Share

Chapter 3

Kinabukasan. 

Nakarinig ako nang malakas na kalampog ng kaldero na parang bumasak sa sahig. Nagulat ako at biglang napabagon sa higaan.

"Wah! Sino iyan?" nakita kong nakaarko ang kilay ng boss ko. Nakabihis na ito pangpasok at ang mas lalong hindi ko kinaya ang sikat nang araw na tumatama sa bintana.

"Oh shit! Anong oras na sir? Bakit hindi mo ako ginising? Tinanghali tuloy ako." Dali-dali na akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Nakita ko pa ang nakaarkong kilay ng boss ko. 

Hays, ano ba iyan. Palibhasa gumigising ako ng alas diyes ng umaga kaya naman hindi ako sanay gumising ng maaga. 

Pagdating ko sa kusina ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang kakainin niya? Napapitlag pa ako nang may magsalita sa likuran ko.

"Coffee." Umupo ito sa upuan at hinintay ang kape niya. 

Agad naman akong nahintatakutan ng makita kong tumitig ito sa akin na para bang sinasabing bilisan mo! 

Lumapit na ako sa lababo. At agad na nagtimpla ng kape. Mabuti naman at kape lang, hindi gaanong mahirap.

Matapos kong maitimpla ay ibinigay ko na iyon sa kanya. Hinintay ko pang matikman niya ang kape at gusto kong malaman ang sagot niya.

Medyo nailang naman ito sa akin nang makitang nakatitig ako.

"Anong tinitingin-tingin mo?" bulyaw nito sa akin.

"Hehehe. Wala naman sir, baka kasi hindi mo gusto iyong taste ko e. Gusto kong malaman kung tama ba ang timpla ko,"aniya.

Ininom niya iyon bago ko nakita ang itsura niyang nag-iba ang timpla.

"Anong klaseng kape ba ito? Bakit ang tabang?" galit na tanong nito sa akin.

"Matabang? Oppss! Naku nalimutan kong lagyan ng asukal sir, wait lang." Kinuha ko ang kape at nilagyan ko ng asukal bago ko muling inabot sa kanya. 

Kabado pa ako nang abutin niya iyon at inumin mismo sa harapan ko. 

Agad itong tumayo at nagtatakbo sa lababo para idura ang ininom na kape.

"Si-sir! Ba-bakit po?" nauutal kong tanong.

"Shit! Papatayin mo ba ako ha? Ilang kutsarang asukal ba ang nilagay mo sa kape ko ha!" singhal nito sa akin.

"Ha? Dalawang kutsara sir, dapat po ba tatlo? So-sorry sir!" takot na takot na sabi ko.

Inis na nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko at mariing kinapitan iyon.

"Ako ba talaga ay niloloko mo ha?!" 

"Hi-hindi sir! Bakit naman po kita lolokohin?" 

"Grrr! Umalis ka na nga sa harapan ko!" utos nito sa akin.

Dali-dali na akong umalis at baka atakihin pa sa puso ang amo ko.

Bago mag alas-nuebe ay umalis na ito kaya naman naiwan na akong mag-isa sa bahay. Salamat naman at wala siya. Pero bawal akong umupo kaya dapat nakatayo lang ako. Grabe naman ang rules niya. Nakita ko ang numero ni sir sa ibabaw ng table. Ganoon din ang mga nakadisplay na larawan nito at mga certificate. 

"Uy! Ang ganda naman pala ng name niya. Reyman Fernandez. Puwede na. Puwede nang ilagay sa lapida sa sobrang sungit niya mapapadali ang pagkamatay niya. 

Natatawa na lang ako sa iniisip ko. Kaya upang mawala ang pagkainip ko'y naglinis na lang ako nang bahay.

Sa kabilang banda. Kasalakuyang nasa meeting si Reyman nang biglang tumunog ang cellphone niya. Saglit niya iyong tiningnan at laking gulat niya nang makita ang numero ng kanyang telepono sa bahay. Agad niya iyong sinagot, baka nagkaroon nang problema kaya't tumatawag ang babaeng iniwan niya sa bahay.

"Excuse me." Paalam niya sa mga kameeting niya. 

Pinindot niya ang bagong cellphone niya at agad na sinagot iyon.

"Hello?" 

"Sir, ikaw ba 'to?" tanong ko.

