Habang kumakain ay napapasulyap sa akin si sir, hindi ko alam pero parang kinikilig ako. Nagagandahan siguro siya sa akin, well hindi naman ako magtataka at sadyang alam ko na iyon.
"Sigurado ka ba na talagang naghahanap ka nang trabaho?" basag ni sir sa katahimikan.
"Po? O-opo sir, salamat po pala at tinaggap mo ako."
Muli na namang tumitig sa akin si sir, parang hindi ako makakain sa ginagawa niyang pagtitig.
"Para kasing... para kasing hindi ka sanay sa gawaing bahay." Bigla akong nahinto sa pagkain at namumutlang tumitig kay Sir Reyman.
"Ba-bakit po sir? Pa-paano mo naman po nasabi. Nagagawa ko naman po ang lahat. Medyo naninibago lang po ako kasi... kasi..."
&nb
Napahinto naman si Reyman sa pagsigaw. Lalo na nang makita niya akong umiiyak at takot na takot. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat."Sorry. I lost my temper."Imbis na tumugon ay nagtatakbo na lang ako at nagtungo sa kuwarto saka roon nag-iiyak.Bakit ba kahit saan ako magpunta, palagi na lang ipanamumukha sa akin na wala akong alam? Bakit ba kahit na lahat naman ay ginagawa ko, palagi pa ring nagiging mali? Sinusubukan ko naman ang lahat e. Pero kulang pa rin. Habang buhay na lang ba akong sisinghalan at gagawing bobo nang mga nakakasalamuha ko?Naalala ko si dad, noong bata ako. Gustong-gusto kong makipaglaro sa mga batang naglalaro sa aming hardin. Naroon kasi ang mga kaibigan ni dad at masayang umiinom habang ang mga anak ng kumpare niya ay nagtatakbuhan sa hardin namin. Nagpaalam ako na gusto kong lumabas upang sana'y makipagkilala sa dalawang batang lalaki. Nguni
Tumungga si Reyman ng alak bago nagsalita."Bro, hindi ko pa nakikita ang babaeng karapatdapat kong mahalin. Alam mo naman na ayoko nang problema, kaya naman iniiwasan ko ang mga babae dahil malaking distraction lang sila sa business. Business against relationship, maraming nagseselos sa ganoon bro, kaya kapag nagmahal ako dapat handa na akong maglaan nang panahon sa kanya," aniya."No bro, hindi ikaw ang magdedecide kung kailan ka maglalaan ng panahon sa babae. Ito tandaan mo bro, once na makilala mo na ang babaeng iyan, mawawalan ka ng pakialam sa lahat ng nasa paligid mo. Alam mo ba kung bakit? Dahil makapangyarihan ang pag-ibig, hindi mo maididikta kung sino, saan at kailan mo ito matatagpuan. Kusa mo itong mararamdaman sa hindi tamang pagkakataon at panahon."Natawa si Reyman sa sinabi nang kaibigan. May mga natutunan din pala ito sa US kahit na papaano."Really huh? So where is she? Nasaa
"AYOS lang po ba kayo sir?"Napapitlag si Sir Reyman sa tanong ko. Kaya't agad nitong binawi ang tingin."Yes. Excuse me." Kinabig ako nito para makadaan siya at naiwan ako sa pintuang mag-isa.Hinabol ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa kuwarto niya.Pasuring-suring pa itong naglalakad, gusto ko man siyang tulungan ay hindi ko naman magawa. Sapagkat parang ayaw naman ni sir na magpatulong sa akin. Ano bang nangyayari sa akin at parang nag-aalala ako kay sir. Isinara ko ang pinto at umakyat na ako upang pumasok na rin sana sa kuwarto, ngunit napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong parang may nagtatawag ng uwak sa loob ng kuwarto ni Sir Reyman."Hala! Gabing-gabi na nagsisisigaw pa si sir?" Lumapit ako sa pintuan niya at kinatok ko iyon."Sir! Sir! Ayos lang po ba kayo?" tanong ko pero wala akong narinig na tugon. "Sir?" muli kong tawa
"Sir, puwede bang ako naman ang magtanong sa 'yo? Magkano na po ba ang utang ko?" Natigilan sa pagkain si Sir Reyman at tumitig ito sa akin."Bakit? Balak mo pa bang dagdagan?" nakaarko ang kilay na tanong nito."Kung puwede sana sir, gusto kong umutang sa inyo. May balak kasi akong bilhin. Gusto ko sanang bilhin ang ngiti mo sir, magkano ba iyan at baka kaya ko pang pag-ipunan?" Makaraan ang ilang segundo na wala akong narinig na tugon ay nagpasya na akong umalis sa kusina. Mukhang mahal ang ngiti ni sir kaya hindi niya mapresyuhan. Naiwang nakatulala si Sir Reyman habang ako naman ay napapangiting lumabas nang kusina.Sa wakas. Nakatakas din ako sa mga tanong niya.Sa opisina. "Sir, may meeting po kayo mamayang lunch. At siya nga pala sir, may kailangan po kayong malaman. Iyong isa po nating board member na si Mr. Gregorio ay nagkaroon po nang problema. May sakit po siya ngayon at medyo malala yata sir." "Ha? Sino ang tatayong spokesman niya mamaya?" ani Reyman. Mr. Gregorio is
