Share

MY TWIN SISTER SURROGATE HERSELF
MY TWIN SISTER SURROGATE HERSELF
Author: Fiercelywrites

CHAPTER ONE

"Kailan mo ba 'ko balak bigyan ng anak, Jessa?" seryosong tanong sa 'kin ng asawa kong si Damsel buhat ng kanyang malalim na boses.

Kasalukuyan itong nakaupo sa ibabaw ng kama habang matamang nakatitig sa 'kin, kapapasok ko lamang ng silid namin nang maabutan ko itong tila kay lalim ng iniisip.

"D-Damsel, you know that I'm trying my best," saad ko sa malumbay kong tinig dahil ito ang paulit-ulit niya sa 'king tinatanong sa tuwing naaaburido siya. Muka ring nakainom na naman ito.

"We have been married for f*cking three years! Do I still have no right to demand a child from you?" tanong nitong muli ngunit sa pagkakataong 'to ay may kalakasan na kaya hindi ko naiwasang hindi mapapitlag.

Ramdam ko ang magkakahalong lungkot, galit at pagkadismaya niya sa tinig ngunit wala na lang akong magawa kundi tanggapin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya dahil ako itong hindi mabuntis-buntis.

"Of course you have the right to demand a child, you are my husband pero... pero anong magagawa ko kung hindi pa napapanahon?" saad ko na ikinadilim ng mukha niya sabay biglang marahas na tumayo at nilapitan ako.

"Hindi pa napapanahon? Sa tagal na nating mag-asawa hindi pa ba 'to napapanahon sa 'yo?! I want a child from you! But I didn't know na wala ka naman palang kakayahan! I should have married your twin sister instead of you!" puno ng panguuyam nitong sigaw na tila isang patalim na bumaon sa dibdib ko.

Automatikong lumipad ang kanang palad ko sa mukha niya na ikinapaling ng ulo niya, kusa na ngang dumaloy ang mga luha mula sa mga mata ko dahil hindi ko nakayanang tanggapin ang masasakit na salitang binitiwan niya.

Tama ba ang narinig ko? He regretted marrying me and he should have married my twin sister instead of me?

"You regretted marrying me?" puno ng pait kong tanong na halos ika-piyok ko ngunit humarap lang siya sa 'kin na tila walang mababakas pagsisisi sa mga sinabi niya.

"You heard me," giit niya na mas lalong naghatid sakit sa kalooban ko.

"W-Why D-Damsel? Why?" lumuluhang tanong ko ulit at saka lang siya nag-iwas ng tingin sa 'kin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang manggas ng suot niyang white t-shirt at marahan siyang niyugyug at nagbabaka sakaling nabibigla lang siya.

"Stop asking me, Jessa. I'm tired of this sh*ts," saad niya na parang hindi ma-process ng utak ko. Anong ibig niyang sabihin pagod na siya?

"Bakit ba parati tayong humahantong sa ganitong usapan? Bakit palagi mo na lang ipinamumuka sa 'kin na ako iyung mayroong deperensya sa 'tin?? Marami nang mga doctor ang tumingin sa 'kin, sa atin pero wala naman silang makitang mali kung bakit hindi pa ako mabuntis-buntis! Pero ikaw, sumusuko ka na agad!" litanya ko na puno ng panunumbat.

Hinawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko at pinakatitigan akong mabuti nang mata sa mata.

"Bibigyan kita ng anim na buwan, kapag hindi mo pa 'ko nabigyan ng anak sa loob ng anim na buwan na 'yon, maghiwalay na tayo, I will file an annulment at maghahanap ako ng iba na p'wedeng magbigay sa 'kin ng hindi mo kayang ibigay," walang hesitasyon nitong kundisyon na ikinapako ko sa sariling kinatatayuan.

Nanghihina akong napabitaw sa manggas niya at pabagsak na napaupo sa malamig na sahig.

"Anim na buwan? Tinaningan mo na ang pagsasama natin bilang mag-asawa nang ganu'n-ganu'n na lang dahil lang hindi kita mabigyan ng anak?" nasasaktan kong tanong sa kanya habang nakatingin sa sahig.

"Ano pang silbi ng pag-aasawa at pagbuo ng sariling pamilya kung walang kakayanan ang isa na bumuo nito? I married you because I want to build my own family with you but tell me, how? You can't even bear a child inside your womb!" saad nito na puno ng pagkauyam na nagsilbi na namang patalim na sumaksak sa 'kin.

"Is that your definition of marriage? You're going to dispose of your wife just because I'm not yet pregnant? You are so cruel Damsel, you are cruel!" puno ng hinanakit kong saad sa kanya at napakagat labi na lang ako upang pigilan ang paghikbi.

"I have nothing to say to you Jessa." Akmang ihahakbang niya na sana ang mga paa niya nang yakapin ko ang kanang binti niya at nagsusumamong tumingala sa kanya.

"Damsel, palalagpasin ko lahat ng masasakit mong sinabi sa 'kin, just tell me na hindi mo pinagsisisihan na ako ang pinakasalan mo, bawiin mo ang sinabi mo kaninang nagsisi ka," saad ko na puno ng pakiusap na ikinalamlam ng mga mata niya.

