Share

Chapter 8

Napahinto naman si Reyman sa pagsigaw. Lalo na nang makita niya akong umiiyak at takot na takot. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat. 

"Sorry. I lost my temper." 

Imbis na tumugon ay nagtatakbo na lang ako at nagtungo sa kuwarto saka roon nag-iiyak.

Bakit ba kahit saan ako magpunta, palagi na lang ipanamumukha sa akin na wala akong alam? Bakit ba kahit na lahat naman ay ginagawa ko, palagi pa ring nagiging mali? Sinusubukan ko naman ang lahat e. Pero kulang pa rin. Habang buhay na lang ba akong sisinghalan at gagawing bobo nang mga nakakasalamuha ko? 

Naalala ko si dad, noong bata ako. Gustong-gusto kong makipaglaro sa mga batang naglalaro sa aming hardin. Naroon kasi ang mga kaibigan ni dad at masayang umiinom habang ang mga anak ng kumpare niya ay nagtatakbuhan sa hardin namin. Nagpaalam ako na gusto kong lumabas upang sana'y makipagkilala sa dalawang batang lalaki. Nguni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cherylyn Abusca
Ang pangit nman beten palage
goodnovel comment avatar
Jocelyn Dejan
unluck pls.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status