Share

Chapter 5

 DAHIL sa nangyari, nahirapan na akong makatulog  nang gabing iyon. Para bang, may mga naririnig akong yabag sa labas. Nagtaklob ako nang kumot at ipinikit ko nang mariin ang talukap ng mata ko.

"Diyos ko! Huwag po kayong umalis sa tabi ko. Natatakot ako sa mga naririnig ko!" nanginginig ang boses ko sa pagdadasal.

Mayamaya pa ay nakaramdam ako nang kalabog sa labas. Agad akong napabalikwas nang bangon at nagsumiksik sa tabi ng higaan. 

"Ano iyon?! Huwag mo naman akong takutin oh! Hindi ba't friends tayo? Huhuhu." Mangiyak-ngiyak na ako dahil sa takot.

Sa loob nang kuwarto, pinahid ni Reyman ang pawis na namuo sa kanyang noo. 

"Anong klaseng babae ba siya at talagang sinasabi pa niya sa akin ang nararamdaman niya? Inaakit talaga niya siguro ako, ramdam pala niya na nakatingin ako sa kanyan kagabi, pero ipinagpatuloy pa niya ang paghuhubad. Anong palagay niya sa akin? Aakitin niya ako para perahan? Tsk! Mapagpanggap! Akala mo yata papatulan kita, puwes nagkakamali ka." Kinuha ni Reyman ang kape at tensyon na tensyon na ininom iyon. Halos maubos pa niya ang kape at hindi na naramdaman ang init dahil mas nakaramdam siya ng init sa sinabi ng dalaga sa kanya.

Isa pang iniisip ngayon ni Reyman ay ang trabaho niya sa opisina. Ngayon lang siya hindi nakapasok sa trabaho at dahil iyon sa babaeng burara. Napakasakit nang balakang niya na para bang napasama ang pagkadulas niya sa sahig. Baka madoktor pa siya nito kapag lumala ang sakit na iyon kaya't hanggang maaga pa ay magpapahinga na lang muna siya.

Pagsapit nang tanghali ay sinubukan kong magluto gamit ang rice cooker. Habang binabasa ko ang bigas ay may bigla na lang nagsalita sa likuran ko.

"Alam mo ba kung gaano kamahal ang bigas?"

Sa gulat ko ay kamuntikan nang mapalukso ang puso ko. Mabuti na lang at guwapong mukha ang nakita ko at hindi multo na inaasahan ko.

"Si-sir! A-ano pong kailangan mo?" nauutal kong tanong.

"Wala. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo at titingnan ko kung paano ka ba magsaing. Sinasayang mo ang bigas, hindi iyan napupulot kung saan." 

Umupo ito sa upuan at humarap sa akin. 

Patay. Mukhang bantay sarado ako nang amo ko ah.

Sa kabilang banda. 

Nakaramdam si Reyman nang pagkulo nang tiyan. Puro alak lang kasi ang laman ng tiyan niya kaya naman ngayon ay kumukulo na ito. 

Inaantok na lumabas siya nang kuwarto. Nagtungo siya sa kusina at nagulantang siya sa nakita. 

"Ano 'to?" nakakunot noong tanong niya sa sarili. "Sunog na karne? Sunog na kanin? At... shit! Ano bang pinaggagawa nang babaeng iyon?!" inis na itinapon niya ang pinaglalagyan nang pagkain at akmang susugurin na sana niya si Fara ay bigla naman niyang natungtungan ang basahan na nalimutan ni Fara sa sahig. Kaya't nadulas si Reyman at lumagapak ang kanyang balakang. "Ahhhh! Aray ko!" ani Reyman dahil sa malakas na pagbagsak niya sa sahig. "Hayop ka talagang babae ka!" gigil na gigil na sabi ni Reyman.

Dahil sa ko takot ay nagdasal ako nang nagdasal na lang hanggang sa dalawin na ako nang antok. Kinabukasan sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat kaya naman nagtungo agad ako sa kusina upang humanap nang gamot na puwede kong inumin. Pero nakita kong nakakalat ang basahan sa sahig. At ang mga pagkain na niluto ko kahapon ay naroon sa lababo at basta na lang binarog.

"Hala! Sinong gumawa nito? Napakawalang konsensya, nagpakahirap akong magluto tapos gaganituhin lang?" 

