Share

05 Unang Pag-aaway

Elijah's POV

Habang tahimik na nakaupo ay biglang may sumakit sa gilid ng tiyan niya. Lumingon siya kay Charlotte habang nakanganga na nakatingin sa tagliran ng tiyan niya.

"Ano bang ginagawa mo at ang likot mo?" Tinaas nito ang pera na sinusubukan na nitong paghiwa-hiwalayin. "Sinabi ko na mamaya mo na lang pagtuonan ng pansin 'yan. Bakit ba ang kulit mo?"

"Wala naman akong gagawin, kaya inumpisahan ko na, tapos na akong kumain."

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Parang nagmumukha kang pera."

Natigilan si Charlotte at tumingin sa kanya na may mukhang seryoso. "May pasok na ako sa makalawa kaya inuumpisahan ko na 'to."

"Meron ka pang oras bukas."

"May pupuntahan ako bukas."

Nagsalubong ang kilay niya. "Saan ka pupunta?"

"Sa friend ko lang."

"Are you sure?"

"Oo."

Hindi na siya nito pinansin, at tinuon na naman ang tingin sa paghihiwalay ng pera. Napailing na lang siya.

Paglipas ng oras ay handa ng umuwi ang pamilya nila ni Charlotte, malapit na rin sumapit ang gabi, kaya kailangan na rin nilang umuwi.

Nakatayo na sila ngayon sa tapat ng pinto palabas.

"Alis na kami, maging masaya kayo sa pagsasama niyong dalawa." Saad ng Mama niya. Tumingin ito kay Charlotte. "Ikaw naman Charlotte, pagsilbihan mo ang asawa mo, alagaan, at ipagluto."

Tiningnan niya ang mukha ni Charlotte, pero napansin niya na bahagya itong napangiwi. Napailing siya sa ginawa nito, mukhang hindi naman napansin ng Mama niya ang ginawa nito.

"Ingat kayo, Ma sa daan."

"O siya sige, iwan na namin kayo." Ngumiti ito parehas sa kanilang dalawa ni Charlotte bago sumakay ng kotse. Ang pamilya naman ni Charlotte ay kumaway lang sa kanila bago umalis.

Nanatili sila sa pinto habang nakatingin sa labas.

"Anong ng gagawin natin?" tanong ni Charlotte.

Lumakad siya sa loob ng bahay. "Magbihis ka na, kung gusto mo ikaw ang magligpit ng lahat ng kalat dito sa loob. Ikaw na rin ang maghugas ng pinggan."

"Ha? Hindi ba 'to catering?"

"Hindi."

Lumingon siya at nakitang nakatitig si Charlotte sa lamesa at mga pinggan na naroon. Nagsalubong ang kilay niya ng pupunta ito roon.

"Umakyat ka na, at magbihis. May katulong na maglilinis niyan." Tila nagdadalawang isip pa si Charlotte. "Bilisan mo, pag nagbago pa ang isip ko pati paglalaba sa sapin ng lamesa ay ipagagawa ko sayo."

Agad naman itong naglakad papunta ng hagdan, pero napatigil din. "Saan nga pala ang kwarto ko?"

Nag-umpisa ulit siyang maglakad paakyat sa hagdan, nilagpasan niya si Charlotte.

Tatlo ang kwarto sa pangalawang palapag ng bahay niya, isa ang sa kanya, at ang dalawa ay bakante.

Pumasok siya sa isang kwarto, sumunod naman si Charlotte.

"Ito ba ang kwarto ko?"

"No, kwarto nating dalawa 'to."

Nanlalaki naman ang mata nito habang iniikot ng paningin ang loob ng kwarto.

"Seryoso?"

"Yes."

"Sa kabilang kwarto na lang ako, tutal naman ayaw naman natin ang isa't-isa."

Tinitigan niya ang mukha nito. "Sigurado ka na ayaw mo dito?'

"Oo."

"Okay, follow me."

Pumunta siya sa kabilang kwarto at binuksan iyon. "Itong kwarto na 'to. Gusto mo?"

Sumilip ito sa pinto, pero nagsalubong ang kilay sa nakita sa loob.

"Bakit walang laman?"

"Wala kasing gumagamit nito, kaya walang laman kahit cabinet. Ako lang naman mag-isa dito kaya isang kwarto lang ang may laman."

"Wala din yung isang kwarto pa?"

Tamad siyang tumingin sa mata ni Charlotte. "Hindi mo ba narinig? Isang kwarto lang ang may laman, kaya wala rin yung pangatlong kwarto."

Inirapan lang siya nito, saka pumasok sa loob ng kwarto, at tumayo sa gitna.

"Halika na sa kwarto natin, magpalit ka na doon."

"Dito na lang kaya ako matulog."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Nakita mong wala ngang gamit, kahit kama, tapos dito ka matutulog. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo sa akin? Prinsesa ka nila doon, tapos dito, sa sahig ka matutulog."

