Share

Chapter 2

Ngunit bago pa mahuli ang lahat ay kinabig ko ang cellphone niya kaya parang laruan 'tong tumilapon sa sahig at nabasag ang screen. Nanlaki ang mata ko sa nagawa ko, lalo na nang makita ko ang awra ng lalaking kaharap ko. Nanlilisik ang mata nito at nagtatagis bagang. Lumabas din ang litid nito sa leeg at marahas na hinawakan niya ako sa kamay.

"Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko ha?!" singhal nito sa akin.

Hindi ako nakaimik at napalumod laway ako sa tensyon na nararamdaman ko. 

Hinila ako nito patungo sa upuan at doon ay pabagsak na pinaupo ako.

"Huwag mong tatangkain na tumayo riyan. Kun'di makakatikim ka sa akin!" anito na nahintatakutan naman ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasinghalan ng lalaki. At ngayon lang ako nakakilala nang lalaking parang walang interest manlang sa akin. Hindi ba siya nagagandahan sa akin? Hindi manlang ba siya nakaramdam ng attraction? Kahit naman basa ang suot kong damit ay hindi pa rin maikakaila na maganda ako.

"Huwag po kayong tumawag ng pulis. Babayaran ko po iyong cellphone na nasira ko. Saglit lang." Kinuha ko ang wallet ko sa bag pero limang libo lang ang dala kong pera. Pero lakas loob kong ibinigay iyon sa kanya upang malaman niyang handa akong bayaran ang nasira ko. "Ito po oh! Bayad ko sa nasira ko." Iniaabot ko ang pera ngunit lalong umarko ang kilay nito nang makita ang limang libong hawak ko.

"Do you think na ganiyan lang ang halaga ng sinira mong cellphone?" wika nito sa akin.

"Ha? Magkano po ba iyon? Babayaran ko na lang po ang kulang. Huwag mo lang akong ipahuli sa pulis. Wala po akong ginagawang masama." 

"Akala mo yata ganoon mo lang kadaling mauuto ang mga taong nakapalibot sa 'yo! Hindi sa akin lulusot ang mga dahilan mo! Dahil sa panahon ngayon, kahit bata hindi na mapagkakatiwalaan!" saad nito sa akin.

"Ano ba ang dapat kong gawin upang huwag mo akong ipahuli sa pulis? Nagsasabi po ako nang totoo." 

"Bayaran mo ngayon ang cellphone ko! At kahit na bayaran mo ang cellphone ko, ipapakulong pa rin kita! Hindi mo ba alam na tresspassing ka? Puwede kitang kasuhan ng tresspassing plus ayaw mo pang ipakita sa akin iyang bag mo! Sigurado akong magnanakaw ka. Akala mo yata palagi kang makakalusot. Hindi mo ako madadala sa mga paawa mo!" anito na dinuduro pa ako ng kanyang hintuturo.

"Hindi nga ako magnanakaw! Oh sige, hayan ang bag ko! Halungkatin mo!" inabot ko ang bag ko sa kanya at agad naman niyang kinuha iyon.

Sa harapan ko inisa-isa ang damit kong nabasa ng ulan. Maging ang panty ko ay hindi nakaligtas sa kanya sapagkat binuklat pa niya iyon mismo sa harapan ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga iyang underwear ko! Anong klase kang tao at nagagawa mo ito sa babae!" inis na hinigit ko ang underwear ko. 

Napalumod laway pa ito at natigilan sa ginawa ko.

"Are you insane?! 'Akin na nga iyang bag ko!" hinatak ko iyon sa kanya at isa-isa kong ipinasok muli iyon sa bag ko. At nang matapos ako ay tumayo ako at hinarap kong muli siya. "Ano? May nakita ka bang ninakaw ko? Minsan kasi huwag kang palahusga ng tao. Tsk!" aniya sabay talikod at akmang aalis na nang hawakan niya ako sa kamay at muling higitin.

"Saan ka pupunta? Sinabi ko na bang puwede ka ng umalis?" 

"Ano pa ba ang kailangan mo? Nakita mo na nga ang bag ko hindi ba?" mataray na tanong ko.

"Iyong cellphone ko? Ano iyon? Hindi puwedeng hindi mo papalitan ang sinira mo ngayon na! At puwede ba? Baka nalilimutan mo na hindi pagnanakaw ang ikakaso ko sa 'yo! Tresspassing ka. At iyon ang kaso mo!" saad nito sa akin.

"Ano? Masama na bang makisilong sa garahe mo? Tsaka hello, open kaya ang gate. Ang damot mo naman pala e! Sige, babayaran ko kung magkano ang kulang. Hintayin mo at kukuha ako ng pera." Muli akong naglakad pero muli akong pinigilan nito.

"No! Ngayon mo bayaran. Ngayong araw na 'to, kun'di ipapapulis kita!" pagbabanta nito sa akin.

"Ha? Te-teka lang naman. Huwag mo akong ipapulis. Magbabayad naman ako e." 

Pero mayamaya ay napaisip ako. Saan naman ako kukuha ng pera? Uuwi ba ako sa bahay? Iyong ATM ko, hindi ko nadala. At sigurado akong hindi ko rin magagamit iyon.

Napasulyap ako sa buong paligid. Ang laki ng bahay niya. Siya lang ba ang tao rito? Matapos ang ilang segundo na pag-iisip ay bigla na lang may pumasok sa isip ko.

