Charlotte's POV Kanina pa siya nakaupo sa lumang upuan sa isang maliit na kwarto rito sa likod ng bahay ni Elijah. Parang storage room na puro panglinis sa labas ng bahay. Nagtaka nga siya kung bakit pinapunta siya rito ni Elijah no'ng una, pero nagbigay naman ito ng dahilan sa kanya. Ang kotse pala sa labas na hindi familiar sa kanya ay isa sa tauhan nito sa kumpanya, kaya kailangan niyang magtago. Napatampal siya sa binti niya nang may isang lamok ang dumapo, maraming lamok dito sa labas.Tumayo siya at sumilip sa labas. Wala pa siyang nakikita na papunta rito para sabihan siya na pumasok na ng bahay. Ang tagal ata nung tauhan ni Elijah sa loob?Uupo sana ulit siya, pero biglang bumukas ang pinto. Lumingon siya at nakitang si Elijah iyon na may pawis pang pumatak sa gilid ng pisngi nito.Kumunot ang noo niya. "Ayos ka lang ba? Tumakbo ka ba papunta rito?"Umiling naman ito sa kanya saka lumapit. "Sorry kung natagalan."Maliit naman siyang ngumiti. "Ayos lang naman." Tumitig ito sa
Charlotte's POV Ngumiti lang siya kay Elisse at hindi na sumagot pa. Nagmamadali na rin naman si Elijah dahil gabi na raw at kailangan na rin nilang maka-punta roon para tuluyang makapag-pahinga.Nakarating na sila sa sinasabing bahay ni Elijah. Hindi ito malaki, puwede na para sa dalawa kung titingnan sa labas, pero hindi niya alam kung ano ang itsura ng loob dahil nasa labas pa sila, baka mas maluwang kung makikita niya."Here's the key. Buksan mo aqg main door, bubuhatin ko lang ang mga maleta. Mauna ka na ring pumasok sa loob."Kinuha niya ang susi at lumapit sa pinto ng bahay. Nang nawala na ang lock ng pinto ay dahan-dahan niya itong tinulak at kinapa ang switch ng ilaw sa gilid. Umikot ang mata niya sa loob. Tama nga ang hinala niya na pang dalawang tao lang ang puwedeng tumira rito, kaysa doon sa mansion ni Elijah na malaki at kahit Ilan pa ang katulong nito ay maluwang pa. "Nagustuhan mo ba?" Lumingon siya kay Elijah habang binababa nito ang maleta sa isang gilid. "Maliit l
Charlotte POVNapakunot ang noo niya nang may bagay na humahaplos sa kanyang pisngi. Unti-unti siyang dumilat, at si Honey agad ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa dibdib niya habang ang buntot nito na gumagalaw ay umaabot sa pisngi niya, kaya pala gumagalaw, buntot pala nito.Tumingin siya sa balcony na nakahawi na ang kurtina. Umaga na pala, parang nagtulug-tulugan lang siya kagabi, nagtuloy-toy na pala. Tumingin siya kay Honey na hindi pa rin umaalis sa ibabaw niya."Nasaan ang amo mo? Hindi ka ata nakasunod sa kanya?"Hindi siya nito pinansin. Nakatingin lang ito sa itaas, dahil may butiki. Napangiti siya ng maliit. Bumangon siya, kasama na si Honey. Binuhat niya ito na parang baby. Wala si Elijah sa kwarto, kaya bababa na siya para tingnan kung nandoon ba ito. Inaantok pa siya habang naglalakad pababa, pero napatigil rin nang nakasalubong niya si Elijah na may dalang pagkain."Gising ka na pala."Tumingin siya sa hawak nito. "Sa taas ka kakain?"Tumingin muna ito sa hawak bago
Charlotte's POV Binuksan niya na ang pinto ng kotse at handa na sanang bumaba, nang pigilan siya ni Elijah sa kabilang kamay. Lumingon siya at nagtaka."Bakit?""May nakalimutan ako kanina." May kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito isang maliit na bagay. Hindi niya alam kung ano dahil natatabingan ng daliri ni Elijah. "Here, inumin mo 'to. Hindi ka puwedeng mag-skip ng pag-inom ng vitamins mo."Nilahad ni Elijah ang kamay. Gamot niya nga ang nasa palad nito. Mabuti pa ito, naaalala ang gamot na kailangan niyang inumin. Kinuha niya iyon at ininom, meron naman siyang tubig kaya okay lang na inumin niya na bago pa siya pumasok sa classroom."Salamat sa paulit-ulit na paalala."Maliit namang ngumiti si Elijah. "Sige na pumasok ka na sa klase mo. Anong oras nga pala kita susunduin?""Mga bandang alas-singko siguro, busy kasi kami ngayong buwan na ito kaya may times na late na kaming palabasin."Tumango naman si Elijah. "Okay. Babalik ako before five o'clock."Napangiti naman siya. "Ingat