Natigilan ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Ngayon nakita mo na ang kaburaraan mo?!" singhal sa akin ni Reyman.

Sa gulat ko'y bigla akong napaharap sa kanya at nakita ko ang madilim na awra ng mukha nito.

"Si-sir? Kayo ba ang gumawa nito?" tanong ko.

"At sino pa ba sa akala mo? Balak mo bang patayin ako ha? Papakainin mo ako nang sunog na karne?" iritang tanong nito sa akin.

"Po? E bakit po ako buhay pa? Kinain ko naman po iyan kahapon ng tanghali at gabi." 

"What? Pinakakain mo ako nang niluto mo ng tanghali pa? Are you out of your mind? Sinunog mo pa ang karne? Marunong ka bang magluto ha? Look! Ganiyan ba ang kinakain mo sa inyo kaya ganyan din ang ipapakain mo sa akin?" nakaarko ang kilay na tanong nito.

"Po? Hindi po sir, ano po kasi sir e... iyong apoy po kasi napalakas kaya po nasunog," aniya.

"Akala ko ba marunong kang magluto? Pinagloloko mo ba ako ha?!" 

"Hi-hindi po sir, bakit naman po kita lolokihin?" napalumod laway ako dahil sa takot kay Sir Reyman.

"Ano bang alam mo sa pagluluto ha? Saka huwag ka ngang burara! Wala ka sa inyo kaya matuto kang iligpit ang mga ginamit mo at ugaliin mong palaging magsara ng pinto! Hindi mo ba alam na napakaraming gamit na puwedeng mawala rito? Masyado kang kampante!"

"Bakit sir? Nalimutan ko po bang isara ang gate kagabi?" pagtatakang tanong ko.

"Fuck! Gate lang ba ang sinasara ha?!" bulyaw nito sa akin.

"Po? Iyong pintuan sa harapan sir, sa pagkakaalala ko, naisara ko naman, tapos iyong sa likod..." saglit akong nag-isip pero bigla na lang niya akong sinigawan.

"Ano ba ha! Wala ka bang isip? Ano bang natapos mo at parang wala kang kaalam-alam sa mundo?" iritang tanong nito.

Aba? Kung sa pinag-aralan lang naman ang pag-uusapan 'di hamak na mas mataas ang rank ko sa 'yo. Cum Laude kaya ako. Tumatakbo sa isip ko.

"Sir, kailangan ba may natapos ako para magets ko ang isang bagay? Ayusin mo po kasi ang tanong mo," saad ko.

"Fine. Anong pangalan mo?" seryosong tanong nito na nagpatigil sa akin.

Sasabihin ko ba ang pangalan ko? Baka mamaya ay makilala niya ako kapag nalaman niya. Baka mamaya pinahahanap na ako ni dad tapos ituro niya ako.

"A-ahhh... A-affy s-sir, Affy po ang name ko," kinakabahang tugon ko.

Napatitig ito sa akin nang matagal kaya't lalo akong nakaramdam ng kaba. Baka alam niyang nagsisinungaling ako ah. 

"Okey. Affy, puwede bang sa susunod huwag ka nang magluluto kung susunugin mo lang. At puwede bang huwag mong ikakalat ang mga gamit dito? At ano ba iyang suot mo? Wala kabang mas mahabang damit? Hindi ka naman magsusuwimming pero halos labas na iyang singit mo. Inaakit mo ba ako ha?" seryosong tanong nito. Hindi ako nakapagsalita agad, tila may tumatakbong kabayo sa dibdib ko at napakabilis nang pagtibok. Nag-iinit pati ang pisngi ko sa tanong niya. Bakit ko naman siya aakitin? E sadyang kaakit-akit naman ako. Saka ano bang masama sa suot ko? Sando na fitted sa katawan ko at short na maong. Natural lang naman itong pangbahay e.

"Eh... sir... wala naman po akong ibang damit." 

Problema ko ba iyon? Aalis ka sa inyo na walang dalang damit. Ano ka bibisita lang? Tsk!" Inis na tumalikod ito sa akin at lumabas nang kusina. Pero napansin ko na paika-ika itong lumalakad.

"Sir, napaano po kayo?" tanong ko.

"Wala kang pakialaman!" anito na hindi man lang ako tinapunan nang tingin.

"Sungit naman talaga!" aniya na napapailing pa.

