Share

04 Mabagal Na Sayaw

Charlotte's POV

Umupo siya sa lamesa na ang pagitan sa bisita ay dalawa, siya lang ang nasa banda doon kaya malaya niyang kinain ang lahat ng kinuha niya, habang kumakain ay umupo si Elijah sa tabi niya.

"Kumain ka ng maayos, Charlotte."

Natigilan siya, at tumingin sa plato. Naka-ayos naman yung pagkain niya, mahina lang naman siyang kumain, at hindi patay gutom.

"Maayos akong kumakain, Elijah."

May tinuro itong isang patak ng sauce sa sapin ng lamesa. "Maayos ba 'yan? Hindi, Charlotte, kaya kung kakain ka ay ayusin mo."

Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa maliit lqng naman na dumi sa tela. Sobrang linaw naman ng mata nito para makita pa 'yon, nakatabing na nga yung plato niya napansin pa talaga.

Hinila niya ang plato niya palapit sa kanya para kung sakali na may mahulog kahit maliit na pagkain ay masalo ng plato, saka siya muling kumain.

"We both agreed that no one's gonna know that we are married to each other, right?"" Tumango siya habang ngumunguya. "Yung gabi na nangyari ang lahat bago ang kasal."

Napahinto siya sa pagkain. "Ngayon lang kita makakausap ng mag-isa. I'm sorry nang gabi na iyon, Charlotte. I don't know what happened to me that night."

Hindi na ata niya makakalimutan ang ginawq nito sa kanya, nakakatrauma, lalo na nung sinuntok siya nito sa sikmura. Ibang-iba si Elijah ng gabi na 'yon, pero magiging bangungot sa kanya ang nangyari na 'yon.

"Kinasal tayo dahil doon, Elijah. We don't love each other. Pero sa ginawa mo natali tayo sa isa't-isa na wala naman talagang pagmamahal na namamagitan sa atin. You can do what you want, ganun din ako. Magpatuloy tayo sa sarili nating buhay na parang hindi mag-asawa, after all, we married each other because of your mistakes."

Nagpatuloy siyang kumain, hindi na rin nasundan pa ang pagsasalita ni Elijah, hanggang sa matapos siya. Sumandal siya sa upuan, habang inaalis na ang belo sa ulo niya.

"Anak, punta kayo ni Elijah sa gitna. Magsayaw kayo, yung romantic dance," saad ng Mama niya nang nakalapit ito sa lamesa nila ni Elijah.

"Romantic dance, paano 'yon, Ma?"

Ngumiti naman ang Mama niya. "Ganito 'yon anak, halika muna rito Elijah." Tumayo si Elijah at sinusunod lang nag sinasabi ng Mama niya. "Ilagay mo ang kamay mo Charlotte sa balikat ng asawa mo, habang siya naman ay nakahawak sa bewang mo, pagkatapos mag-sway lang kayo ng mabagal. Kami naman ay may regalo sa inyo habang nagsasayaw kayo sa gitna."

"Kailangan pa ba no'n? Ibigay niyo na lang kaya, Ma, yung regalo sa amin ng hindi na kami sumayaw." Suhestiyon niya.

Bahagyang nanalaki ang mata ng Mama niya. "Hindi puwede anak, kahit sa mayor lang kayo kinasal ay kahit paano ay may celebration naman kayo, like magsayaw diyan sa gitna. Hindi na nga kayo nag-slice ng cake para subuan na rin ang isa't-isa. Hindi niyo na rin ba gagawin ang magsayaw sa gitna?"

Pasimple siyang yumuko at pumikit. Nakalimutan ata nito na pilit lang naman ang kasal nila ni Elijah dahil sa nangyari, pero kung makapagsabi ito, ay parang kinokonsensya pa sila, kung bakit hindi nila gagawin iyon.

"Huwag na, Ma. Sayang ang oras."

Nawala ang sigla sa mukha nito, kaya umiwas na lang siya ng tingin, pero nagulat siya nang may humila sa kanya at dinala sa gitna ng sala. Habang nakakunot ang noo ay tumingin siya kay Elijah na seryoso lang naman ang mukha.

"Anong ginagawa mo?"

"Magsasayaw."

"Ayaw ko nga 'di ba. Bakit dinala mo pa ako dito?"

Tumingin ito sa puwesto ng Mama niya, nakangiti ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Elijah, maging ang ibang parte ng pamilya nila ay tumayo na rin sa tabi ng Mama niya para manuod.