"Yes. Bakit? Anong kailangan mo?" 

"Sir, magtatapon ako ng basura sa labas. Puwede ba akong lumabas?" deretsong tanong ko.

"What? Magtatapon ka lang nang basura itinawag mo pa sa akin? Are you—"

"Sir, huwag ka namang magalit. Nalimutan mo po ba na bawal akong lumabas nang walang pahintulot mo? Sige sir, salamat. Ingat ka riyan," aniya na binaba na ang telepono. 

Naiwan namang natulala si Reyman. At napapailing na bumalik sa meeting. "Mamaya ka sa akin!" anito sabay baling sa mga kameeting niya.

Kabanata 2.B

    Matapos kong tawagan si Sir Reyman. Ay muli kong sinipat ang mga display sa tabi nang telepono. Naroon kasi ang litrato ng binata. 

"Ang guwapo niya, kaya lang masungit. Saan kaya ipinaglihi iyon?" kausap ko ang sarili ko.

Muli kong tiningnan ang mga nakasabit na certificate ni Reyman. At doon ko lang napansin na iisa pala ang kurso na natapos namin. (BSBA) Bachelor of Science in Business Administration. Napangiti ako sa nakita ko, kaya pala masungit ito ay dahil palaging stress sa business, parang si dad. 

Muli ko tuloy naalala ang daddy ko. 

Flash Back.

"Pare, iyong anak ko nag-aaral ng Bussiness Ads. I'm sure na pagdating nang panahon, siya na ang tatayong CEO nang aming kumpanya." Pagyayabang nang kumpare ni dad.

"Hahaha. E iyong anak ko nga, sa USA pa dumayo para mas maraming matutunan tungkol sa business namin. Ako naman bilang ama, siyempre nakakaproud lang dahil alam kong pagdating nang panahon, kampante na akong mahihiga sa wheelchair ko." Saad naman ng isa pang kaibigan ni dad. 

Tahimik lang si dad at panay ang ngiti sa mga kumpare niya. Paano kasi sa kanilang tatlo si dad lang ang may anak na babae at wala siyang anak na lalaki.

"Pare, wala ba kayong balak pang mag-anak ni mare? Aba'y bata ka pa naman, sigurado akong makakabuo pa kayo nang lalaki!" sabay tawa nang pare ni dad.

"Hindi na kailangan mga pare, dahil sa anak kong si Fara na ang sasalo nang lahat nang maiiwan ko. Kahit na babae ang anak ko, matalino siya at maaasahan. Wala naman sa genre makikita ang husay sa business mga pare e. Nasa diskarte iyan, kaya proud na proud ako sa anak kong si Fara." Napangiti ako sa sulok kung saan nakikinig ako nang usapan nila. Sobrang saya ko noon dahil proud sa akin si Dad. Lalo na nang makatapos ako nang college, hindi lang ako nakagraduate kasi nag-uwi pa ako nang isang certificate na isa ako sa rank 1 nang aming University. Cum Laude lang naman ako at may mga iba't ibang parangal pa akong natanggap mula sa aming University. 

Iyon ay dahil inspiration ko si Dad. Na kahit babae ako'y makakaya ko ang lahat. 

Pero pagdating nang isang taon, naramdaman ko na parang may kulang sa sarili ko. Inisip ko lang na gusto ko ba talaga ang Bussiness? Noong bata ako, tinatanong ako nang teacher ko kung ano raw ang pangarap ko sa buhay. Ang sagot ko ay isang doktor. Ngunit bakit tila nabalewala ang pangarap ko dahil inuna ko ang pangarap nang magulang ko? Kaya naman lakas loob akong nagpaalam kay dad na mag-aaral ako ng medicine. Ngunit hindi siya pumayag. Kaya't para akong sinampal nang pangarap kong kailanman ay hindi na matutupad.