Yumuko siya at hinawakan ang balikat ko para itayo ako mula sa pagkakayakap ko sa binti niya at hindi ko inaasahan nang bigla niya 'kong niyakap.

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon na nga tuluyang kumawala ang malakas kong hikbi dulot ng malalang pag-iyak.

"We both know that our relationship is just arranged marriage, I chose you between you and your twin sister because you caught my interest and I'm expecting you to get pregnant as soon as possible after we got married, but you failed me, Jessa. We've been together for three years and there's still no sign of that you can carry my child. Hindi ako hihingi ng tawad sa salitang alam kong tama lang na sabihin at dapat mo lang marinig," saad niya sa pagitan ng pagyakap niya sa 'kin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa kabila ng mga katagang binitawan niya ngunit isa lang ang alam ko, mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.

"You love me, right? You chose me because you love me! Both our families arranged our marriage and you agreed to marry me without any hesitations because in the first place, you love me! B-But.. b-but how can you do this to me? Bakit ang dali lang para sa 'yong sabihin na maghiwalay na tayo dahil lang hindi kita mabigyan ng anak? Nasasaktan ako Damsel, ang sakit," emosyonal kong saad kasabay ng malakas na paghikbi na tila nagmumuka na akong desperada ngunit wala na akong pakialam pa.

Huminga siya ng malalim at humiwalay sa 'kin at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at sandaling yumuko at agad din siyang nag-angat ng tingin sa 'kin at tinitigan ang mukha ko.

"Yes, I love you Jessa, hindi tayo tatagal ng ganito kung hindi kita mahal, but this marriage won't work anymore if you can't give me what I wanted at hindi mo dapat ni-la-lang lang ang kagustuhan kong magkaroon ng anak sa 'yo, kaya ako nag-asawa hindi para mag-asawa lang, I want to see my seed growing, gusto kong makita ang pag-usbong ng sarili kong taga-pagmana, and this marriage won't work kung wala akong magiging anak sa 'yo," saad nito na ikinatulala ko na lang.

Naiintindihan ko ang punto niya pero hindi ko pa rin matanggap na maghihiwalay kami dahil lang sa wala pa kaming anak. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin.

"Damsel, please don't leave," pagmamakaawa ko na mas lalong ikinalamlam ng kanyang mga mata at nag-iwas ng tingin.

"Anim na buwan, Jessa. Anim na buwan like what I've said to you and you have to keep your body healthy and we will try harder maka-buo lang tayo, I won't stop hangga't hindi ka nabubuntis, kung kailangang wala tayong puknatan sa kama gagawin natin mabuntis ka lang," saad niya na siyang ikinagalak ng puso ko ngunit sa kabilang banda ay napakasakit sa 'kin dahil anim na buwan lang at sa loob ng mga buwang 'yon kailangan kong magdalang tao.

This is a torture.

Binitiwan niya na 'ko at akmang lalabas na siya ng silid namin ngunit agad ko siyang pinigilan nang hawakan ko siya sa braso.

"Where are you going? Gabi na," wala sa sariling tanong ko habang talikuran kaming nakaharap sa magkabilang dingding ng silid.

"Magpapahangin, mag-iisip-isip. I have to relax and refresh my mind," sagot niya at binawi niya ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.

Mabilis ko niyakap ang malapad niyang likod at isinubsob ang mukha ko rito upang pigilan siyang h'wag umalis sa tabi ko. Pakiramdam ko anumang oras ay iiwan niya 'ko kaya hindi ko siya hahayaang lumabas ng silid namin.

"Don't leave me," pakiusap ko at rinig ko ang pagbuntong hininga niya at saka siya muling humarap sa 'kin.

"Kapag hindi ako lumabas para magpalamig baka kung anu-ano pang mga salitang hindi maganda ang masabi ko na naman sa 'yo," saad niya buhat ng malamig niyang tono.

"Make love to me, let's try this night please? Malay natin baka ngayon o bukas makalawa makabuo na tayo," saad ko upang pagaanin ang paligid ngunit umiling lang siya.

"Not now, Jessa. I'm not in the mood, maybe tomorrow kapag malamig na 'ko at dahil baka kapag sumiping ako sa 'yo ngayon masaktan kita at sa 'yo ko mabuhos ang frustrations ko, and I don't want that to happen," saad niya at tuluyan na nga siyang lumabas ng silid at naiwan akong nakatayo mag-isa.

Nasapo ko ang dibdib kong napaupo sa ibabaw ng malaking kama at muling nagsi-alpasan ang mga luha ko.

Ang sakit na hindi ko maibigay ang dapat na obligasyon ko sa kanya bilang asawa niya ang bigyan siya ng anak ngunit ang mas malala pa ang marinig ko pa sa mismong bibig niya na nagsisisi siyang ako ang pinakasalan niya.

Sana nga lang dala lang ng galit niya kaya niya lang 'yon nasabi at sana nga lang din ay hindi siya mag-anak sa iba dahil lang hindi ko siya mabigyan ng kahit isa. Pero ang mas labis kong ikinakabahala ay ang binigay niya sa 'king palugid na anim na buwan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status