Share

37 - Morning Sickness

Charlotte's POV

Naalimpungatan siya sa nalalasahan ng dila niya habang nakapikit pa rin ang mata niya. Naglalaway ang bibig niya at hindi niya mawari kung bakit, pero nang nakaramdam na siya na may ibig umahon galing sa tiyan niya ay ibig sabihin kailangan na niyang magising ng tuluyan dahil magsusuka na naman siya. Kahit medyo inaantok pa ang mga mata ay pinilit pa rin niyang makapunta ng banyo habang umaalalay sa pader.

Pagpasok pa lang ay sa sink na agad siya yumuko at sumuka na puro laway lang naman ang lumalabas. Nakakapanghina ang ganito, parang pagod na pagod siya pagkatapos niyang sumuka ng laway lang.

Tumayo siya ng tuwid at tumingin sa salamin. Hindi pa pala siya naghihilamos. Yumuko ulit siya at naghilamos ng mukha, mamaya na lang siya mag-toothbrush pagkatapos kumain ng umagahan.

Lumabas siya ng banyo na hinang-hina, lumakad palapit ulit ng kama at nahiga. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Charlotte, gising ka na diyan. Aalis na tayo after two hours." Ani Elija
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
next po please
goodnovel comment avatar
Annabelle Lim
wag mu ng e update
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status