Nilagay ni Elijah ang dalawang kamay niya sa balikat nito, ang kamay naman ni Elijah ay nilagay sa bewang niya. May musika na tumugtog na kumalat sa buong sala ang bahay. Hindi siya gumalaw maging si Elijah.

"Sway mga anak!!" Sigaw ng Mama niya.

Lihim siyang napangiwi, pero naramdaman niyang unti-unting gumalaw si Elijah kaya nadadala siya. Ang pamilya niya ay nagsilapitan na, at habang nagsasayaw sila ng mabagal ay nagkakabit ang ilan ng pera sa damit nila ni Elijah. Sumilip siya sa pera na malapit sa balikat niya, puro lilibuhin iyon.

Pag talaga nabibilang sa may kayang pamilya ay ganito ang nakikita niya, normal na lang sa kanya dahil nakakahawak naman siya no'n, pero iba kasi ngayon. Regalo ang mga iyon dahil mag-asawa na sila ni Elijah.

Napahinto si Elijah at tumitig sa kanya. "If you want to hurt me, just punch or slap me."

"Huh?"

Yumuko ito, kaya sinundan niya ng tingin ang tiningnan nito sa ibaba. Gulat niyang nilayo ang paa niya sa paa nito, natapakan pala niya at kalahati ng sapatos niyang suot ang nakatapak kanina sa sapatos ni Elijah. Wala ngang takong iyon, pero mabigat naman ang kabuuan ng sapatos, kaya masakit din iyon.

"Sorry, hindi ko napansin."

Umismid lang ito sa kanya bago tinuon muli ang atensyon sa pagsasayaw nilang dalawa.

Lumapit ang Mama niya, dahil ito naman ang magsasabit sa katawan nila. Pagkatapos nitong isabit ang pera ay bigla nitong hinawakan ang parehas na likod nilang dalawa ni Elijah, at biglang pinaglapit silang dalawa ni Elijah ng sobra, yung tipong kulang na lang ay yumakap sila sa isa'-isa.

"Ma!"

Tumingin ito sa mukha nilang dalawa ni Elijah. "Sige na, ngayon lang naman 'to, maging sweet naman kayo."

Napapikit siya sa kakulitan ng Mama niya ngayon.

"Okay po." Sagot ni Elijah.

Napakunot ang noo niya sa sinagot ni Elijah, pero mas nagulat siya ng kinabig siya nito.

"Just pretend, Charlotte."

Nagsasayaw tuloy sila ng mabagal habang nakayakap si Elijah sa kanya, ang dalawang kamay niya ay nanatili sa taas,  habang ang kamay ni Elijah ay magkahawak naman sa gawing bewang niya sa likod.

"Gumalaw ka. mukha kang tuod."

Inis siyang sumabay sa paggalaw nito. Ang bigat pa ng nakasabit sa katawan niya, ginawang kapa e, ang haba.

Nang natapos ang dalawang music at ang paglalagay ng pera sa katawan nila ay umupo na sila ni Elijah.

Habang tinatanggal naman niya ang pera sa kanya ay binilang niya ng pa sekreto, pero bahagyang lumuwa ang mata niya dahil ang kapa na nilagay sa kanya ay nasa one hundred thousand pesos ang halaga, puwera pa yung iba na nasa bewang niya na ginawa namang palda.

"O, itabi mo 'to."

Bigla namang binaba ni Elijah ang pera sa lamesa sa harap niya. Makapal din 'yon. Grabe magbigay ang pamilya nilang dalawa.

Nalipat ang pansin niya sa minatamis na nilagay ng isang katulong sa lamesa nila. Leche plan iyon, kaya binigay niya kay Elijah ang naka-kapa na pera.

"Para may silbi ka, alisin mo ito isa-isa sa plastik."

"What? In front of our family?"

"Oo, masama ba 'yon?"

"Yes, puwede namang mamaya mo na alisin at itabi. Huwag ngayon, Charlotte."

Sa yaman ng isang 'to, wala na lang sa kanya ang pera, bahala si Elijah, siya na lang ang magtatabi no'n para sa hinaharap. Kinuha niya muli ang pera at nilagay sa kabilang upuan.

Kakainin muna niya yung leche plan, madalang pa naman siyang makakain no'n, tuwing may malaking okasyon lang sa bahay ng magulang niya. Napansin niya ang kuya niya na nakatingin sa kanila, ngumiti ito sa kanya, pero ng napatingin kay Elijah ay nawala rin 'yon. Lumingon naman siya sa katabi niya, nakatingin din pala sa kuya niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
next po please ms. A ang ganda po ng story sana ipagpatuloy nyo pa po ang story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status