"Napasobra ba ang katalinuhan mo Fara kaya lahat ng kurso na maisipan mo ay kukunin mo? Sinasayang mo ang mga panahon! Ang sabi ko sa 'yo magfocus ka sa negosyo natin. Pero palagi ka na lang nagfafailed sa mga pinupuntahan mong meetings? Puro pagpapacute ba ang ginagawa mo sa buhay? Tumigil ka na muna sa pagtatrabaho at mag-aral ka ulit kung paano patatakbuhin ang business natin. Common Fara, hindi mo ba naisip na nag-aaksaya ka nang panahon sa walang katuturan mong pinag-gagagawa sa buhay? Kailan ka magmamatured? Kapag nakahiga na ako sa kama at uugod-ugod na? Kung ayaw mong intindihin ang negosyo namin then do me a favor. Magpakasal ka sa lalaking hahalili sa 'yo sa kumpanya!" singhal sa akin ni Dad.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni dad. Akala ko kasi magiging malaya na ako kapag nakatapos na ako nang kolehiyo. Pero nagkamali ako dahil mas lalo pa akong sinakal nang pagkakataon.

Sa dami nang nanliligaw sa akin, hindi ko inisip na sagutin maalin man sa kanila, dahil gusto kong matupad muna ang pangarap ko. Pero paano ko naman magagawa iyon kung si dad na lang palagi ang masusunod.

Makalipas ang ilang taon wala pa rin akong natitipuhan na lalaki. Iniisip ko kasing kung pipiliin ko ay isang magaling sa business, paano naman ang puso ko? Lalo na at ang tingin ko sa sarili ko'y isang alahas na pinag-aagawan dahil oras na magpakasal ako, mamanahin lang naman nila ang kumpanya ng dad ko. Pakiramdam ko tuloy pera lang ang habol sa akin ng mga lalaki. Alam ko naman na maganda ako pero kulang pa rin iyon at hindi sapat iyon para mapatunayan kong seryoso nga sa akin ang lalaking pakakasalan ko.

Lalo na at bago manligaw ay dumaraan muna kay dad. Para bang isang trabaho na kailangan i-briefing muna bago makapasa sa panliligaw sa akin. 

Kaya lahat iniisip kong bastedin. Dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako handa. Bakit ko naman pipilitin ang sarili ko sa taong hindi ko gusto. 

Hanggang isang araw kausapin ako ni dad.

"Fara, may lalaki akong gusto para sa 'yo. He is a businessman, at malaki ang maitutulong niya sa kumpanya natin. Anak siya ng kumpare ko na nag-aral sa USA. Siya na ang nagmamanage nang kumpanya nang kanyang ama, at kapag nakilala mo siya maaaring pag-isahin na namin ang kumpanya namin upang sa ganoon ay mas lalo pang umangat ang business natin. Fara, ito na ang pagkakataon para makabawe ka sa akin, magpakasal ka sa kanya." 

Tumayo ako sa pinagkakaupuan ko at galit na nagsalita.

"No! Ayoko na dad, ilang beses mo po bang irereto ako sa mga lalaking hindi ko naman gusto? Akala ko ba proud kayo sa akin? Bakit ngayon pipilitin ninyo akong ipakasal sa hindi ko gusto? Dad, hindi n'yo ba alam na hindi na ako masaya sa mga ginagawa ninyo? Oo, maganda nga ang buhay ko dahil sa business ninyo. Naibibigay ninyo ang mga materyales na bagay na gusto ko, maganda nga ang pananamit ko at masarap na pagkain ang tinatamasa ko! But dad, hindi mo ba naitanong sa akin kung masaya ba ako? Palagi na lang patakaran ninyo ang nasusunod. Lahat nang kaibigan ko, nagawa na nila ang mga pangarap nila sa buhay. Pero ako? Heto, sinusundan ang yapak ninyo kahit na alam naman ninyong nahihirapan na ako. Dad, hindi ba puwedeng maging proud ka sa akin dahil kahit kailan hindi ako nalululong sa kahit na anong bagay na mapapariwara ang buhay ko? Hindi pa ba sapat ang mga nagawa ko? Sa tingin mo dad, masaya bang magpakasal sa lalaking hindi mo gusto? Ganiyan ba ang nangyari sa inyo ni mommy kaya ngayon ginagawa mo rin sa akin dad?!" 

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. At galit na galit ang mukha ni dad na tinitigan ako. Nagtatakbo naman ako sa kuwarto at doon nagkulong. Hindi ko na kinausap si dad dahil alam ko naman na wala ring silbi ang sasabihin ko.

Flash end.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa mga naalala ko, pinahid ko ang luha ko at humugot ng malalim na hininga. Bago nagpasyang lumabas upang magtapon nang basura.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status