"Bibili ako ng sarili kong kama at cabinet."

Pumasok siya sa loob at tumayo sa harap ni Charlotte. "Puwede mo itong gawin na study room mo, pero ang maging kwarto mo na tutulugan ay hindi puwede. Ayokong tatayo pa ako once na tumawag ang isa sa pamilya nating dalawa para kausapin ka, for sure hahanapin ka nila maging ako sayo. Kung natatakot ka sa akin dahil baka gawin ko na naman ang ginawa ko sayo kaya tayo nakasal, ay hindi na mangyayari. Nagkamali na ako nung una, hindi ko na uulitin pa iyon sayo."

Bumuntong-hininga naman si Charlotte. "Malaki ba ang higaan mo?"

"Hindi mo ba nakita? Una tayong pumasok doon, gamitin mo 'yang mata mo minsan, para hindi ka tanong ng tanong."

"Bawal na bang magtanong ngayon?"

"Yes, lalo pa't alam mo naman ang sagot. Sumunod ka na sakin."

Lumabas siya at pumasok naman sa kwarto niya, hinubad niya ang barong niyang suot kaya t-shirt na lang ang natira sa pang itaas niyang suot. Napatingin siya sa pinto ng pumasok si Charlotte, at tila may hinahanap.

"Nasaan yung maleta ko?"

"Maleta?"

"Oo, nandon lahat ng damit ko."

"Walang binaba dito na maleta."

Namilog naman ang mata nito, bago lumabas ng kwarto habang tumatakbo. Paglipas ng ilang minuto ay bumalik din agad.

"Hindi nababa nila kuya yung maleta ko na nasa sasakyan."

Tumingin siya sa cabinet niya. "Kung gusto mo, damit ko muna ang gamitin mo."

"Huwag na, ganito na lang ako. Hindi na ako magpapalit."

Umiling siya. "No, nagpawis ka na, kaya malagkit ka pati 'yang damit mo ay nakasagap na ng usok. Ayokong mahihiga ka sa kama ko na 'yan pa rin ang suot mo."

"Ang arte mo naman."

"Hindi ikaw ang naglalaba kaya huwag ka ring maarte."

Inis nitong binagsak ang hawak sa maliit na mesa sa gilid ng kama. "Nasaan na yung damit na sinasabi mo? Akina!"

"Nagtataas ka ba ng boses sa akin?"

"Halata naman. Bakit nagtatanong ka pa? Kung ayaw mo akong madumi doon ako sa kabilang kwarto matutulog kahit sa sahig lang!"

"Kaya mo? Go, walang pumipigil sayo."

Kumuyom ang kamay nito, bago tumalikod sa kanya at umalis ng kwarto. Sinara nito ang pinto ng malakas kaya napapikit siya.

Ang tigas talaga ng ulo.

Lumabas siya ng kwarto para sundan ito sa kabila. Pero pagbukas niya ng pinto ay wala naman doon si Charlotte, maging sa banyo. Pumunta siya sa pangatlong kwarto, pero wala rin ito doon.

Saan siya nag punta?

Bumaba siya ng hagdan at sa ibaba naman naghanap.

"Cara, nasaan ang ma'am mo?"

"Yung asawa mo po ?"

"Yes. Nakita mo ba siya dito sa baba."

"Nasa kusina po."

"Sige. Salamat."

Pumunta siya ng kusina, nakita niya si Charlotte na naghahalungkat ng kaldero. Hindi pa ba ito nabusog sa kinain kanina?

"Charlotte."

Nalaglag ang takip ng kaldero nitong hawak, kaya umalingawngaw ang ingay no'n sa paligid.

"What are you doing?"

Pinulot nito ang kaldero, pero hindi siya sinagot. "Charlotte!"

Kumuha ito ng kanin at yung natirang ulam kanina. Umupo ito at nagsimulang kumain.

"Naririnig mo ba ako?"

Patuloy lang itong kumain na hindi lumilingon sa kanya, sa inis ay umalis siya ng kusina at pumasok sa kwarto niya, ni lock niya ang pinto. Matigas din naman ang ulo ni Charlotte, panindigan na nito. Tingnan lang niya kung magtagal sa sahig na malamig.

Naligo siya, pagkatapos ay umupo sa harap ng table para basahin ang papeles. Kinuha niya muna ang salamin niya sa mata bago nagsimula.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
cute niyo dalawa haha
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
waiting po sa next chapter super excited na po ako ...... next po please ...
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
wow thank you po ms. A sa pag update ng story at sa new chapter nakakatuwa po silang mag away ...... ang cute ... tampo na agad si charlotte nang aaway kase si mister elijah yan tuloy looking forward po ako ukit sa sunod na update thank u po ulit ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status