Share

CHAPTER FOUR

"If I ever accept your offer, payag ba sina Mama at Papa?" tanong ko kay Jessy at bumaling sa mga magulang namin na mukang kanina pa rin nag-iisip.

"Ma, Pa, Jessa is asking kung payag daw ba kayo rito sa gagawin ko?" baling ni Jessy sa kanila.

"This is so hard to decide mga anak," sagot ni Papa habang ang kamay ay nasa kanyang mala-bigoteng baba.

"Kung papayag kayo, si Damsel na lang ang problema natin kung paano ba kumbinsihin ang lalaking 'yon," saad ni Jessy habang naka-ekis ang dalawa niyang braso.

"I think malalaki na ang mga anak natin Arthur, alam na nila ang pinapasok nila, kung ito lang ang tanging paraan para matulungan ang anak natin, I'll go with Jessy's plan tutal ay willing naman ang anak mong tulungan ang kapatid niya," pagpayag na ni Mama.

Si Papa na lang ang hinihintay naming magdesisyon para makausap na namin si Damsel tungkol dito.

Mas lamang ang pakiramdam ko na hindi papayag si Damsel sa ideyang 'to pero may parte din sa 'kin na kutob kong papayag siya. Ewan ko ba, pero puro agam-agam lang ang nangingibabaw sa 'kin sa mga oras na 'to.

"Fine, kung ito lang ang tanging paraan para masolusyonan ang problema ni Jessa ay sige payag na 'ko. Ayoko namang makita ang anak ko na umiiyak dahil iniwan ng asawa, mas 'di ko ata kayang maatim," pagpayag na rin ni Papa kaya nagkatinginan kami ni Jessy.

She smiled at me warmly and I smiled back ngunit tipid nga lang dahil hindi pa rin ako sigurado kung tama ba 'tong gagawin ko.

"WHERE IS MY WIFE??" sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malagong at malakas na boses at nagulat ako nang makita ang papalapit na si Damsel, muka itong galit.

Napatayo ako at gulat siyang sinalubong dahil baka magsisisigaw ito nakakahiya kina Mama at Papa, baka ang akala niya ay nilayasan ko na siya.

"Damsel! I just visited my parents, hindi kita nilayasan kaya h'wag ka ngang magalit diyan," pananaway ko sa kanya habang nasa matigas niyang dibdib ang dalawa kong palad.

"Bakit umalis ka ng hindi nagsasabi sa 'kin? Ni hindi ka nagpaalam kung saan ka pupunta!" saad nito na halos pabulyaw.

"Is that how you treat my daughter? You are shouting at her because of your selfishness?" Hindi na napigilan ni Papa ang mamagitan sa 'min.

"Ano naman sa 'yo Damsel kung bumisita ang kapatid ko rito sa bahay? She visited us dahil wala siyang makausap at mapaglabasan ng sama ng loob niya sa 'yo," mataray na sabat din ni Jessy.

Tiningnan ko sila na tila nakikiusap akong intindihin na lang nila ang asawa ko dahil hindi naman talaga siya ganito, he is just frustrated like I do. Kaya madalas nagiging bipolar ito.

"What did you tell them, Jessa?" tanong sa 'kin ng asawa ko sa kalmado niya nang boses ngunit bakas pa rin ang pagka-irita.

"Hijo, come here maupo ka pagusapan natin ang problema niyong mag-asawa, alam namin na mabigat ang pinagdadaaanan niyo and we are here to help," malumanay ang boses na saad ni Mama kay Damsel.

Napabuga na lang ng malakas na hangin ang asawa ko sabay nasapo niya ang kanyang noo habang ang mga mata ay masama pa rin ang tingin sa 'kin.

"Did you tell them our six month agreement?" pabulong na tanong nito na bakas ang galit kaya agad akong umiling.

"N-No! I didn't mention that," sagot kong pabulong din na ikinahinga niya ng maluwag at inayos niya ang suot niyang coat at saka muling binalingan ang mga magulang at kapatid ko.

He stayed in the office overnight? Kagabi ay nakapantulog lang ito ngayon ay naka-suit na.

"I'm sorry for my sudden outburst, nagalit lang po ako dahil wala akong nadatnang asawa sa bahay," hinging paunmanhin niya sa kanila at tumungo sa silya kung saan ako nakaupo kanina.

Sumenyas si Mama kay Jessy na bumalik na sa dati nitong pwesto at kaagad naman itong tumalima at saka lang ako naupo sa tabi ng asawa ko.

Nakailang tikhim si Papa bago siya muling magsalita habang si Mama ay hawak ang kamay niya at si Jessy naman ay itinuon na lang ang atensyon sa pagkain.

"Sana lang hindi mo sinasaktan ang anak ko," biglang sambit ni Papa kaya naalarma ako sa reaksyon ni Damsel ngunit nanatili lang ito sa pormal na ekspresyon.

Hindi niya ako sinasaktan ng pisikal pero emotionally, oo.

"I never raised a hand to your daughter, and I never hurt her like what you think," depensa ni Damsel.

"It's good to hear," tugon ni Papa kasabay ng sunud-sunod niyang pagtango. "I heard that you're planning to file an annulment because my daughter can't be pregnant," wala nang paligoy-ligoy pang dagdag niya.

Kita ko ang pagkabigla ni Damsel ngunit hindi niya lang ipinahalata at bahagya lang siyang napayuko. Dumako ang tingin ko sa kamay niya na ngayon ay nakakuyom na.

"Bakit mo naman hihiwalayan ang anak namin Damsel, dahil lang hindi pa kayo magka-anak? Masakit sa 'ming mga magulang niya itong nalaman namin," saad naman ni Mama na tila nagbabadyang maging emosyonal dulot ng pamumula ng kanyang mata.