 Inayos ko na lang ang mga nakakalat sa kusina. Bago sinubukang magtimpla ng kape na may coffee mate. Simple naman ito kung tutuusin, medyo kinabahan lang ako noong una. Bakit ba napakasungit nang taong iyon? Wala naman akong ginagawa sa kanya pero parang palaging may dalaw. Siguro bakla siya at naiinggit siya sa akin. Dahil kung totoong lalaki siya e 'di sana matagal na siyang nagkandarapa sa akin. Pero bakit nga ba sa laki ng bahay niya wala man lang siyang kasama rito? Imposible naman na wala siyang pamilya. Hindi kaya... hindi kaya may asawa na siya at nasa bakasyon lang ang asawa niya? Pero... wala naman akong nakitang picture ng babae rito. Teka nga muna, hindi ba siya magtatrabaho at hanggang ngayon nakapangbahay pa rin siya ng suot? Hmmm... sandali lang.

Kumuha ako ng tasa at ipinagtimpla ko siya nang kape. Kumuha muna ako ng kutsara bago ko nilasahan iyon.

"Hmmm.... this time, hindi ka na papalpak Fara. Kaya mo 'to!" aniya sabay dampot nang kape at dinala ko na iyon sa kuwarto ni Sir Reyman.

Pagdating sa pinto ay kumatok ako. 

"Pasok!" sigaw nito sa loob.

Pinihit ko naman ang seradura at binuksan ko ang pinto. 

"Hello sir," bati ko.

Nakahiga ito sa kama na para bang may dinadamdam na sakit.

"Anong kailangan mo?"

"Kape sir, ipinagtimpla kita." Nakangiting sabi ko.

"Tsk! Baka sobrang tamis na naman niyan, o baka matabang. 'Di bale na lang, ikaw na ang uminom."

"Ha? Grabe naman sir, nagpagod pa ako para magtimpla tapos hindi mo iinumin? Saka tinikman ko iyan sir, promise tama lang ang lasa," saad ko sa kanya.

Umupo ito sa kama at tinitigan ako. Bago nagsalita.

"Ipatong mo riyan sa table." Utos nito sa akin na agad ko  namang ginawa.

Matapos mailapag sa lamesa ay muli akong humarap sa kanya. " Sir, wala ka bang pasok sa trabaho?" 

"Paano ako makakapasok e masakit ang—" natigilan ito sa pagsasalita at parang ayaw niyang sabihin kung alin ang masakit.

"A-ano iyon sir? Masakit po ang?" 

"Bakit ka ba tanong ng tanong? Bakit, hindi mo ba magagawa ang balak mo kapag nandito ako?" 

"Po? Ano naman po ang gagawin ko na dapat ay wala ka?" balik tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sa 'yo! May kailangan ka pa ba?" iritang tanong nito.

"Sir, itatanong ko lang kung may naramdaman ka bang kakaiba kagabi?" 

Natigilan si Reyman at tila namutla pa sa tanong ko. Kaya't parang kinabahan ako.

"Naramdaman? Anong naramdaman?" ani Reyman na hindi malaman kung ano ang tinutukoy ko. 

Napaisip si Reyman, baka alam niyang sumilip siya kagabi sa pinto.

"Kasi sir, medyo nakakaramdam ako kagabi. Kaya po tinatanong kita kung ikaw rin, hindi po kasi ako makatulog kakaisip, hanggang ngayon nga po nasakit pa ang ulo ko. Sir, baka puwedeng dito na ako matulog mamayang gabi, kasi baka mamayang gabi hindi ko na makayanan."

"No!" bulyaw nito sa akin. "Ano ka ba ha?! Kababae mong tao kung ano-ano ang sinasabi mo! Doon ka na nga sa labas!" iritang sabi nito. Kaya napasunod naman ako at lumabas na sa kanyang kuwarto.

"Ang sungit naman niya. Patay na naman ako nito, mukhang namumutla si sir sa sinabi ko, baka may nararamdaman din siyang multo kagabi at ayaw lang niyang sabihin sa akin. Baka hindi nga ako mamatay sa pagpapakasal sa lalaking hindi ko gusto, sa bahay naman na ito ako mamamatay dahil sa sobrang takot." Namumutlang nagtungo na ako sa kusina upang ipagpatuloy ang ginagawa.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Marivic Mayano
Good story
goodnovel comment avatar
Niño Batulan
maganda nakaka exited,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status