Share

Chapter 4

   "KUMUSTA ang meeting? Nakuha mo ba ang simpatya ng mga board member?" 

Bungad ni Miguel, ang nag-iisang kaibigan niya. 

Nanlaki ang mata ni Reyman at napatayo siyang bigla sa kanyang upuan.

"Bro! Kailan ka pa dumating?" Tumayo si Reyman at sinalubong niya ang kaibigan niyang si Miguel. 

"Hahaha. Kakauwi ko lang noong isang araw bro. Kumusta? Balita ko mag-aasawa ka na?" Natatawang sabi ni Miguel. 

"Hahaha. Kukuha ka lang nang spy iyong pangsinungaling. Wala pa sa isip ko iyan bro. Ikaw? Kumusta? Balita ko marami ka nang nabuntis na babae sa USA ah!" ani Reyman.

"Hahaha. Magaling ang spy mo bro!" anito sabay upo sa sofa at itinaas ang kanyang paa.

"Sira ulo ka talaga. Bakit naman naisipan mong umuwi? Akala ko tuluyan ka nang nalulong sa bisyo mo." 

"Hay naku! Bro, wala na nga sana akong balak umuwi e, pero itong si dad. Pilit na pinauuwi ako, ipapakilala raw ako sa babaeng pakakasalan ko. Nakakatawa pare, uso na pala ang arrange marriage rito sa Pilipinas ha. Akala ko sa Chinese lang ginagawa iyon e!" saad ni Miguel.

"Really? E 'di hindi ka na makakapang-chiks niyan pare?" biro ni Reyman kay Miguel.

"Depende. Depende kung maganda ang babaeng ipapakasal sa akin." Sabay halakhak ni Miguel. 

"Sira ulo! Ano bang napapala mo sa pangchichiks mo bro? Hindi ka naman magkakapera niyan!" saad ni Reyman.

"Ibabalik ko sa 'yo ang tanong bro, anong mapapala mo sa kakabusiness mo? Mamahalin ka ba niyan at mabibigyan ka nang anak?" ani Miguel kay Reyman.

"Sorry bro, wala pa ang tamang babae na paglalaanan ko nang mga pinaghirapan ko."

"Hahaha. Iyan ang gusto ko sa 'yo! Kaya ikaw lang ang kaibigan ko e, dahil sa lahat nang kaibigan ko ikaw lang ang matino. Bakit hindi ka na lang magpari bro? Mas mukhang bagay ka roon kaysa rito." Biro ni Miguel.

"Sira ulo! E kung patayin kaya kita ngayon, tatanggapin pa ba ako sa simbahan?" Sabay na nagtawanan ang magkaibigan.

"Bro, nakakamis iyong mga bata pa tayo. Palagi tayong magkasama. Iyong tatakas tayo para makipaglaro sa ibang bata. Tapos uuwi tayong puro bangas sa mukha," kuwento ni Miguel kay Reyman.

"Hahaha. Oo bro, kasi kapag natatalo tayo hindi tayo pumapayag at hinahamon na lang natin nang suntukan." Sabay tawang muli ni Reyman.

"Tama ka bro, mabuti na lang at mga guwapo tayo. Hindi nabawasan ang gandang lalaki natin, kahit puro pasá tayo sa mukha."

"Sige, purihin mo pa sarili natin bro. Total dadalawa lang naman tayo rito e!" wika ni Reyman kay Miguel.

"Ano pa bang gagawin natin dito? Malamang e 'di magbobolahan. Hahaha. Tara sa labas bro, inom tayo!" 

Natigilan si Reyman. Marami pa kasi siyang trabahong tinatapos. Biglaan naman ang pagdating ni Miguel.

"Hoy! Pare, huwag mong sabihin sa akin na tatanggi ka? Puro ka trabaho kaya wala kang chiks!" 

Tumayo si Miguel at hinatak sa braso si Reyman. Wala naman 'tong nagawa kun'di ang sumunod. Sa isip niya, minsan lang magyaya ang kaibigan niya. At kakauwi lang nito kaya mahirap tanggihan.

