Share

CHAPTER TWO

Magdamag na hindi umuwi si Damsel at magdamag din akong naghintay ngunit walang dumating na asawa ko.

Maaga akong nag-ayos ng sarili dahil mukang wala naman siyang balak umuwi kaya kaysa magmukmok ako kakahintay sa kanya ay mabuti pang lumabas ako.

Naisip kong bumisita sa bahay namin kung saan ako lumaki at medyo may kalayuan din sa Angeles City, na-mi-miss ko na sina Mama at Papa at ang... kakambal ko.

Sa pagkakataong 'to ayokong maglihim sa kanila ng problema ko dahil alam ko sa sarili ko na kailangan nilang malaman ang kabuang estado ng relasyon namin ng asawa ko dahil sa huli't huli sila lang din ang matatakbuhan ko.

Lulan ako ng sasakyan ko, hindi na ako nag-abalang mag-text o tumawag kay Damsel na aalis ako, hayaan ko lang siyang umuwi at datnan niya ang bahay na wala ako tutal ay kagabi pa ako tumatawag sa kanya pero panay lang ang ring nito at hindi niya sinasagot.

Inis akong napahampas sa manibela at napakagat labi nang maramdaman kong namasa na naman ang mga mata ko dulot nang biglang pag-alpas ng mga luhang hindi ko talaga kayang pigilan sa tuwing naaalala ko ang naging usapan namin kagabi.

Diretso pa rin ako sa pagmamaneho kahit nagkukulabo ang paningin ko dahil sa mga luhang umaalpas, pinalis ko na lang gamit ang kaliwang mga daliri ko at nag-focus na lang ako sa daan.

May dalawang oras din ang biyahe ko nang tuluyan na kong makarating sa bahay ng mga magulang ko, inayos ko muna ang sarili ko at siniguradong walang bakas ng luha sa mukha ko ngunit hindi ko maalis ang pamumugto ng mga mata ko na siguradong mahahalata nila sa oras na makita nila ako.

Bumaba na 'ko ng sasakyan at kaagad akong sinalubong ng mga maids namin at tamlay ko lang silang kinawayan.

"Ma'am Jessa! Naku, hindi niyo sinabing bibisita po kayo!" magiliw na bati sa 'kin ni Yaya Linda na siyang matagal na rito at siya ring nagpalaki sa 'kin.

"Hello, Yaya Linda, nasaan sila? Nandiyan ba?" tanong ko at sunud-sunod itong tumango.

"Nasa loob po at nag-bi-breakfast," sagot nito at iginaya ako sa loob ng bahay at agad kami tumungo sa dinning area.

Naabutan ko silang masayang nag-uusap-usap na may kasamang tawanan at ang unang nakapansin sa 'kin ay si Jessy, ang kakambal ko. Agad na napalis ang ngiti niya at napalitan ng kaseryosohan nang makita ako.

Napalingon na rin sa kinaroroonan ko sina Mama at Papa at gulat na natutop ng aking ina ang kanyang bibig nang makita ako at agad-agad siyang tumayo at sinalubong ako ng isang mahigpit at mainit na yakap, ganu'n din si Papa na masayang nakangiti sa 'kin at siya naman ang yumakap sa 'kin matapos na humiwalay ni Mama.

"Anak! Ang tagal na nung huli mo kaming binisita, we missed you!" masayang sambit ni Mama at hinawakan ang kamay ko.

"Oo nga anak, come here join us let's eat," saad naman ni Papa at iginaya ako sa isang bakanteng silya.

Dumako naman ang atensyon namin ni Mama kay Jessy na tahimik lang na nakatingin sa 'kin at tila nakikiramdam kung dapat ba niya 'kong batiin o salubungin.

"Jessy, bakit nakatingin ka lang sa kakambal mo? Hindi mo man lang ba siya babatiin? May ilang buwan din natin siyang hindi nakita," sita ni Mama kay Jessy at saka lang ito pilit na ngumiti sa 'kin.

Naging cold ito sa 'kin simula nang ako ang piliin ni Damsel na pakasalan at hindi siya at kagaya ko ay malaki rin ang pagkagusto niya sa lalaking ngayon ay asawa ko na. Hindi ko inagaw si Damsel, sadyang ako ang gustong pakasalan ngunit ngayon ay nagsisisi na si Damsel na ako ang pinili niya.

"Oh! I'm sorry for my rudeness! Welcome home sis... " kunwari ay gulat na napukaw siya ngunit halata namang napilitan lang siyang batiin ako at halatang uyam pa rin itong makita ako.

Hanggang ngayon bitter pa rin, napailing na lang ako matapos ng plastik niyang pagbati sa 'kin at naupo na 'ko sa tabi ni Mama at sa katapat ni Jessy.

"So, how's your life with Damsel? Is he still treating you like a queen?" tanong ni Papa na ikinayuko ko at saka tumango.

"Yes Papa, walang problema sa pakikitungo sa 'kin ng asawa ko he's still sweet and caring but we are now facing serious problem in our marriage," sagot ko na wala nang paligoy-ligoy na pag-amin.

Nagkatinginan sina Papa at Mama at sabay silang nagbalik tingin sa 'kin na tila sinusuri nila 'kong dalawa.

"I see, that's why you made a sudden visit and you want to talk about it with us right? Kanina ko pa napapansin nang pagkakita ko pa lang sa 'yo, your eyes look puffy," saad ni Papa at hindi ko na nga napigilan ang sarili mapaiyak na naman dahil sa pag-alpas ng mga luha ko kasabay ng paghikbi at pagtaas-baba ng dalawa kong balikat.