DAHIL sa gusto kong matutong magluto. Kinuha ko lang naman iyong laptop ni Sir Reyman na nakapatong sa table nito sa kuwarto at sinerch kung paano magluto nang adobo. Makailang beses na tinitigan bago ibinalik sa lagayan at sinimulang magluto nang ulam. Actually, alas-tres ako nagsimulang maggayat nang panamya. At matapos ang dalawang oras na preparation. Naihanda na ko na ang lahat nang sangkap. Sinimulang painitin ang kawali bago ilagay ang langis. Sinunod ang bawang. Hinalo-halo at nang makitang medyo mapula na ang bawang ay saka inilagay ang sibuyas, sinunod ang manok bago tinakluban. "Sigurado akong masarap 'to kapag natapos ko. Sana naman maperpek ko."Matapos ang ilang minuto, nakikita ko nang mapula na ang manok. Sinunod ko na ang ibang panamya bago ko muling tinakluban. "Yes! Malapit na. Natatakam na akong tikman ang unang putaheng natutunan mo Fara. Siguradong mapapangiti mo na si Sir mo nito. Teka? Bakit ba iyong ngiti niya ang inaaalala ko? Dapat ang alalanin ko e kung
"Kusina ba ito?" tanong nito sabay hakbang palapit sa akin. Kaya napaatras ako dahil nakaramdam ako nang takot kay sir."Pa-pasensya na sir! Hi-hindi ko na po uulitin." Tumalikod ako at akmang aalis na nang muling tawagin ako ni Sir Reyman."Affy!"Napahinto ako at dahan-dahang napatingin sa kanya. Lumapit ito sa akin at nakaramdam na naman ako nang malakas na kaba sa dibdib. Bakit ganoon ba siya makatitig? Nang makalapit ito sa akin ay huminto ito na may isang hakbang ang layo sa akin."Si-sir?" "Bukas lumabas ka nang bahay. Dalhin mo sa laundry ang mga damit ko at doon mo palabhan. Naiintindihan mo ba?" "Po? Ka-kaya ko naman pong maglaba sir, sayang pa—" natigilan ako nang muling magsalita 'to."Ano ang sayang? Iyong ginawa mo sa damit ko? O 'yung magbayad ako nang maliit na halaga para sa maayos na paglalaba?" sarkastikong tanong nito."Po? Ahmm..." napaisip ako sa tanong ni sir."Gawin mo ang utos ko. Okey?" Napatango-tango na lang ako bago muling pumasok sa kuwarto si sir at i
Napanganga naman ako. "Akala ko pa naman sinapian na siya nang mabait na kaluluwa at nag-aalala na siya sa akin. Iyon pala natatakot lang siyang mahawaan ko siya nang sakit. Grabe siya! Naiwwn na akong mag-isa kaya naman inayos ko na ang pinagkainan ni sir at nagsimulang mag-ayos na para dalhin sa Laundry ang mga damit niya. Pagdating sa Laundry."Hello ma'am, magpapa-Laundry po kayo?" "Ah.. Laundry po ito hindi ba? So yes magpapa-Laundry po ako." Napapakamot nang buhok na kinuha nang babae ang dala ko."Teka ma'am, parang kilala ko kung kaninong mga damit ito. Kay Sir Reyman po ba ito? Iyong guwapo nakatira sa kabilang subdivision?" Nakangiting tanong nang babae. Ngumiti ako bago tumango. "Yes. Sa kanya iyan." "Oh my gosh! Kayo po ba ang asawa niya ma'am?" Namula ako sa tanong nang babae. Asawa? Ako? Mukha ba akong asawa ni Sir Reyman."Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya. Namumula na ang mukha ko at siyempre nahihiya na rin."Ang ganda mo po kasi ma'am," anito. Kamuntikan
Ano naman ang ginagawa mo rito? Kumusta? Naback-out na ba iyang bride mo?" tanong ni Reyman."Hahaha. Ako? Hi-hindian nang mga babae? Mukhang bago iyon sa pandinig ko bro, wala pang umayaw sa akin. Bukod sa guwapo ako, magaling pa ako sa lahat nang bagay. Kung sa bilihan lang din naman, 3-in-1 ako bro!" "Talaga? So kailan ang kasal? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang babaeng sinasabi mo." "Alam mo bro, may mga bagay talagang hindi maunawaan. Iyon nga ang problema nila dad at ni tito ngayon. Nag-aalala na sila dahil nawawala si Fara." Natawa si Reyman sa nalaman. "Tinakasan ka? You mean ayaw niyang magpakasal sa 'yo?" nakangiting tanong ni Reyman."Sira ulo ka bro! Hindi pa nga kami nagkikita e. Noong nalaman daw ni Fara na ikakasal siya, tumakas ito para hindi matuloy ang kasal. Ang malas niya bro, kasi hindi niya alam na guwapo at romantiko ang pakakasalan niya. E 'di sana'y hindi niya iisipin na magsisi pa." "Tumakas? Bakit tumakas?" pagtataka tanong ni Reyman.