inutusan ko na hanapin ang kapitid ko. May nakuha na daw siyang lead. " sagot niya agad sa pinsan. " Okay! Manong, sa Smith Corporation tayo. " saad ng pinsan niya sa driver.

Ilang minuto ay nakarating na sila sa kompanya. Pagkapasok nila ang tinginan at bulong bulongan ng mga empleyado ang bumungad sa kanila. At ang pinsan niya niya na si Leon at tudo ngiti at pa cute pa lalo na sa mga babae na empleyado. " Babaero talaga kahit kailan at saan nagkakalat talaga ito. " saad ni Sandro sa isip at naiiling.

Pagkapasok nila sa office niya ay naghihintay na doon ay tauhan niya. May dala itong envelop na naglalaman ng information tungkol sa kapitid niya. Agad na ibinigay ng tauhan sa kanya ito at agad na binasa at tinignan. Nakitingin din ang pinsan niya na nasa gilid na pala niya. Kinuha nito ang mga litrato na nakalakip sa envelop.

" Wow! Insan, ang ganda pala ng kapatid mo. No doubt na magkapatid kayo. Medyo hawig kayo. " namamangha na saad ng pinsan niya na si Leon. Agad namang tinignan ni Sandro ang litrato. Pagkakita niya ay napag tanto niya na ka hawig ng Ina niya ang kapatid. Busy din ang pinsan niya tumingin sa ibang litrato. " Detective, sino itong mgandang babae na kasama ng kapatid ng pinsan ko. " tanong ni Leon. " Ahhh! Iyan po yung matalik na kaibigan ni Ms. Samantha. Si Doctora Marie Elise Tuazon. Ang may ari ng Isa sa pinakamalaki na hospital dito sa Pilipinas ang Tuazon hospital. Siya ang nag iisang anak ng mag asawang doctor na Tuazon. Pero namayapa na din mga magulang niya kama kailan dahil diyan siya na ang nagpapatakbo ng hospital. " mahabang saad ng detective.

" Ganon ba! Hhhhmmmm... sounds interesting. " saad ni Leon. Napapailing naman si Sandro sa pinsan. " Sir Sandro pwede tayong sa kanya lumapit para makausap niyo ang kapatid niyo dahil sa nalaman ko na hindi okay ang relasyon ngayon ng kapatid niyo sa umampon sa kanya. Napag alaman ko din na ikinasal ang iyong kapatid sa bunsong anak ng mga Buenavista dahil na buntis ito at dahil pangyayaring iyon ay nagalit sa kapatid mo ang lahat. " mahabang saad ng detective at nag salaysay pa ito ng mga ibang detalye . Naikuyom ni Sandro ang kanyang kamao sa mga nalaman tungkol sa kung ano ang nangyari sa kapatid.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
buj gqab
.........️nice story
goodnovel comment avatar
Kitty Meyaw
hala may ka pangalan si Sandro Sanchez
goodnovel comment avatar
SKYPHOENIX
maganda sya! I like it! add ko na sa library.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status