"Oh, dear!" biglang sambit ni Mama dulot ng pagkahabag niya sa 'kin at marahan niya akong hinila para yakapin.

"Tell us, what's the problem hija?" tanong ni Papa na puno ng pagaalala sa boses at pinilit kong ikalma ang sarili ko para maipaliwanag ng maayos ang sitwasyon ko.

"Ma, Pa, gusto ni Damsel na makipag-hiwalay sa 'kin dahil hindi ko siya mabigyan ng anak, and I can't blame him for that, we've been together for three years pero hindi ko magawang magbuntis," sumbong ko.

Mababakas sa kanila ang labis na pagkagulat at sabay-sabay kaming napapitlag nang bigla na lang hampasin ni Papa ang hapag kainan dahilan para magbagsakan sa sahig ang mga baso at kubyertos.

"Arthur! Calm down!" sita ni Mama kay Papa.

"Paano ako kakalma Mellisa, gayong balak hiwalayan ni Damsel ang anak natin dahil lang sa hindi siya mabuntis-buntis?!" nangangalit na bulyaw ni Papa.

Huminga ako ng malalim at mariin akong pumikit, hindi ako naririto para pasamain ang imahe ng asawa ko sa pamilya ko. Narito ako para humingi ng payo kung ano ba ang dapat kong gawin dahil wala na akong maisip na ibang paraan para h'wag ako iwan ng asawa ko.

"Pa, h'wag kayong magpakagalit dahil narito ako para humingi ng payo niyo kung ano ba dapat ang tamang gawin sa sitwasyon ko, I don't want to lose my husband, I love him so much, I'm too desperate to have a baby and get pregnant as soon as possible," saad ko na siyang ikinatahimik nila.

Nagkatinginan muli ang mga magulang ko at si Jessy naman ay halatang hindi rin niya nagustuhan ang ibinalita ko. Kita ko ang gumuhit na pagaalala sa mukha niya.

Hindi ko alam kung tunay bang pagaalala 'yon.

"Ano bang sinabi ng mga specialist doctors na pinag-patingnan niyo?" Sa pagkakataong ito si Mama naman ang nagtanong.

"They found out na walang mali sa 'kin or either kay Damsel, we are both healthy but we still don't know the reason why I can't produce a baby in my womb, kaya hindi kami tumitigil sa pagpapa-second opinion," sagot ko na ikinalamlam ng kanilang mga mukha.

Aware sila na nahihirapan kaming makabuo ngunit nagulat lang sila sa ibinalita ko na balak na 'ko hiwalayan ni Damsel.

Hindi ko na lang binanggit na may anim na buwang palugid na ibinigay si Damsel sa 'kin dahil siguradong agad-agad ay mga magulang ko na mismo ang mag-pa-file ng annulment naming mag-asawa gayong malalaman nilang ganu'n lang pala ang magiging sitwasyon ko sa kamay ng asawa ko ay mas pipiliin na lang nilang paghiwalayin kami kaysa makita nila akong mahirapan.

"Baka naman kasi hindi kayo compatible?" biglang sabat ni Jessy kaya napabaling kami sa gawi niya at naniningkit ang mga mata ko na tiningnan siya.

"Jessy," pananaway ni Papa sa kanya.

"What? Walang mali sa sinabi ko. Alam niyo kasi may ganiyang case ang dalawang uri ng gender, maybe his sperms are not compatible with your egg kaya hindi ka makapag-ovulate," paliwanag nito base sa siyensya.

"Is that even possible?" hindi naniniwalang tanong ko ngunit in-ekis lang nito ang dalawa niyang braso at tiningnan ako.

"There's some studies na may 2% possibilities na nangyayari ang gano'n, like what you have said both of you are healthy right? So, what do you think is the problem here?" sagot niya na ikinayuko ko.

Paano nga kung tama si Jessy? Paano kung hindi nga kami compatible sa isa't isa? Jessy is continuing her study in her medical course, but she's not an ob or a genecologist pero alam kong alam niya ang sinasabi niya.

"Kung sakali mang tama ka, ibig sabihin nga wala na talagang pag-asang magkaroon kami ng anak ni Damsel," saad ko na tila nawalan na bigla ng pag-asa.

"Come on sis! Cheer up! There's still a way, ika nga nila kung gusto ay may paraan kung ayaw ay may dahilan," saad nito kaya napa-angat ulit ako ng tingin sa kanya kasabay ng pagkindat niya sa 'kin.

"A-Anong paraan? May alam ka ba?" tanong ko na puno ng pagaalangan pero desperada na 'kong gawin.

"Hindi ako doctor sa ganiyan Jessa, pero wala bang doctors na nag-suggest na subukan niyo mag-under go ng surrogation process?" sagot niya na ikinabagsak ng balikat ko dahil lahat ng doctors na tumingin sa 'min ay iyun din ang suggestions pero ayaw ni Damsel.

"They already suggested it but Damsel refused, ayaw niya dahil gusto niyang dumaan sa natural process, iyung ako lang talaga ang magdadala sa sinapupunan ko at hindi ang ibang babae," saad ko na ikinairap niya lang.

"Paano nga? Eh, wala ka ngang kakayanang magdala ng anak niya? Sorry to tell you this sis, pero let's face the reality, kung gusto mo na h'wag kang hiwalayan ng asawa mo then convince him harder na mag-under go kayo ng surrogation," saad nito na may giit kaya naikuyom ko ang dalawa kong palad.

Hindi ako nagagalit sa kapatid ko at sa mga sinabi niya, nagagalit ako sa sitwasyon kong kinasasadlakan ko ngayon. Pakiramdam ko ay wala na ako ibang pagpipilian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status