Share

02 Kasal o Kulong

Elijah's POV

Narinig niya ang boses ni Christian, pero nahihilo pa siya sa dami ng alak niyang nainom kagabi. Hindi rin niya alam kung saan siya natulog o pumasok na kwarto. Bahagyang nawindang ang katawan niya nang may humila sa kanya patayo. Nang dumilat ang mata niya ay si Christian iyon na may mukhang galit na galit, hindi pa siya nakaka-recover sa pagkakatayo nito sa kanya, kaya hindi niya mawari kung bakit.

"Tell me, what were you thinking when you did that to Charlotte?!"

Habang nakapikit ay hindi niya alam ang sinasabi ni Christian sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Natutulog ako tapos gigisingin mo ako at tatanungin kung ano ang ginawa ko sa kapatid mo."

Isang suntok sa mukha ang nakuha niyang sagot kay Christian. Napaling ang ulo niya, at habang nakahawak sa panga ang kamay niya ay natigilan siya sa ayos ng kapatid ni Christian. Umiiyak ito habang ang katawan ay nakabalot ng kumot. Doon nagising ang diwa niya at tiningnan ang sarili, wala siyang saplot sa katawan hanggang ibaba. Naguguluhan pa rin siyang tumingin kay Christian na nanlilisik na ang mata.

"You have been my best friend since elementary. Pero bakit nagawa mo ito sa sarili kong kapatid, Elijah?!"

Napaupo siya at inaalala ang nangyari kagabi, pero wala siyang matandaan kung hindi ang nasa sofa lang siya at doon na inabutan ng antok kaya doon na natulog, pero ang pagpasok niya sa kwarto ni Charlotte ay wala siyang matandaan.

"Wala akong matandaan."

"Don't even try to fool me, Elijah!"

Napakunot ang noo niya. "Sasabihin ko kung meron man akong matandaan, pero wala, Christian!"

"Fix yourself, mag-uusap tayo kasama si Charlotte sa sala. Sa ginawa mong ito, mapuputol ang kalayaan mo."

Tinayo nito ang kapatid at inalalayan na ito paalis ng kwarto. Kitang-kita niya kung paano ito maghabol ng hininga sa pag-iyak ng sobra. Nang tuluyan na silang nakalabas ay tumayo siya para kuhanin ang damit niya at sinuot muli ang damit niya. Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto. Makakasalubong niya si Christian na matigas pa rin ang mukha na nilagpasan lang siya at nagpatuloy na pumasok ng kwarto ni Charlotte, mukhang kukuha ito ng damit ng kapatid.

Nagpatuloy siyang lumakad papunta sa sala, pero nagtaka siya ng wala na ang ibang kaibigan niya doon. Anong oras pa lang naman at lahat ay lango sa alak. Paano pa makaka-uwi ang mga ito?

"Kung nagtataka ka kung bakit wala sila diyan. Ginising ko para lumipat sa mga kwarto rito, para magkaroon tayo ng lugar para mag-usap. Umupo ka na diyan, babalikan ko lang saglit si Charlotte sa kwarto ko."

Umalis muli si Christian at naiwan siya sa sala. Naupo siya sa mahabang sofa at hinintay na bumalik ang dalawang magkapatid, pero ang isip niya ay gulong-gulo pa rin sa nangyayari. Nagkamali ba siya dahil sa kalasingan na ngayon lang nangyari o sadyang nawala siya sa sarili ng nagising siya kanina?

Napatingin siya sa magkapatid na huminto sa tabi ng pang-isahan na upuan. Nakayuko si Charlotte pero hindi na ito umiiyak. Pinaupo ni Christian si Charlotte sa sofa kung saan siya nakaupo, pero bahagyang malayo nga lang sa kanya, maging si Christian ay umupo rin sa pang-isahang upuan, bago ito nagsalita.

"Kailangan nating pag-usapan ang nangyari sa inyong dalawa pag nandito na ang magulang namin ni Charlotte. Surprise sana ang pag-uwi nila ngayong gabi, pero mukhang sila ang masosorpresa dahil sa ginawa mo Elijah."

Napayuko siya at naisip kung ano ang magiging reaction ng magulang ng mga ito sa nangyari. Parang magulang na rin niya sila Tito Ted at Tita Mia, sa tuwing narito siya bahay nila Christian at nagsasaya o nag-iinom. Binubundol siya ng matinding kaba sa reaction pa lang ng mga ito. Napalingon siya kay Charlotte, nakatulala lang ito at kitang-kita niya ang basa pang mga pilik-mata nito. Sa hinala niya ay nabigla ito at may ginawa siya kaya mukhang na trauma si Charlotte.

Nakarinig siya ng ugong ng kotse sa labas ng bahay. Kumuyom na ang mga kamay niya dahil bahagyang nanginig iyon at pilit na hinahanda ang sarili sa sasabihin ng mga ito.

Bumukas ang pinto at ang unang pumasok ay si Tita Mia habang nakangiti ito. Hindi niya kayang tingnan ang pagngiti nito dahil paniguradong mawawala rin iyon.

"We're back mga anak!"

Walang sumalubong sa anak nito na si Charlotte at Christian, kaya nagtaka na ang ina ng mga ito.

"Char and Chris, hindi niyo man lang ba ako bibigyan ng halik? Ang tagal rin naming nawala ng daddy niyo."

Napatingin siya kay Christian, pero nakatingin na pala ito sa kanya. Napaiwas siya ng tingin ,pero ang mata ni Tita Mia ang nakasalubong naman ng mata niya ngayon.

Ngumiti ito sa kanya. "Nandito ka pala, Elijah, iho. Sorry hindi kita napansin agad, pero nice seeing you again."