"Wala akong maibabayad sa 'yo. Ahmmm... Kung gusto mo, magtatrabaho na lang ako sa 'yo. Kahit walang bayad. Basta libre kain at tulog. Okey lang ba iyon?" nagpapacute pa ako na tila madadala ko sa mga mapilantik kong pilik ang lalaking kaharap ko.

Tumitig ito sa akin na parang sinisipat ang buong itsura ko. Mukhang naepek ang ginagawa kong pagpapacute ah.

Bumuka ang bibig nito at halos tumalon ang puso ko nang kampante itong magsalita nang...

"No!" panga ang lumaglag sa akin at hindi puso. Ano bang klaseng tao ang kaharap ko at parang wala yata siyang puso sa babaeng kaharap niya. 

"Ha? Anong sabi mo? Huwag ka namang gan'yan oh! Libre na nga e, ako na magluluto, maglalaba maglilinis nang buong bahay. Basta huwag mo lang akong ipapulis. Please... please..." 

"Anong palagay mo sa akin bobo? E 'di napadali ang pagnanakaw mo?!" 

Natigilan ako sa sinabi ng kaharap ko. Anong klaseng lalaki ba ito at grabeng makapanghusga ng tao. Wala ba talaga siyang natitirang respeto manlang sa akin bilang babae?

Nanghihina ang tuhod kong muling napaupo sa mahabang sofa. Naiiyak na ako sa napasok kong problema. Ito ba ang kapalit ng hindi ko pagsunod sa magulang? Ang makulong ako sa salang tresspassing? 

"Fine. Bayaran mo ang nasira mong cellphone. Saka ka makakaalis sa bahay na ito." 

Nanlalaki ang mata ko na muling napatayo. "Ha? As in ngayon na? Teka lang, wala pa kasi akong nahahanap na trabaho. Tapos naliligaw pa ako. Nasaan na ba akong lugar? Nanakawan pa ako ng ibang gamit. Mabuti na lang at may tinira pa sa akin." Pagsisinungaling ko sa lalaking kaharap ko. Para kasing hindi ko ito madadala sa mga pagpapacute ko kaya magsisinungaling na lang ako.

"Nanakawan? Ikaw pa talaga ang ninakawan? Sa palagay mo maniniwala ako sa 'yo?" nakaarko ang kilay nito sa akin.

"A-ano ka ba! Hi-hindi ko naman gawain na magsinungaling. Hindi ako tinuruan ng inay ko na magsabi ng hindi totoo no! Maawa ka na sa akin, tanggapin mo na ako bilang katulong. Total naman at sa laki ng bahay mo mukhang wala kang katulong, hindi ka ba iniipis dito?" tanong ko.

"Hindi! At walang ipis dito dahil maaga pa lang pinapatay ko na sila," anito na parang kinabahan pa ako sa salita niya.

"Ah iyong umagahan mo, ayaw mo ba no'n gigising ka na lang para kumain. Hindi ka na magluluto dahil ako na ang magluluto para sa 'yo." Nakangiting sabi ko.

"Hindi ako nag-aalmusal sa umaga," tugon nito.

"Ha? E bakit ang ganda ng katawan mo?" agad na tanong ko. Pero bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya nang seryoso itong tumingin sa akin at parang napaso pa ako kaya't agad akong nagbaba ng tingin. "I mean, parang hindi ka naman nagdidiet. Ganoon ba? E iyong paglalaba. I'm sure mahal ang pa-laudry hindi ba? E sa akin wala kang babayaran, as in zero balance. Plus ipagpaplantsa pa kita." Nakangiting sabi ko sa kanya. 

Tumitig ito sa akin at hindi muna nagsalita. Ipinagdadasal ko na sana pumayag siya. Kahit ang totoo kinakabahan ako dahil ni pagluluto ay wala akong alam na putahe.

"Hindi ako kumukuha ng katulong. Pero dahil may atraso ka sa akin, sige. Marami akong rules na ibibigay sa 'yo. Makakaya mo ba ang lahat? Kung hindi puwede ka namang umatras. Bayaran mo ang nasira mo kapalit ng kalayaan mo." 

Napangiti ako sa narinig ko. Mas okey pa nga sa akin na mangatulong. Para pansamantala akong may matirahan. At isa pa, libre kain iyon naman talaga ang mahalaga. 

"Handa ako sa mga rules mo. Ano ba iyon?" aniya na medyo lumapit pa ako para marinig ko nang mas maayos.

"One. Bawal ang palaging nakaupo," 

"Ha? You mean parang saleslady na nakatayo maghapon gano'n? Katulong ba ang trabaho ko o saleslady?" 

"Una palang nagrereklamo ka na? Then give me your name para maireport ko na ito sa—"

"Oy! Ano ka ba, hindi ka na mabiro e. Kahit magtatakbo pa ako maghapon sige deal!" putol ko sa sasabihin niya.

"Tsk! Second. Ayoko nang makalat sa bahay." 

"Well. Hindi naman ako makalat, kaya nga katulong ang papasukin ko hindi ba para maging malinis ang buong kapaligiran?" nakangiting sabi ko.

"Bawal kang lumabas nang walang pahintulot sa akin." 

"Alright. No problem." 

"Bawal ang natatambakan ng libagin." 

"Sure. Madali lang pala ang mga rules e!" nasasayahang sabi ko.

"And last. Ayoko ng tanghali nang gumising." 

"Hahaha. Iyon na ba ang last? Okey. Deal na deal!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status