Share

38 - Check-up

Elijah's POV

4:30 pm...

Kanina pa siya sa labas ng kwarto nila ni Charlotte. Ilang beses na siyang kumatok para lumabas na ito dahil aalis na sila para makipag-meet sa ob-gyn nito na nirekomenda ng kanyang personal na doctor.

"Charlotte! Lumabas ka na diyan, baka ma-late tayo at hindi na natin maabutan yung doctor."

Bumukas naman ang pinto. Seryosong lumabas lang si Charlotte, pero napakunot ang noo niya sa itsura ng mukha nito.

"Sandali."

Huminto ito sa paglalakad pababa ng hagdan. Lumingon sa kanya na may pagtataka na makikita sa mukha.

"Bakit?"

Unti-unti siyang lumapit at huminto nang isang dipa ng kamay sa pagitan nila.

"Ano 'yang nasa labi mo?"

Hinawakan ni Charlotte ang labi. "Lipstick."

"Saan galing?"

"Sa akin bakit?"

Lumingon siya kay Elisse na mataas na naman ang isang kilay.

"Bakit mo siya binigyan ng pang kulay sa labi?"

"Why not? Para naman hindi siya maputla sa tuwing aalis siya ng bahay."

"May natural na pula ang kulay ng labi niya, kaya hindi na niya kailangan 'yon." H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jeneva Saraet
bat ang tagal po ng update author?
goodnovel comment avatar
Rachell Sam-o
sana araw² may update
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
ano ba Yan sana more update pa pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status