Hindi niya alam kung kailangan ba niyang ngumiti, ngunit bahagya siyang tumango at maliit na ngumiti. Lumipat na naman ang atensyon nito sa mga anak habang palapit.

"May problema ba kayong dalawa? Ang tahimik niyo."

"Yes, we have a problem, Ma," ani Christian.

"What is it?"

"It's better, kung nandito na rin si dad sa loob para mapag-usapan ang problema."

Tumingin ito sa anak na si Charlotte. "Anak, ikaw. Are you okay?'

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatulala lang si Charlotte.

Pumasok si Titto Ted na may hawak na mga bags na pasalubong kay Charlotte. Yes, alam niya na kay Charlotte iyon dahil sa tagal niyang napupunta dito ay nakabisado na niya ang lahat maging ang gusto ng dalaga.

"Baby nandito na si daddy! May pasalubong kami sayo." Nakangiti ito habang masayang-masaya na lumalakad palapit sa kanila, pero napahinto rin ng hindi ito sinalubong ni Charlotte. Napatingin ito sa asawa. "May sakit ba, kaya hindi niya ako sinalubong?"

"Maupo muna kayo, Ma." Ani Christian.

Umupo si Tita Mia sa pagitan nilang dalawa ni Charlotte, si Tito Ted naman ay sa pang-isahan din na sofa umupo katapat ni Christian.

"May malaki tayong problema, Ma and Dad."

"Ano?" Nakakunot ang noong tanong ni Tito Ted.

Bumuntong-hininga si Christian. "Ilang oras lang ang pagitan bago nangyari ang problema bago pa kayo dumating, and..." Tumingin ito sa kanya. "I don't know kung ano ang magiging reaction niyo sa nangyari sa unica ija niyo."

"What's that?"

"I know kasalanan ko rin pero wala rin naman akong alam na ganun ang mangyayari. " Tumigil saglit si Christian. "Mauuna pang magpapakasal ang unica hija niyo kaysa sa panganay niyong anak."

"What do you mean. Christian? May boyfriend ba si Charlotte? Bakit hindi namin alam ng daddy mo?"

"Elijah did a sin to Charlotte."

"Ano 'yon?"

Nagtiim bagang si Christian. "Elijah... raped, Charlotte."

"What?! Ano?!" Sabay na sigaw na saad ng mag-asawa.

Napalingon sa kanya si Tito Ted, pero hindi makikitaan ng anumang emosyon ito. Iyon ang mas nakapagpakaba ng husto sa kanya.

"Totoo ba ang sinabi ni Christian, Elija?"

"Tito... I'll explain..."

"No! Ang tanong ko ang sagutin mo. Totoo ba ang sinabi ni Christian?"

Kinuyom niya ang kamao niya, pero nagtubig ang mata niya. "I'm sorry... Tito."

Napayuko ito at kumuyom ang kamao, pero nakatanggap siya ng galit na galit na suntok mula sa kamao ng daddy nila Christian. Npangiwi siya ng napuruhan nito ang gilid ng labi niya, pero hindi pa rin ito tumitigil at wala rin siyang balak dahil kasalanan naman niya.

"Ted, that's enough!!"

Pero patuloy pa rin ito sa pagsuntok sa kanya, pero sa isang suntok talaga siya nanghina, sa mata mismo niya kaya hindi niya madilaat.

"I said enough!!" May panginginig na ang boses na awat ni Tita Mia.

Napaupo siya sa sahig habang pilit na dinidilat ang isang mata niya.

"Kulang pa 'yan, Elijah! Tinuring kitang anak at pinatuloy sa bahay namin, pero ganito ang gagawin mo sa nag-iisa naming anak na babae!!"

Lumuhod siya at haharapin niya kung ano ang ipapataw nitong parusa. "I don't know what happen, but I will face more consequences for my sin."

"Marry my daughter."

Hindi siya nakasagot agad dahil sagrado ang pagpapakasal at wala ng kawala pag pinasok niya iyon.

"Ano, Elijah? Pakakasalanan mo si Charlotte o ipakukulong kita at doon ka na mamamatay sa selda."

"Dad... ayoko."

Napakunot ang noo niya ng marinig ang boses ni Charlotte.

Tumingin si Tito Ted kay Charlotte. "Anak, this is the best way we can do. Ayoko na pagtawanan ka at maging tampulan ng masasakit na salita dahil sa nangyaring ito."

"Yung... pag-aaral ko, dad," muling tumulo ang luha nito sa mata.

Makikita rin sa mata ni tito na naaawa ito sa anak pero ayaw lang nitong ipakita kay Charlotte.

"Magpapatuloy ka pa rin namansa pag-aaral mo. Hindi ka naman hihinto."

Umiling si Charlotte. "Dad please... ayokong magpakasal."

"That's the right thing to do, Charlotte. After one week, ang kasal niyong dalawa ay magaganap, whether you like it or not," matigas na pagkaka-sad ni Christian.

"But kuya..."

"That's our final decision, but if you want. Choose between marrying Elijah or you want to file a case for what he does to you."

Lihim siyang tumingin kay Charlotte, maging siya ay naghihintay sa sagot nito, pero yumuko lang si Charlotte at hindi namili sa sinabi ni Christian. Napahinga siya ng maluwag doon, pero kung sakali na pinili nito ang makulong siya hindi na siya gagawa ng paraan para hindi siya makulong.

Seryosong tumingin sa kanya si Christian. "Suwerte ka pa rin Elijah dahil mabait ang kapatid ko, pero napagsamantalahan lang ng katulad mo."

Tumulo ang isang patak ng luha niya sa pisngi, aabutin ng mahabang panahon bago siya mapatawad ni Christian.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status