"You don't understand Ma," tipid na tugon ni Damsel at nasasaktan akong hindi niya man lang magawang ipaliwanag sa harap ng mga magulang ko ang iniisip niya.

"Pwes, ipaintindi mo sa 'min! The moment Jessa entered our home and she bursted into tears just because you want to get seperated from her dahil hindi pa kayo makabuo, kami ang mas nasasaktan para sa anak namin!" bulyaw ni Papa ngunit hindi ito natinag.

"I understand what you feel right now, pero sana maintindihan niyo rin ako na gusto ko nang magkaanak at makita ang taga-pagmana ko pero hindi naman po 'yon kayang punan ni Jessa, I fulfilled my duties as her husband, I want to build a happy family with her, but let me ask you, how? How can we do that if she can't bear my child?" Nasasaktan katwiran ni Damsel.

Ramdam na ramdam namin ang kagustuhan niyang magbuntis na 'ko pero ayaw talaga eh, kahit anong pilit namin parang araw-araw lang kaming nabibigo.

"So, your option is to get seperated from her and find a woman who can give you a child? You will dispose of her afterwards na para bang walang namagitang pagsasama sa inyo bilang mag-asawa? Ganun ba?" alinsunod na tanong naman ni Mama at hindi na nga napigilan maiyak sa harapang usapan na nangyayari ngayon.

"Hindi ka ata aware na ang pagaasawa ay hindi lang tungkol sa pag-aanak! You chose to marry Jessa so she is your responsibility until your last breath! YOU TWO ARE MARRIED for Pete's sake!!" nangangalit na bulyaw ni Papa.

Hindi na nga nagpaawat ang pag-alpas na naman ng mga luha ko, pare-pareho kaming nasasaktan pati pamilya ko ay damay na rin at siguradong kapag nalaman din ito ng side ni Damsel ay siguradong ganito rin ang magiging reaksyon nila.

"Calm down everybody! H'wag na kayong mag-away-away, obviously mahal na mahal nina Damsel at Jessa ang isa't-isa at anak na lang talaga ang kulang. H'wag niyo pahirapan ang mga sarili niyo kakabato ng mga salitang masasasakit," awat ni Jessy sa namuo nang tensyon.

Sana nga tunay na mahal namin ang isa't isa, mahal man ako ni Damsel sa paningin nila pero kapag kami na lang dalawa, one sided love na lang ang istorya.

Nilukob naman ng katahimikan ang paligid at tanging mabibigat na paghinga lang namin at panaka-nakang paghikbi ang maririnig.

Mariin akong napapikit at humarap kay Damsel, kinuha ko ang kamay niya na hanggang ngayon nakakuyom pa rin.

"Damsel, I have to tell you something. Alam kong malabong mapapayag kita pero ito na lang ang nakikita kong paraan para h'wag mo kong iwan," lumuluhang saad ko sa kanya habang hinahaplos ang kamay niya at kita kong lumuwag ang pagkakakuyom niya sa kanyang kamao.

"Tell me," saad nito sa malamig niyang boses.

"Jessy, my twin sister volunteered to surrogate herself, she's willing to be the surrogate mother of our baby, she offered to help us," saad ko na ikinatigil niya at biglang nagsalubong ang dalawa niyang kilay.

Bumaling siya kay Jessy na seryosong nakikinig sa 'min habang mataman kaming pinapanuod. Nagulat ako nang biglang pagak na tumawa si Damsel kaya nagkatinginan kaming apat.

"I think you are out of you mind," saad ni Damsel at padaskol na tumayo at isa-isa kaming tiningnan.

"Damsel, please! Pilitin mong lawakan ang pagiisip mo, most of the doctors na nakausap natin ito rin ang suggestions nila, hindi natin kaya makabuo in natural way gaya ng gusto nating mangyari, hindi ko naman makakaya makitang mag-anak ka sa ibang babae," pangungumbinsi ko sa kanya na may pagsusumamo.

"Pero sa kapatid mo ayos lang sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Damsel sa 'kin na ikinailing ko. Hindi nito naiintindihan.

"Medyo mangmang ka sa part na 'yan, kaya nga surrogate mother ibig sabihin sperm at egg niyo pa ring mag-asawa ang gagamitin, not mine! Ipapagamit ko lang sa bata ang sinapupunan ko, that's it!" asar namang paliwanag ni Jessy sa asawa ko.

"I know that, woman. What do you think I am? I know what is surrogation is, it's just that it seems awkward na makitang ikaw pa talaga ang magdadala ng anak ko, namin, gayong mukang wala naman sa itsura mong gusto mong magdalang tao," pananalungat ni Damsel dito na may pangungutya.

Kita ko ang pagdidilim ng mukha ni Jessy ngunit hindi niya na lang ipinahalata sabay huminga na lang ng malalim para ikalma ang sarili.

"I'm giving you a practical offer dahil alam ng lahat na hindi ka naman papayag kumuha ng ibang tao para gawin 'to, at ayaw mo sa mga artificial na method pero malaking tulong sa inyo 'to gayong nakikita kong mahal mo ang kapatid ko sadyang desperado ka lang talaga na magkaanak na kaya naiisipan mo siyang hiwalayan, and I'm here to prevent that to happen, ayokong makitang magkahiwalay kayo dahil lang sa ganu'ng rason," saad ni Jessy habang matamang nakikipagsukatan ng tingin sa asawa ko.

Bumaling ako sa gawi ni Damsel na sa tingin ko ngayon ay nagdadalawang isip na, marahil napagtanto niya ang benepisyo na hatid nito sa 'ming dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status