Sa paborito nilang bar sila pumunta ni Miguel. Doon sila palagi umiinom noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Sa USA kasi ito nagpatuloy nang pag-aaral kaya naman tuwing bakasyon lang ito umuuwi. Graduate ito nang BSBA sa US kaya naman magaling ito sa business. Siya na rin ang nagmamanage nang kompanya nang kanyang ama kaya naman napakaganda ng buhay nito sa America. 

Kung titingnan ang status nilang dalawa ay lamang talaga si Miguel. Dahil marami itong alam kaysa sa kanya magkasabay lang silang lumaki pero nang tumungtong sila nang college ay nagkahiwalay na sila.

"So sino naman ang malas na babaeng pakakasalan mo bro?" curious na tanong ni Reyman.

"Hahaha. Hindi ko pa siya namemeet bro. Pero mayaman at maganda raw sabi ni dad. Alam mo naman na kapag maganda nanghihina talaga ang tuhod ko e, hahaha."

"Ngayon pa lang ipagdadasal ko na siya bro," ani Reyman.

"Sira ka bro, madali naman akong mainlove sa babae e. Lalo na kapag maganda. Pangalan pa nga lang niya nahihiwagaan na ako e, ano pa kaya sa personal?" 

"Iyan ang sinasabi ko sa 'yo e! Bakit? Ano bang pangalan niya bro?" muling tanong ni Reyman.

"Fara Fabolosa bro," 

Napaisip si Reyman sa pangalan na binanggit nang kanyang kaibigan. "Fara? Medyo pamilyar ang name niya sa akin bro. Hindi ko matandaan kung saan ko narinig ang name niya."

"Huwag mo nang isipin bro, ang isipin mo na lang ay kung kailan ka mag-aasawa. Aabangan ko iyan bro!" Bago itinaas ang bote ng beer. "Cheers!"

Kabanata 3.B

"Basta bro, kapag ikakasal na ako ikaw ang bestman," wika ni Miguel sabay akbay sa balikat ni Reyman.

"Walang problema bro," tugon ni Reyman.

"Kumusta nga pala kayo ni Tito Philip?" tanong ni Miguel.

Natahimik si Reyman sa tanong ni Miguel. Paano ba niya masasagot ang tanong ng kaibigan niya kung ang ama na niyang kinasusuklaman ang kanyang maaalala.

     Maganda ang dating pamumuhay ng pamilya ni Reyman. Ngunit nang tumungtong siya sa Third Year High School ay nawala lahat ang pangarap niya. Nalulong sa bisyo ang daddy niya at lumubog ang business na ikinabubuhay nila. Nahinto si Reyman sa pag-aaral nang isang taon. Kaya naman ngitngit na ngitngit siya sa galit sa kanyang ama. Wala na itong inisip kun'di ang sarili. Puro kayabangan ang alam gawin at hindi man lang isinaalang-alang ang kanyang pamilya. Kasabay noon ay nambabae pa ito kaya naghiwalay ang mommy at daddy niya. Naiwan siyang mag-isa sa malaki nilang bahay. Dahil ang Mommy ay umalis upang magpalipas nang sama ng loob, habang ang daddy naman niya ay patuloy na nagloko at ibinahay pa ang babae niya. Nalaman ni Reyman na nakasangla ang bahay nila at iyon ang ginagamit nang daddy niya upang ipagpatuloy ang bisyo at pambababae. Kaya naman naisipan ni Reyman na magworking student. Dahil madiskarte si Reyman, pinag-aral siya nang naging amo niya habang nagtatrabaho sa isang call center. Kinaya ni Reyman ang lahat hanggang sa makatapos siya nang pag-aaral. Maging ang kolehiyo ay nagawa niyang tapusin. At doon nagsimula ang lahat nang pagbabago sa buhay ni Reyman. Ang bahay nilang nakasangla ay natubos ni Reyman, matapos ang ilang taon nakaipon siya nang pera at naibalik niya ang dating negosyo nang kanyang ama.

Ngayon mag-isa lang siya sa bahay. Dahil simula nang kalimutan nang kanyang ama ang responsibilidad ay kinalimutan na rin niyang may ama siya. Isang araw may kumatok sa bahay niya. Nabungaran niya ang kanyang ama. Kaya parang bumalik ang ala-ala niya sa nakaraan. 

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Reyman sa kanyang ama.

"Anak..." paos at halos nanghihinang saad nang kanyang ama.