Charlotte's POV Pagpasok palang niya sa loob ng bakuran ng bahay nila ay rinig na ang ingay mula sa loob ng bahay. Mukhang nandito na naman ang kaibigan ng kuya niya. Kung makapag-ingay ay parang hindi mga Ceo ng kumpanya. Lahat ng kaibigan ng kuya niya ay mga Ceo o kaya ay mayayaman na tao. Ang magulang niya ay ang pinakamayaman sa bansa nila, kaya ang kuya niya ay maraming kilalang mga mayayamang tao kahit sa ibang bansa. Pumasok siya sa loob ng bahay at nakita niyang umiinom na naman ang mga ito ng alak. Nakasuot pa rin sila ng tuxedo hanggang ngayon, siguro ay pagkatapos ng working hours ay dito tumuloy sa bahay nila. Malayo ang puwesto ng mga ito sa daraanan niya kaya okay lang na magtuloy-tuloy siya, minsan kasi ay kung saan-saan ang puwesto nila sa sala kaya hindi niya maiwasan na bumati sa mga ito kahit ayaw niya. Galing siyang eskwelahan at may pagkakataon na alas-siete siya ng gabi nakaka-uwi dahil sa projects nila na kailangang tapusin ng araw lang na 'yon. College stude
Elijah's POV Narinig niya ang boses ni Christian, pero nahihilo pa siya sa dami ng alak niyang nainom kagabi. Hindi rin niya alam kung saan siya natulog o pumasok na kwarto. Bahagyang nawindang ang katawan niya nang may humila sa kanya patayo. Nang dumilat ang mata niya ay si Christian iyon na may mukhang galit na galit, hindi pa siya nakaka-recover sa pagkakatayo nito sa kanya, kaya hindi niya mawari kung bakit. "Tell me, what were you thinking when you did that to Charlotte?!" Habang nakapikit ay hindi niya alam ang sinasabi ni Christian sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Natutulog ako tapos gigisingin mo ako at tatanungin kung ano ang ginawa ko sa kapatid mo." Isang suntok sa mukha ang nakuha niyang sagot kay Christian. Napaling ang ulo niya, at habang nakahawak sa panga ang kamay niya ay natigilan siya sa ayos ng kapatid ni Christian. Umiiyak ito habang ang katawan ay nakabalot ng kumot. Doon nagising ang diwa niya at tiningnan ang sarili, wala siyang saplot sa katawan hanggang
Charlotte's POV After One Week... Nakaharap siya sa salamin ngayon habang nakatulala. Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Elijah. Hindi bongga ang kasal, walang wedding gown, hindi sa simbahan, walang venue para sa reception ng kasal, at higit sa lahat walang invited kung hindi ang pamilya lang nilang dalawa ni Elijah. Nag-request siya sa magulang niya na kung maaari ay huwag silang ikasal ni Elijah sa simbahan, gusto niya ay sa Mayor lang at walang makaka-alam na ikakasal silang dalawa. Hindi naman kasi maiiwasan na hindi halungkatin kung bakit sila ikakasal ni Elijah, at sa utak ng mga tao ay parang sila ang gumagawa ng sariling kwento kung bakit sila ikakasal, kaya mas mabuting maging tahimik na lang, after all kaya lang naman sila ikakasal ni Elijah ay dahil sa pagkakamali, pero hindi niya maiwasan na hindi umiyak bago ang araw na 'to dahil hindi naman niya inisip na gagawin sa kanya ng kaibigan ng kuya niya ang ganon, pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat a
Charlotte's POVUmupo siya sa lamesa na ang pagitan sa bisita ay dalawa, siya lang ang nasa banda doon kaya malaya niyang kinain ang lahat ng kinuha niya, habang kumakain ay umupo si Elijah sa tabi niya."Kumain ka ng maayos, Charlotte."Natigilan siya, at tumingin sa plato. Naka-ayos naman yung pagkain niya, mahina lang naman siyang kumain, at hindi patay gutom."Maayos akong kumakain, Elijah."May tinuro itong isang patak ng sauce sa sapin ng lamesa. "Maayos ba 'yan? Hindi, Charlotte, kaya kung kakain ka ay ayusin mo."Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa maliit lqng naman na dumi sa tela. Sobrang linaw naman ng mata nito para makita pa 'yon, nakatabing na nga yung plato niya napansin pa talaga.Hinila niya ang plato niya palapit sa kanya para kung sakali na may mahulog kahit maliit na pagkain ay masalo ng plato, saka siya muling kumain."We both agreed that no one's gonna know that we are married to each other, right?"" Tumango siya habang ngumunguya. "Yung gabi na nangya