"Wala akong amang katulad mo! Lumayas ka! Hindi ba't pinabayaan mo ako? Ang kapal naman nang mukha mo para humarap ka pa sa akin. Lumayas ka!" pagtataboy ni Reyman sa kanyang ama. 

Wala itong nagawa kun'di ang umalis. Hindi man lang nakapagpaliwanag ang kanyang ama. "Ano ba ang ipapaliwanag niya? Malinaw naman na pinabayaan niya ako?" bulong ni Reyman sa kanyang sarili.

Simula noon hindi na niya nakita ang kanyang ama. Wala na rin naman siyang pakialam.

"Hoy bro! Natulala ka na riyan!" bulyaw ni Miguel kay Reyman. 

Ngumiti si Reyman at nagkibit-balikat lang. Ayaw niyang pag-usapan ang kanyang ama dahil para sa kanya. Matagal nang patay ito.

"Bro, uuwi na ako." Paalam niya kay Miguel.

"Ano? Agad-agad? Minsan na nga lang tayong lumabas e!" 

"Marami pa akong tatapusin na trabaho bro, balitaan mo na lang ako kung kailan ang kasal," saad ni Reyman sabay tayo sa upuan at tuluyan nang tumalikod. 

Ang totoo niya ay tatapusin pa niya ang naiwan niyang trabaho. Hindi niya puwedeng ipagpabukas pa iyon dahil mahalaga sa kanya ang araw. Marami pa siyang balak gawin bukas at kailangan niyang matapos ang nakabitin na trabaho niya ngayon.

Bumalik siya nang opisina at muling hinarap ang trabaho.

Pumasok ang kanyang assistant at binigyan siya nang kape.

"Sir, kape po." 

"Salamat." Inabot ang kape at hinigop iyon. Saglit niyang naalala ang katulong niyang babae dahil sa kape. Kumusta na kaya ito sa bahay? Bigla siyang napatayo at agad na kinuha ang gamit niya.

"Sir? Saan po kayo?" tanong nang assistant niya. 

"Uuwi na, baka wala na akong gamit sa bahay e!" 

"Po?" naiwang nag-iisip ang assistant niya. 

Habang nasa byahe si Reyman. Naisip niya na may CCTV naman ang bahay niya. Kung sakaling magnakaw na ang babaeng iniwan niya sa bahay ay ipapahanap naman talaga niya ang mukha nito. Puwede rin na ipa-tv niya ito. Lahat gagawin niya ang lahat para maparusahan ang babaeng iyon kapag may ginawa siyang masama. 

Pagdating sa labas ay agad niyang iginarahe ang sasakyan niya. At agad na pumasok sa loob nang bahay. Pinagmasdan niya ang paligid. Mukhang wala namang nagbago sa bahay niya. Naging malinis pa lalo ang sahig at ang mas naging kapuna-puna ay ang amoy aroma na bumalot sa buong paligid. 

Umakyat siya sa taas at sa hagdan pa lang ay naririnig na niya ang tinig nang isang babae. Kumakanta ito ngunit wala naman sa tono. Napangiwi si Reyman at lumapit sa nakaawang na pinto kung saan naroon ang dalaga. Nakita niyang nakaupo ito sa kama at kasalukuyang nagtutuyo nang buhok. Nakatapis lang ito nang tuwalya kaya napansin niya ang makinis at maputing balikat nito. Nakaramdam si Reyman nang kakaibang init sa katawan lalo na at nakainom siya nang alak. Mas lalo siyang nakaramdam nang kaba ng tumayo na ito, akmang tatanggalin ang nakatapis na tuwalya ay bigla na lang niyang naisipang isara ang pinto. Dali-daling umalis doon at pumasok sa kanyang kuwarto.

"Anong klaseng babae ba siya at hindi man lang niya naisipang magsara ng pinto?" iritang bulong ni Reyman.

Habang sa kabilang banda naman ay nagtaka si Fara dahil sa biglang pagsara nang pinto. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nahintatakutan. Tila may mga kaluluwa na naliligaw lalo na at napakalaki nang bahay ni Reyman.

"Hindi kaya... hindi kaya may nagmumulto rito?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayeth Alvarez
ganda talaga ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status